Share

Chapter 5

Halos takbuhin na ni Seb ang pagitan nila ni Pamela na nalilitong nakatingin sa kaniya. Ngunit bago pa man siya makalapit dito ay agad na humarang si Lucio sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Seb! Stop!" ani Lucio. Bahagya niya pa itong tinulak saka iniharang ang sarili sa dalaga.

"W-Who is he?" nagtatakang tanong naman ng dalaga.

"He is an old friend, Ericka. I will talk to him."

"Emily?" gulat na sabi ni Seb. Pinagpalit-palit niya ang tingin sa dalawa at halos makunot na ang mukha dahil sa labis na pagtataka. "Ericka? Ano'ng ibig sabihin nito, Lucio?!"

Nag-iwas ng tingin si Lucio habang nagtatangis ang mga bagang. Hindi niya alam ang isasagot kay Seb dahil kitang-kita niyang nagagalit na ito. 'Ano ba kasing ginagawa niya rito?!' tanong niya sa isipan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang kaniyang sekretarya at mga guards. Doon ay nabuhayan siya.

"Sir! Hindi ka pwede rito!" ani ng sekretarya ni Lucio. Agad namang hinawakan ng mga guard ang mga braso ni Seb ngunit iwinaksi lamang ito ng binata.

"Lucio! Answer me now! Matagal mo na ba 'tong alam? She is alive pero wala kang sinasabi sa akin?!" tanong ulit ni Seb at tumingin kay Pamela. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito at para bang iba siya rito. "Pam..." Nagpahid ng mga luha si Seb at muling sinubukan na lumapit sa dalaga. "Pamela! It's me! Seb! Bitawan niyo nga ako!" Sinuntok ni Seb ang isang guard at agad itong bumagsak sa sahig. Susugurin din sana siya ng isa pang guard ngunit umawat si Lucio.

"Stop! Ayoko ng gulo sa loob ng opisina ko!" may awtoridad na sabi ng binata. Bumuntonghininga siya at tumingin kay Seb. "Calm down, okay? Hindi tayo magkakaintindihan kung ganito ka."

Hindi makapaniwalang ngumisi si Seb. "Lucio, hindi ko talaga maintindihan. I can't understand why my best friend did tell me the moment I woke that my girl–"

"Sebastian! Stop!" pigil ni Lucio at lumapit kay Seb. Hinawakan niya ang dibdib nito at matalas ang mga matang nakipagtagisan ng mga tingin sa binata. "Let's talk outside." Sinubukan niyang hilain si Seb ngunit inalis lang nito ang kamay niya.

"No!" Tumingin si Seb kay Pamela. Napakalayo na ng hitsura nito noon. Nakasuot ito ng itim na palda na hanggang tuhod at puting long sleeve blouse. Ang buhok niya ay kakulay ng paborito nitong bulaklak, lavender. Pero kahit na anong pagbabago pa man ang gawin nito sa hitsura ay makikilala pa rin ito ni Seb. Hinding-hindi niya makakalimutan ang bawat sulok ng mukha nito. Ang mga mata niya. Ang mga labi. Kahit na ang pagtinding ang kilalang-kilala niya at alam niyang ito ang babaeng kaniyang tinatangi. "Pamela. Ako 'to. Si Seb. Hindi mo ba ako nakikilala?"

Nangunot ang noo ng dalaga. "W-Who are you? I'm not Pamela. My name is Ericka. Ericka Dela Peña."

"Bullshit!" malakas na sabi ni Seb. "You are not, Ericka! You are Pamela Salvador and you are my girlfriend! My fiance! We are supposed to get married but– But..." Natigilan si Seb at napatitig kay Lucio. Nakatitig lang din sa kaniya ang binata habang nagpipigil. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Seb. Para siyang unti-unting sinasampal ng katotohanan habang nakatitig kay Lucio. Umiling-iling siya. "D-Don't tell me..." Napahilamos si Seb at tumalikod sa mga ito. Bigla na lamang siyang sumigaw sa sobrang gigil at sinuntok ang pader. Muli siyang humarap kay Lucio na nanlilisik na ang mga mata. "Lucio. I need to hear it from you! Please!"

Bumuga ng hangin si Lucio. "Ano bang pinagsasabi mo, Seb? Pwede ba? H'wag ka rito manggulo! I will call the police if you don't stop!"

"Ha! Talaga ba, Lucio? Do that and you will confirm my hunches."

"L-Lucio, please! I-I am getting scared of him!" ani Ericka o Pamela.

Agad na lumapit si Lucio kay Ericka at niyakap ito. "Don't worry. I will not let anyone harm you." Hinagod niya ang likuran ng dalaga at saka hinalikan ang noo.

Parang sinuntok nang matindi si Seb at hindi nakagalaw noong makita ang ginagawa ni Lucio kay Pamela. Sa bawat paghaplos nito sa katawan ng dalaga ay parang may kumukurot sa kaniyang dibdib at nahihirapan siyang makahinga. Noong mapatingin siya sa mga mata ng dalaga ay para na siyang nadurog. Gano'n na gano'n ang mga titig nito sa kaniya noon. Inosente at punong-puno nang pagmamahal. Naikuyom ni Seb ang kaniyang mga palad. Agad na nagdilim ang kaniyang mukha at wala sa sariling sinugod si Lucio. Hinawakan niya ito sa balikat upang mapahiwalay kay Pamela at sinuntok nang malakas sa mukha. Agad itong tumumba sa sofa. Sumigaw na si Pamela sa takot pero hindi tumigil si Seb. Pinatungan niya pa si Lucio at hinawakan sa leeg. Pagkatapos ay walang pakundangan na pinagsusuntok sa mukha na para bang isa itong punching bag.

"Stop it! Lucio!" iyak ni Ericka. Tumingin siya sa mga bodyguard ni Lucio na gulat lang na nakatingin sa binata. Wala pang gumawa niyon kay Lucio. "Hey! Are you blind?! Help your Governor!"

Doon ay parang natauhan ang mga ito. Agad silang lumapit kay Seb at pinigilan ang binata. Hinila ng mga ito si Seb palayo kay Lucio. Duguan na ang binata at halos mawalan na ng malay noong mabitawan ni Seb.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Seb at sinuntok ang isang guard. Agad itong natumba sa sahig. Sinunod niyang saktan ang isa pang guard ngunit naunahan siya nito. Muntik na siyang mapasdsad sa sahig pero agad na nakuha ni Seb ang kaniyang balanse. Hindi na bago sa kaniya ang pakikipagbasag ulo dahil mula noong mapunta siya sa Tondo ay walang araw na hindi siya nakikipagrambulan. Muli niyang sinugod ang guard at sinuntok ito sa mukha at tiyan. D*****g ito sa sakit at hindi nakaganti kay Seb kaya sinipa niya ito sa tiyan. Hinihingal na tumigil si Seb at tiningnan ang mga ito. Parehas nang nakahiga ang mga ito sa sahig at walang malay. Umayos ng tayo si Seb saka tumingin kay Emily na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kaniya.

"D-Don't!" natatarantang sabi ni Ericka noong papalapit sa kaniya si Seb.

"Let's go! Aalis na tayo rito." Hinawakan ni Seb ang kamay ni Pamela pero agad lang nito iyong binawi. Nagtatakang tiningnan ni Seb ang nobya. "Pamela! Ano ba? Wala akong panahon na magpaliwanag sa 'yo. We need to get out of here–"

Biglang napatili si Ericka noong mapatigil si Seb sa pagsasalita at tumumba sa sahig na walang malay. Nasa likod nito si Lucio na dumudura ng dugo at may hawak na makapal na libro na pinalo nito sa batok ng binata.

"Lucio!" Agad na lumapit si Ericka kay Lucio at yumakap dito. "A-Are you okay?"

Tumango si Lucio. "Yes." Tumingin siya kay Seb at napailing. Niyakap niya si Ericka at hinagod ang likod nito. "It's okay now." Biglang nanliit ang mga mata ni Lucio at tiningnan nang masama si Seb.

'I should've killed you too!'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status