Share

Chapter 14

“Milan!” Nilapitan ako ni Dashiel at agad na niyakap. “I can’t believe that I will be able to see you here.”

Alanganin akong ngumiti kahit ang totoo ay naiilang ako.

Well, hindi ako close sa mga kaibigan ni Enver noong nagsasama kami. Nakikihalubilo lang ako sa kanila kapag nasa bahay sila pero maliban doon ay hindi na kami nabigyan ng pagkakataon para makapagharap.

Pero ang lalaking ito ay feeling close talaga kaya naiilang ako sa tuwing yayakap siya sa akin kapag bumabati.

“It has been a long time, huh?” Kumalas siya ng yakap sa akin. “The last time I heard about you is that you left Enver.”

“Yeah,” sagot ko. “Have a seat.” Mukha naman kasing hindi niya ako tatantanan kaya hahayaan ko na siyang magtanong kung ano ang gusto niyang itanong at magkwento. “May kasama ka ba na pumunta dito?”

Umiling siya pagkuwa’y naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. “I am alone today.”

“Oh, great.” Iniabot ko sa kanya ang tablet. “It looks like we will be staying here for a long time so order some
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status