Share

Chapter 2

Author: Maecel_DC
last update Huling Na-update: 2024-05-12 00:25:12

Kent Axel’s Point Of View.

Wala sa sarili akong pumasok sa opisina sa mismong underground, “Sino ang babae na ‘yon?”

“Y-Yung humalik sa’yo sir?” Tinanguan ko ang lalake na nauutal pa sa kaba, napaghawak niya ang kamay at tumingin sa sahig.

“B-Bawal po kasi sabihin at ang nalalaman lang po namin ay hindi siya kasama sa Sanez Organization,” sobrang hinang sabi ng lalake na kaharap ko, hindi mapirmi ang mga daliri niya sa paglalaro.

“Saang grupo kung ganoon?”

“S-Sa Luna po,” magalang niyang sagot, nanatiling nakayuko.

I sighed, “Alamin mo,” nagsalubong ang kilay ko at tumitig sa kung saan.

“S-Sir b-baka po kasi—”

“Just do what I’ve told you,” mariing sabi ko at tumayo na ngunit inis akong napapikit ng tila maramdaman pa rin ang labi niya sa labi ko.

Hinablot ko ang jacket at nagmamadaling lumabas para makauwi na ako sa bahay.

Kalaunan ay nalaman ko na si Polaris ang babaeng iyon, kabilang siya sa Luna at hindi ko sigurado kung kilala sila ng asawa ng panganay kong kapatid.

Dahil ang Luna ay kilala bilang secret organization, kahit pagkatao nila ay sikreto at itinatago.

“Kent Axel,” napalingon kaagad ako sa tawag ni dad, matipid akong ngumiti nang akbayan niya ako.

“Balita ko inalam mo ang tungkol kay Polaris?” mahinang sabi niya na para bang sikreto ang pinag-uusapan namin.

Tumikhim ako bago sumagot, “She made a grave mistake dad, I can’t forget about it. It’s even bugging me to sleep.”

“Grave mistake?” he curiously asked and gave me a glance, “Did she point a gun on you?”

“No dad, she kissed me after she slapped my damn face.” Napahinto ako nang malakas na tumawa si dad, natakpan pa niya ang bibig upang pigilan ang tawa, kaya naman mas nagsalubong ang kilay ko.

“What’s the grave mistake she did? Kissed you or slapped you?” Pigil tawa niya pang tanong, kung kaya’t bumuntong hininga ako.

“Dad,” nagrereklamo kong tawag sa kanya dahilan para tapikin niya ang likod ko at ngumisi.

“First kiss mo?” Napaawang ang labi ko sa sinabi ni dad, seryoso ba siya?

“Well, I guess that’s a yes. Wala ka naman naging girlfriend,” he chuckled.

“Pero anak, hindi ba siya ang matagal mo ng hinahanap?” tanong ni dad dahilan para pumasok sa isip ko ang kababata na nakilala ko sa training ground noong bata ako.

“H-Hindi sigurado dad kung iisa ba sila, ngunit hindi rin malabo na siya nga ang kababata ko,” bulong na sabi ko at malalim na napaisip.

Ang kababata ko na ‘yon ay ang masasabi kong first love ko, nakakatawa mang isipin ngunit sa gulang ko na nuebe ay nagkaroon na ako ng tinatawag na first love.

Noon man ay hindi na rin nilisan ng nakababata ko na ‘yon ang isip ko, tumira na rin yata siya sa puso ko na kahit pa magkagusto ako sa iba ay hindi ko na siya maiaalis sa pagkatao ko.

“Kent Axel, masyadong malalim ang iniisip mo na kahit magkatabi lang tayo ay hindi mo ako naririnig,” mahina at natatawang sabi ni dad.

“Ah sorry dad,” napapahiyang sabi ko.

“Sige na’t magpahinga ka na rin, huwag mo na masyadong pagtuunan ng pansin pa,” he said and left me standing in front of the sky full of stars with the moon shining a little bit lighter tonight.

After a few months, the classes started normally. I was fixing the necktie I was wearing, it’s part of our uniform when Thursday.

Abala ang isip ko na pumasok sa classroom at derederetsong naupo sa upuan na makita ko, tulala ako at nakatitig sa kakapasok na professor.

Agaran naman siyang dumada sa harapan, ngunit kakaisip ko yata sa Polaris na nakilala ko sa organization ay kahit dumikit na amoy niya sa balat ko ay hindi na nawala at naamoy ko pa rin.

“4th year students!” Nakuha ng prof ang atensyon ng lahat sa malakas nitong sigaw, “Paalalahanan ko lamang kayo na huwag magpakalat kalat sa hallway kapag may klase, ayoko rin na may tayo nang tayo sa klase ko.”

Nilingon ko ang babaeng nakatayo sa gilid ko ngunit halos mailayo ko kaagad ang mukha nang sumalubong sa mukha ko ang dibdib niya at prenteng nakatitig sa kinauupuan ko.

“What about you miss? Ano’t para kang multo na masama ang tingin kay Sandoval?” tanong ng prof sa babae.

Nagtataka kong tiningala ang mukha nito, salubong ang kilay at akala mo ninakawan ng upuan—

“Sir, upuan ko po ang inupuan niya.” Halos maiiwas ko ang mukha sa mabilis niyang turo sa akin habang nakatingin sa prof namin.

‘Lakas ng trip nito ah?’

“Mr. Sandoval, care to find another seat? Her bag is already sitting on your seat.” Napapahiya akong tumayo at lumipat sa kabila, hindi ko napansin dahil abala ako sa pag-iisip.

Inis kong nilingon ang babae sa dating kinauupuan ko, binuklat nito ang libro na para bang may itinuturo na ang guro sa harapan.

“Gusto mo ba ako?” sabi niya dahilan para umawang ang labi ko sa pagkadismaya.

“What? No.”

“Huwag mo ‘ko titigan na para bang kamukha ko yung ex mo,” sabi pa niya. Hindi ako makapaniwalang suminghal at tinanaw na lamang ang guro sa harapan.

Pasimple kong sinusulyapan ang babae dahil tingin ko hindi dahil sa kakaisip ko kay Polaris galing ang amoy at ang pabango na ‘yon.

Parehas na parehas sila ng amoy ng babaeng sumampal at humalik sa akin.

Pero baka marami lang ang gumagamit ng pabango na ‘yon, at baka pati ako ay nahawa na sa kahibangan ng katabi.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sandoval’s Desire   Chapter 240

    I was in the hospital, here in Palawan when Amora started calling me three times in a row. Nag-aalala kong tinawagan muli ang bunsong anak ko na nasa pangangalaga nila Mama Miyu sa city dahil gusto nilang mag-aral sa city. "Mommy.." Nangunot ang noo ko ng umiiyak na naman siya sa kabilang linya, wala bang oras na tatawag siya ng hindi umiiyak? "What's wrong baby? Nag-away na naman kayo ng kuya mo?" Wala pa man siyang sagot ay napatayo na ako ng bumukas ang office ko sa ospital at bumulaga si Kent Axel. "Mommy si kuya po kasi, nakipag-away po.." Umawang ang labi ko sa narinig kaya naman tinanguhan ko si Kent Axel. "Si Arkeb, nasa ospital sa city. Tumawag sa akin sila mom at dad." Nasapo ko ang noo dahil alam kong hindi si Arkeb ang nasa kama, baka yung nakaaway niya jusmiyo naman. "Ang lola niyo nandiyan ba?" Kwestyon ko. "Police station po mommy, p-pinapatawag po kayo ng parents po ng mga pinatulan po ni kuya mommy, sorry po. It's my fault po talaga—" "Okay, okay, we'll

  • Sandoval’s Desire   Chapter 239

    Matapos silang ihatid sa kwarto nila ay nakasalubong ko si Kent Axel half way papunta sa room namin sinisimulan ng alisin ang butones ng polo niya, he loosened up his tie and fix his hair while staring at me. "Love, I'm tired." Kalmadong sabi niya at inakbayan ako habang naglalakad kami papasok sa kwarto. "What do you want for anniversary gift love?" Malambing na tanong niya kung kaya't inalis ko na ang suot na sandals at siya naman ay inalis na din ang sapatos niya. "I want my dream luxury closet love," wika ko dahilan para matigilan siya at titigan ako. "A renovation love?" Paglilinaw niya kaya tumango ako. "H-How about the clothes inside it?" Ngumuso ako, alam kong mahirap ang renovation for sure mahirap talaga 'yon. "Then let's rush it?" "Okay, sure love. Ako na bahala, just tell me your dream closet." Ngumiti ako at tinulungan siyang alisin ang belt niya dahilan para matigilan siya. "Uhm—" "Just helping, no other meaning." Paglilinaw ko at inalis na 'yon tsaka k

  • Sandoval’s Desire   Chapter 238

    Saji Argelia's Point of View.Magkakrus ang braso kong tinititigan si Kent Axel na kaharap ang client niya sa isang restaurant dinner meeting, the girl is wearing a pink maxi dress that doesn't suit the green heels. What kind of fashion is that?Kent Axel doesn't know i'm here watching, this client is giving me off vibe such as it gives me vibe na may balak siyang harutin ang asawa ko. Iritang irita kong tinititigan si Kent Axel na wala namang ginagawa kundi magsalita habang hawak ang folder not until his forehead moved.Nang bigla niyang itaas ang ulo ay halos malunok ko ang dila ng magtama agad ang mata namin and it was too late for me to hide because he smirks. He knew it already, no doubt malakas nga ang pakiramdam niya."Wait for a minute, Ms.Villacorta." Napaayos ako ng upo at mabilis na inabot ang menu at kunyare nakatingin doon dahil nagpaalam siya sa kausap."Mrs.Sandoval, baliktad yung menu na hawak mo." Naramdaman ko kaagad ang pagkapahiya ng nakangisi niyang inayos 'yon. D

  • Sandoval’s Desire   Chapter 237

    Years past.. Salubong na salubong ang kilay ko habang ang anak naming panganay ay napaiyak na naman ang bunso, nilingon ko si Kent Axel na pigil tawa habang hawak ang codal book niya. "Isang tawa pa KA tatamaan ka rin sa akin," banta ko dahilan para sumeryoso ito at kunyare ay nakakatakot. "Arkeb, how many times do I have to tell you huh?" Ngumiwi ang panganay namin na si Arkahel Sebastian at tinitigan ang namumulang ilong ng kapatid niya na humihikbi pa. "I didn't do anything to her mommy, I swear. She's just so clingy," pinagkrus pa ni Arkeb ang braso niya. "Anak, she's your little sister. She loves you kaya ganoon," Kent Axel told Arkeb. "I know daddy, but I didn't do anything." Pinaglalaban pa ng anak kong panganay na wala siyang ginawa, pero tama naman sinabihan niya lang ang kapatid. "Amora Keina," tawag ko rito mas humaba ang nguso nito. "Why does oppa doesn't like me mommy? He don't love me." Nagdabog pa ito using her one foot. "Mas komplikado pa kayong dalawa

  • Sandoval’s Desire   Chapter 236

    Few months ago It's been month since we got married, sobrang tahimik ko ngayon dahil sa tinatamad ako sa lahat ng bagay. Nilingon ko naman ang anak ko na kasama si Kent Axel. "Mommy." Lumapit ito sa akin at humalik mismo sa pisngi ko. "Hi baby, tired?" Tanong ko. "I enjoyed it mommy, I saw daddy played a gun." Nginitian ko siya at inayos ang buhok niya, tatlong taon pa lang siya ngunit ang kapal kapal na ng buhok niya. "Love." Babati sana si Kent Axel ngunit kusa akong tumayo at dumeretso sa kusina ng bahay na mukhang ipinagtaka niya. "Love." Nagtataka niyang tawag. "Hmm?" Tugon ko. "You mad?" He asked sweetly. "Hindi, wala lang akong gana." Mahinahon na sabi ko. "Hmm why?" "Wala, huwag mo akong kausapin." Mahinang sabi ko pa. "Are you pregnant?" Tanong niya bigla dahilan para inis ko siyang lingunin. "Hindi nga—" "You don't want to carry my child?" Sa tanong niya ay naitikom ko ang bibig. "H-Hindi naman sa ganoon." Bigla ay kinabahan ako sa tinig niya. "

  • Sandoval’s Desire   Chapter 235

    [Medyo R-18 pa lang 😂] Pumikit siya at inalalayan ang bewang ko upang hindi ako makalayo kahit na gustuhin ko, he leaned forward to make it easy for me but his kisses became deeper. He gently scratched my back like a cat who stretches, it made me shiver. "L-Love," banggit niya habang hinahalikan ko na ang labi niya, ang palad ko ay lumoob sa shirt niya upang hawakan ang dibdib niya ngunit bumaba ang kamay ko sa tyan niya hanggang sa puson dahilan para humigpit ang kapit niya sa bewang ko. As I felt his hard friend, it made me smirk between our kisses. "Naughty." He whispered as he parted our lips and started planting kiss on my cheeks down to my jaws that made me arched my back. It gives me so much pleasure, so much that I can feel my wetness. But then I was really shocked when he started pushing me to lay my back straight and he sided while he stopped my hands touching his and started pulling my pajamas that revealed my undies. "P-Pagod ka 'di ba—" "I didn't say that." H

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status