Home / Romance / Sa Palad ng Matipunong Byudo / Kabanata 3: Natukso nga ba?

Share

Kabanata 3: Natukso nga ba?

Author: Spencer
last update Last Updated: 2025-10-30 18:51:26

Bakit ako iiyak?

Bakit pa ako iiyak?

I should have known better.

Dapat pala ay pinag-isipan ko muna ng isang daang beses kung magpapatali ako sa taong yun. Kung sana hindi ako nagpadalos-dalos at nagpadala sa aking emosyon, mas marami sana akong pagpipilian ngayon.

Dalawang gabi na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin mawaglit sa isip ang naging sagot ni Lejandro sa katanungan ko.

'Patawarin mo ako, mahal. Nagawa ko lamang iyon dahil sa labis na pagkasabik ko saiyo gawa ng hindi mo pagpapaunlak sa aking pag-iinit. Sa katunayan, ikaw lamang ang nasa isip at puso ko kahit pa iba ang kasiping ko. Natukso lamang ako dahil sa pamimikot ng babaeng iyon. Hindi ko sinasadya.'

Ni hindi man lamang niya itinanggi bagkos ay nakuha pa niyang isisi sa akin ang pagiging hayok niya sa laman at pangangaliwa.

'Alam mo naman na kahit noon pa man ay maraming mga seksing babae ang ipinipilit ang sarili sa akin, ngunit ikaw ang pinakasalan ko. Patawarin mo lamang ako, misis ko, hindi na ko ulit magpapatukso sa iba. Ikaw lang ang tanging mahal ko.'

Akala ko nung una ay kaya ko siyang patawarin kapag nalaman ko ang panig niya, ngunit mali ako.

Dapat na ba akong matuwa dahil ako ang 'pinili' mo? Sa paningin ata nito ay napakaswerte ko at isang malaking utang na loob na ako ang pinakasalan nito.

Natawa ako ng mapakla.

Kung alam ko lang kung anong klaseng lalake ka talaga nungka akong nagpakasal sayo.

Naalala ko ang litratong ipinadala ni Margo at ang babaeng kasama ng asawa ko kamakailan lang. Kahit saang anggulo ay kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan ng babae.

Malaking hinaharap, manipis na tiyan at malapad na baywang.

Kinagat ko ang aking labi para iwaglit sa isipan ang insekuridad na unti-unting lumalamon saking pagkatao. Mariing naipikit ko ang mga mata.

Sa tono ni Lejandro ay parang wala lamang sa kanya kung mahuli ko man ang pagtataksil niya o hindi.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago dinukot ang telepono na kanina pa tumutunog, senyales na may mga mensahe itong natanggap.

"Gago ka ba talagang hayop ka?"

Hindi ko maiwasang magpakawala ng malulutong na mura matapos kong mabasa ang mga mensahe.

'Isang pagkakamali lamang iyon alam kong mapapatawad mo ko kaya patawarin mo na ko. Hindi naman ako babaling sa iba kung pinagbigyan mo ako, lalaki lamang ako, nagkakamali din, mahal. Hindi ko kayang mawala ka.'

Ang kapal din naman ng apog.

"Isang pagkakamali? At ano ngayon kung lalake ka? Ibig sabihin ba nun may karapatan ka ng mangaliwa?"

Agad kong binuksan ang iba pang mensahe na sana ay hindi ko na ginawa.

'Miss na miss na kita, kumain ka na ba?'

"Baliw ka bang kupal ka?"

Walang mintis pa rin ang pagpapadala ng kung ano-anong matatamis na salita si Lejandro. Para bang madadala ng lahat ng iyon ang pait na idinulot niya sakin.

Kung dati rati ay sumasayaw ang puso ko tuwing natatanggap ko ang mga chat nito ngayon ay puro na lamang pandidiri ang nadarama ko.

Naluluha na lamang ako sa mga oras na sinayang ko sa taong ito.

Ilang taon akong nagpaka Maria Clara para sa kanya. Maski ang pagka-taklesa ng bunganga ko ay pinigil ko sapagkat nahihiya ako sa kanya at sa pamilya niya.

May kaya ang pamilya ni Lejandro at lahat ng kapatid niya ay propesyonal. Samantalang noong magnobyo at nobya pa lamang kami ako pa lamang ang nakakapagtapos ng kolehiyo sa aming pamilya.

Isang hamak na mananahi lamang ang Inay at magsasaka naman ang Itay. Hirap man pagkasyahin ang sahod nila ay sa awa ng Diyos naitaguyod nila kaming magkakapatid.

Bilang panganay at bread winner ng pamilya, naghanap agad ako ng trabaho pagkatungtong ng kolehiyo, para makatulong sa pagpapaaral sa apat ko pang kapatid. Magpahanggang ngayong nakapagtapos na ko ay tuloy-tuloy pa din ang pagsuporta ko sa aking pamilya.

Kaya naman ng magbigay ng proposal si Luis ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha agad ang trabaho. Maayos naman ang naging pag-uusap namin ni Lejandro ukol sa pangingibang bansa ko kaya hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ang bagay na ito.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang siguruhing walang sinuman ang makakakita sa akin.

"Gago ka pala talaga. Bwisit."

Napahagulgol ako ng iyak. Hinayaan ko lamang ang luha kong tumulo hanggang sa naubos ito. Ayoko man ay animo'y pelikulang bumabalik ang mga masasayang pinagsamahan namin kasabay ng sakit ng pagtataksil niya.

Taimtim na pinanood ko lamang ang bawat paghampas ng tubig sa dalampasigan. Sa bawat pag-ihip ng hangin animo'y paunti-unting nababawasan ang bigat sa aking dibdib.

Sa mga oras ding ito ay napagpasyahan kong gumawa ng bagay na ipinangako kong hindi ko pagsisihan magpakailanman.

"Akala mo ikaw lang ang pwedeng magkamali? Kung ganitong klaseng pagsasama pala ang gusto mo, pagbibigyan kita."

I decided to once again to entrust myself to fate. To be cheated again and again by different people, I decided to try it too.

"Maghahanap din ako ng lalakeng mas gwapo, mas matangkad at mas mabango. Ipapakita ko sayong kaya rin kitang ipagpalit kapag ginusto ko."

Anong meron sa pakikipagtalik at animo'y drogang nakakaadik ito sa iba?

Ang sabi nila: hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang mali.

But I want to challenge that.

Sa islang kung tawagi'y 'The land of the Howling Winds' bubuo ako ng mga alaalang dadalhin ko hanggang sa hukay.

"Sa ibang lalake ko ibibigay ang pagkabirhen ko."

Then I will show him how it feels to be treated like a shit by the roadside.

Noon pa man ay napansin ko na kung gaano kataas ang tingin nito sa sarili. Lejandro is a prideful man, and now I know he's also a complete hypocrite.

Inipon ko ang dalawang bote ng alak sa paanan ko at tumayo mula sa malaking bato.

Marahil ay napadami ang nainom kong alak, dumodoble at ang bawat madaanan ng aking paningin.

Maingat na tinawid ko ang kabilang bato ngunit tanging marahas na paghampas ng hangin lamang ang huli kong narinig.

Maybe I shouldn't drink too much atop a big rock by the sea. My sluggish brain fails to wrap around the situation.

Ramdam ko ang patuloy na pagbaba ng aking katawan sa kailaliman ng tubig kahit pa ilang beses akong nagpumilit ikampay ang mga braso ko.

And then I remember: hindi nga pala ako marunong lumangoy.

  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Palad ng Matipunong Byudo   Kabanata 7: Mainit na Tagpuan

    Madilim ang paligid. Ang kaninang mahinang paghampas ng ulan sa bintana ay tuluyang naglaho. Bagkos na sa isang malalim na tulog dinala ako ng aking kamalayan kung saan kami muling nagtagpo ni Selio. Isang malakas na puwersa ang sumapo sa likod ng aking ulo. Ramdam ko ang pananalaytay ng init na nagmumula sa kanyang palad patungo sa aking balat. Sa isang kisapmata, mainit, mapang-angkin at mapusok na halik ang iginawad niya sa aking mga labi. My mind froze. Tanging ang sensasyon na ibinibigay lamang ng lalaki ang tanging laman ng aking isip. "Open up." Namamaos na bulong niya sa pagitan ng aming mga labi. Ramdam ko ang paglapat ng aking likod sa isang matigas bagay. Isang puno. The rough surface pressed against my back. Nakangising kinapa ko ang puno bago ibinaling ang atensyon sa kanya, "Napakapusok mo nama-" Ipinaling ko ang aking ulo at walang pagdadalwang isip na sinipsip ang kanyang manamis-namis na labi. Isang mainit at mamasa-masang sensansyon ang walang pak

  • Sa Palad ng Matipunong Byudo   Kabanata 6: Lagnat

    Napasandal ako sa pinto at wala sa loob na inamoy ko ang damit. Napakabango nito, kapareho ng amoy ng tshirt na suot ko. It smells just like him, subtle, not over powering but soothing. "Tinalo pa yung cologne ko sa sarap singhotin. Ano kayang sabon ang ginamit niya?" Ini-lock ko ang pinto bago magpalit ng damit. Napatampal ako ng noo ng maalalang wala nga pala akong isusuot na bra dahil tanging nipple tape lang ang suot ko kagabi, siguradong nasa dagat na iyon. Napatitig ako sa aking dibdib na tanging manipis lamang na tela ang nakatakip at napabuntong hininga. "At least may panty na ako." Isinuot kong muli ang t-shirt niya para pamatong sa manipis kong damit. Napasulyap ako sa bintana ng silid at naupo sa kama. Unti-unting namumuo ang makapal na ulap sa langit. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Selio at hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. "Sana lumipas lamang ang bagyo." Ngayon pa lang ay parang nagsisisi na ko na hindi ko inalam muna ang lagay ng panahon bago na

  • Sa Palad ng Matipunong Byudo   Kabanata 5: Kakaibang Putahe

    Lumilipad ang diwang, agad akong binuksan ang gripo ng tubig, isinalod ang aking mga palad at ibinuhos ang malamig na likido sa namumula kong mukha. Nalipat ang atensyon ko sa aking suot ng maalalang nahulog nga pala ako sa tubig. Halos umabot ang damit sa aking tuhod sa laki at haba nito. "Siya ba ang nagpalit ng damit ko?" Kinapa ko ang aking pangbaba ngunit wala akong makapa. Bilang adult, naintindihan ko naman ang konsiderasyon niya, basa nga naman iyon pero... kaya pala ramdam ko ang preskong hangin sa ibabang parte ng katawan ko. Pilit kong binura ang hindi kaaya-ayang imahe na pumasok sa kokote ko ng pagka-agaaga. Marahil ay hindi pa lubos na gising ang aking utak o kaya ay hindi pa naalis ang alak sa sistema ko kaya kung ano-anong senaryo na lamang ang lumalabas dito. Animo'y nagpoprotesta ang mga alaga ko sa tiyan sa biglang pagtunog nito ng malakas. "Gutom lang siguro ito." Mabilis na inayos ko ang sarili habang pilit na ipinag sa walang bahala ang nangyari kan

  • Sa Palad ng Matipunong Byudo   Kabanata 4: Alagang Zellorion

    "Achoo!"Hindi ko maiwasang bumahing ng ilang beses dahil sa labis na pangangati ng aking ilong.Bughaw na namimilog na mga mata ang tumambad sa aking pagdilat. Napabalikwas ako ng bangon at napatili dahil sa gulat."Inaaay!"Ni hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa kama kung hindi sumakit ang aking pang-upo.The sudden actions made my head dizzy. Muntik pa akong muntog sa maliit na mesang nasa gilid ng kamay."Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"Agad kong itinuro ang kulay itim na pusa na may bughaw na mga mata. Prenteng-prente itong nakaupo sa kama habang dinidilaan ang kanyang balahibo."May pusa. Pwede bang paki-alis ng pusa?" Paos na pakiusap ko sa bagong dating ng hindi inaalis ang titig sa pusa."Ah, andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Luffy, halika rito."Nang marinig ng pusa ang sinabi ng lalaki ay kusa itong tumalon pababa sa kama at dahan-dahang naglakad palayo sa akin.Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mapako ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki.Ma

  • Sa Palad ng Matipunong Byudo   Kabanata 3: Natukso nga ba?

    Bakit ako iiyak?Bakit pa ako iiyak?I should have known better.Dapat pala ay pinag-isipan ko muna ng isang daang beses kung magpapatali ako sa taong yun. Kung sana hindi ako nagpadalos-dalos at nagpadala sa aking emosyon, mas marami sana akong pagpipilian ngayon.Dalawang gabi na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin mawaglit sa isip ang naging sagot ni Lejandro sa katanungan ko.'Patawarin mo ako, mahal. Nagawa ko lamang iyon dahil sa labis na pagkasabik ko saiyo gawa ng hindi mo pagpapaunlak sa aking pag-iinit. Sa katunayan, ikaw lamang ang nasa isip at puso ko kahit pa iba ang kasiping ko. Natukso lamang ako dahil sa pamimikot ng babaeng iyon. Hindi ko sinasadya.'Ni hindi man lamang niya itinanggi bagkos ay nakuha pa niyang isisi sa akin ang pagiging hayok niya sa laman at pangangaliwa.'Alam mo naman na kahit noon pa man ay maraming mga seksing babae ang ipinipilit ang sarili sa akin, ngunit ikaw ang pinakasalan ko. Patawarin mo lamang ako, misis ko, hindi na ko ulit magpapatukso s

  • Sa Palad ng Matipunong Byudo   Kabanata 2: Xanthiaña Rhosal Ortega

    "Sa may Orion Hotel lang po, Tay.""Dito na lang po, eto po bayad. Salamat."Ng tumigil ang tricycle agad kong inabot ang bayad sa pamasahe kay manong."Magbabakasyon ka ba iha o may pamilya ka sa isla?""Magbabakasyon lang po, Tay.""Ah ganun ba, aba'y welcome sa Catanduanes! Huwag mong kalimutang maglibot-libot tiyak sulit ang pagpunta mo dito.""Balak ko nga po talagang sulitin kasi ngayon pa lamang ako nakatungtong dito."Bumaba ako ng sasakyan at hinila ang maleta ko palabas. Sakto namang pag-ayos ko nito ay iniabot ng isa pang pasahero ni manong ang travelling bag ko na ipinatong sa bubong ng tricycle.Medyo may kabigatan ito kaya't ipinatong ko na lang sa maleta."Selio, paki-tulungan nga itong si Ma'am na buhatin ang mga gamit niya't mukhang mahihirapan siyang iakyat.""Ay naku huwag na po. Ayaw ko pong makaabala at tsaka nakakahiya naman po, kaya ko ho ito magaan lang naman."Dali-daling itinaas ko ang mga kamay upang tumutol."Okay lang."Halos mapaigtad ako sa gulat ng marin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status