LOGINNanlamig ang buong katawan ni Sofia habang nakatitig sa screen ng cellphone.Hindi niya binasa nang malakas ang anonymous post. Hindi na kailangan.Iniabot niya ang cellphone kay Zack.Kinuha nito iyon at binasa ang confession.“May secret girlfriend ba si Sir Zack? Saw him on a movie date this weekend.”Ilang segundo itong nanatiling tahimik.“Walang picture,” sabi nito.Napatingin si Sofia.“Wala ring pangalan mo.”“Pero paano kung may nakakita talaga sa atin?”Ibinalik nito ang cellphone sa kanya.“Huwag kang mag-comment. Huwag kang mag-react. Huwag mong ipagtanggol ang sarili mo.”“Paano kung may magtanong?”“Wala kang sasabihin.”Muling tumingin si Sofia sa post.Mabilis nang dumarami ang comments.“May girlfriend pala si Sir Zack?”“Sino ’yong girl?”“Student ba?”“Baka outsider.”May sumunod pang comment.“Send ka ng evidence.”Napakagat siya sa labi.“Zack…”Dumako sa kanya ang tingin nito.“Hindi pa nila alam kung sino ang kasama ko.”“Pero baka malaman nila.”“Iyon ang dahil
“Sir Zack? Miss Sanchez?”Parang biglang bumigat ang photo strip na hawak ni Zack. Mabilis niya iyong inilagay sa bulsa.Wala nang pagkakataong umiwas sila. Dire-diretso nang papalapit sa kanila si Dean Reyes, nakasuot ng casual na polo at may dalang maliit na shopping bag.“Sir Dean,” bati ni Zack.Dumako ang tingin ng dean kay Sofia bago bumalik sa guro.“Ang layo ng nararating ninyo.”Napakagat si Sofia sa labi. Hindi man direktang nagtatanong, ramdam niya ang kahulugan sa likod ng mga salita nito.“Nagkita lang kami rito sa mall,” sagot ni Zack.Walang kaba sa boses nito. Hindi rin ito nagmamadaling magpaliwanag.“Ganoon ba?”“Opo, Sir,” mahinang sagot niya.Ilang segundo silang binalot ng nakakailang na katahimikan.Pagkatapos ay humarap ang dean kay Zack.“Sir Zack, alam mo kung gaano kadaling bigyan ng ibang kahulugan ang nakikita ng mga tao.”Hindi nagbago ang ekspresyon ng guro.Dumako naman ang tingin ng dean kay Sofia.“Lalo na kapag scholarship ang nakataya.”Nanikip ang di
“Mukhang may gustong kumuha ng picture sa atin.”Muling sumilip si Zack sa labas ng bintana.Wala na ang aninong nakita nila kanina. Tahimik na rin ang gilid ng kalsada, maliban sa ilang sasakyang dumaraan sa malayo.Tatanggalin sana ni Sofia ang seat belt.“Sir, bababa na po ako.”“Huwag muna.”Napatingin siya rito. “Bakit po?”“Hindi natin alam kung nandiyan pa ’yong nagtangkang kumuha ng litrato.”Muling sumilip si Sofia sa paligid. Biglang gumapang ang kaba sa kanyang dibdib.“Paano po kung nakuhanan tayo?”“Baka hindi naman malinaw. Tinted ang salamin.”Pinaandar ni Zack ang sasakyan.“Saan po tayo pupunta?”“Mag-ikot-ikot muna tayo. Titingnan ko kung may sumusunod.”Hindi na tumutol si Sofia.Lumayo sila sa lugar nila at nagtungo sa mas mataong bahagi ng siyudad. Ilang ulit na tumingin si Zack sa rearview mirror, ngunit wala namang sasakyang palaging sumusunod sa kanila.Unti-unting nawala ang kaba ni Sofia.Maya-maya, may tumugtog na lumang love song sa stereo.Napatingin siya
“Opo.”Parang tumigil ang hangin sa rooftop.Hindi umiwas ng tingin si Sofia kahit gusto na niyang umurong dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.Nanatili si Zack sa harap niya.“Sigurado ka?”Walang alak. Walang kalituhan.Tumango siya.“Opo, Sir.”Saka lamang ito lumapit.Dumampi ang mga labi ni Zack sa kanyang mga labi.Mabagal at maingat.Napahawak siya sa harapan ng polo nito at siya mismo ang lumapit.Parang iyon ang hinihintay ni Zack.Muling nagtagpo ang kanilang mga labi, mas mainit kaysa kanina. Napapikit si Sofia habang nararamdaman ang kamay nitong humawak sa gilid ng kanyang mukha.Nang maramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Kinakapos na din siya ng hininga, bahagya niya itong naitulak.Saglit nitong idinikit ang noo sa noo niya.“Ito ang gusto kong maalala bilang unang halik natin.”“Sir… Wala po ba kayong naaalala sa nangyari sa atin?”“Alam ko kung ano ang nangyari sa atin. Wala akong nakalimutan kahit isang detalye. Ito…” Dumako ang tingin nito sa mga
Agad na binitiwan ni Sofia si Zack at mabilis na lumayo rito.Parang biglang nawala ang lahat ng multo sa horror booth. Sa malamig na ngiti ni Dean Reyes, mas nakakatakot ang posibilidad na mapahamak ang scholarship niya at ang career ng guro.Nanatiling kalmado si Zack.“Horror booth ito,” malamig nitong sabi. “Nagulat siya nang may biglang sumugod at muntik kaming matumba.”Sakto namang lumabas sa kurtina sina Faith at Liana.“Sir Dean, totoo po,” agad na sabi ni Faith. “May estudyante pong may dalang chainsaw na biglang tumakbo sa amin.”“Props lang po ’yong chainsaw,” dagdag ni Liana. “Pero nakakagulat talaga.”Hindi sumagot si Dean Reyes. Dumako ang tingin nito sa kamay ni Sofia, saka sa pulso ni Zack.Pareho nilang suot ang mga bracelet na may pangalan ng isa’t isa.Nanlamig ang batok ni Sofia.“Mag-ingat kayo sa kilos ninyo,” sabi ng dean bago tumalikod. “Maraming matang nakatingin.”Nang tuluyan itong makalayo, saka lamang nakahinga nang maayos si Sofia.Lumabas silang apat sa
Tumingin si Zack sa bracelet na may pangalang Sofia sa pulso ni Sofia, saka itinaas ang sariling pulso kung saan nakasuot ang bracelet na may pangalang Zack.Parang may lihim na nakaukit sa pagitan ng dalawang pangalan.“Sir, bakit ninyo ginagawa ito?” muling tanong ni Sofia.Bahagyang bumuka ang mga labi nito, ngunit bago pa makasagot, may tumawag mula sa direksiyon ng stage.“Sir Zack, kailangan na po kayo para sa closing program!”Hindi agad lumingon ang guro. Sa halip, marahan nitong hinawakan ang bracelet sa pulso ni Sofia.“Huwag mong tatanggalin.”Bago pa siya makasagot, tumalikod na ito at naglakad patungo sa stage.Naiwan si Sofia na nakatitig sa sariling pulso.“Hala!”Napapitlag siya nang biglang lumitaw sina Faith at Liana sa magkabilang tabi niya.Agad na napansin ni Faith ang bracelet.“Bes, saan galing ’yan?” tanong nito. “Wala naman sa listahan ng mga order ang pangalan mo.”Mabilis na itinago ni Sofia ang kamay sa likod.“Ginawa ko lang.”Tumaas ang isang kilay ni Lian
Hinablot ni Rafael ang pulso ni Stacey bago pa ito tuluyang makalapit kay Liana.“Stacey,” mababa at matatag ang boses ni Rafael, parang pader na biglang humarang sa pagitan nila. “Tama na. Huwag kang mag-eskandalo dito. Sa mansyon tayo mag-usap.”Nanginginig ang babae, luhaan, hingal na hingal na
Narinig ni Liana ang unang patak ng ulan bago pa niya ito maramdaman.Hanggang sa biglang bumuhos.“Rafael, sumi--” hindi pa niya tapos ang sasabihin nang biglang hinila ng binata ang kamay niya.Hindi papunta sa silungan.“Ha? Saan tayo pupunta?”“Trust me,” sabi ni Rafael, may ngiti sa boses, sab
“Huwag kang kabahan. Dapat lahat ng tao kayang ipangtanggol ang sarili sa panganib.”At doon nagsimula ang training.Rafael stood behind Liana, mainit ang hininga nitong tumatama sa batok niya habang dahan-dahan nitong inaangat ang braso niya.“Babe, lift your elbow, yes, ganyan…” bulong niya, halo
Kinabukasan, maaga pa lang, nasa palengke na si Liana.Kailangan niyang bumili ng mga kailangan sa project, karton, art paper, ilang gulay para sa props na gagamitin nila sa presentation. Maingay ang paligid, pero sa gitna ng ingay, mas naririnig niya ang sariling isip.Totoo ba ‘yung picture? Kaila







