Ashley
“A
shley!” bati sa akin ni Sherry.
She was my officemate and a friend. Pareho kaming coordinator, magkaiba nga lang ng team.
“Oh, hi, Sherry,” matamlay kong bati.
“Long time no talk. `Buti na lang nagkasabay tayo dito sa elevator. Sabay na rin tayong mag-lunch para naman magkachikahan tayo nang konti. Bigla kang hindi pumasok nang ilang araw mula no’ng dalawin ka ng fafa mo!” tuloy-tuloy at walang prenong sabi ng luka-luka.
What did I expect? Sadyang madaldal si Sherry. Kaya nga gusto ko siyang kasama, eh. Nagiging lively ako kapag siya ang kasama ko. Sayang at nagkahiwalay kami ng team. Ginawan kasi siya ng boss namin ng sariling team. Nasa group ko siya dati at magkasama kami sa projects.
“Oo nga, eh. Nakakalagnat `yong dala niyang balita sa akin last time,” malamyang sagot ko.
Sabay kaming lumabas ng elevator pagkababa sa ground floor.
“Mukhang mahaba-habang kuwentuhan `yan, ah.” Hinala niya ako sa braso. “Do’n tayo sa mas malapit na resto at baka kulang ang isang oras na break time bago mo maikuwento nang buo.”
Nagpahila ako kay Sherry sa kung saan. Siya na rin ang um-order para sa akin dahil wala ako sa mood na pumili ng kakainin.
“Gaga ka pala talaga, eh! Nagpaulan ka at nilagnat dahil lang na-heartbroken?” ani Sherry na na-disappoint pagkatapos kong ikuwento kung bakit ako absent nang ilang araw. “Akala mo ba kapag inapoy ka ng lagnat, mapipigilan n’on ang planong pagpapakasal ni Gem?”
“Sshh! Oo na! Gaga nga ako. Hindi ko naman gustong lagnatin. Nawala lang talaga ako sa sarili at na-shock kaya naglakad na lang ako sa ulanan. Feeling ko talaga, lumilipad sa kalawakan ang utak ko no’ng gabing `yon.”
“Bakit kasi hindi mo nalaman na magjowa na pala `yong dalawa? Ano `yon, secret on sila?”
“Malay ko,” I sighed. “Matagal din kasi kaming hindi nagkakuwentuhan ni Gem. Pareho kaming naging busy.”
“Hay, naku… `yang trabaho talaga, panira sa love life!”
“Eh, wala namang love life na sisirain. We’re just friends. I’m just a friend! Lintek na buhay `to. Para sa kanya talaga, pang-friend lang ako. Hindi puwedeng jowain!” Padabog na sumimsim ako sa blue lemonade ko.
Ngumisi si Sherry at nginitian ako nang mapanghamon. “And do you really want to stay just his friend? Forever?”
Umigkas ang kilay ko. “Ano ba’ng magagawa ko, eh, hindi niya nga ako kayang mahalin? Paulit-ulit, alam mo na ngang masakit?”
“Bruha! Hindi ka kasi gumagawa ng paraan para makita ka niya bilang isang babae. Gaga ka kasi. Kaya mo, pero ayaw mo.”
“Huh? What do you mean?”
“Magbago ka rin kasi minsan ng style. Tama na `yang pagiging mabait mo. Maging aggressive ka naman. Baka iyon ang gusto ni Gem—mga galawang Cindy. Nalaman lang na magiging heir ng Zenith ang second son ng mga Araneta, biglang lumandi na kay Gem. Eh, `di ba dati nire-reject niya lang si Gem?”
D-in-ismiss ko ang hinala ni Sherry. Mayaman din naman si Cindy. Sikat pa. So, paanong magiging pera ang dahilan?
“Iba raw kapag maganda, habulin,” sabi ko na lang.
“At sa akala mo ba, hindi ka maganda? Gaga kang talaga kung hindi mo pa alam ang bagay na `yan. Puro retoke `yang si Cindy kaya mukhang diyosa. Eh, ikaw, natural na natural ang pagkadiyosa.”
“Baka bottled beauty ang gusto ni Gem.”
Nag-high-five kami at nagtawanan sa sarili naming kalokohan.
Mayamaya ay sumeryoso si Sherry. “Pero hindi nga, Ashley. Bakit hindi mo subukang maging aggressive minsan?”
“Aggressive? `Yong tipong kapag nakita ko siya, susunggaban ko agad ng halik? Baka naman matakot si Gem sa akin niyan.”
“Puwede rin naman `yon,” sabi pa niya.
“Ewan ko sa `yo!” Muli akong sumimsim ng lemonade.
“Kaya lang, may mas maganda akong naiisip.”
Gusto kong mapailing. Alam kong ang susunod na maririnig ko mula sa kanya ay something na hindi akma sa pananaw ko sa buhay.
“What if you bed him?”
Lumabas yata sa ilong ko ang lemonade na iniinom. “What?!” napaubong sambit ko.
Inabutan niya ako ng table napkin. “Stop acting like that, Ashley. Hindi mo naman totally gagalawin si Gem.”
“‘Gagalawin’ talaga ang term, girl? Parang ang manyak ko, ah,” reklamo ko.
“Tumigil ka muna, girl, at pakinggan mo ako. Matutulog lang kayong magkatabi. Painumin mo ng pampatulog. Hubaran mo at maghubad ka rin, `tapos saka ka tumabi sa kanya. Paggising niya—presto creams! Gets mo?” Ngumiti siya nang nakakaloko.
“Pipikutin ko siya?!”
“Hindi, gaga! Ipapakita mo lang sa kanya kung ano ang pakiramdam kung ikaw ang makikita niya sa umaga paggising niya. Malay mo, baka makapag-isip `yon nang maayos at ma-realize na gusto pala niyang ikaw ang nabubungaran niya paggising. Eh, di end na ng wedding preparation nila ni Cindy! Devaaah?”
Hindi ko alam kung matatawa ako o mayayamot kay Sherry. Kung maka-advise, parang ang dali ng ipinapagawa. At hindi magugustuhan ni Gem na magising na magkatabi kami. Magugulantang iyon.
“No, I can’t do that, Sherry.” Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
“Ewan ko sa `yo. Ikaw na nga `tong tinutulungan. Bahala kang mabulok `yang ganda mo. Hindi mo matitikman ang paraiso!”
Pinagtawanan ko lang siya.
“Halika na nga. Tapos na ang break natin. I can’t believe na inaksaya ko ang oras ko sa pag-a-advise sa `yo, eh, hindi mo rin naman pala iko-consider na gaga ka!” Pabiro niya akong inirapan.
“Sherry, you know me naman.”
“Yeah! I know you too well. And I know na tatanda kang dalaga kapag hinayaan mong mapunta sa gold-digger ang iyong sinisinta!”
“Halika na nga. High-blood ka na naman.”
Inamo-amo ko na lang si Sherry habang pabalik sa office building. Nauwi na sa ibang topic ang usapan namin at mukhang nakalimutan na rin niya ang crazy ideas niya na balak niyang ipagpilitang ipasok sa utak ko.
“Hi, girls!”
Papasakay kami sa elevator nang batiin kami ni Art. Sumabay rin siya sa amin sa pagpasok sa elevator.
Siniko ako ni Sherry, binibigyan ng senyales. I rolled my eyes. Heto na naman kami. Since my first day at work, napansin ko na ang pagiging sobrang inquisitive ni Art.
I didn’t know if it was just me, pero madalas akong tanungin ni Art ng kung ano-anong walang kakuwenta-kuwentang bagay basta may pagkakataon siya. Our officemates had once told me that Art was interested in me. He was hitting on me, pero dahil sa iisang lalaki lang naka-focus ang atensiyon ko ay wala akong pakialam.
“Sabay pala kayong nag-lunch, hindi n’yo ako isinama,” pangiti-ngiting sabi ni Art na talagang sa tabi ko pa pumuwesto.
“By accident lang naman. Nagkasabay lang kami pagbaba,” sabi ni Sherry.
Hindi ako kumibo. Bahala silang mag-usap.
“Kumusta naman ang lunch n’yo, Ash? Saan kayo kumain?”
At dahil hindi naman ako bastos ay sumagot ako. “Diyan lang sa malapit.”
Ngumiti siya, labas ang dimples sa magkabilang pisngi. He was quite a looker. Marami sa officemates namin ang alam kong pasimpleng nagpapapansin sa kanya. Pero wala talaga siyang dating sa akin.
“Kumusta ka naman pala? Ilang araw kang absent.”
“I’m fine.” Nginitian ko siya.
Ganoon lang kami. Magtatanong siya, sasagot ako. Kung tunay man ang observation ng officemates namin, then mas mabuting maglagay ako ng distansiya sa pagitan namin. Mahirap nang ma-misinterpret kung maging mabait at accommodating ako sa kanya.
“Ikaw naman kasi, hindi ka nagpasabi. May background ako sa pagiging nurse, naalagaan sana kita.”
“Yown! Bumabanat na siya,” hirit ni Sherry.
“Ayos ba?” pagsakay ni Art.
“Oo naman, ayos na ayos. Galingan mo pa at baka mapapakilig mo na ang puso nitong si Ashley.”
Siniko ko si Sherry. “Ano ka ba?”
“O, bakit? Ano’ng masama sa sinabi ko?” painosente niyang tanong.
`Langyang babae ito! Ibubugaw pa yata ako. Alam naman niya kung sino ang gusto ko.’
“Ay! Hala! Naiwan ko pala `yong planner ko sa resto. Babalik ako, teka. Mauna na kayo,” tarantang sabi ni Sherry.
Pinandilatan ko siya. I knew her. Baka isa lang ito sa mga paraan niya para kami lang ni Art ang magkasamang bumalik sa office.
“What? Totoo nga, girl. Naiwan ko nga sa resto ang planner ko. Nando’n `yong details ng iba ko pang projects.”
Kung hindi lang natataranta si Sherry ay hindi ko siya papayagang iwan kami ni Art sa elevator. Bumaba siya sa kasunod na floor at nag-decide na bumalik sa resto. At iyon nga, naiwan kaming dalawa ni Art sa elevator. Magkasabay kaming bumalik sa office na nagkukuwentuhan.
Masarap naman siyang kausap. Mahilig magbiro. Maganda rin ang boses. Dinadaan niya sa kanta at biro ang mga pasaring. Napapailing na lang ako na natatawa habang papasok kami sa office.
AshleyParang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Ashley Tinanghali ako ng gising mula sa halos magdamag na pag-iyak. Akala ko, kapag pinaalis ko si Gem ay tapos na ang lahat at hindi na ako masasaktan. Pero mas masakit pala ang isiping hindi ko na siya makikita pang muli. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Itinaboy ko siya, pero ako naman ang nasaktan sa ginawa ko.Nagsusuklay ako ng buhok nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo ako papunta sa banyong malapit sa kusina. Nagkandaduwal ako sa toilet bowl habang nakasalampak sa sahig. Ganito na lang ako tuwing umaga; masusuka maski wala pang laman ang tiyan. Pulos laway lang naman ang inilalabas ko.Naramdaman ko na may humawi sa mahaba kong buhok at itinaas iyon, kasunod ang magaang paghagod sa likod ko hanggang sa tumigil ako sa pagduwal. May nagpunas ng tissue sa bibig ko at nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon.“Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng nagpapasok sa `yo?”Hindi ako sinagot ni Gem. Sa halip, kinarga niya ako at dinala sa couch sa sala. Nagpunta uli
AshleyI made him mad again. Pero bakit ba siya nagagalit? Ano ang solusyon niya kung hindi annulment? Plano ba niyang manatili kaming kasal habang nagbabahay-bahayan sila ni Cindy? Was that the punishment he wanted to give me?No! I couldn’t take it anymore. Kaya kong i-tolerate ang mga sarcasm at insulto dahil alam ko namang galit siya sa akin. But cheating was another story. Hindi ko mapapayagan iyon. Especially now that we were going to be parents already. Ayokong makita ng anak ko ang harap-harapang panloloko niya sa akin. Ayokong kamuhian siya ng anak namin kapag nakita nito na hindi normal ang setup namin. Higit sa lahat, I didn’t want my child to get hurt knowing that his father didn’t love his mother. So we’d better part ways now, before our child was born.“Look, Gem. Alam kong galit ka sa akin. Malinaw na malinaw sa akin at naiparating mo sa akin nang maayos iyon. At natauhan na ako. Pagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin.” I c
Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul
Ashley “Indefinite leave? So, how long will it be? Two weeks? Three? A month?” Ngiti ang isinagot ko kay Art. “I don’t know either,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. In-endorse ko na rin sa kanya ang materials para sa next project namin. “Depende kung kailan ako papayagan ni Gem na bumalik sa work. You know, he is concerned with the baby. I am so sorry I have to leave the team like this—” “Ash…” concerned niyang sabi. “Don’t try to hide it. You can be real in front of me. You can cry on my shoulder. And I swear I’ll never judge you.” “Huh?” Inilayo ko ang tingin sa kanya. “What are you talking about?” “I know the real score between you and Gem. Hindi ka na umuuwi sa bahay n’yo.” Bigla akong napabaling kay Art. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang sundan ka kahapon. I was just going to check on you, pero nakita kong umalis ka dala ang maraming gamit. Sa hotel ka tumuloy. And I’m guessing na nandoon pa rin ang mga gamit mo ngayon.” Napalingon ako sa paligid. Luckily, walang
AshleyThe next time I opened my eyes, sina Art at Ms. Lalaine ang nakita ko. Agad akong bumangon.“Nasaan tayo? Ang event? Sino ang nandoon?”“Don’t think about it. Maayos na natapos ang event. Everybody enjoyed the party. Nandito tayo sa infirmary ng hotel,” sabi ni Ms. Lalaine. “You shouldn’t push yourself too hard, lalo at ganyan na may dinadala ka na pala.” Magkahalo ang pag-aalala at saya sa boses niya.“Ano ba’ng nangyari pala?” tanong ko.“You fainted. Good thing Art was there to catch you. God! Ashley, be more careful. Ano’ng sasabihin ko kay Gem kung may nangyaring hindi maganda sa`yo? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang kondisyon mo. I would have lessened your workload.”Na-confuse akong lalo sa sinabi ng boss ko. Napalingon ako kay Art na nakatitig lang din sa akin. Anong kondisyon ba ang sinasabi nila? May nakita ba ang doktor na tumingin sa akin na malalang sakit kaya madalas akong nahihilo?“Gem deserves a scolding, too. He was so secretive he didn’t tell me you were p