Pagkatapos maligo ay agad nang lumipat si Analyn sa walk-in closet na nasa loob ng silid ni Romano habang suot lamang ang isang puting roba. Naroon na ang kanyang mga gamit na hanggang sa mga oras na iyon ay nakasilid pa rin sa loob ng dalawang travelling bag na kanyang dala. Hindi niya pa iyon pinagkaabalahang ayusin at hinayaan na munang nakalapag sa isang tabi ng walk-in closet ang dalawa niyang bag.Ayon kay Romano ay ipapagawa nito kay Nana Arsenia ang pag-aayos ng kanyang mga gamit, bagay na hindi na kailangan pang gawin. Kaya niya namang ayusin iyon at hindi na kailangan pang iutos sa iba.Mula sa banyo at paglipat niya sa walk-in closet ay natanawan niya si Romano na nasa may verandah. Abala ito sa pag-aayos ng mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nahihinuha niyang iyon na ang almusal na pinaakyat nito sa silid.Nagbihis muna siya bago nagpasyang lapitan na ang kanyang asawa. Sa kabila ng inis na nadarama dahil sa pang-aasar nito kanina ay hindi rin naman kailangang iwasan niya n
"What do you mean, Romano? Nagkamali ka ba ng bintang sa ama ng asawa mo?" narinig niyang magkasunod na tanong ni Hendrick.Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone. Matapos ngang mag-almusal kasama si Analyn ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan. Naroon siya sa may hardin ng kanyang bahay habang naghihintay sa asawa niya. Nasa taas pa ito at nag-aayos.Katulad ng sinabi niya kay Analyn ay nakatakda silang makipagkita sa kakilala niyang doktor. Nagpa-schedule siya kanina sapagkat nais niya ring masiguro na maayos ang dinadala nito. Hindi lang ng kanyang anak, actually, kung hindi maging ng asawa niya na rin mismo.Habang naghihintay nga sa pag-aayos nito sa sarili ay tinawagan niya muna si Hendrick upang sabihin dito ang mga napuna niya sa kanyang asawa. Wala siyang ibang mapagsabihan kundi ito lamang. Alam din naman nito ang tungkol sa pagnanais niyang mapalapit sa pamilya Aguilar upang makahanap ng ebidensiya laban kay Wilfredo kaya hindi na siya nangingiming sabihin dit
Agad na niyuko ni Josh ang kaliwang kamay ni Analyn. Nakahawak iyon sa strap ng kanyang shoulder bag dahilan para malantad sa paningin nito ang kanyang mga daliri. Partikular na natuon ang mga mata ng dati niyang kasintahan sa kanyang palasingsingan kung saan suot niya ang patunay na may asawa na siya, na kasal na sila ni Romano.Nagdikit nga ang mga kilay ni Josh at mas tumiim pa ang mukha. Nagagalit na ito kanina bago pa man sila lapitan ni Romano, ngunit ngayon ay mas dumoble pa iyon. Kung wala lang sigurong ingay sa paligid nila ay baka narinig na niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito dahil sa galit na nadarama.Naramdaman pa ni Analyn ang tuluyang paglapit ni Romano sa kanyang tabi. Agad siya nitong hinapit sa kanyang baywang saka marahang hinila palapit dito na wari ba ay sadyang inilalayo siya kay Josh."I saw what you were planning to do, Mr. Medina. Ano ang karapatan mong gawin iyon sa asawa ko?" seryosong sabi ni Romano. Hindi nito hinihiwalayan ng tingin ang dati niyang ka
Marahang iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa malawak na dagat na nasa kanyang harapan. Kasabay ng pagkabusog ng kanyang mga mata sa magandang tanawing napagmamasdan ay pinuno niya rin ng sariwang hangin ang kanyang dibdib.Sa mga dumaang problema sa buhay niya nitong nakalipas na mga araw ay ngayon niya lang napagtantong ganoong uri ng pahinga ang kailangan niya. Iyong malayo sa lahat ng bagay na sadyang bumabagabag sa kanyang isipan.Sinubukan niya namang magbakasyon noon upang makalimutan kahit saglit ang mga pinagdadaanan niya. Ngunit sa halip nga na makalimot ay mas lalong nagulo ang dati nang magulo niyang buhay.She met Romano. At sa loob ng maikling panahon ay agad niyang naging asawa ang lalaking nakilala niya sa resort na iyon sa Davao. Sino nga bang mag-aakala na ganoon ang kahihinatnan ng buhay niya?"I'm glad hindi ka mahiluhin sa biyahe, Analyn," narinig niyang sabi ni Romano na agad niyang ikinalingon dito.Mula sa pagmasid sa tubig ng dagat ay agad na napapihit si
Halos mabalot ng labis na pagkailang ang buong sistema ni Analyn nang bigla ay dumating si Romano sa cabin na kinaroroonan niya. Kasalukuyan nga siyang nagbibihis matapos niyang maglinis ng kanyang katawan.Dahil sa biglaan nitong pagbukas ng pinto ay marahas niyang hinablot ang oversized t-shirt na siyang balak niya sanang isuot pantulog para sa gabing iyon. Ang pajama bottom naman ay kasalukuyan pang nakapatong sa ibabaw ng kama.Pagkatapos nga ng pinagsaluhan nilang hapunan ng kanyang asawa ay agad na siya nitong pinayuhan na pumasok sa cabin. Ito na rin ang nagturo kung aling pinto ang papasukan niya.She headed towards it and decided to clean herself and changed her clothes. Si Romano naman ay nagpaalam pa sa kanya na may kailangan munang tawagan, kung sino ay hindi na niya pinangahasan pang itanong. Baka konektado lang kasi sa trabaho nito.Dalawang araw din kasi itong mawawala sa trabaho dahil nga sa iginiit nitong magbakasyon muna sila. Sa ngayon ay kasalukuyan nang nakalayag
Inisang lagok ni Josh ang lamang alak ng kopitang hawak niya. Nang masaid ang inumin ay pabagsak niyang inilapag ang kopita sa ibabaw ng mesa upang sana ay salinan pa. Ngunit bago pa man niya maabot ang bote ng alak ay marahas nang kinuha ni Cristina ang kopitang kanyang pinag-inuman."What the hell, Tin?!" paasik niyang sabi dito.Hawak ang kopita ay naglakad si Cristina patungo sa kabilang panig ng silid. Inilapag nito ang kopita sa bedside table na naroon saka siya hinarap."What do you think you are doing, Josh? I've been calling you several times. Ni isa ay wala kang sinagot. And now, dito lang pala kita matatagpuan, umiinom na para bang wala nang bukas."Josh harshly kicked the chair near him. Napapitlag pa si Cristina dahil sa ginawa niya. Ni hindi niya ito sinagot at naglakad na lamang palapit sa salaming bintana ng silid na kinaroroonan nila.Kasalukuyan ngang nasa unit niya silang dalawa ng dalaga. Hindi niya pa pag-aari ang unit na iyon, actually. He was planning to fully p
Isang malakas na pagtikhim ang ginawa ni Romano upang hamigin ang kanyang sarili. Naibaba niya rin muli sa ibabaw ng mesa ang basong kanyang pinag-inuman saka pinagmasdan sa mukha ang asawa niya."A-Are you okay?" magkadikit ang mga kilay na tanong ni Analyn sa kanya. Nahinto ito sa pagkain at mataman na lamang na nakatitig sa kanya."Yeah. Nasamid lang," aniya kasabay ng disimuladong pagkilos. Kinuha niya pa ang kutsarang nasa kanyang pinggan at nagkunwaring abala sa pagkain. "D-Do you really need to go there?""Yes," mabilis na sagot ni Analyn. Katulad niya ay inabala na nito ang sarili sa pagkaing nasa pinggan nito."What for, Analyn? Ang sabi mo ay ongoing ang imbestigasyon sa nangyari? Bilang ang iyong ama ang suspek... I mean, pinaghihinalaan sa nangyari, I am sure he has a contact with the authorities. At siyempre sa abogado niyo.""Isang public attorney lang ang tumutulong sa ama ko, Romano. At sa yaman ng pamilyang nagmamay-ari ng kompanyang dati niyang pinapasukan, sa tingin
"What did you say?! Are you joking me, Analyn?" eksaheradang bulalas ni Karen sa kanya. Halos mapataas pa ang tinig nito dahilan para mapalingon sa kanila ang ilang taong nasa loob din ng coffee shop na kinaroroonan nilang dalawa."Hey! Hinaan mo nga ang boses mo," pananaway niya dito. "Napapalingon ang mga tao sa atin, Karen. Kumalma ka nga.""Kumalma? Analyn, paano ako kakalma matapos ng ibinalita mo sa akin? Para ka namang may bombang pinasabog sa aking harapan, 'day."Sa kabila ng tensiyong nadarama ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa naging reaksiyon ng kaibigan niya matapos niyang sabihin dito ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na araw. Karen was always like that. Sadyang madaldal talaga ito.Hindi niya nga mapigilang makadama ng tensiyon kanina sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Karen oras na sabihin niya dito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Romano.Tinawagan niya nga ito at nakipagkita. Aaminin niyang nababagot siya sa bahay ni Rom