Share

Chapter 4

Penulis: LelouchAlleah
last update Terakhir Diperbarui: 2023-04-01 12:28:18

It has been five years since I left my home. At aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka-move on sa sakit na dulot ng lalaking iyon pero nagkaroon ako ng bagong dahilan para magpatuloy sa buhay.

Marami-rami na din naman ang nangyari sa loob ng limang taon na iyon.

Tuluyan na din akong nag-resign sa trabaho ko at nagdesisyon na pumunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa akin.

Sa tulong ni Ferry, napadpad ako sa isang lugar na alam kong hindi kailanman pupuntahan ni Enver kaya magiging tahimik ang panibagong buhay na gusto ko para sa sarili ko.

Nagtayo ako ng isang maliit na karinderya malapit sa isang factory ng mga candy at naging maganda naman ang naging kita ko dito dahil talagang nasa tamang pwesto din talaga ako.

Marami akong naging customer na nagtatrabaho sa factory at lahat sila ay naging mabait sa akin kaya naman habang tumatagal ay nagiging komportable na din ako sa pagbabagong nagaganap sa buhay ko.

Isa na doon si Mikea Reese, isang line leader sa factory.

Siya ang kauna-unahang customer ng karinderya ko at lagi siyang kumakain doon. Magkalapit din ang inuuwian namin at madalas ay sabay kaming umuwi tuwing gabi kaya naman naging malapit na kami sa isa’t-isa hanggang sa naging magkaibigan.

Pero noong nakaraang dalawang buwan lamang ay nag-resign na siya sa trabaho niya bilang line leader at lumipat sa mas malaking kumpanya bilang sekretarya.

Medyo hectic ang pasok niya dahil sa dami ng trabaho na pinapagawa sa kanya ng boss niya pero masaya niyang ginagawa ang lahat ng iyon dahil malaki din naman ang sinasahod niya doon.

At dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay binigyan siya ng kanyang boss ng dalawang araw na bakasyon at naisipan niya iyong gamitin sa pagtambay dito sa karinderya ko.

“Hindi ba dapat ay ginagamit mo ang araw na ito para sa pahinga mo?” sabi ko sa kanya matapos kong ibigay ang order ng isang customer ko. “Bihira ka nga lang mabigyan ng day off kaya dapat ay sulitin mo ito.”

“Ate, madami mang trabaho ang pinapaasikaso sa akin ng boss ko pero hindi naman iyon ganoon kabigat kumpara sa trabaho ko sa pabrika,” sabi niya. “Kaya hindi ko naman talaga kailangan ng day off. Sadyang hindi lang talaga ako pinapasok ng boss ko dahil hindi din naman siya papasok at may pupuntahan daw siyang personal na lakad.”

Well, galing din naman ako noon sa pagtatrabaho sa isang opisina kaya masasabi kong hindi nga ganoon ka-demanding ang trabahong iyon. Isip at kamay ang madalas kumilos sa ganoong trabaho habang nakaupo kaya hindi na nga nakakapagtaka na ayaw matulog maghapon ng babaeng ito.

“Besides, mas gusto kong tumambay dito dahil bihira na lang tayong magkita,” dagdag niya. “Na-miss kita.” Kumapit pa siya sa braso ko habang nagpapa-cure sa akin. “Hindi mo ba ako na-missed?”

Tinitigan ko siya at natawa na lang ako dahil sa ginagawa niya. Pinitik ko ang noo niya kaya mabilis siyang bumitaw sa akin at hinimas ang noo.

“What was that for?” inis niyang tanong.

“Hindi ko alam kung saan mo natutunan iyang ganyang pagpapa-cute.” Oo na’t may pagkaisip-bata pa itong si Mikea pero hindi naman siya ganito sa akin noon kahit pa gaano kami ka-close.

Napanguso siya. “Nakita ko iyon sa mga officemates ko,” aniya. “Nagpapa-cute sila sa boss ko kapag gusto nilang mapansin nito.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “At sinubukan mo sa akin?”

Tumango siya.

“At bakit?”

Lumapad ang ngiti niya sa akin. “Para pumayag ka na mamasyal tayo.”

Muli ko sana siyang pipitikin muli sa noo ngunit agad na siyang lumayo sa akin kaya bumuntong hininga ako. “Gustuhin man kitang samahan, alam mong hindi ko basta maiiwan itong karinderya ko.”

“Alam ko,” aniya. “Kaya nga mamayang gabi tayo aalis eh.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “At saan naman tayo pupunta ng gabi?”

“Bukas na kasi iyong night market sa kabilang barangay at nakita ko sa social media na masarap daw ang mga pagkain doon,” kwento niya. “Kaya naisip kong dalhin ka doon. Malay mo, may maisip kang idagdag sa mga ulam na niluluto mo kapag nakatikim ka ng mga pagkain doon.”

May point siya. Makakatulong din sa akin kung titikim ako ng ibang luto at hindi lang ako nag-i-stick sa iilang putahe ng ulam na alam ko.

Hindi man sabihin ng mga customer ko, alam kong gusto din nilang makakin ng ibang ulam. Wala lang silang ibang choice dahil ako lang ang nagtitinda ng pagkain malapit sa factory na pinagtatrabahuhan nila.

“So?” Muli siyang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. “Sasamahan mo ako mamayang gabi?”

Napabuntong hininga na lang ako. Mukha namang kahit subukan kong tumanggi ay hindi ako titigilan ng babaeng ito kaya tumango na lang ako.

“Yes!” masaya niyang sabi. “Ako na ang pupunta sa bahay nyo para masabihan si Inday na gagabihin ka sa pag-uwi.”

Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at agad na lamang tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan ang apartment na inuupahan ko.

Matalino talaga ang babaeng iyon kahit kailan. Umalis agad siya para masiguro na hindi na magbabago ang isip ko at talagang sasamahan ko siya mamayang gabi sa paggagala niya.

Napailing na lang ako at ibinalik ang atensyon sa aking trabaho.

**********

Enver Andrius;

“Hindi ako makapaniwala na nakatiis akong manatiling kaibigan mo,” singhal sa akin ni Dash habang kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa harap ko. “Simple lang naman ang hinihiling ko para sa araw na ito, tutal ay pinag-day off mo naman si Mikea.”

“Just get lost, Dash,” taboy ko sa kanya. “Marami pa akong trabaho na aasikasuhin. At pinag-day off ko si Mikea, hindi para makapagpahinga ako kundi para walang istorbo sa pagtatrabaho ko.”

“Aish!” Tumigil siya sa paglalakad sa mismong harap ng table ko at inis na ginulo ang kanyang buhok. “Bahala ka sa gusto mong gawin ngayon pero sinasabi ko sayo, babalik ako dito mamayang gabi at sasama ka sa akin sa pupuntahan ko, sa ayaw at sa gusto mo!”

At para masigurong hindi ako makakatanggi ay agad na siyang umalis sa harap ko at lumabas sa opisina ko na ikinailing ko na lang.

Masyadong isip-bata ang isang iyon pero kahit ganoon ay nanatili siyang nasa tabi ko kahit noong mga panahong lugmok ako sa lupa.

Napatingin ako sa calendaryo na nasa ibabaw ng mesa ko at napabuntong hininga na lang nang makita kung ano ang petsa ngayon.

Limang taon na din pala ang nakakaraan.

Pero parang kahapon lang dahil sariwa pa sa akin ang sakit ng pag-alis niya nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.

Dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman sinasadya ay nasira ang relasyon na ilang taon ko ding iningatan. At wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lamang dahil hinayaan kong mahulog ako sa bitag ng sarili kong ama.

Kung sana ay kinausap ko na lang si Milan, ang aking asawa, at ipinaliwanag sa kanya ang lahat. Sana ay sa akin niya mismo nalaman ang lahat nang sa gayon ay naliwanagan siya na hindi ko ginusto ang mga nangyari.

Simpleng komunikasyon lang naman ang solusyon pero hindi ko ginawa dahil ako mismo ay nagkulang ng pagtitiwala sa aking asawa.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ng pagsisisi ko?

Iniwan na niya ako ng tuluyan at kahit saang sulok ko siya hanapin ay hindi ko magawa dahil mismong kaibigan niya ang humaharang sa akin.

Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpatuloy na lamang sa buhay habang naghihintay ang pagkakataon na muli kaming magkikita.

Wala mang kasiguraduhan ngunit ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil naniniwala akong kami pa din ang nakatadhana sa isa’t-isa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Second Time Around (Filipino)   Second Time Around's Last Chapter

    “Matagal pa ba tayo?” tanong ko kina Ferry at Castiel na umaalalay sa akin habang naglalakad. Nakapiring ang mata ko dahil mayroon daw silang surprise para sa akin.Kakagaling ko lang sa magulang ni Amethyst at nakausap ko sila sa maaari naming gawin upang tulungan ito sa sitwasyon na kinakaharap.Kahit kasi sila ay nababahala na din sa kahahantungan ng buhay ng anak kung magpapatuloy lang ito sa pagtatago.Matapos naming mag-usap ay sinundo ako ng dalawang ito at bago pa makarating sa pupuntahan namin ay nilagyan na nila ako ng piring sa mata.“Malapit na tayo kaya relax ka lang diyan,” ani Ferry.“Pero halos isang oras ko nang suot ang blindfold na ito,” reklamo ko. “Bakit ba biglaan niyong naisipan na magbigay ng surprise?”“It is not our idea,” ani Castiel. “May ambag kami pero hindi kami ang pasimuno nito. Ang asawa mo ang nangunguna para sa surprise na ito.”“Biglaan nga eh,” sabi pa ni Ferry. “Kahapon niya lang kami kinausap tungkol dito kaya isang mabilisan na pag-aayos na lang

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 76

    Kailanman ay hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Kung saan makikita kong masaya kaming lahat, walang halong pagpapanggap at tunay ang bawat ngiti na ibinibigay sa isa’t-isa.After we finished our dinner, we decided to continue our conversation in the living room. Doon na din dinala ang mga wine at beer dahil nagkayayaan ang magkakapatid na mag-inuman na, tutal ay matagal na din silang hindi nagkakasama.Habang ang magulang nila ay abala sa pagpapakita kay Millie ng mga regalo nila.Kami na lang ang narito dahil sinundo na si Ferry ng kanyang asawa, habang si Castiel ay umakyat na sa guest room dahil maaga pa ang kanyang pasok bukas. Dito ko na siya pinatulog dahil marami na din ang wine na kanyang nainom.“What?” ani Enver sa kapatid. “Enish divorced her husband?” Si Enish ang isa pa nilang kapatid na babae na mas bata lang ng isang taon kay Enver. “Why?”“The bastard was having an affair with his cousin,” ani Ethyl. “Kaya wala nang pali-paliwanag at nang malaman

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 75

    Akala ko ay tatanggihan ni Enver na makipag-usap sa pamilya niya para ayusin ang hidwaan sa pagitan nila. Kaya naman napangiti ako nang dalhin niya ang mga ito sa garden at doon sila nagsimulang mag-usap.Habang kami ni Millie ay tumutulong na sa mga maid para ihanda ang hapag. Nang sa gayon ay makakain na kami pagkatapos nilang mag-usap.“Eh? Seryoso?” sambit ni Ferry matapos ikwento ni Castiel sa kanya ang paghingi ng tawad sa akin ng mga in-laws ko. “Sincere ba?” Bumaling siya sa akin. “Hindi eme lang dahil natatakot na ma-upset ka dahil alam nilang posible mong ipagbawal uli na makalapit sila kay Millie?”“That is the first thing that came to my mind earlier.” Inilapag ko sa harap niya ang isang plato na puno ng slice kiwi at may side sauce na spicy ketchup. Iyon kasi ang pinaglilihian niya. “But it feels like they were sincere. Erwin vouch for that.”“Oh well,” ani Castiel. “It doesn’t really matter now if they were sincere or not. Labis na kahihiyan na ang dinanas sila dahil sa

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 74

    “Are you even breathing?” Castiel whispered to me while we were looking at the car that stopped in front of our house. “You don’t have to be nervous, right?” I glared at her. “I am not nervous.” Inirapan ko siya. “I am just composing myself to avoid the awkwardness that we might feel later.” I turned my attention to the car when it slowly opened. Lumabas doon ang mag-asawang Don Emil at Madame Venice na todo postura pa. May mga bitbit pa silang maraming paper bag na tingin ko ay naglalaman ng mga laruan na ibibigay nila kay Millie. Enver was the one who got out of the house to greet them. Ferry was staying inside while Castiel and I stood in front of the door, together with Millie who was holding my hand. “If you say so,” she said. “But I didn’t expect that they would also bring two of Enver’s siblings.” We both turned our eyes to the other car that just arrived. At laman ng sasakyang iyon ang dalawa sa nakababatang kapatid ni Enver, sina Ethyl at Erwin. “Mukhang hindi din nila i

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 73

    Nakakulong ako ngayon sa banyo at nakatitig sa limang pregnancy test kits na pinabili ko kay Castiel.Kanina pa lumabas ang resulta at pare-pareho lang ang lumabas sa limang test na ito. And I am overwhelmed with the emotion I am feeling right now.Nasa plano ko naman talaga na magkaanak pa, kung papayag si Enver. Gusto ko kasi talagang bigyan ng kapatid si Millie. Pero hindi ko inaasahan na ibibigay ito agad sa amin sa panahong hindi namin inaasahan.Yes, I am pregnant. Ang limang test kits na ginamit ko ay pare-parehong nagresulta ng positive.“Milan!” sigaw ni Ferry mula sa labas. “Nandito na ang asawa mo! Nagsumbong agad ang maid mo na kanina ka pa nagkukulong dito sa banyo kaya siguradong susugurin ka na niya.”Kinuha ko ang isang dalawang test kits pagkuwa’y binuksan ang pinto. Eksakto din na kapapasok lang ng kwarto ni Enver at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Anong nangyayari dito?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit bago pa niya ako mahawakan ay agad ko na

  • Second Time Around (Filipino)   Chapter 72

    “Mommy!”I slowly opened my eyes and I saw Millie jumping in bed while calling out for me.“Wake up, Mommy! It is already morning.” She stopped jumping when she saw me awake and sat beside me. “Good morning, my beautiful mommy.” She kissed my cheeks. “Daddy is preparing our breakfast. Bangon ka na po.”I smiled and pulled her closer to me. “Let’s sleep more, baby.” I kissed her neck and tickled her side which made her laugh.“Mom! Don’t tickle me!” Sinubukan niyang makawala sa akin ngunit mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumawa na lamang. “Mommy! Please stop!”“Hey…”Tinigilan ko ang pagkiliti sa kanya at sabay kaming bumaling sa pinto. Nakita namin doon si Enver na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain kaya naman agad na kaming bumangon at inayos ang kama.“Breakfast in bed for my lovely ladies.” Nilapag niya ang tray sa kama tsaka hinalikan ang noo namin ni Millie. “Dito na tayo kumain at siguradong hindi mo pa gustong bumangon dito.”“

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status