Share

Chapter 3 '' Tulala

Auteur: lhyn
last update Dernière mise à jour: 2025-08-11 17:30:20

Mula sa maliit na kubo pinagmamasdan ng mag asawang Pilar at Asyong ang napulot nilang dalagita sa may ilog kung saan palutang lutang .Ang akala nila patay na ito pero nang may nakapa silang pintig ng mahinang pulso ay ginawa nila lahat para iligtas ang bata .Mabuti nalang at marunong sila sa pagsagip sa nalunod dahil may medical meeting noon sa kanilang bayan at tinuro nila kung paano sumagip ng nalunod na tao .Nagamit nila ang mga napag aralan nila sa dalagitang palutang lutang at nang wala silang sawang mag bomba sa dibdib nito ay doon na rin sumuka ng tubig at nagpasalamat sila dahil ligtas ang dalagitang kanilang niligtas . Dahil hindi nila alam kung kaninong anak ang dalagita minabuti nilang iuwi muna sa kanilang munting tahanan para doon pagalingin ang iba nitong sugat na mukhang nakuha nito sa pagkakalunod .

''dalawang araw na siyang tulala ,hindi pa kumakain ang payat ng rin ng batang ito '' simula nagkaroon ng malay ang dalagita hindi pa nila ito nakausap ng maayos .Tulala at parang malalim ang iniisip .

'' kamusta pala ang van na naaksidente sa kabilang bayan ?" medyo malayo ang bayan na tinutukoy niya pero dahil may mga kakilala silang mga chismosa ay narinig nila ang tungkol sa nangyari sa van .

'' nakuha na ang labi ng dalawang bata at isang babae at may isang lalaki din na kasama ng mga ito .Siguro buong pamilya ang mga iyon '' ayon pa sa balita kanda lasog lasog ang katawan ng mga ito dahil mas naunang tumama ang likod ng van pagkahulog sa bangin.Walang makakaligtas sa bangin na iyon dahil pang 3rd floor na ng bahay kung susuriin ang taas .

'' kawawa naman sila ,nga pala ano ang pangalang ng batang ito ?'' tanong ni Asyong sa asawa niyang nagliligpit ng mga gamit dahil papunta na sila sa syudad kung saan mamasukan sila sa pinakamalawak na hacienda doon . Mga tatlong minutos lang ang byahe nito papunta sa mga naglalakihang mga gusali at sa kanilang patutunguhan ay ilang hectarya kung saan malayo sa bayan ng syudad na pagmamay ari ng isang pamilya .Maituturung na mayaman ang mga ito dahil sila ang may pinakamalawak na lupain at taniman ng mga prutas na siyang nag poproduce sa factory na nasa pinaka syudad ng lugar. Doon maraming empleyado ang nagtatrabaho pero sa tulad nilang walang pinag aralan at matanda sa hacienda nalang sila mamasukan .

''Sofia ata kasi ito naman ang nasa kwintas niya '' binigay niya kay Asyong ang kwintas na nakuha nila sa leeg ng dalagita . Talagang naniniwala sila na ito ang pangalan dahil bakit magsusuot ng ganitong alahas ang dalagita kung hindi niya pangalan ang nakalagay at may nakaukit ng mga numero sa likod ng pangalan ng dalagita mula sa kwintas .Binalik niya ang kwintas kay Pilar dahil baka hanapin ng dalagita at baka mahalaga ito sa kanya .

'' mukhang wala pang deset otso ang bata ''nasabi niyang wala dahil sa numero na nakaukit sa kwintas nito alam nyang baka kaarawan ng dalagita ang nakaukit doon dahil sais otso dalawang libo ang nakalagay .Tansya niya baka nasa kinse palang ang dalagita pero matangkad at maganda kaya hindi halata ang bata nitong edad .

''tulungan mo nalang ako magligpit dito '' iniwan niya muna ang kanyang nililigpit na damit para ilagay sa sako bag na binil niya kahapon sa bayan dahil magluluto pa siya ng pagkain para baunin nila sa byahe .

'' ano gagawin mo ipagbigay alam mo ba sa mga pulis ang tungkol sa kanya ?" natigil sa pag paghiwa ng karne ng baboy si Pilar sa tanong ng kanyang asawa .Nagisip pa siya kung ano nga ba ang gagawin sa dalagita .

'' hindi!!!! wala akong tiwala sa mga pulis na iyan gusto kong alagaan hanggang wala akong nakikitang missing na mukha ng batang ito hindi ko ibibigay doon '' hindi naman sa wala siyang tiwala pero dalagita ang taong napulot nila .Gusto niya muna tignan kung may missing report naba sa presinto mamaya pag nasa bayan na sila . Kung meron gusto niyang siya mismo ang magbibigay alam sa mga magulang ni Sofia .

'' sabagay alagaan nalang natin para naman may anak na tayo '' isa pa itong dahilan kung bakit ayaw niyang ipagbigay alam .Mukhang walang maalala ang dalagita sa nangyari sa kanya dahil tulala parin ito at mukhang may pinagdaanan na masama .

''sakto papunta naman na tayo sa hacienda ng mga Morgan siguradong may pantustos na tayo sa pag aaral niya '' kung ano ano na ang pumapasok sa kanilang isipan kung ano ang plano nila sa dalagita .Itataya nila ang kanilang buhay maibigay lang ang pangangailangan nito sa pag pinaaral. Ito ang mapangarap nila sa kanilang yumaong anak .

'' ano ang gagamitin mong pangalan sa bata ?" anong ni Asyong sa asawa nito .

May anak sila pero namatay nung sanggol pa ito higit dalawang buwan lang sa kanila ang kanilang anak na babae ,sa isip niya siguro kasing laki na ng dalagitang napulot nila ang kanilang anak na maagang kinuha sa kanila dahil sa sakit nitong leukemia.

Ang isang kinasaya ng kanyang damdamin parehas ang pangalan ng anak niya at ang dalagita na nasa poder nila ngayon.

'' ano kaba hindi mo ba alam na kapangalan ng anak natin yun nga lang magkaibang spelling ,Pero kahit ganun ayos lang mukhang magkasinedad naman tignan mo ang birth certificate ng anak natin diba Sohpia din ang pangalan ng anak natin ''

Binuklat ni Asyong ang isang envelope kung saan naroon ang mga mahalaga nilang dokumento.

'' bakit wala dito ang death certificate ng anak natin Pilar hindi mo ba na parehistro ?" agad na umiling si Pilar at nalungkot .

'' hindi ko tanggap na namatay ang anak natin kaya hindi ko inasikaso ang death certificate niya.Kaya Asyong para sa akin isang hulog ng langit ang batang ito '' tumingin siya sa kwarto nila kung saan natutulog ang dalagitang nakuha nila sa ilog .Para sa kanya parang binalik lang ng diyos ang anak nila sa katauhan ni Sofia na kapangalan ng kanilang anak .

'' paano kung hanapin niya ang mga magulang ng bata ?" ayaw niyang masaktan si Pilar at baka mahulog na rin ang loob ng kanyang asawa kay Sofia at baka wala na itong balak ibalik pa .

'' kung maalala niya e di ibalik natin '' hindi naman siya madamot basta maayos ang pamilyang pagbabalikan nila kay Sofia pero kung hindi ang bata mismo ang pagpipiliin nila kaya nga gusto niyang ibigay lahat para dito kung sakaling nasa magsisimula na silang magtrabaho sa hacienda ng mga Morgan .

Lingid sa kanilang kaalaman nakikinig si Sofia habang nag uusap ang dalawang matanda .Naawa siya dahil nangungulila ang mga ito sa namayapa nilang anak . Kailangan niyang magkunwaring walang maalala para hindi siya ibibigay sa mga pulis .Kahit masakit para sa kanya na marinig na wala na ang kanyang dalawang kapatid at ina kailangan niyang magpakatatag dahil may dalawa pa siyang kapatid na kailangan niyang balikan balang araw. Ipapangako niya sa kanyang sarili na hahanapin niya ang taong may pakana sa kanilang kamatayan .Ituturing niyang patay na ang dati niyang katawan .Panibagong katauhan ang kailangan niyang mabuo at iyon sa tulong ng mag asawang nagligtas sa kanya.Ramdam naman niyang mabait ang mga ito dahil narinig niya kung ano ang gusto nilang gawin sa kanya .Mataas ang pangarap ng dalawang matanda para sa kanya at sasamantalahin niya ang pagkakataon na ito para sa kanyang haharaping laban . Ipaghiganti niya ang kanyang pamilya at iyon ang nakatatak sa kanyang puso't isipan.

Kung hindi siya gagalaw sino ang magbibigay ng hustisya para sa kanila .Lalong lalo na may kapatid pa siyang dalawa na nasa poder ng kanyang tiyahin .Ito nalang ang bukod tanging inaasahan niyang pamilya .

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 52

    Hindi mahirap ang pag alis agad nila Sophia sa kanilang bahay .May sumundo sa kanilang itim na sasakyan at nagpakilalang boss nila si Martin .Dahil gusto niya ng kumpirmasyon tinawagan niya si Martin at totoo ang sinasabi ng tatlong lalaki . Nagmadali silang lumabas at binigay ang mga maleta nila . ''angkle Martin salamat sa pagtulong sa amin '' naiiyak na siya.Akala niya hindi sya matutulungan nito pero mukhang tama ang kanyang nilapitan na tao . '' walang anuman Sophia kinagagalak kong makatulong '' sobrang nagagalak siya dahil magkakasama ulit ang mga magkakapatid plus may dumagdag pang isa . Siguradong masaya na ang Don pag nakikita niya ang mga ito . '' pakiusap lang angkle huwag niyong sabihin kay Zimon ''alam niyang magagalit iyon dahil sa iba siya humingi ng tulong pero ano magagawa niya kung si Martin ang bukod tanging makakabigay agad sa kanya ng tulong ngayon . '' don't worry Sophia tayo lang ang nakaakalam nito .Masaya ako na doon mo ilalagay ang anak mo sigurad

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 51

    Dahil hindi mapakali si Angela tinawagan niya ang ina ni Zimon para tanungin kung ano nga ba ang ginagawa nito sa America at hindi kasama si Zimon . ''what bakit nandyan si Sophia.Akala ko ba assistant ito ng anak ko '' kahapon lang sila meron sa bahay nila at ang buong akala niya mag hohoney moon pa ang mga ito para naman mapadali ang pagkakaroon nila ng anak at makaalis na ang babaeng iyon sa kanilang buhay . '' assistant saan tita ?" ilang minuto na ang nakalipas pero parang ang sinabi ng ina ni Zimon parin ang nasa kanyang isipan . '' ang anak ko ang bagong chairman ng kompanya ni mister Guevara at assistant nito si Sophia kaya nagtataka ako bakit nandyan ang babaeng iyan '' kung si Zimon ang bagong chairman ng kalaban nilang kompanya mas lalo siyang mahihirapan sa paglapit kay Zimon .Bakit ito ang tinalagang bagong chairman gayong taga labas at walang alam sa ganung negosyo si Zimon .'' I don't know tita according to her nabaksyon lang '' sagot nalang niya sa tnong nito .

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 50

    '' mom gusto ko mamasyal sa mall '' minsan lang mag request ang anak niya kaya pagbibigyan niya ito . Gustong gusto nito sa mall dahil nakakagala ito at minsan doon nagagawa niyang pagpawisan dahil sa paglalaro sa arcade. '' sige kasi kailangan mo ng makakapal jacket habang hindi pa gaano malamig '' may pag aalala siya sa kanyang isipan . Isang buwan parang ang iksi na makasama niya ang anak nito . '' yeheyyy '' kitang kita ni Sophia ang tuwa sa kanyang anak .Kaya hinawakan niya ito sa kamay at niyakap ulit .Hindi siya magsasawang yakapin si Zilux . '' sama ka din manang para makapili ka din .Ipapaayos ko pa ang bahay para safe sa lamig '' gusto niya din ito bilhan ng maayos na winter clothes dahil may edad na si Rosenda at lalamigin na ito . Pagkarating nila sa mall nagtungo sila agad sa bilihan ng winter clothes. Habang namimili sina Rosenda at Zilux naging abala din si Sophia sa cellphone nito . ''Sophia is that you ?" napatingin siya sa taong nagsalita mula sa kanyang l

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 49

    Nagulat si Rosenda habang tinitikman ang niluluto nitong ulam nila ni Zilux sa tatlong beses na nagdoorbell.Pag ganun si Sophia lang ang may ganung pag doorbell pero impossible para sa kanya dahil kausap lang niya ito kanina at kahapon . '' Zilux Look who our guest is before you open the door. I can't leave what I'm cooking behind, it might burn." ''yes lola .'' pumunta naman si Zilux habang hawak nito ang isang kuting na napulot niya lang kahapon mula sa isang creek . Naawa siya kaya inuwi ito at laking pasalamat niya dahil nagustuhan din ng kanyang lola ang kuting kaya kanina galing sila vet . Sinilip niya muna mula butas ng pintuan kung sino ang nagdoorbell at laking gulat niya ng makita ang ina nito .Agad niyang binaba ang kuting sa sahig at nagmadaling binuksan ang pintuan.'' hmmm mommy ?" Nakangiti namang tumango si Sophia.Medyo naluluha na siya dahil finally mayayakap na niya ang uniko iho nito . '' mommy ?" '' I miss you baby '' niyakap niya ito ng mahigpit at hinali

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 48

    '' ayos ka lang ba namumula ang pisngi mo ''hinaplos nito ang pisngi ni Sophia ngunit umiwas lang ito sa kanya . Halatang galit na galit ang kanyang asawa sa ina niya . Alam niyang nasaktan ng mommy niya si Sophia dahil sa pamumula ng pisngi nito . '' paano sinampal ng mommy mo .Sabi ko sayo hindi na tayo pupunta dito pero matigas ang ulo mo '' kailangan hindi na muli magtagpo ng landas nila ng ina ni Zimon hindi sa ayaw niya ito pero gusto niyang makaiwas sa gulo lalo't narinig nito na may kausap siyang iba . ''ano ba kasi ang dahilan .Hindi ka sasaktan ni mommy kung walang rason ?" hindi naman niya masisisi si Zimon kung kampihan niya ang ina nito . Mas lalo pa siyang sumimangot para halatang naiinis siya . '' paano narinig niyang may kausap ako .Namali siya ng akala .Kausap ko lang naman ang anak ko namiss niya kasi ako kaya ayon naglambing .Bilang ina na malimit lang ang pagtawag ng anak ko syempre sweet akong makipag usap sa anak ko '' totoo na ang luhang lumabas sa kanyang

  • Señorito's Love: An Unforgettable Affair    Chapter 46

    Maaga silang umalis sa kompanya ng Guevara dahil wala pa naman siyang gagawin doon.Inuwi nalang niya ang mga dapat pag aralan tungkol sa parte ng mga kompanya na dapat niyang matutunan bilang isang chairman.Isa itong hamon para sa kanya at tatanggapin niya ito dahil mas marami pa siyang matutunan pag oras na maging chairman siya ng kompanya . ''saan mo gusto pumunta ?" tanong nito kay Sophia na kanina pa tahimik .Mukhang iniisip nito ang tungkol sa pag aaral niya. '' ikaw kung saan mo gusto .Hindi ako gaano pamilyar dito '' tama naman na hindi siya pamilyar dahil wala siyang alam tungol sa syudad .Mas sanay pa nga siya sa america noon kaysa dito .. '' ganun ba sige dadalaw muna tayo sa hacienda'' bigla siyang natigil sa pag iisip ng marinig ang sinabi nito . Hindi siya pwedeng magpakita sa hacienda at baka makilala siya ng mga tao doon . Isa lang ang wala sa kanyang mukha ang nunal na maliit na nasa gilid ng kanyang labi . Hindi niya ito sinasadyang natalsikan noon ng mantika k

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status