Share

Savage (Tagalog)
Savage (Tagalog)
Author: Samarra Blair

Broken

Ashley

Pauwi na ako. Ni hindi ko alam kung anong oras na at kung paano ako nakarating sa bus station na naglalakad. May sasakyan ako pero hindi ko naisip gamitin o kunin sa parking area.

Well, galing lang naman ako sa mahabang pag-iyak matapos ang meet-up namin ng lalaking dahilan ng lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko ngayon. Kasingpait ng kape na inilibre niya sa akin kanina.

Habang pinapanood ko ang mga pasaherong sumasakay sa bus bitbit ang mga basang-basang payong, naalala ko kung paano at kailan ko siya nakilala…

It was one wet and gloomy afternoon. Sumakay ako sa bus na huminto sa harapan ko. Nabunggo ko na ang ibang mga pasahero para lang maabot ang aking goal na makaupo sa tabi ng bintana. Gustong-gusto kong panoorin ang mga nadadaanang tanawin mula roon, maski hindi naman nagbago ang mga iyon sa loob ng four years ko sa college.

Yes, I had made it to the final year. Who would have thought I’d make it this far? Palagi nilang sinasabi na mabubuntis ako bago ako maka-graduate ng college. But look at me now. In two months’ time, I’d be wearing my graduation gown.

I smiled. Finally, nakuha ko na `yong spot na target ko.

“Eat up your shits! Because I swear, I will graduate with flying colors!” sabi ko sa sarili habang nauupo. Para sa dalawa iyon at wala akong pakialam sa uupo sa tabi ko, as long as the sweet spot was mine.

“I don’t eat shit.”

Napalingon ako sa gulat. Gosh! Nasabi ko ba nang malakas ang laman ng isip ko?

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mukhang nakita ko. A face to die for. Basa ng ulan ang mukha niya. And shit, mauupo yata siya sa tabi ko.

Omo!

“Puwede?” tanong niya na inginuso ang space sa tabi ko.

I gathered myself together. I shouldn’t gawk at him. It was impolite and plain silly.

“Siyempre naman! It’s not as if akin ang bus na `to,” sagot ko, trying to sound like I didn’t care.

Hindi siya amoy-mandirigma. I could smell his soft masculine perfume mixed with his natural body scent. At napakaguwapo talaga niya. Was this guy even real? He was perfection personified.

Oh, I should stop right now. I faced the window at nanood na lang ng mga kaganapan sa labas.

Same old scenes…

Hindi rin naman iyon nakatulong. My traitor mind and senses turned their backs on me. I couldn’t believe na ina-assess ko talaga ang bawat detalye sa kabuuan ng lalaking ito. Ginulo-gulo niya ang buhok niya na parang ipinapagpag ang mga droplets ng tubig-ulan. Ang suwerte naman ng raindrops! They were kissing his raven black hair. At sa pagkagulat ko, tumigil siya sa ginagawa at humarap sa akin, flashing that heart-stopping smile.

“Did I pass?” he said with a smirk.

“With flying colors,” sagot ko naman without even thinking.

His smile turned to laughter, melting my bones. Ano kaya ang nagawa kong maganda sa past life ko at naging deserving ako sa pagkakataong ito? I mean, meeting someone this gorgeous on the bus.

His name was Gem, short for Gemini. Hindi niya raw gusto ang pangalan niya. Tunog-bakla raw, but I didn’t think so. Hindi siya regular commuter; nag-bus lang siya ngayon dahil nasira daw ang kotse niya.

God, I knew right there and then—I was damned to love everything about him.

Iyon ang first time na hindi ako nanood ng view sa labas mula sa bus window. Mas na-enjoy kong makipagkuwentuhan at makipagtawanan kay Gem hanggang sa kailangan ko nang bumaba ng bus.

“May I have your number?” tanong niya, sabay abot sa akin ng phone niya.

Hindi ko basta ibinibigay ang phone number ko sa bagong kakilala, pero bigla ko na lang kinuha ang phone niya at ako na ang nag-punch ng number ko roon. Well, it was not everyday that I would meet someone like him, bakit hindi ko iga-grab ang opportunity?

My phone rang just before I got off the bus.

That was the start. Within a short period of time, I had fallen for Gem deeply. When I finally had the guts to confess to him, nalaman ko na may nagugustuhan na pala siyang iba—someone who couldn’t love him the way he did her.

Love could make people do stupid stuff so, yeah, I didn’t stop there. Ang natural na gawin ng isang na-reject ay lumayo, but that was not the case for me. I didn’t burn bridges. Instead, I made them stronger. Hindi rin naman niya ako itinulak palayo. Gem thought we could still be friends and I showed him that I was cool with being friends and stuff just so I could stay in touch with him.

Huh! Friends, my ass! By hook or by crook, I would win his heart!

I thought it would be easy. But look at me now… standing in the rain, chilled to the bones.

Shocked pa rin ako sa mga nalaman ko. The words would be forever etched in my head…

“Give me a hand, Ashley.” Gem was excited.

I didn’t know why he was so happy na sinundo pa niya talaga ako sa office na pinagtatrabahuhan ko. Dahil friends sila ng boss ko, madali lang sa kanyang ipagpaalam na mag-early out ako. Inaya niya akong magkape.

Isa na akong events coordinator at siya naman ay isang graphic designer. Anak siya ng may-ari ng Zenith, ang pinakamalalaking manufacturer ng cosmetics sa bansa. Pero wala sa negosyo ang interes ni Gem. Since hindi siya ang panganay, hindi siya pressured na pumasok sa kompanya nila. Nakapagtataka lang na kamakailan ay pumutok ang balita na si Gem na ang humalili sa posisyon ng kuya niya na nasipa sa kompanya. Hindi na nila ipinapaalam sa publiko kung ano ang nangyari sa kapatid niya.

Seeing Gem happy made me happy as well. Surely, this happiness couldn’t be because of his inherited position in their company. As a matter of fact, ayaw niyang magtrabaho sa Zenith. Kaya talagang curious ako sa dahilan ng kaligayahan niya. At sa isiping inaya niya akong lumabas after more than a month na pagiging busy niya, bakit hindi ako magiging masaya?

Hindi na ako makapaghintay sa good news na dala niya.

“A hand for…?” nakangiti kong tanong ko at excited na hinintay ang sagot niya.

“Planning my wedding. Cindy and I, we’ve decided to get married next month.”

The words were like bombs exploding repeatedly in my very ears. Parang gumuhong bigla ang mundo ko. I didn’t know how I managed to hold my tears, I even managed to smile sa pagkukuwento niya kung paano sila nauwi sa pagpapakasal. Samantalang dati ay wala siyang bukambibig kundi iyong sakit at pait sa paulit-ulit na pangre-reject sa kanya ni Cindy.

Natatandaan ko pa noon kung paanong sobra-sobra ang paghiling ko na sana ay mapansin niya rin ako. Sana makita niya ako bilang isang babae na puwede niya ring mahalin at kaya siyang mahalin nang higit pa sa kaya niyang ibigay. Napakaraming beses kong hiniling na sana ay makalimutan na niya si Cindy at ako naman ang makita niya.

Paano sila nauwi sa ganito? Paanong naging sila? Kailan pa? Walang nababanggit si Gem sa akin. At agad-agad, magpapakasal na sila?

At paano naman ako? Mahal na mahal ko si Gem at kailanman ay hindi ako tumigil na mahalin siya.

He kept telling me stories about the two of them. Ngayon ko lang din nalaman na part-time na lang ang pagga-graphic design niya kasi nasa Zenith na siya at nag-take over na sa trabaho ng papa niya. Ni hindi ko nagawang itanong kung ano ang nangyari sa kuya niya. Wala ako sa mood magtanong. Actually, wala rin ako sa mood makinig sa mga sinasabi niya. But I had to endure the pain. Ayokong malaman niyang nasasaktan ako. Ang alam niya kasi ay okay lang sa akin na friends lang kami.

For the first time ay ipinagpasalamat kong nagpaalam agad siyang aalis na dahil may biglaang call of duty. Nagawa ko nang iiyak ang lahat ng sakit. Umalis din agad ako sa cafeteria. Naglakad lang ako na walang exact destination. Ni hindi ko naisip kunin ang sasakyan ko sa parking area. Ramdam ko ang balde-baldeng luha na nag-uunahang umagos sa mukha ko, sinabayan pa ng pagpatak ng ulan. Sa una ay mahina lang iyon at pailan-ilang patak lang sa buhok, balikat at braso ko, hanggang sa bumuhos na nang malakas. Para bang nakikisabay ang sama ng panahon sa sama ng loob at sakit na nararamdaman ko.

Nawalan na ako ng pakialam kung may bagyo man o wala. Bumabagyo rin ang sakit sa kalooban ko.

I wish I could say the line from Bea’s movie dahil relate na relate ako roon.

“Ako na lang. Ako na lang ang mahalin mo. Ako na lang ulit.”

Pero wala namang ‘ulit’ sa pagitan namin ni Gem.

“Can’t you love me, Gem? I wouldn’t ask for much. Kahit ten percent lang, okay na. I’ll be the one to fill the rest. Just give it a try.”

Sana kaya kong sabihin iyon sa kanya. But he was getting married soon. Ang sakit-sakit lang na gusto ko pa rin siyang mahalin. Ayoko pa ring sumuko…

Nakarating ako sa bus station nang hindi ko namamalayan. Nakatulala at nanonood sa mga pasaherong naghihintay rin sa pagdating ng bus.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status