Share

CHAPTER 19

Pagkatapos maligo ay agad nang lumipat si Analyn sa walk-in closet na nasa loob ng silid ni Romano habang suot lamang ang isang puting roba. Naroon na ang kanyang mga gamit na hanggang sa mga oras na iyon ay nakasilid pa rin sa loob ng dalawang travelling bag na kanyang dala. Hindi niya pa iyon pinagkaabalahang ayusin at hinayaan na munang nakalapag sa isang tabi ng walk-in closet ang dalawa niyang bag.

Ayon kay Romano ay ipapagawa nito kay Nana Arsenia ang pag-aayos ng kanyang mga gamit, bagay na hindi na kailangan pang gawin. Kaya niya namang ayusin iyon at hindi na kailangan pang iutos sa iba.

Mula sa banyo at paglipat niya sa walk-in closet ay natanawan niya si Romano na nasa may verandah. Abala ito sa pag-aayos ng mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nahihinuha niyang iyon na ang almusal na pinaakyat nito sa silid.

Nagbihis muna siya bago nagpasyang lapitan na ang kanyang asawa. Sa kabila ng inis na nadarama dahil sa pang-aasar nito kanina ay hindi rin naman kailangang iwasan niya n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eden
tama lng yan n ikaw ang mag manage ipamukha s josh n un kung bat k nya pinakawalan.hehe tnx author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status