Share

Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire
Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire
Author: JMG XXVIII

1. Beginning

Author: JMG XXVIII
last update Last Updated: 2025-05-15 20:21:33

Third Person’s Point of View

Kahit 7PM pa lang, dagsa na ang mga businessman at investors sa mansion ng mga Verano. Lahat sila, busy sa kwentuhan tungkol sa negosyo—kahit na ang okasyon ay para sana sa engagement announcement nina Arniya Belle Santillan at Nathaniel Verano.

Malawak ang sala ng mansion, kaya kayang tumanggap ng maraming bisita. Pinasosyal pa ito ng event organizer, kaya ang setup parang nasa loob ka ng isang 5-star hotel. Mamahalin ang decors, soft ang lighting, at bawat sulok amoy fresh flowers. Ramdam mo agad—engrande ‘tong gabi na ‘to.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kasayahan, ang puso ni Arniya ay nagdurusa. Nasa isang sulok siya sa likod ng garden, ligtas mula sa mata ng mga bisita, pero hindi matanggal ang bigat sa dibdib niya habang pinapanuod ang sariling fiancée at Ex-girlfriend nito na palihim na naglalandian.

"Aray ko naman Nathan! Magdahan-dahan ka naman!" pahayag ni Kaira habang tumataas ang kanyang tinig, abot ang sakit na dulot ng malasakit sa kanyang katawan.

“Don’t worry; I won’t hurt you,” Nathaniel said calmly, with a slight smirk, making Kaira’s cheeks flush with excitement. “I missed you so much, Kaira.”

Kahit na magaan ang tono ng kanilang usapan, ang nararamdaman ni Arniya ay kabaligtaran ng pagmamahal na tinatanaw niya. Ang lalaking kanyang minahal, ang lalaking pinagsikapan niyang alagaan, ay ngayo'y nagpapakita ng mas malalim na kaugnayan kay Kaira—ang kanyang ex-girlfriend, ang babae na iniwan siya nang siya ay nahihirapan.

Habang ang tunog ng musika na mula sa buong sala, nangingibabaw sa kanyang pandinig ang mga maikling pag-ungol ni Nathaniel at Kaira. Para siyang sinasampal ng paulit-ulit habang pinapanuod si Nathaneil at Kaira Del Fiero. Nagtimpi si Arniya, plit niyang pinipigilan ang kaniyang sarili habang gigil na gigil ang kamay na nakahawak sa kaniyang coat.

“Nathan,” umungol si Kaira nang maramdaman ang mga kamay ni Nathaniel na dumampi sa kanyang katawan. “We’re doing something wrong, aren’t we? This isn't right. You’re about to announce your engagement to Arniya.” Sandali natigili si Kaira bago muling nagsalita.

“Lumaki ka kasama si Arniya. Bata pa lang kayo, itinakda na kayo sa isa’t isa, childhood sweetheart na nga ang tawag sa inyo. Isa pa, nang maaksidente ka sa isang car accident, hindi ka niya pinabayaan. Siya ang nag-alaga sa iyo 24/7, hindi ka niya iniwan hanggang sa muli kang makalakad. At ngayon, iaannounce na ang inyong pagpapakasal kaya mali yata iyong ginagawa natin.” Malanding sabi ni Kaira habang inilalapit ang katawan niya kay Nathan at gumagapang ng maliliit ang kaniyang daliri sa balikat ng lalaki.

Nakakunot ang noo ni Nathaniel habang tinitingnan si Kaira. “Why are you bringing that up now? Do you think I care? She’s the one who decided to take care of me for all these years. It was never a choice for me. She just did what she had to do, out of pity.”

“Isa pa anong childhood sweetheart ang sinasabi mo? Inampon na siya ng mga magulang ko dahil wala na siyang mga magulang. Na-bankrupt din ang negosyo nila kaya mas lalong naawa sila Mommy at Daddy. Nakiusap din ang magulang niya pero kung hindi nila iyon ginawa baka nasa orphanage siya hanggang ngayon.”

Napangiti si Kaira, at tila may konting panunukso sa kanyang mata. “So you’re blaming her for everything that happened? You wouldn’t have walked again if not for her.”

“Don’t make it sound like it was some heroic thing,” Nathaniel snapped, his voice sharp, his emotions barely contained. “I never asked her to take care of me. She did it because it’s the least she could do after everything. The truth is, she’s not as important to me as you think.”

Hapdi. Parang isang matinding suntok sa dibdib ni Arniya. Ang mga salitang binanggit ni Nathaniel ay parang mga tinik na dahan-dahang dumidikit sa kanyang balat. Si Nathaniel, na kanyang inalagaan sa loob ng apat na taon, ay tila walang kaluluwa. Ang mga sakripisyo na ginawa niya ay naglaho, at sa mata ng lalaki, wala siyang halaga.

Noong pinatay ang ama ni Arniya, nawalan siya ng kapatid, at ang ina niya ay pumanaw na lang sa hospital bed. Sa mga panahong iyon, ang pamilya Verano ang kumupkop sa kanya. Kapalit ng malaking yaman na iniwan ng kaniyang pamilya, pumayag ang mga ito na siya'y alagaan. Dahil bata pa, hindi niya nagawang pangunahan ang negosyo ng kaniyang pamilya, kaya't sa huli, nauwi ito sa pagkakabankrupt. Nawala na parang bula ang pamilyang kilala sa larangan ng medisina.

Sa loob ng sampung taon na pamumuhay sa bahay ng pamilya Verano, hindi inamin ng pamilya ang relasyon nila ni Nathaniel. Bagamat bata pa sila, napagkasunduan na nila ang mga bagay na iyon. Si Nathaniel, bagamat may malasakit kay Arniya, ay hindi kayang tanggapin ang kanilang sitwasyon. Kaya't upang maiwasan ang mga chismis, niligawan niya si Kaira Del Fiero.

Ngunit lahat ay nagbago apat na taon na ang nakalipas nang mangyari ang isang malupit na aksidente. Naparalisa ang binti ni Nathaniel at sinabi ng doktor na wala na siyang pag-asa pang makalakad. Hindi ito matanggap ni Nathaniel, kaya't nagbago siya. Nagkaroon siya ng galit at inis sa maliliit na bagay, at kahit ang kanyang mga magulang ay halos mawalan na ng pag-asa sa kanya. Pero si Arniya, sa kabila ng lahat, ay nagpatuloy sa pagbibigay ng malasakit. Sa loob ng apat na taon, walang reklamo niyang inaalagaan si Nathaniel—nagluluto, naghahanda, at nagsisilbing tagapag-alaga. Palihim pa niyang minamasahe ang mga paa ni Nathaniel tuwing natutulog ito, gamit ang mga kasanayan sa paggamot na namana niya mula sa kaniyang pamilya na eksperto sa medisina.

Sa kabila ng lahat ng sakripisyo at pang-unawa, patuloy na nakaririnig si Arniya ng mga masasakit na salita mula kay Nathaniel. At nagkakaroon pa siya ng mga galos at pasa, patuloy na nagwawala si Nathaniel sa tuwing may hindi siya nagugustuhan. Ngunit tiniis iyon ni Arniya, naniniwala siya na sa huli, ang lahat ng ito ay may kahihinatnan.

At isang araw, parang isang himala. Nakalakad si Nathaniel at bumalik sa dati niyang kalagayan—para bang walang nangyaring aksidente. Labis ang pasasalamat ng pamilya Verano, lalo na ni Mr. Reyniel Verano, ang ama ni Nathaniel. Bilang pasasalamat at tanda ng utang na loob, pinagsundo ang dalawa, at isang buwan lang ang lumipas, inanunsyo ang kanilang nalalapit na kasal.

Akala ni Arniya, sa wakas ay nagbunga na ang lahat ng kaniyang pagsusumikap at sakripisyo. Ngunit sa ngayon, narito siya, nakatayo at nakatingin, habang nasasaksihan ang malambing na pakikisalamuha ni Nathaniel sa kaniyang ex-girlfriend—ang babaeng iniwan siya noon. Ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay nauwi sa wala, at ang lahat ng iyon ay naging biro na lamang kay Nathaniel.

Parang pinipilipit sa sakit ang dibdib ni Arniya. Gusto niyang tumakbo palayo, pero sa pagmamadali, nakaapak siya ng isang tuyong sanga. Malakas ang tunog nito at narinig ng dalawang naglalampungan. Sinulyapan ito ni Arniya at nakita niya ang gulat sa mga mata ng dalawa.

“May tao yata?” tanong ni Nathaniel, habang pinaghahanap ang pinagmulan ng ingay.

“Who’s there?” Kaira quickly covered herself with her hands as she looked toward the noise.

Nataranta si Nathaniel, tinigil niya ang pagsipsip sa dibdib ni Kaira.. Habang si Kaira naman ay pilit na tinatakpan ang kaniyang sarili. Mabilis namang kumilos si Nathaniel at hindi na nag-isip. Pumunta siya sa pinanggalingan ng tunog.

Dahil kabisado na ni Arniya ang likod ng garden, alam niya kung saan siya magtatago para hindi siya makita ni Nathaniel. Kung gigilid lang siya sa sulok, pwede pa din siyang makita ni Nathaniel, kahit na maliit ang kaniyang pangangatawan.

Habang naghahanap siya ng matataguan, nagulat siya sa katawang bumangga sa kaniyang katawan. Sisigaw na sana siya sa gulat ng may malaking palad ang tumakip sa kaniya at isang braso ang yumakap sa kaniyang bewang kaya naman dumukit ang katawan nila sa isa’t isa.

Hindi niya kilala ang lalaking ito pero ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki. Manipis din kasi ang suot niyang damit. Matangkad ang lalaki na may magandang lapad ng pangangatawan. Dahan-dahan niyang tiningnan ang mukha ng lalaki. Isang malamig at madilim na titig ang sumalubong sa kaniya. Kinabahan siya ng husto dahil dito at pakiramdam niya ay delikado ang lalaking ito.

Gumalaw siya at akmang aalis na nang isang malakas na hatak sa kaniyang balakang ang natanggap niya na parang isang babala.

"You're about to make a mistake, miss,” a cold, deep voice echoed in her ear. “If you leave my arms, you will be caught by your fiancée. You don’t want to make that mistake, right?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   300

    Bagama’t pakiramdam ni David na hindi ito bagay kay Arniya, hindi siya nangahas na sugalan, kaya nag-impake siya at dumiretso dito para samahan siya.Gustong sabihin ni Arniya na nakakatulog naman siya agad pagdikit ng ulo sa unan, at wala namang epekto sa kanya ang nangyari.Pero pagtingin niya kay David na napakaganda ng ayos, hindi na niya naibulalas.Pinunasan niya nang husto ang buhok hanggang wala nang patak ng tubig, itinapon ang tuwalya sa likod ng upuan at lumapit kay David.Paglapit nila ng kalahating hakbang, yumuko si Arniya at hinawakan ang damit nito.Malamig, makinis, at halatang sutla ang tela; bahagya lang gumalaw, pero lantad na agad ang maputi at matipunong dibdib.Ngumiti si Arniya, saka diretso ipinasok ang kamay sa kuwelyo. Dahan-dahan niyang ginuhit ng daliri at, gaya ng inaasahan, narinig niya ang pigil na ungol ni David.Mas lalong lumalim ang ngiti sa labi ni Arniya, patuloy ang galaw ng mga daliri niya habang pinakikinggan ang papabilis na paghinga sa paligi

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   299

    Pagkatapos ng hapunan lang nalaman ni Arniya ang nangyari online—si Sarah pa mismo ang nagpadala ng mensahe sa kanya.Mayabang pa ang tono ni Sarah sa online: “May konsensya pa pala si David at marunong kang protektahan. Pero huwag kang masyadong magpasalamat sa kanya. Kung tutuusin, nadumihan ang pangalan mo sa mga netizen dahil sa kanya.”Hindi iniinda ni Arniya ang mga komento online, pero ibang usapan kay Sarah.Hindi niya matiis na may nangaalipusta sa kapatid niya, kaya pinakilos niya ang lahat ng kamag-anak at kaibigan, at umupa pa ng maraming trolls para pamunuan ang usapan sa comment section at i-guide ang public opinion.Todo banat si Sarah sa mga netizen, halos nagliliyab ang mga daliri niya sa keyboard habang pinapakawalan lahat ng mura niya hanggang bumaligtad ang trend online—saka lang siya tumigil.“Namamanhid pa rin kamay ko, may yelo na at minamasahe ng kasambahay,” reklamo pa nito.Habang nagpa-pamper sa masahe, nag-co-coquette pa siya kay Arniya: “Nakita ko lahat ng

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   298

    Kasabay ng pag-trending ni Lia, usap-usapan din ang mga photo nina David at siya.Nag-scroll si Arniya sa comment section, deadma ang mukha habang binabasa ang mga nakakasukang salita:[Alam n’yo na ba kung sino ‘yung babae sa tabi ni Sir David? Ang pangit, nakakawalang-gana.][Kung ganyan itsura ko, matagal na akong nagpakamatay.][Ang kapal ng mukha na tumabi kay Sir David, nakakabastos.]At marami pang mas maruruming banat—mga mura, mga pang-aalipusta.May ilan pang nang-uuyam kay David:[Ako dati akala ko malinis ang CEO, ‘yun pala may fetish sa pangit.][Matindi pala taste ni Boss Calderon, nakakasuka ‘tong babae.]Nakakasuka talaga basahin, naramdaman ni Arniya na parang sumisikip ang sikmura niya.Pero bago niya ma-swipe paakyat, biglang nag-refresh ang comments:[Naiintindihan ko ang nanay mo. Kapag marumi ang puso, marumi ang paningin at parang may 80 years na cerebral thrombosis ang bibig.][‘Pag nanlalait ka ng pangit, parang nagdidikit ka ng balahibo ng manok sa puwit mo,

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   297

    Pagkarinig ni Manager Ben mula sa PR Department ng balita na ini-report ng mga tauhan niya, literal na napatalon siya mula sa upuan.“Bilisan niyo, burahin niyo agad ‘yung mga litrato!”“Ginagawa na po namin,” sagot ng staff niya na halatang naiilang. “Pero sobrang sikat na po kasi ni Sir David online. Baka may mga nakapag-save na ng photo.”Na-delete na ng nag-post ang account niya.Matalino rin ‘yung tao—una, nag-upload lang siya ng isang blurred na photo ni Sir David. Nawala tuloy ang bantay nila at nabigyan ng oras ang mga netizen para makita.Tapos bigla niyang binanatan ng picture ni President Calderon kasama si Assistant Arniya. Hindi sila nakapaghanda.Hindi mo na nga kailangang silipin ang comment section para malaman kung gaano kaingay ngayon.Masakit ang ulo ni Manager Ben, pinipisil ang sentido niya at halatang bad trip.No’ng araw na maging personal assistant si Arniya ni Sir David, nag-imbita pa siya ng dinner at inuman kay Manager Ben ng HR para makatsamba ng info.Hind

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   296

    Hindi man niya sinasabi, pero nagkukuwenta siya sa isip.Simula nang dumating siya sa pamilya Calderon, si Lia na ang laging umaatake sa kanya. Mula pa noong una silang magkita, hindi maikubli ni Lia ang paghamak at pangmamaliit sa mga mata nito. Hinusgahan na siya ni Lia bago pa man sila magkakilala.Nagpadala pa ito ng alalay—si Claire—bilang pawn.“Gawin mo lang ang gusto mo. Lahat ng niluluto mo gusto ko.”Pinabalik siya sa realidad ng mga salita ni David.Tumango si Arniya at masiglang lumabas.Sinundan siya ng tingin ni David hanggang sa mawala siya sa pintuan, bahagyang natawa at ibinaba ang ulo para bumalik sa trabaho.Ilang segundo pa, may narinig na siyang mga mabilis na yabag.Pag-angat niya ng ulo, may mga malalambot na braso na yumakap sa leeg niya at isang amoy na mainit at pamilyar ang pumuno sa ilong niya.Napatigil siya. “Ikaw…”Hindi pa tapos ang salita niya nang dampian na ng halik ang manipis niyang labi.Dumulas ang malalambot at mapulang labi nito sa kanya, at ma

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   295

    Sa isip ni Lia, si Arniya ay isang ganda na nagdadala ng kapahamakan, parang muling nagkatawang-tao si Daji, at si David naman ang Hari na naakit ng isang masamang konsorte at naging malupit.At siya mismo ang reyna na inuusig.Maliban na lang kung mananatiling bata at maganda si Arniya, kapag tumanda’t kumupas ang ganda nito at magsawa si David, tiyak na hindi maganda ang kahihinatnan niya.Tinitingnan ni Lia si Arniya mula sa pananaw ng isang asawang nagmamasid sa isang kabit, may bakas ng paghamak sa mga mata niya.Medyo komplikado ang naramdaman ni Harold.Hindi siya sang-ayon sa iniisip ni Lia. Naniniwala siyang hindi gano’n kadaling mahulog si David sa tukso ng ganda.Maingat si Arniya at hindi siya mukhang tipong naninira sa likod.“Lia, tama na muna tayo dito. Kaya kong alisin ‘yung mga matitinding komento online. Pero hindi lahat kasi mapapabura; at ‘pag pinilit natin, baka mapansin pa ni David at lalo pang bumalik sa ‘yo.”“Kita mo naman, obvious na gusto kang gantihan ni Da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status