Share

Kabanata 4: HONEYMOON

Enver’s POV

PAPA is watching us intently. I’m doing my best to act like I like this marriage with his mistress. Yes. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin na kabit ito ni Papa dahil wala akong tiwala sa sinasabi niya. Walang matinong tao ang tatanggap ng kasal sa hindi naman niya kilala kahit pa may malaki itong kapalit na promotion o kaya naman pumayag siya sa gusto ni Papa para maitago ang relasyon nila. At oo, ipipilit ko ang rason na ‘yon dahil lahat ng nakikilala kong lumalapit kay Papa, gusto siya.

Hindi na ako magugulat kung itong si Sayna ay unti-unting kukunin ang loob ko para sabihin na mahal niya si Papa. I’ve seen too many ladies trying to win me just to get my approval to be my step mom. Papa can date any girl he likes, lalaki din siya at may pangangailangan pero hindi ako papayag na may papakasalan siya at mapapalitan si Mama. It’s been a year na rin since wala akong nabalitaan tungkol sa dating life niya, marahil dahil dito kay Sayna. I even caught Papa, staring at Sayna with his serious pity eyes. Naawa ba siya dahil dapat siya ang kinasal at hindi ako? Tsk!

Huli na nga siya nung namatay si Mama, tapos maglalakas pa siya ng loob para palitan ito. He didn’t deserve to be married again. Kaya lahat ng babae niya, kinaiinisan ko. Lahat ng babae niya, hahadlangan ko.

Kahit magalit siya sa akin, wala akong pakialam.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit pinakasal niya sa akin si Sayna, para hindi ko sila paghinalaan.

Mukhang magaling itong si Sayna sa pag-arte dahil bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan ngayong inaasar siya ng mga kamag-anak ko sa regalo nitong lingerie. At ang madumi kong utak ay gumawa nang ma-imagine ko siyang suot iyon. I still can’t get over her gorgeous body.

Pansin ko ang pagkatahimik ni Papa pero hindi naman din siya unresponsive na tila bato. Talagang nagmamatyag lang siya – sa galaw ko at kay Sayna. At sa tuwing nagsasalubong ang tingin nila, nagpapalitan sila ng matamis na ngiti.

What was that?

Nakihalubilo muna ako sa iba para humupa ang tumatakbong galit at kalituhan sa isipan ko. Hindi naman lumalapit si Sayna kay Papa, pero hindi ko siya mahanap ngayon. Natanaw ko siya sa pasilyo, may kausap siyang lalaki, kaagad akong lumapit para marinig ang usapan nila.

“Nasaan si Vince? Bakit wala siya dito?” takang tanong nung babae.

“Wala siya ngayon may laban sa korte,” pabirong sagot ni Sayna.

Vince? Who the heck is Vince? Pero bakit naman ako curious kung sino iyon? Wala pala akong naalala na pinakilala na kapamilya niya. Is Vince his family or special someone?

“Akala ko kayong dalawa na ang ikakasal kasi sobrang tagal niyo nang magkasama,” pagpapatuloy pa ng kausap niya.

Napaayos ako ng tayo. So, may boyfriend siya? Pero pumayag siyang ipakasal sa akin? Nakakagulat na kaya niyang isantabi ang relasyon niya para lang sa pangako ng Papa ko. Sabagay, saglit lang naman itong kasal namin at mag-di-divorce naman kami kaya wala lang iyon sa kanya. Pero nakakaawa naman ang boyfriend niya kung ganun. She’s a virgin when she went to the bar and have a steamy night with me. Does he know?

Inismiran ko ang sarili ko. Labas na ako doon.

Tumingin ako kay Papa, nakatingin pala siya sa akin. Umiwas kaagad akp at lumapit kay Sayna. Ramdam ko ang gulat sa katawan niya nang ilagay ko ang kamay ko sa kanyang bewang. Nakabawi naman siya at pilit na ngumiti sa akin. Hindi ko pinansin ang pagbabalala niyang tingin at hinarap muli ang gawi ni Papa na saglit lang ang tingin na ginawad sa amin.

Kung hindi niya girlfriend itong si Sayna, baka gusto niya?

Sorry siya, akin na muna itong si Sayna.

“Take care of Sayna. Don’t do something stupid, Enver,” paalala muli ni Papa.

“I will,” tamad kong sagot.

“Enjoy your vacation,” ani pa ni Papa.

Tumango na lang ako bago tuluyang umalis.

Plano niya itong lumabas kami ng ibang bansa ni Sayna para mapakita sa media na masaya ang kasal namin. At tulad ng normal na kasal, nasa honeymoon stage kami. How can they call this honeymoon when we’re not sweet like honey and for sure, nothing’s gonna happen – no fvcking.

Ito ang first trip ko kasama si Sayna. Binalingan ko siya na mahimbing na natutulog, banayad ang pagod sa mukha. Nakahilig ang kanyang ulo sa bintana ng eroplano. Bago pa ako mahumaling sa maganda niyang mukha, umiwas na ako. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang gabing pinagsaluhan namin.

Hindi ako makatulog nang nakikita na hindi na nagiging komportable ang ulo ni Sayna sa bintana. Labag man sa loob, kinuha ko ang ulo niya at nilagay sa aking balikat. There… she seems more relaxed.

Kinuha ko ang phone ko para magselfie. I posted it on my story and tagged her. Dahil nasa social media na rin naman ako, I check her profile and I just noticed that she’s not active on it. Mukha rin naman siyang workaholic kaya hindi na nakakagulat. Wala na siyang social life. I followed her and scroll through a website.

Marami akong nakitang balita tungkol sa kasal namin. Binasa ko ang ilang doon.

‘The Servencio’s Prince now married to Sayna Astrid Reyes’

‘The country’s biggest hotelier wedding preparation’

I smirked. Marami pa akong magandang article na nabasa patungkol sa kasal namin. Mukhang umobra naman ang plano ni Papa na linisin ang pangalan ko sa drug scandal. Hindi lang din sa drug scandal na ‘yon, pati na rin sa ilang isyu na kinasangkutan ko.

‘Sayna Reyes true boyfriend is a lawyer’

Nagtaas ang kilay ko. Ito ba ‘yong Vince na narinig ko? I haven’t heard him before. Well, I’m not interested naman.

But I tried to search his name. At madali na lang din naman nahanap.

Attorney Vince Poblacion.

But his account is private. Binalingan ko si Sayna na mahimbing pa rin ang tulog.

“Kung boyfriend mo nga ‘to pasensya siya…” bulong ko.

Nakarating kami sa isang sikat na isla na sikat kapag may honeymoon destination. Tahimik kaming dalawa na nag-ayos ng gamit namin. I cringe as I realized how romantic the place is. May red petals pa sa kama pati na rin sa bathtub.

I took a lot of pictures and posted it on my social media account. Para matahimik na rin ang buhay ng mga paparazzi na laging gustong umalam sa buhay ko.

“You followed me,”

Napalingon ako kay Sayna na nakatingin sa kanyang phone.

“Yup. Followed me back. Nagpost din pala ako ng picture mo sa account ko. Gawin mo rin.”

“Okay,”

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako nang tanging short lang ang suot. Napasipol naman ako nang madatnan ko si Sayna na nakasuot ng bikini malapit sa pool, abala sa pagkuha ng litrato.

Nakapatong ang picture niya sa lamesa at nakasandal ito sa isang fishbowl. She posed and took a picture of herself. Hindi ko alam na mahilig din pala siya sa selfies. Mukha kasing seryoso lagi sa buhay.

I took a picture of her. Nahuli niya ako na kinukuhanan siya.

“Enver!” kaagad siyang nagmartsa papalapit sa akin.

She was frowning while there’s a small smirk crept on my face. Hindi ko tinigil ang pagkuha sa mga larawan niya hanggang sa makalapit siya sa akin.

“Patingin!” she demanded.

Nilayo ko ang phone ko bago pa niya maagaw. “Don’t worry, maganda naman lahat ng pictures.”

“Kahit na. Patingin.”

“I will post it naman kaya-“

“Ayoko!”

“Bakit? Nahihiya ka ba, Sayna?”

Umirap siya. “Bakit naman ako mahihiya? Maganda naman ako.”

Lumabi ako at tumaas ang kilay sa kanya. Her cheeks turn red. 

That’s one thing I agree with.

“Kung ganun, hayaan mo akong kumuha ng pictures mo. Mas maayos pa ang kuha kaysa isandal mo sa fishbowl ang phone mo,” giit ko sabay huli sa kanyang pulsuhan at lumapit doon sa phone niya. “We have to take a honeymoon pictures,” dugtong ko pa.

“Are you really into it, huh?”

“Nope. I just want to know my father’s reaction. Pero hindi niya pala ito makikita kasi wala siyang social media accounts, maliban kung lumabas ito sa tabloid. I’ll send the pictures directly to him.”

Napawi ang ngiti ni Sayna. Inalisan ko siya at nilagay sa timer ang phone niya bago bumalik at tumabi sa kanya.

We took eight pictures of us. Maganda naman ang bawat kuha ngunit halata na medyo awkward at pilit ang ngiti namin. Kasalanan ko din, sinira ko ang magandang moment dahil binanggit ko si Papa. Iyon naman kasi ang totoo. Kasama ko marahil ang babaeng gusto niya at malamang hindi na siya mapakali kung may gawin ako.

She posted the last two pictures of us that it went good and we’re looked like a sweet couple. Nakangiti siya habang nakatingin naman ako sa kanya.

“Bakit nakatingin ka sa katawan ko?” pagtataray ni Sayna.

“I find you hot,” pag-amin ko.

Umirap siya. “Sabihin mo lang naiisip mo na makaka-score ka ngayon porke alam mong may nangyari na sa atin.”

Nahulog ang panga ko bago natawa. “I just find you hot, it doesn’t mean I wanna fvck you. Pero kung gusto mo pwede naman.”

“Manigas ka. I don’t fvck someone with attachment.”

“So, you can have sex with me since I can do fvcking without attachment. Iyon din ba ang dahilan kung bakit ako ang pinili mo nung gabing ‘yon?”

“Oo. Ikaw lang naman ang mukhang gago doon. At tama ako, proven and tested pa.”

Natawa na lang ako imbes na mainsulto sa sinabi niya. At nagpatuloy ang araw namin na puro bangayan.

Actually, namamangha ako kung papaano niyang kontrolin ang galit niya sa akin. Siguro dahil anak ako ng boss niya kaya hindi niya ako masampal.

I despise her because she might be my father’s mistress and hated the fact the she saved my ass by marrying me. Nasaktan ang pride ko! Naapakan ang pagkalal*ki ko. Kasalanan ko rin naman dahil sa kagaguhan ko.

Tsaka pwedeng lahat ng alegasyon ko sa kanya…ay hindi naman totoo lalo na dahil sa galit niya. Pero mas galit ako kay Papa, kahit noon pa man. Hindi naman ako miserable pero hindi ko gusto ito, hindi ko gusto ang babaeng ito kahit na maganda siya at kakaiba ang naramdaman ko noong nakasama ko siya ng isang gabi.

Naligo si Sayna kaya naman naiwan akong mag-isa sa kama namin. Nilagay ko sa ilalim ng ulo ko ang kamay ko bilang unan para sana matulog na dahil alam kong blue balls ako, ito ang simula ng malalamig kong gabi. Ngunit biglang may tumunog. Alam kong hindi akin na phone iyon dahil laging silent ang phone ko.

Gabi na at sino naman kaya ang tumatawag sa kanya. Iyong Vince ba?

Iritable akong nagmulat ng mata nang narindi na sa ingay ng ringtone. And I regret it immediately that I became curious to look who the heck called her.

It was my Papa.

Kaagad akong napabalik sa pagkakahiga at pinilit ang mata nang narinig kong bumukas ang pintuan ng shower room. Amoy ko ang mabangong shower gel na nanunuot sa ilong ko.

“May tumatawag sa’yo. Pakisagot na dahil nakakarindi na,” tamad kong ulas, kunwari inaantok.

Nawala ang pagtunog ng phone, sinagot na niya ata. “Lalabas lang ako…” pahina nang pahina niyang tinig.

Gusto kong magmulat pero natatakot na baka mahuli niya akong nakamasid sa kanya.

Ano naman kaya ang pag-uusapan nila ni Papa at bakit kailangan pang lumabas?! If may boyfriend siya, bakit palihim pa silang nag-uusap ni Papa? Dito na lang sana, ‘di ba? Tsaka bakasyon namin ito kaya dapat walang trabaho. Kung hindi ito tungkol man sa trabaho, eh, tungkol saan?

Mas lalo lang akong naaalibadbaran sa naiisip ko.

Nawala ang antok ko at palihim na sumunod kay Sayna.

Nasa kusina siya at nakaharap sa lababo. Nagkakamot sa noo, namomoblema.

Lumapit pa ako pero maingat ang galaw ko.

Nagtago ako sa likod ng pader papunta sa kusina, sapat lang ang lapit para marinig kung ano man ang maaari niyang sasabihin.

“Natutulog na siya at sinigurado kong hindi siya nakasunod,” medyo mahina ang tinig ni Sayna pero rinig ko naman ng buo.

But my love, I am wide awake here.

“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman alam ni Enver ang tungkol doon,” si Sayna.

Ano ang hindi ko pa alam?

“Okay… hindi niya malalaman ang tungkol sa bata. I think we should protect the child… if ever na… alam mo na… lumabas sa public. Kailangan ready tayong sabihin… lalo na kay Enver…”

And right then and there, I feel numb and confused.

Anong tungkol sa bata? Protect? Lumabas sa public? At kailangan ready na sabihin sa akin? Ang alin? Tungkol sa isang bata?

Oh, crap! May anak ba sila?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status