LOGINLumilipad ang diwang, agad akong binuksan ang gripo ng tubig, isinalod ang aking mga palad at ibinuhos ang malamig na likido sa namumula kong mukha.
Nalipat ang atensyon ko sa aking suot ng maalalang nahulog nga pala ako sa tubig. Halos umabot ang damit sa aking tuhod sa laki at haba nito. "Siya ba ang nagpalit ng damit ko?" Kinapa ko ang aking pangbaba ngunit wala akong makapa. Bilang adult, naintindihan ko naman ang konsiderasyon niya, basa nga naman iyon pero... kaya pala ramdam ko ang preskong hangin sa ibabang parte ng katawan ko. Pilit kong binura ang hindi kaaya-ayang imahe na pumasok sa kokote ko ng pagka-agaaga. Marahil ay hindi pa lubos na gising ang aking utak o kaya ay hindi pa naalis ang alak sa sistema ko kaya kung ano-anong senaryo na lamang ang lumalabas dito. Animo'y nagpoprotesta ang mga alaga ko sa tiyan sa biglang pagtunog nito ng malakas. "Gutom lang siguro ito." Mabilis na inayos ko ang sarili habang pilit na ipinag sa walang bahala ang nangyari kanina. Nangyari na ang nangyari wala namang ginawang masama ang tao at hindi ko din naman siya inakit- este ginawan ng masama. Inayos ko na din ang kama bago sumunod sa kanya. Hinayaan ko lamang na nakaladlad ang aking buhok para kahit papano ay matakpan ang aking hinaharap. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at sinundan ang tunog na nanggaling sa sulok. Agad kumalam ang aking sikmura ng mahanap ko ang kusina. May mga pagkain ng nakahanda sa mesa. May itlog, longganisa at pritong tilapia na may ginayat na kamatis. Nakahanda na din ang mga kubyertos at inumin. "Maupo ka, saglit na lamang ito." Kinapalan ko na lalo ang aking mukha at umupo gaya ng sabi niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang braso na nagfe flex sa bawat paghalo niya sa kanin. Suot ang simpleng t-shirt, hindi pa rin maitatanggi ang kakisigan ng lalaki. Ilang saglit pa ay isinalin niya sa malaking bowl ang ang ginisang kanin, bago umupo sa aking harap. "Let's eat."anunsyo niya na siyang mabining tinanguan ko kahit pa gutom na gutom na ako. We ate in silence. Konti lang ang kinain ko dahil ayokong mas pumangit pa ang impresyon niya sa akin kung ilalabas ko ang katakawan ko. Pinigilan ko talagang kumain ng madami para sa aking demure na persona. Pagkatapos kumain agad akong nagprisinta para maghugas dahil sobrang kapal naman na ng mukha ko kung siya na nga ang nagluto ay siya pa ang maghuhugas, nakikain na nga lang ako. Gwapo, mabango, matulungin, matipuno at higit sa lahat marunong magluto. Matapos maghugas ng mga pinagkainan at ng mga ginamit sa kusina, binuhusan ko ng kumukulong tubig ang mga ito bago pinunasan at inilagay sa kabinet. Pabalik sa kwarto kanina, napansin ko si Selio na prenteng nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga sa labas. Nagtaas ito ng tingin kung kaya't nagtama ang aming mga mata. Iniwas ko ang tingin dahil sa intensidad niya. Akmang tutungo na sana ako sa hagdan ngunit nagbago ang isip ko at nagpasyang harapin ang lalaki. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang mga mata sa bawat galaw ko, ngunit imbes na mailang ay ipinagkibit balikat ko lamang ito. May kalawakan ang distansya mula sa paanan ng hagdan patungo sa labas, kaya nagkaroon ako ng oras para pagmasdan ang kanyang tambayan. Malawak ang kanyang bakuran, sa gilid may malaking swing na nakatali sa puno ng mangga habang isang mahabang upuan na gawa sa kahoy naman ang inuupuan ng lalaki. May parihabang mesa din sa kanyang harap. Tumayo si Selio at inabot ang isang hinog na mangga. Napaka dilaw nito at namukutok. Nakapatong sa mesa ang isang dyaryo na siyang nagpataas ng aking kilay. May mga tao pa palang nagbabasa ng diyaryo. "Hi. Pwede ka bang istorbohin?" Tumigil ako sa paghakbang tatlong hakbang mula sa kanya. Muli siyang tumingkayad at hinatak ang sanga ng puno tsaka pumitas ng bunga. Inabot niya ang isang hinog na prutas sa akin bago iminuwestra ang mahabang upuan. "Hindi naman ako busy. Gusto mo ba? Matamis ang bunga nito." Tinapik niya ang puno tsaka sumandal dito. Nanindig ang mga balahibo ko sa lalim ng kanyang boses. Masarap sa tainga at halatang hindi pilit. Inipit ko ang buhok sa aking tainga bago ngumiti at umupo. "Hindi ako tatanggi! Salamat nga pala sa pagligtas sa akin at sa pagkain. Mukhang andami ko ng utang na loob sayo." "Wala yon." Sandaling natahimik kami. Animo'y wala itong balak magsalita sa tipid ng kanyang sagot. "Pasensya na din ulit sa abala. Hindi ko alam kung anong kalagayan ko ngayon kung hindi mo ko niligtas. Utang ko sayo ang buhay ko. Kung may magagawa man ako para sayo, sabihin mo lang, at gagawin ko ang kahit ano, basta hindi labag sa loob at batas." I joked, knowing that jokes are half meant. The man raised his brow. "Kahit sino naman ang nasa posisyon ko ay gagawin din iyon." Ngumiti ako kay Selio at puno ng sinseridad na pinuri ito, "No, mabait at matulungin ka lamang talaga." Ngumiti din ang lalaki at hindi na nagsalita pa. Imbes ay praktisadong binalatan niya ang hinog na mangga gamit lamang ang kanyang kamay. I watched as Selio opened his mouth a took a big bite. Agad na tumulo ang katas ng prutas sa kanyang palad. Muling sumagi sa isip ko ang eksenang kathang isip ko lamang. Imahinasyon kung saan ang kanyang mga labi ay nilalamutak ang aking dunggot. Mabilis na iniiwas ko ang aking tingin ng lumipat ang tingin niya sa akin wari'y naramdaman niya ang walang pasintabing pagtitig ko sa kanya. Ni hindi ko namalayan na napatitig na pala ako rito. Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa biglang panunuyo ng lalamunan ko. "Saan nga pala ang daan pabalik sa Orion? Masyado na kasi kitang inaabala't kelangan ko na ding bumalik doon." Saglit nag-isip si Selio at napailing. "Mukhang mahihirapan kang makabalik sa hotel, hindi pinapayagang pumalaot ngayon ang mga sasakyang pandagat dahil sa lakas ng alon dulot ng nagbabadyang bagyo." Nabigla ako sa tinuran niya. "Teka, bat kelangan ng masasakyan eh naglakad lang ako paalis ng hotel?" Taas kilay na tanong ko rito. Seryoso ba ito? Pero wala naman siyang mapapala kung nang gu-goodtime lang ito. Ngunit imbes na tumawa at bawiin ang kanyang sinabi, nagkibit balikat lamang ito ito at itinuro ang malayong isla. "Doon ang Orion. Sa pampang kita nakita kagabi. Kung gusto mo ay dumito ka na muna hanggat hindi pa pwedeng maglayag, pwede ka namang sumabay sa akin at may aasikasuhin din ako doon." Maang na napatingin ako sa isla kung nasaan lahat ng gamit ko. Grabe, kaya pala ang sumasakit ang mga kalamnan ko, buti na lamang ay hindi ako tuluyang lumubog sa ilalim ng dagat at ipinappad lamang sa kabilang isla. "Kung gusto mo naman madaming resort na pwede kong irekomenda sayo." Ng makabawi ay muli akong nagpasalamat dito. Matapos kumalma saka bumalik sa aking isip ang mga damit ko. Nakakailang naman kasing buksan ang paksang kelangan kong malaman. Matapos magbilang ng ilang segundo para ihanda ang sarili ko, binuksan ko ang aking bibig ngunit napahigpit ang paghila ko sa laylayan ng aking damit ng umihip ng malakas na hangin. "Uhm, yong damit ko nga pala..." Sandaling nagkatitigan kami ngunit agad umiwas ang kanyang tingin. Akala ko ay naiilang lang din ito ngunit ngumuso siya at may itinuro sa likod. Ng sundan ko ang kanyang tingin doon ko nakita ang kamisetang suot ko kagabi at ang aking panloob kasama ng iba pang damit ng pakiwari ko ay kanya. Nilabhan niya ang damit ko kasama ang aking panty! Ramdam ko ang biglang pamumula ng aking pisngi. Sa sobrang hiya ni hindi ko na namalayan kung pano ko kinuha ang aking mga tuyong damit at bumalik sa kwarto kung saan ako nagising. Tanging ang namumulang tenga na lamang ni Selio ang naalala ko bago ako nagmamadaling pumasok at pumanhik patungo sa kwarto.Madilim ang paligid. Ang kaninang mahinang paghampas ng ulan sa bintana ay tuluyang naglaho. Bagkos na sa isang malalim na tulog dinala ako ng aking kamalayan kung saan kami muling nagtagpo ni Selio. Isang malakas na puwersa ang sumapo sa likod ng aking ulo. Ramdam ko ang pananalaytay ng init na nagmumula sa kanyang palad patungo sa aking balat. Sa isang kisapmata, mainit, mapang-angkin at mapusok na halik ang iginawad niya sa aking mga labi. My mind froze. Tanging ang sensasyon na ibinibigay lamang ng lalaki ang tanging laman ng aking isip. "Open up." Namamaos na bulong niya sa pagitan ng aming mga labi. Ramdam ko ang paglapat ng aking likod sa isang matigas bagay. Isang puno. The rough surface pressed against my back. Nakangising kinapa ko ang puno bago ibinaling ang atensyon sa kanya, "Napakapusok mo nama-" Ipinaling ko ang aking ulo at walang pagdadalwang isip na sinipsip ang kanyang manamis-namis na labi. Isang mainit at mamasa-masang sensansyon ang walang pak
Napasandal ako sa pinto at wala sa loob na inamoy ko ang damit. Napakabango nito, kapareho ng amoy ng tshirt na suot ko. It smells just like him, subtle, not over powering but soothing. "Tinalo pa yung cologne ko sa sarap singhotin. Ano kayang sabon ang ginamit niya?" Ini-lock ko ang pinto bago magpalit ng damit. Napatampal ako ng noo ng maalalang wala nga pala akong isusuot na bra dahil tanging nipple tape lang ang suot ko kagabi, siguradong nasa dagat na iyon. Napatitig ako sa aking dibdib na tanging manipis lamang na tela ang nakatakip at napabuntong hininga. "At least may panty na ako." Isinuot kong muli ang t-shirt niya para pamatong sa manipis kong damit. Napasulyap ako sa bintana ng silid at naupo sa kama. Unti-unting namumuo ang makapal na ulap sa langit. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Selio at hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. "Sana lumipas lamang ang bagyo." Ngayon pa lang ay parang nagsisisi na ko na hindi ko inalam muna ang lagay ng panahon bago na
Lumilipad ang diwang, agad akong binuksan ang gripo ng tubig, isinalod ang aking mga palad at ibinuhos ang malamig na likido sa namumula kong mukha. Nalipat ang atensyon ko sa aking suot ng maalalang nahulog nga pala ako sa tubig. Halos umabot ang damit sa aking tuhod sa laki at haba nito. "Siya ba ang nagpalit ng damit ko?" Kinapa ko ang aking pangbaba ngunit wala akong makapa. Bilang adult, naintindihan ko naman ang konsiderasyon niya, basa nga naman iyon pero... kaya pala ramdam ko ang preskong hangin sa ibabang parte ng katawan ko. Pilit kong binura ang hindi kaaya-ayang imahe na pumasok sa kokote ko ng pagka-agaaga. Marahil ay hindi pa lubos na gising ang aking utak o kaya ay hindi pa naalis ang alak sa sistema ko kaya kung ano-anong senaryo na lamang ang lumalabas dito. Animo'y nagpoprotesta ang mga alaga ko sa tiyan sa biglang pagtunog nito ng malakas. "Gutom lang siguro ito." Mabilis na inayos ko ang sarili habang pilit na ipinag sa walang bahala ang nangyari kan
"Achoo!"Hindi ko maiwasang bumahing ng ilang beses dahil sa labis na pangangati ng aking ilong.Bughaw na namimilog na mga mata ang tumambad sa aking pagdilat. Napabalikwas ako ng bangon at napatili dahil sa gulat."Inaaay!"Ni hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa kama kung hindi sumakit ang aking pang-upo.The sudden actions made my head dizzy. Muntik pa akong muntog sa maliit na mesang nasa gilid ng kamay."Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"Agad kong itinuro ang kulay itim na pusa na may bughaw na mga mata. Prenteng-prente itong nakaupo sa kama habang dinidilaan ang kanyang balahibo."May pusa. Pwede bang paki-alis ng pusa?" Paos na pakiusap ko sa bagong dating ng hindi inaalis ang titig sa pusa."Ah, andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Luffy, halika rito."Nang marinig ng pusa ang sinabi ng lalaki ay kusa itong tumalon pababa sa kama at dahan-dahang naglakad palayo sa akin.Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mapako ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki.Ma
Bakit ako iiyak?Bakit pa ako iiyak?I should have known better.Dapat pala ay pinag-isipan ko muna ng isang daang beses kung magpapatali ako sa taong yun. Kung sana hindi ako nagpadalos-dalos at nagpadala sa aking emosyon, mas marami sana akong pagpipilian ngayon.Dalawang gabi na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin mawaglit sa isip ang naging sagot ni Lejandro sa katanungan ko.'Patawarin mo ako, mahal. Nagawa ko lamang iyon dahil sa labis na pagkasabik ko saiyo gawa ng hindi mo pagpapaunlak sa aking pag-iinit. Sa katunayan, ikaw lamang ang nasa isip at puso ko kahit pa iba ang kasiping ko. Natukso lamang ako dahil sa pamimikot ng babaeng iyon. Hindi ko sinasadya.'Ni hindi man lamang niya itinanggi bagkos ay nakuha pa niyang isisi sa akin ang pagiging hayok niya sa laman at pangangaliwa.'Alam mo naman na kahit noon pa man ay maraming mga seksing babae ang ipinipilit ang sarili sa akin, ngunit ikaw ang pinakasalan ko. Patawarin mo lamang ako, misis ko, hindi na ko ulit magpapatukso s
"Sa may Orion Hotel lang po, Tay.""Dito na lang po, eto po bayad. Salamat."Ng tumigil ang tricycle agad kong inabot ang bayad sa pamasahe kay manong."Magbabakasyon ka ba iha o may pamilya ka sa isla?""Magbabakasyon lang po, Tay.""Ah ganun ba, aba'y welcome sa Catanduanes! Huwag mong kalimutang maglibot-libot tiyak sulit ang pagpunta mo dito.""Balak ko nga po talagang sulitin kasi ngayon pa lamang ako nakatungtong dito."Bumaba ako ng sasakyan at hinila ang maleta ko palabas. Sakto namang pag-ayos ko nito ay iniabot ng isa pang pasahero ni manong ang travelling bag ko na ipinatong sa bubong ng tricycle.Medyo may kabigatan ito kaya't ipinatong ko na lang sa maleta."Selio, paki-tulungan nga itong si Ma'am na buhatin ang mga gamit niya't mukhang mahihirapan siyang iakyat.""Ay naku huwag na po. Ayaw ko pong makaabala at tsaka nakakahiya naman po, kaya ko ho ito magaan lang naman."Dali-daling itinaas ko ang mga kamay upang tumutol."Okay lang."Halos mapaigtad ako sa gulat ng marin



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



