Share

CHAPTER 28

last update Last Updated: 2025-05-19 21:18:05

“Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.

Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.

“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.

Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.

“Hendr
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
wawa nmn c Laica...pero yung panganib nag aabang na din sayo dhil alam muh na ang pakay ni Valentino
goodnovel comment avatar
EDEN
bat hnd echeck kung may cctv
goodnovel comment avatar
Victoria Suganob
hay patay na, mukhang ginawa na ang ND dapat Para mapadama c Laica sa ppamilya ni Hendrick.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 48

    “Hindi ko pa rin maintindihan, Ate. Kahit tawag o kaya sulat na nagsasabing buhay siya ay hindi niya man lang nagawa? Sa loob ng seventeen years, hindi niya man lang ba naisip iyon?” sunod-sunod na mga tanong ni Luke. Bakas pa sa mukha nito hindi maitagong hinanakit para sa kanilang ama.Laica heaved out a sigh as she looked at her brother. Magkaharap silang nakaupo sa dining table ng mga ito. Ang Tita Beth naman nila ay inaayos sa ibabaw ng mesa ang mga pagkaing iniluto nito kanina. Maya’t maya pa nga ang palitan nila ng tingin ng kanilang tiyahin habang naglalabas ng sama ng loob si Luke, bagay na hinahayaan lang nilang gawin nito.It was already lunch time. Kanina pa siyang alas-nueve ng umaga sa bahay ng dalawa. Matapos ng nangyari kahapon ay hindi siya mapapanatag hangga’t hindi niya nakakausap si Luke. Kaya naman, bago pa umalis si Hendrick para pumasok sa trabaho nito ay nagpaabiso na siyang aalis para dalawin ang tiyahin niya’t kapatid. Nagpresinta pa sana ito na ihatid siya n

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 47

    Agad na napalingon si Laica kay Hendrick nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa kanyang kamay. Isang ngiti rin ang nakahanda sa mga labi nito para sa kanya bago nagsalita. “Relax, everything will be okay,” marahan nitong saad sabay pisil sa kanyang kamay.Hindi siya sumagot dito at sa halip ay tipid na lamang na ngumiti. Umayos na siya sa pagkakaupo at itinuon na ang kanyang mga mata sa entrada ng restaurant na kinaroroonan nilang mag-asawa--- ang restaurant na pag-aari ng kanyang amang si Emil.Hindi maitatanggi ni Laica ang kabang nasa kanyang dibdib. Kanina pa sila naroon ni Hendrick at hinihintay ang pagdating ng kanyang kapatid na si Luke at ng kanilang Tita Beth. Nakapuwesto sila malapit lamang sa may entrada ng restaurant para madali lang silang makita ng dalawa.It has been three days since her father went to Hendrick’s condo unit. Humiling ito na makita rin ang kapatid niya, bagay na nahirapan pa siyang pagdesisyunan. Nakadarama siya ng hinanakit para sa kanilang

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 46

    Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica habang nakatitig siya sa lalaking kanyang kaharap. Napahigpit pa nga ang hawak niya sa doorknob ng pinto at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon pagkakita rito. Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na sasadyain siya nito roon sa condo unit ni Hendrick.“A-Ano... ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa walang emosyong tinig.“Can we talk, Laica?” malumanay nitong wika sa kanya--- ang kanyang ama, si Emil na mas kilala ng iba ngayon bilang si Benjamin.Ilang saglit siyang hindi tuminag sa kanyang kinatatayuan at mataman lamang na napatiitg sa mukha nito. Pilit niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Gusto niyang hanapin sa kanyang dibdib ang nangungulilang emosyong dapat ay maramdaman niya para rito. All these years, that was what she was feeling for her parents. She was longing for both of them and was wishing to see them again.Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makapa sa kanyang sarili ngayon ang damdaming iyon na namahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 45

    “I still can’t believe it. Talagang anak ni Benjamin si Laica? What a small world, indeed,” hindi makapaniwalang saad ni Teresa sa kanila. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa na nasa loob ng study room ng kanyang Lolo Benedicto.Hendrick heaved out a deep sigh after hearing what his mother said. Kausap niya ang kanyang ina, kasama ang kanyang ama at abuelo. Kasalukuyan nga siyang nasa bahay ng matandang Montañez at sa totoo lang ay siya ang humiling na magkaharap-harap silang apat. Iyon ang dahilan kung bakit naroon din ang mga magulang niya sa bahay ng kanyang lolo.Nasa loob sila ng study room ni Benedicto. Nakaupo sa swivel chair ang matandang lalaki. Ang kanyang ina ay nakapuwesto nga sa pang-isahang sofa habang magkatabi naman silang mag-ama sa mahabang sofa. Kanina pa sila nag-uusap-usap at hindi pa nga maiwasang maging paksa nila ang tungkol kina Laica at Benjamin.“Sa tagal naming magkakilala ni Benjamin, ni minsan ay hindi niya man lang nabanggit sa akin na may nauna siyang pami

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 44

    Agad na naimulat ni Laica ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Hendrick sa kanyang kanang pisngi. They were still lying on the bed and both naked after the lovemaking that they did on that bedroom. Hindi niya pa nga napigilang makadama ng hiya, higit para sa kanyang sarili, sa tuwing maiisip ang nangyari kanina.Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng bahay na pinagdalhan nito sa kanya at sa muli ay hindi napigilan ni Laica ang humanga. Kabuuang anim na silid ang nasa ikalawang palapag, maliban pa sa entertainment area at malawak na teresa kung saan kita ang buong bakuran ng naturang bahay.Hendrick guided her to the master’s room that according to him, would be their room. Katulad sa ibaba ay may mga gamit na rin sa itaas. Sa kanilang silid ay may king size bed na tanging puting bedsheet pa lamang ang nakalatag. May walk-in closet din na nang pasukin niya ay halos magpamangha sa kanya. Malawak kasi iyon na pakiramdam niya ay kasinglaki na ng dating bahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 43

    “Sa susunod naming laro, baka puwede kang manood, Ate, para naman makita mo kung gaano kagaling maglaro ng basketball itong kapatid mo,” pabirong saad ni Luke kay Laica habang abala sa pagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay ng mga ito.Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ng kanyang kapatid. “Napakayabang mo talaga,” ganting biro niya.“Yabang?” anito at saglit pa siyang nilingon bago muling itinuon ang mga mata sa mga halaman. “Hindi iyon pagyayabang, Ate.”She chuckled as she was intently looking at him. Hapon na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nasa bahay na tinitirhan nina Luke at ng kanilang Tita Beth. Doon na siya nananghalian at naghihintay na lamang na sunduin siya ni Hendrick. Ayon sa kanyang asawa ay maaga itong aalis sa trabaho dahil may pupuntahan silang dalawa. Kung saan man iyon ay hindi niya pa rin mahulaan.Ang mga nagdaang oras ay inilaan niya sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid at tiyahin nila. Tamang-tama at walang pasok sina Luke sa araw na iyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status