Share

Chapter 3

Matapos kong labasan ay agad na kumuha si Enver ng wet wipes tsaka pinunasan ang kanyang mukha na nabasa ng aking katas. Kasunod noon ay pinunasan din niya ang aking pagkababae pagkuwa’y nahiga na sa aking tabi.

“Let’s sleep for a while,” sabi niya tsaka mahigpit akong niyakap at hinalikan ang aking noo. “I will make you feel good later.”

“W-what about you?” tanong ko.

“Alam kong nanghihina ka pa dahil sa intense ng pagpapalabas mo kaya mas makakabuti kung magpapahinga ka muna.” natatawa niyang sabi tsaka hinaplos ang aking puson. “Mag-ipon ka ng lakas dahil mamaya, sisiguraduhin kong hindi ka makakalakad sa dami ng gagawin ko sayo.”

Isinubsob ko na lang ang aking mukha sa kanyang dibdib at mahigpit ding yumakap sa kanya.

Ilang buwan ko ding hindi nagawa ito sa kanya dahil kapag lasing siya ay lagi lang siyang nakatalikod sa akin habang natutulog. Kapag naman niyayakap ko siya mula sa likod ay bigla niyang tatabigin ang aking kamay kaya hindi na ako nagpipilit pa.

“I am sorry,” mahina niyang sabi.

“Hmm?” Iniangat ko ang aking mukha upang magtama ang aming tingin. “Sorry for what?”

“Alam kong napabayaan kita nitong mga nakaraang buwan,” aniya. “Huwag kang mag-alala. Babawi ako sayo.”

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa paghingi niya ng tawad. Iyong pagkakasabi niya kasi ay para bang mayroon siyang malaking kasalanan na nagawa sa akin.

“I love you.” Muli niyang hinalikan ang noo at labi ko.

“I love you too.”

__________

Sa pagkakataong ito ay mahimbing nang natutulog si Enver kaya naman dahan-dahan kong inalis ang kanyang kamay sa pagkakayakap sa akin pagkuwa’y bumangon ng kama.

Dumeretso muna ako ng banyo para makapaghugas ng katawan at nang bumalik ako sa aming kwarto ay napatitig lang ako sa aking asawa.

Hindi ako makatulog dahil sa biglaan niyang paghingi ng tawad kanina. Iyong tono ng kanyang pagsasalita ay para bang may iba pang nilalaman ang pagso-sorry niyang iyon.

Pero hindi ko alam kung paano mawawala ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

At doon dumapo ang tingin ko sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil isa lang ang naiisip kong gawin sa mga oras na ito.

Pero hindi ko naman ugali na i-check ang kanyang cellphone lalo na’t kahit paano ay binibigyan ko pa din siya ng sarili niyang privacy.

But right now, I can’t think of that anymore.

Huminga ako ng malalim pagkuwa’y nilapitan ang cellphone ni Enver. Ilang sandali ko pa iyong tinitigan bago ako tuluyang nagdesisyon na hablutin iyon at dalhin sa loob ng banyo upang doon tingnan ang nilalaman nito.

Makailang hingang malalim pa nga ang aking ginawa dahil talagang malakas ang kabog ng aking dibdib bago ko nilakasan ang loob ko at bunuksan ang kanyang cellphone.

Ako ang nag-set ng pincode nito nang bilhin namin ang cellphone na ito at ipinagpapasalamat ko na hindi pa din niya ito binabago kaya naging madali para sa akin ang pagbubukas nito.

Una kong tiningnan ang mga messages application na kanyang ginagamit para sa trabaho. Dito ay puro message lang ng kanyang secretary at mga investors ang nakita ko.

Sunod kong tiningnan ay ang kanyang phonebook at wala naman akong nakita na kakaiba sa mga pangalan ng mga nandoon. Puro kakilala ko lang din at ilang mga katrabaho niya.

Kahit ang gallery niya ay tiningnan ko na din pero wala din naman akong nakita na hindi normal. Kaya inisa-isa ko pa ang bawat application na mayroon ang kanyang cellphone hanggang sa makita ko ang isang files.

Medyo nag-aalangan pa akong buksan iyon dahil sa takot na baka kung ano ang makita ko doon ngunit nilakasan ko ang aking loob at pikit mata itong binuksan.

At hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang ginawa kong ito dahil ang bumungad lang naman sa akin ay isang bagay na siyang sumira, hindi lamang sa aking puso kundi maging sa buong pagkatao ko.

__________

“Are you sure about this?” tanong sa akin ni Ferry, ang isa sa dalawang kaibigan na mayroon ako.

Nandito ako ngayon sa kanyang sasakyan na kararating lang dito sa aming bahay siya ang una kong tinawagan matapos kong makita ang laman ng files sa cellphone ng aking asawa.

“You know that I won’t ask for anything besides this one, right?” aniya. “Hindi ko na kailangan pang tanungin kung bakit bigla mo akong tinawagan at naisipan na iwan ngayon ang asawa mo. I know that you have your own reason. But at least tell me that this is what you really want.”

Kaibigan ko man siya pero hindi ako handa na sabihin sa kanya kung ano ba ang nagawa ni Enver sa akin. Hindi pa ako handa na ipaalam sa ibang tao ang kasalanang ginawa ng aking asawa sa akin dahil alam kong sa akin sila papanig at hindi iyon ang gusto ko.

Tama na sa akin na ako na lang ang magalit sa kanya. Tama na sa akin na ako lang ang mamuhi sa kanya. Hindi ko na kailangan pang idamay ang mga kaibigan ko para magalit sa kanya dahil hindi ko din naman kaya na kinamumuhian siya ng mga taong mahalaga sa buhay ko.

Kaya nang tawagan ko si Ferry kanina ay wala akong ibang sinabi sa kanya kundi ang pumunta dito sa bahay namin na agad naman niyang ginawa.

Bahagya pa nga siyang nagulat nang lumabas ako sa ng bahay na may dala-dalang maleta ngunit hindi na siya nagtanong pa lalo na’t alam kong napansin niya din agad ang namumugto kong mga mata.

“I…” Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na ayaw ko naman talagang gawin ito.

Pero matapos ang mga nakita ko ay hindi ko na kakayanin pang manatili sa iisang bubong kasama ang lalaking inakala kong hindi ako kailanman sasaktan.

Bumuntong hininga siya. “Fine, you don’t have to answer that.” Binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan at agad na itong pinaharurot palayo sa aming tahanan.

At ang tangi ko na lamang nagawa at tanawin ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa aking paningin.

Alam kong pagsisisihan ko ang desisyon kong ito dahil hindi man lang ako nagpaalam sa kanya pero alam kong higit lang akong masasaktan kung mananatili ako sa tabi niya sa kabila ng mga bagay na nagawa niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status