Share

Chapter 4

“Here. Sorry wala akong mamahaling alak.” Inabot ni Seb ang bote ng beer kay Kit na binili niya sa tindahan. Nasa maliit na apartment na silang dalawa na inuupahan ni Seb.

Maliit lamang iyon. Studio type at wala masyadong laman. Malayong-malayo sa mansyon nila noon. Wala halos laman ang loob maliban sa maliit na papag at bag ni Seb na may lamang gamit. Nakaupo nga lang si Kit sa higaan ni Seb na hindi pa rin na aayos ang sapin at kumot.

Inabot ni Kit ang bote ng beer. “I can't believe you, Seb. Alam mo bang isang taon na kitang hinahanap? Halos nagalugad ko na ang buong Pilipinas kakahanap sa 'yo tapos narito ka lang pala sa Tondo?”

Ngumisi si Seb at uminom ng alak. “Bakit mo kasi ako hinahanap?”

Natigilan si Kit at napainom din ng alak. “I… Well, your family is one of the most generous to me. And I am worried about you. Bigla ka na lang nawala sa hospital.”

“You shouldn't be there in the first place. Dapat hindi mo na ako niligtas noon. Now, look at myself. I'm done, Kit. Hinihintay ko na lang na mamatay ako,” mapait na sabi ni Seb. Noong sinugod sila ng mga armadong kalalakihan, akala ni Seb ay mamamatay na rin siya kagaya ng pamilya niya. Ngunit nagising na lamang siyang muli sa isang pribadong hospital. Doon ay nalaman niyang himalang na iligtas pala siya ni Kit. Na para sa kaniya ay isang bangungot.

“So are you really accepting everything like that, huh? You live, Seb. Hindi ba dapat magtaka ka kung bakit? If you are really meant to die, you will even though I saved you that day.”

“What? Don't tell me you are saying that I still have a reason or mission shit that's why I'm still alive. Puta, Kit! Look at me? My life had ended when they killed my family! My girlfriend! Kaya kung wala ka rin naman ibang magandang sasabihin, you can go. Leave me alone and die silently.”

“Look, Seb. I understand you. You are angry. Frustrated. But I'm not here because I'm just sympathizing with you. I don't care, Seb. But I am here to recruit you.”

Tumayo si Kit at may inabot na black card kay Seb. Nangunot ang noo ng binata nang makita ang pangalan niya. 'Feodus Organization.'

“And here.”

Muling naglabas ng isang card si Kit at inabot iyon ni Seb. Halos mabitawan na ni Seb ang hawak niyang bote ng alak nang makita niya ang larawan na inabot ni Kit sa kaniya. Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang bote at biglang napatayo. Maiksi na ang buhok niya at nag-iba ang kulay. Pero hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon.

“P-Pam…” naluluhang sabi ni Seb habang hinahaplos ang mukha ng babae mula sa larawan. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay at pinanlisikan ng mga mata si Kit. “What is the meaning of this, Kit?! She was alive all this time?!”

“Hindi ko rin alam, Seb. I accidentally saw her in Italy when I had my mission. And guess who was with her? Lucio Cruz.”

Napanganga si Seb. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya at para bang nanlalaki ang kaniyang ulo. Kasabay ng pagragasa ng mga aalaala niya noon ay dumalahit ang matinding sakit sa kaniyang ulo. Para siyang biglang nahilo at nawala sa sarili.

Buhay si Pamela? At nasa puder siya ni Lucio?!

“I know. I can help you, Seb. With that organization. As your attorney, I managed to gather some of your money and assets. You know where to find me, Sebastian Mercedes.”

Muling uninom ng alak si Kit. Hindi na niya iyon inubos at inilagay na lamang sa sahig ang bote. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng bahay ni Seb.

Naiwan si Seb na hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nalaman. Kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung paano bumagsak si Pamela noong naglalakad na ito papalapit sa kaniya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang dugong dumaloy sa katawan nito dahil sa tama ng baril. Nanginginig ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig at unting-unti napaluha.

“H-Hayop ka, Lucio… Hayop ka!” sigaw ni Seb at pinagsusuntok ang sahig. Ininda ang sakit sa bawat pagsuntok niya sa matigas na semento. Hindi siya tumigil kahit may dugo na ang kaniyang kamao. Pinagkakatiwalaan niya si Lucio. Itinuring niyang pamilya at kapatid ang binata maya hindi siya makapaniwalang itinago nito ang nobya sa kaniya. Tumigil si Seb at sumigaw.

Noong magising si Seb mula sa pagkaka-coma dahil sa tama ng baril sa ulo ay agad siyang pumunta sa bahay ng mga Cruz. Humingi siya ng tulong sa mga ito para hanapin at maghiganti sa taong gumawa niyon sa kaniya. Ngunit ni hindi manlang siya nilingon ng pamilyang itinuring na pamilya ng kaniyang ama. Sa kadahilanang gobernador na si Lucio at ayaw nitong maugnay sa illegal na gawain.

Nawala sa kaniya ang lahat. Pera, posisyon, at ang pamilya. Inintindi niya ang mga Cruz at mas piniling umalis sa Mercedes gamit ang natitirang pera na nakuha niya mula sa kanilang mansyon.

Ilang minuto ang nakalipas at hindi gumalaw si Seb sa kaniyang posisyon. Naghalo na ang galit at lungkot na kaniyang nararamdaman. Isang taon siyang nagluksa dahil sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay sa mismong araw ng kaniyang kasal. Pakiramdam niya ay nilinlang siya ng taong pinagkakatiwalaan niya.

Wala sa sariling tumayo si Seb at dumeretso ng banyo. Kailangan niyang makumpirma ang katotohanan.

Nagmamadaling naligo si Seb at nagbihis ng pantalon at t-shirt na itim. Isinuot niya rin ang pulang jacket niya at tinali ang buhok. Hindi na siya nag-abala pang dalhin ang bag niya at kinuha na lamang ang natitirang pera na naroon.

Deretsong pumunta si Seb sa terminal ng bus at sumakay ng papunta sa Mercedes. Inabot siya ng halos kalahating araw sa byahe niya mula sa Maynila. Masasabi ni Seb na malaki na ang pinagbago ng Mercedes mula noong umalis siya rito. Unti-unti na niyang nakikitang mayroong mga establisyimento sa probinsya. Pero hindi iyon ang pakay niya rito.

Pagkababa niya ng bus ay agad siyang pumara ng traysikel papunta sa munisipyo. Maging ang munisipyo ay nagbago na rin. Ang dating gawa sa kahoy na building ngayon ay semento na. Pero hindi pa rin nawawala ang rebulto ng lolo niya sa gitna ng plasa na katapat ng munisipyo. Tahimik na pumasok si Seb. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa mga taong naroon. Dere-deretso siyang pumunta sa pinakatuktok na palapag kung nasaan ang opisina ni Lucio Cruz.

“Teka, sir! Hindi ka pwedeng pumasok diyan!” pigil ng sekretarya ni Lucio kay Seb noong makita niyang dumaan ito sa kaniyang lamesa.

Ngunit hindi ito pinansin ni Seb. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng silid at pumasok sa loob. Doon ay mas lalo siyang sinampal ng katotohanan nang makita niya ang isang babae at lalake na magkatabing nakaupo sa sofa. Masayang nag-uusap ang mga ito na para bang maganda ang pinag-uusapan. Parehas na tumingin kay Seb ang mga ito noong bigla siyang pumasok.

“Who are you?” tanong ni Lucio habang nakatitig kay Seb. Ngunit bigla siyang nanlamig noong mapatitig siya sa binatang naluluhang nakatitig sa nobya niya.

“Ahm, sir? Are you lost?” tanong ng dalaga kay Seb.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Seb at nagmamadaling lumapit sa dalaga. “Pamela! You're alive!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status