Share

CHAPTER 17

Matamang pinagmasdan ni Analyn ang bahay na nasa kanyang harapan. Tatlong palapag na bahay iyon na may napakalawak na bakuran. Halata na bagong renovated ang naturang bahay na sadyang ginawa nang makabago ang disenyo. Pati ang kabuuang pintura ay sadyang ibinagay din sa bago nitong istraktura.

Sa harapan ng entrada ay ang katamtamang laki na fountain. May isang pigura sa gitna niyon na hugis batang babae na kunwa ay may hawak na isang nakatagilid na banga. Mula sa banga nanggagaling ang tubig na bumubuhos patungo na ibabang bahagi nito. Kung may isda man roon ay hindi na niya pinagkaabalahan pang tingnan.

"Let us get inside," narinig niyang sambit ni Romano na sadyang nagpapitlag pa sa kanya.

Nang nilingon niya ang kanyang asawa ay nakita niyang bitbit na nito ang dalawang travelling bag na naglalaman ng ilang damit niya at mga personal na kagamitan. Mas nauna nga siyang bumaba ng kotse nito matapos maiparada iyon sa napakalawak na garahe. Mula sa kanilang bahay ay doon nga siya dinal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eden
naku analyn qag k ng paano jan,..hahaha thanks s update author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status