Gem
“Ihahatid na kita sa table mo.”
“Luh! No need. Ano ba ako? Batang maliligaw sa building na `to?”
“Hindi naman, pero—”
“Sige na, dumeretso ka na sa puwesto mo.”
“Pero—”
“Go.”
“Sige na nga. Pero ingat ka, ha? Mamahalin pa kita.” Kumindat at ngumiti ang lalaki.
Sandaling natigilan si Ashley, kapagkuwan ay hinampas ang kausap. “Puro ka kalokohan. Do’n ka na nga.”
“Sige po, boss. Boss ng buhay ko.” At sumaludo muna ang lalaki bago nag-iba ng direksiyon.
Dumeretso si Ashley papalapit sa amin. Hindi pa yata niya napapansin na nandito kami sa table niya. Busy kasi sa paghaplos sa cell phone niya.
“Hey, why the long face?” untag ni Lalaine sa akin. Magkausap nga pala kami; nakalimutan ko na.
Na-distract ako sa narinig kong usapan habang pumapasok sa coordinating department. Alam ko ang tunog ng tawa ni Ashley kaya agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Pero nabuwisit lang ako pagkakita sa lalaking kasama niya. Matagal ko nang nakikitang umaaligid ang isang iyon kay Ashley. Hindi ko siya gusto. Tipong bolero at hindi nakokontento sa isa. At kung sasabihin ni Ashley na nililigawan siya n’on, agad ko siyang babalaan na huwag magkamaling makipagrelasyon doon or she’d get hurt. Kapag nangyari iyon, baka mabalian ko ng buto ang officemate niya.
“Nandito pa rin pala ang lalaking `yon? Kailan ba `yon male-lay off?” nakasimangot na tanong ko kay Lalaine.
Tumawa lang siya. Busy si Cindy sa panonood sa decorations sa paligid at hinayaan ko na.
“Hanggang ngayon ba naman, mainit pa rin ang dugo mo kay Art? Ano ba’ng ginawa niya para maging ganyan ka ka-hostile do’n sa tao?”
“I just don’t like him.”
“Well, I like him. Charming siya at alam niya kung paano gamitin ang charm kaya magaling kumuha ng projects. At malaking bagay iyon sa company ko. Balak ko ngang ilagay sila ni Ashley sa iisang team. Pareho silang magaling—”
“Don’t you dare,” may diin at pagbabanta na pigil ko sa iba pang sasabihin niya.
“Hi, Ash! Nandito ka na pala? Well, guess who’s here,” biglang sabi ni Lalaine, totally ignoring my warning.
Sa isang araw ay kakausapin ko siya nang seryosohan at baka nga totohanin niya ang sinabi, mahirap na. Ayokong may aali-aligid kay Ashley na mga insekto. She was someone I treasured kaya hindi ako makakapayag na may ibang aaligid sa kanya.
“Ms. Lalaine… Oh! You’re here!”
At tuluyang napawi ang pagkabuwisit ko nang makita ang matamis na ngiti ni Ashley. Nakalimutan ko na ring manermon sa nakita kong eksena kanina.
Ashley
Surprised and happy ako nang makita si Gem sa office. Actually, nasa tapat siya ng table ko, kausap si Ms. Lalaine. Kaya naman kapag pumupunta dito si Gem ay alam ng lahat. Personal kasi siyang inaasikaso ng boss.
“Hi!” bati ni Gem nang makita ako.
“Hi! So, napadaan ka?” ganting bati ko, sabay ngiti kay Ms. Lalaine bilang pagbati.
“Ngayon ka lang daw ulit pumasok since that day I asked you out. So, I guess hindi mo pa nasabi sa boss mo `yong event na papahawakan ko sa `yo.”
Napahiya ako na malaman niyang hindi ko pa naipapaalam ang napakahalagang event na sa akin niya balak pahawakan. Feeling ko tuloy, napaka-incompetent ko.
“Really, Gem? Siya ba talaga ang napili mo?”
Nagulat ako sa boses mula sa kung saan. Nahawi sina Ms. Lalaine at Gem. Lumitaw bigla ang matangkad at sophisticated na babae na walang iba kundi si Cindy.
“Cindy…”
“Baka nakakalimutan mo, Gem, it is not a simple event. It’s our wedding. It’s my wedding. At ayoko na isang incompetent na coordinator ang magha-handle n’on!”
Nanliit ako sa hiya at hindi makatingin nang tuwid kina Gem at Ms. Lalaine. “I’m sorry,” sabi ko. “Hindi kasi ako naka-report agad sa office pagkatapos naming magkausap ni Gem.”
“‘Sorry’? Is that all you can say? Sa araw ng wedding ko at pumalpak ka, ‘sorry’ din lang ba ang sasabihin mo? `Eto nga at sa simula pa lang, palpak ka na.”
“Cindy, that was uncalled for,” saway ni Ms. Lalaine. “Nagkasakit si Ash kaya hindi siya naka-report agad for work. And besides, next month pa naman ang wedding, we can prepare a lot of wedding ideas to present to you na siguradong magugustuhan mo.”
“Wait,” sabad ni Gem. “Nagkasakit ka, Ashley?” May pag-aalala sa boses niya kaya maski paano ay nabawasan ang bitterness at embarrassment na nararamdaman ko.
Tumango lang ako.
“Are you okay now? Ano’ng naging sakit mo?” Bumaling si Gem kay Ms. Lalaine. “Hindi mo nabanggit sa akin na iyon ang dahilan ng pag-absent niya. Kanina pa tayo magkausap.”
“Masyado ka kasing busy sa ibang bagay kanina kaya hindi ko na rin nabanggit,” katwiran ni Ms. Lalaine.
Sa peripheral vision ko, nakita ko si Cindy na inis na umiiling. “Gem, I get it na kaibigan mo siya, pero hindi tayo nagpunta rito para mag-alala ka sa coordinator na `yan, who doesn’t look sick anymore. We are supposed to talk about our wedding. This is my wedding and I have the final say with everything, right?” Humarap siya kay Ms. Lalaine. “I didn’t mean to offend you, Lalaine. You are awesome. But I want my wedding to be perfect. Now, if you can’t promised me that, then wala na tayong dapat pang pag-usapan. I have lots of other options.” At walang pasabing nilayasan kami ng supermodel bride-to-be ni Gem.
“Hey, Cindy, come back here!” tawag ni Gem at akmang susundan ang fiancée nang biglang magsalita si Ms. Lalaine.
“Gosh, Gem! Are you really sure you want to marry that woman?”
Sandaling bumaling si Gem sa amin. “I’m sorry. This is one of those days, I guess. Let’s talk some other time. And Ashley,” baling niya sa akin, “stay healthy, please.”
Hindi na hinintay ni Gem na makasagot ako at hinabol na kaagad si Ashley.
Hinarap ko ang boss ko. “I’m sorry, Ms. Lalaine. Hindi ko naitawag kaagad ang tungkol dito. I should have called you and informed you about this new project para naman hindi na-bad shot kay Cindy ang company.”
“Nah!” Inabot niya at magaang pinisil ang braso ko. “You don’t have to say sorry. Hindi mo kaagad nasabi at naka-sick leave ka. I admit na malaking bagay para sa company na tayo ang mag-handle ng kasal ni Cindy pero kasal din ito ng kaibigan ko. Kung magandang publicity man ito sa Lalaine’s, well, it’s not because of Cindy alone but Gem as well. Kung hindi lang dahil kay Gem, sasabihin ko sa `yong `wag mo nang tanggapin ang project na ito.”
I could hear the displeasure in her voice. Nabastos naman kasi talaga siya.
Hindi ko maintindihan si Gem. Iyon ang first time na nakaharap ko si Cindy. Maski pa sa kuwento pa lang ni Gem ay kilalang-kilala ko na siya, hindi ko talaga inaasahan na ganoon ang ugali ng supermodel na palaging matamis ang ngiti sa public. Parang bigla, gusto kong ilaban ang sarili ko at ang damdamin ko. Parang nati-trigger akong gawin ang lahat, makuha ko lang si Gem mula kay Cindy.
AshleyParang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Ashley Tinanghali ako ng gising mula sa halos magdamag na pag-iyak. Akala ko, kapag pinaalis ko si Gem ay tapos na ang lahat at hindi na ako masasaktan. Pero mas masakit pala ang isiping hindi ko na siya makikita pang muli. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Itinaboy ko siya, pero ako naman ang nasaktan sa ginawa ko.Nagsusuklay ako ng buhok nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo ako papunta sa banyong malapit sa kusina. Nagkandaduwal ako sa toilet bowl habang nakasalampak sa sahig. Ganito na lang ako tuwing umaga; masusuka maski wala pang laman ang tiyan. Pulos laway lang naman ang inilalabas ko.Naramdaman ko na may humawi sa mahaba kong buhok at itinaas iyon, kasunod ang magaang paghagod sa likod ko hanggang sa tumigil ako sa pagduwal. May nagpunas ng tissue sa bibig ko at nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon.“Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng nagpapasok sa `yo?”Hindi ako sinagot ni Gem. Sa halip, kinarga niya ako at dinala sa couch sa sala. Nagpunta uli
AshleyI made him mad again. Pero bakit ba siya nagagalit? Ano ang solusyon niya kung hindi annulment? Plano ba niyang manatili kaming kasal habang nagbabahay-bahayan sila ni Cindy? Was that the punishment he wanted to give me?No! I couldn’t take it anymore. Kaya kong i-tolerate ang mga sarcasm at insulto dahil alam ko namang galit siya sa akin. But cheating was another story. Hindi ko mapapayagan iyon. Especially now that we were going to be parents already. Ayokong makita ng anak ko ang harap-harapang panloloko niya sa akin. Ayokong kamuhian siya ng anak namin kapag nakita nito na hindi normal ang setup namin. Higit sa lahat, I didn’t want my child to get hurt knowing that his father didn’t love his mother. So we’d better part ways now, before our child was born.“Look, Gem. Alam kong galit ka sa akin. Malinaw na malinaw sa akin at naiparating mo sa akin nang maayos iyon. At natauhan na ako. Pagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin.” I c
Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul
Ashley “Indefinite leave? So, how long will it be? Two weeks? Three? A month?” Ngiti ang isinagot ko kay Art. “I don’t know either,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. In-endorse ko na rin sa kanya ang materials para sa next project namin. “Depende kung kailan ako papayagan ni Gem na bumalik sa work. You know, he is concerned with the baby. I am so sorry I have to leave the team like this—” “Ash…” concerned niyang sabi. “Don’t try to hide it. You can be real in front of me. You can cry on my shoulder. And I swear I’ll never judge you.” “Huh?” Inilayo ko ang tingin sa kanya. “What are you talking about?” “I know the real score between you and Gem. Hindi ka na umuuwi sa bahay n’yo.” Bigla akong napabaling kay Art. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang sundan ka kahapon. I was just going to check on you, pero nakita kong umalis ka dala ang maraming gamit. Sa hotel ka tumuloy. And I’m guessing na nandoon pa rin ang mga gamit mo ngayon.” Napalingon ako sa paligid. Luckily, walang
AshleyThe next time I opened my eyes, sina Art at Ms. Lalaine ang nakita ko. Agad akong bumangon.“Nasaan tayo? Ang event? Sino ang nandoon?”“Don’t think about it. Maayos na natapos ang event. Everybody enjoyed the party. Nandito tayo sa infirmary ng hotel,” sabi ni Ms. Lalaine. “You shouldn’t push yourself too hard, lalo at ganyan na may dinadala ka na pala.” Magkahalo ang pag-aalala at saya sa boses niya.“Ano ba’ng nangyari pala?” tanong ko.“You fainted. Good thing Art was there to catch you. God! Ashley, be more careful. Ano’ng sasabihin ko kay Gem kung may nangyaring hindi maganda sa`yo? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang kondisyon mo. I would have lessened your workload.”Na-confuse akong lalo sa sinabi ng boss ko. Napalingon ako kay Art na nakatitig lang din sa akin. Anong kondisyon ba ang sinasabi nila? May nakita ba ang doktor na tumingin sa akin na malalang sakit kaya madalas akong nahihilo?“Gem deserves a scolding, too. He was so secretive he didn’t tell me you were p
Ashley Tulog pa si Gem nang umalis ako sa bahay. Naging maayos ang pakiramdam ko sa buong magdamag at nagawa ko ding tapusin ang iniuwing trabaho nang nakaraang gabi. Sinigang lang pala ang makapagpapagaan ng pakiramdam ko, sana ay naisipan kong magluto niyon. But I doubted if I could cook. Kung hindi dahil kay Gem, baka maski hapunan ay hindi ako nakakain. Talagang wala akong lakas at maging ang pagpunta sa banyo ay effort pa.Sa weekend nga ay magpapa-check up na talaga ako dahil sa madalas na pagsusuka at atake ng pagkahilo.“Okay ka na ba talaga at pumasok ka na? Namumutla ka pa rin.”Ngiti ang isinagot ko kay Sherry. Talagang dinayo niya ako sa puwesto ko para kumustahin. Na-appreciate ko iyon nang sobra. Alam ko, maski hindi siya magsalita, gusto niyang pagaanin ang loob ko.“You know, girl, dapat mag-loosen up ka rin minsan. Kaya ka siguro madalas magkasakit kasi hindi na healthy na dala-dala mo araw-araw iyong bigat ng problema at stress. Kung sumama ka kaya sa akin mamayang
Ashley Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Hindi ko yata kayang pumasok sa trabaho. Sa kaunting pagkilos ay nahihilo ako.Tahimik sa buong bahay. Mag-isa na naman ako. Sa tuwing gigising ako, palaging mag-isa lang ako. Dapat sanay na ako. Simula nang magtrabaho ako, nag-independent living na ako. Ang matulog mag-isa at gumising mag-isa ay dapat na natural na lang.Pero ipinaranas kasi sa akin ni Gem kung gaano kasarap ang matulog na katabi at kayakap siya. At kung gaano kasaya sa pakiramdam na magising na siya ang una kong makikita. Kung gaano kasaya na siya ang babati sa akin sa pagmulat ng mga mata ko. Kaya lang, sandali lang iyon. Sandali lang niyang ipinalasap ang maliligayang araw na iyon.I felt a stinging pain in my heart. Agad kong isinalya sa labas ng bintana ang hindi magandang damdamin. Why was I being too emotional lately? Madalas kong balikan at iyakan ang masasayang alaala namin ni Gem.Pagkatapos ma-compose ang sarili, bigla ang desisyon na hindi na ako muling magpa
Gem “I'll go ahead, pare,” sabi ni Art.Palakaibigan ang tono niya, pero hindi ko magawang maging friendly. So, may deceitful wife was true to her words when she said she’d be with another man kapag hindi ako umuwi. At kailan pa niya ito ginagawa? Kapag nauuhaw siya sa tawag ng laman dahil hindi ko ginagampanan ang obligasyon ko bilang asawa niya?It was a hard blow to my ego. Ah! Hindi lang sa ego ko masakit. Para akong sinuntok nang maraming beses pagkakita sa unfamiliar na sasakyan na tumigil sa tapat ng gate namin at makitang may ibang kasama si Ashley.Magpahanggang ngayon ay hindi matanggap ng isip at damdamin ko na ibang-ibang Ashley ang nakakasama ko ngayon. Kung hindi ko naagapan ang nakakita sa nangyari kanina, malamang na laman na ng social media sina Cindy at Ashley.At nasaan na ba iyong Ashley na kilala ko? Iyong Ashley na pinakaiingat-ingatan ko. Ang babaeng ni ayaw kong mahawakan ng ibang lalaki dahil alam kong hindi siya katulad ng iba. Ganito ba talaga ang tunay na