Share

CHAPTER 82

Author: Jewel
NANLAKI ang mga mata ni Vanessa habang hindi makapaniwalang hawak ang namumulang pisngi niya matapos siyang sampalin ni Amanda. Halos manginig ang buong katawan nito sa galit habang matalim ang tingin na ipinupukol sa nakababatang kapatid.

“You slapped me?” galit na galit nitong sigaw. “Amanda, ang lakas ng loob mo!”

Mula pagkabata ay palagi nitong naaapi si Amanda. Palagi itong lamang at palaging si Amanda ang tahimik na nagtitiis kaya hindi nito matanggap na ngayon ay nagawa na siyang gantih
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 314

    "Hmm..."Nawalan na ng lakas si Amanda habang hinahalikan siya nito, halos hindi na siya makahinga nang maayos. Binitawan ni Jonathan ang mga labi niya at lumipat sa kanyang leeg, habang ang mga kamay nito ay patuloy na naglilibot sa kanyang katawan."Bitawan mo ako..."Mahinang pakiusap at pagtutol ni Amanda habang hinahawakan ang mga kamay nitong mapanlinlang."Pwede kitang bitawan, pero ikaw ang mag-aalis ng mga damit mo at uupo rito sa dining table," seryosong bulong ni Jonathan.Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa gulat.Seryoso ba ito? Gusto ba talaga nitong kainin siya rito?Paano? Ipahiga siya sa ibabaw ng lamesa?Sa totoo lang, hindi pa nila kailanman nasubukang gumawa ng ganoon sa isang dining table."Huwag naman dito... sa kwarto na lang natin gawin, huwag dito..."Hindi matanggap ng isip ni Amanda ang ideyang gagawin nila iyon sa ibabaw ng hapag-kainan. Pero naging matigas si Jonathan."Hindi pwede! Ikaw ang kumain kanina, pero ako, hindi pa. Kaya gawin mo na, umupo ka na rit

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 313

    "Ang dami naman nito?" Gulat siyang tumingin sa lalaki habang nakataas ang isang kilay.Sa dami ng mga pagkain na iyon, imposibleng maubos nilang dalawa."Piliin mo lang kung ano ang gusto mo," nakangiting sabi ni Jonathan habang nakatingin sa kanya.Hindi niya kasi sigurado kung anong partikular na lasa ang gusto nito, kaya mas pinili niyang mag-order ng iba't ibang klase ng ulam. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang mga paborito nito.Umupo si Amanda sa tapat niya.Kumuha siya ng kutsara at tinidor at tinikman ang isang ulam. Nagulat siya dahil sa sobrang sarap nito.Pero agad ding nawala ang ganang kumain niya nang maalala ang dahilan kung bakit siya naroroon ngayon.Hindi naman siya napunta rito para lang mag-enjoy sa fine dining.Nandito siya para makipagtalik sa lalaking ito.Dahil sa isipang iyon, mabilis siyang sumubo ng kaunting kanin nang walang gana."Busog na ako!"Inilagay niya ang kanyang kutsarabat tinidor at sinabi iyon kay Jonathan. Gusto na niyang matapos agad ang g

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 312

    Muling tumawag si Ricky."Ano ba naman 'yan? I'm celebrating my freedom dahil single na ulit ako, tapos hindi ka pupunta? Hindi mo ba ako itinuturing na brother?"Gusto na sanang sabihin ni Jonathan na kahit sinong mag-imbita sa kanya ngayong gabi ay walang silbi dahil ang gusto niya lang ay mag-date kay Amanda.Pero nang marinig ang unang sinabi nito, natigilan siya: "Ano kamo? Single ka ulit?"Masayang ibinalita ni Ricky.."Sa wakas, na-grant na ng korte ang annulment namin ni Vanessa ngayong araw!"Isa na siyang ganap na single man ngayon.Nang marinig iyon, natuwa rin si Jonathan.. "Na-grant na ang annulment ninyo?" "Oo, tapos na ang kasal namin at free na ako! Hindi ka ba pupunta rito para i-celebrate ito?" Ani pa ni Ricky..Walang pag-aalinlangang sumagot si Jonathan… "Hindi!"Halos mapamura si Ricky sa kabilang linya."Ganito ka ba maging friend? Ang laki-laki ng milestone na ito sa buhay ko, tapos hindi ka pupunta?"Huminga nang malalim si Jonathan. "Ikaw baka single ka na, per

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 311

    Hindi nakasagot si Amanda.. Wala siyang sinabi sa labas, pero nagreklamo pa rin ang isip niya.Hindi nga ba talaga? Kung talagang hindi, bakit paulit-ulit na pumupunta si Easter sa office nito? At bakit parang pamilyar na pamilyar ito at laging nagpapakilala bilang future fiancée niya sa iba?"Kahit heirloom man ito ng pamilya ninyo o hindi, hinding-hindi ko ito matatanggap," seryosong giit ni Amanda.Kitang-kita sa boses niya ang matinding desisyon.Sumimangot si Jonathan at medyo bumaba ang boses: "Bakit naman?"Hindi niya maintindihan kung bakit panay ang tanggi nito sa mga regalo niya, samantalang pumayag naman itong pumunta mamayang gabi para makasama siya. "Ayokong tumatanggap ng mga ganitong klase ng regalo mula sa iba."Lalo na't planong makipag-relasyon lang siya rito nang panandalian. Kung tatanggapin niya ang ganito kamahal na jade bracelet, pakiramdam niya ay parang isinangla na niya ang sarili niya rito.Kung tatanggihan naman niya, pwede silang mag-focus sa mutual benefi

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 310

    Mainit na mainit ang atmosphere sa loob ng opisina.Sa kabilang pader naman sa labas, patuloy pa rin sa pag-iintriga si Easter tungkol sa kung nasaan ang CEO nila.Dahil kilala si Easter bilang isang sikat na socialite at anak ng pamilyang Santiago medyo naiilang si Isay na maging masyadong istrikto sa kanya.Mabuti na lamang at agad na dumating si Paul para mamagitan at magaling na nagpalusot para tuluyang mapaalis si Easter.Nang marinig ni Amanda na wala na ang boses ni Easter sa labas, saka lamang siya tuluyang nakahinga ng maluwag.Gusto pa sanang magpatuloy ni Jonathan, pero mabilis siyang tinulak palayo ni Amanda."Tama na 'yan, ha?"Kung magpapatuloy pa sila sa paghalik, baka tuluyan na siyang mawalan ng sarili. Araw pa naman ngayon, kaya imposibleng gumawa sila ng milagro rito sa opisina."Bitin pa, kahit anong halik ko sayo ay hinding-hindi ako mabusog!"Hinawakan ni Jonathan ang baba niya habang seryosong nakatitig sa kanyang mga mata. Akala ni Amanda ay hihinto na ito, pero

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 309

    Hindi maintindihan ni Amanda kung bakit masyadong nag-iinit ang ulo ni Easter dahil lang sa isang bracelet. Kahit pa sabihing heirloom ito ng pamilya Ramirez, bakit naman iintindihin pa ni Easter kung kanino ito ibibigay ni Jonathan?Napakayaman at napakalaki ng pamilya Ramirez; siguro naman ay hindi sila manghihinayang mamigay o magregalo ng lumang alahas.Habang nag-iisip siya, isang pamilyar at mababang boses ang biglang narinig sa kanyang likuran: "Bakit ka nandito?"Lumingon si Amanda at nagulat nang makitang pumasok si Jonathan sa sarili nitong CEO office."Gusto ko lang sanang isauli sa iyo ang bracelet na ito..." Nagtatataka siya kung paanong hindi nito nakasalubong si Easter sa may pintuan kanina."Ang ibinigay ko na, hinding-hindi ko na babawiin!" Lumapit si Jonathan sa kanya at walang pasubaling inangkin ang atensyon niya sa pamamagitan ng isang dominanteng yakap."Pero... hmm..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad na sinunggaban ng maiinit nitong labi ang mga la

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER SEVEN

    HALATANG hindi inaasahan ni Dr. Jonathan Ramirez ang sitwasyon. Pero pareho naman silang adults, some needs don’t need to be said. At alam din niyang may kondisyon si Amanda.“Sir…” ani niyang pabulong. Nanigas si Amanda. Parang nag-hang ang utak niya nang narinig ang boses ng lalaki sa kabilang lin

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER THREE

    NAPATIGIL si Amanda dahil sa narinig niya. Napansin ni Warren ang bahagyang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata. Ngunit nanatiling malamig ang boses nito na tila ba walang pakialam.“Sorry. Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na may obsessive compulsive disorder ako,” wika ni Warren kay Amanda..“P

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER TWO

    UMALIS si Amanda sa clinic, kinuha ang gamot, at dali-daling lumabas ng ospital.Nang maalala niya ang nangyari kanina, how a male doctor ordered her to take off her pants and examined her—hindi niya maiwasang mamula ng todo. Kapag kumalat ang balitang iyon, she wouldn’t be able to face anyone anymo

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER ONE

    “Hubarin mo… then lie down!”Kasabay ng isang mababa at malamig na boses ng lalaki. Biglang kumabog ang dibdib ni Amanda sa narinig.. Hindi niya alam kung kailan siya nagkaroon ng ganitong klaseng sakit, something she couldn’t even explain, a kind of shameful condition. Kapag umaatake ito… she just

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status