Beranda / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 138 Win Her Heart

Share

Kabanata 138 Win Her Heart

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-07 22:31:49

Napapikit si Charlie. Umakbay pa ang jowa nito. “Sino siya? Don’t tell me you’re cheating.”

“Ah…Baby, you’re my oen and only,” tumikhim si Charlie. “Rafael… meet my boyfriend.”

“Boyfriend?” ulit niya, gulat na gulat. “So… bading ka?”

“Congrats, you discovered the universe,” ani Charlie. “Yes. Bakla ako. Obvious ba?”

Parang nag-freeze si Rafael. Tila napaglalaruan yata siya ng imahinasyon. Gusto niyang kurutin ang sarili.

“Alam ni Liana?” mahina niyang tanong.

Tumango si Charlie. “Alam ni Liana.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
goodnovel comment avatar
Flordeliza Agustin Dionesio
update na po Ms a.plsss
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 143 In the Safehouse

    “Ha? Saan daw ang location ni Stella?” tanong ni Rafael.Nanlaki ang mata ni Liana sa nadinig. Gumapang ang pangamba sa kanyang puso.“Sige, magkita tayo.”Sumikip ang panga niya. Sumulyap siya kay Liana.“Got it. Papunta na ako diyan.”Pagkababa ng tawag, “Liana, kailangan ko lang umalis. May balita daw kung nasaan si Stella. Mag-usap tayo pagbalik ko. Dito lang kayo sa loob at huwag lalabas. Don’t worry at may security na nagbabantay sa inyo.”Napatitig si Liana.“Rafael,” mahinang tawag niya. “Hindi ba delikado? May mga tauhan si Stella. ’Pag umalis ka… mag-iingat ka.”“Huwag kang mag-alala. May kasama naman akong mga pulis.”***Nagkita sina Rafael at Zack sa condong sinabi ng impormante.“Unit 18B,” bulong ni Zack habang naglalakad sila sa hallway. “Nakita siyang pumasok kahapon. May report ng tao natin.”“Kahapon,” ulit niya. “Meaning… baka wala na siya ngayon.”“Possible,” sagot ni Zack. “Pero kailangan natin ang proof na nandito siya recently. CCTV. Footage. Anything.”Tumango

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 142 Passionate Night

    Ramdam ni Liana ang bumabangong tapang sa dibdib.Hindi na siya tatakbo. Kahit anong mangyari… lalaban siya. Para kay Riley. Para sa buong pamilya na pinapangarap niya.Saglit na lumayo ng bahagya si Rafael.Ang titig nito ay may pitong taong pangungulila, pitong taong pagsisisi, pitong taong pangarap na ngayon lang uli nagsisimula.Muling naglapat ang kanilang mga labi.Sa una, marahan. Halos nanginginig. Parang kinukumpirma nila sa isa’t isa na totoo--na hindi ito panaginip. Na magkasama na sila ngayon.Pero pagdating ng hininga ni Rafael sa kanya. Lumalim ang halik, naging mas gutom, mas desperado, parang hinahabol nila ang mga gabing nawala.“Liana…” bulong ni Rafael sa pagitan ng halik, parang dasal.“Rafael…” sagot niya, basag ang boses, pero buo ang loob.Mula sa kusina, binuhat siya ni Rafael, parang hawak nito ang isang bagay na minsan nang nawala at ayaw na muling mawala. Sa bawat hakbang papunta sa kwarto, sumasabay ang tibok ng puso nila, parang iisang ritmo.Pagdating sa

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 141 Finally, Home

    “Patawarin mo ako, naging sunod sunuran ako kay Stella,” may luha na ang mata ni Karl. “Liana didn’t leave you. Tinakot siya ni Stella. Ang DNA test, pinapalitan niya sa akin ng resulta.”Tumayo si Rafael nang dahan-dahan. Hindi siya sumigaw.“Karl,” mababa niyang sabi, “kapag nagsinungaling ka… you’re dead to me.”Umiling si Karl, mabilis. “Hindi na. Isusuko ko lahat. Lahat ng alam ko. Lahat ng ginawa namin.”Lumabas si Rafael sa visiting room na parang may apoy sa dibdib.Nanlabo ang paningin niya sa galit.***Tahimik ang kusina, pero ang dibdib ni Liana ay kumakabog. Dumating si Rafael.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan,” mahina Rafael.Nakatingin siya sa sariling mga kamay.“Kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko na maibabalik ang nawalang pitong taon. Pero nandito ako ngayon sa harap mo upang ipangako ang hinaharap.”“Tutulungan kita sa pagpapalaki kay Riley,” mahinang sabi ni Rafael. “Kung papayag ka.”Tumango lang siya. Pero mabilis ding bumalik ang pader sa boses niya.

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 140 The Witness

    Hindi agad napansin ni Liana na nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.Sa screen, naka-freeze pa rin ang larawan, si Riley na nakangiti, may chocolate sa pisngi, si Rafael na nakayuko para pumantay sa height ng anak, at siya… nasa gilid, pilit ngumiti pero may luha sa mata.Family photo.Unang beses, kumpleto sila.May kung anong sumikip sa dibdib niya. Hindi ‘yung takot lang, kundi ‘yung lungkot na matagal niyang pinigilan, at ‘yung kaligayahang ayaw niyang tanggapin dahil baka may kapalit na kapahamakan.Mabilis niyang pinahid ang luha sa pisngi, parang wala lang. Parang hindi siya nabasag.Pero nakita ni Rafael.Hindi ito nagsalita. Hindi siya tinanong kung bakit siya umiiyak. Hindi siya kinorner. Tumingin lang ito sandali, ‘yung tingin na may pagkaunawa, may pangakong hindi niya bibitawan.Tumunog ang phone ni Rafael.“Lumabas na ang warrant of arrest. Kaso nagtatago na si Stella. Naka-alert mga pulis. Ingat kayo,” ani Zack sa chat. Natulala siya saglit tapos ay muling

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 139 Tears of Joy

    Nanginginig ang buong katawan ni Stacey habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi maampat ang luha sa mga mata nito.“Ayoko na…” paos nitong sabi, halos hindi marinig. “Ayoko na talaga, Zack. Pagod na ako. Gusto ko siyang ipakulong. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito.”Nasa harap nito si Zack, nakaluhod, pinipigilan ang sariling magmura. Lumabas ang litid sa leeg.“Then, we do it,” sabi ni Zack. “Tutulungan ka namin, huwag kang matakot.”Umiling si Stacey. “Kaso… baka hindi ako paniwalaan ng korte.” Napahawak siya sa ulo niya, parang nag-iingat na mabasag ulit ang sarili. “May history ako. Alam mo ’yon. Alam nilang nawawala ako sa sarili. Baka sabihin nilang… guni-guni ko lang ’to.”Parang may kumurot sa dibdib ni Zack. Lumapit siya, niyakap si Stacey nang mahigpit.“Makinig ka,” bulong ni Zack sa buhok ni Stacey. “Hindi ikaw ang baliw. Ikaw ang biktima. At ngayon… may ebidensya tayo.”Sa gilid ng kwarto, tahimik si Rafael, pero gumagalaw ang mata niya na parang scanner. Hawak niya a

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 138 Win Her Heart

    Napapikit si Charlie. Umakbay pa ang jowa nito. “Sino siya? Don’t tell me you’re cheating.”“Ah…Baby, you’re my oen and only,” tumikhim si Charlie. “Rafael… meet my boyfriend.”“Boyfriend?” ulit niya, gulat na gulat. “So… bading ka?”“Congrats, you discovered the universe,” ani Charlie. “Yes. Bakla ako. Obvious ba?”Parang nag-freeze si Rafael. Tila napaglalaruan yata siya ng imahinasyon. Gusto niyang kurutin ang sarili.“Alam ni Liana?” mahina niyang tanong.Tumango si Charlie. “Alam ni Liana. Matagal na.”Humugot siya ng hangin.“Then bakit…” natigilan siya. “Bakit papakasalan ka pa rin niya?”Umupo si Charlie sa sofa, tinaas ang kamay na parang lecture. “Because she’s scared. Because she wants a wall. Because she’s trying to protect her kid. At advantage din sa akin dahil maitatago ko ang identity ko sa pamilya ko at sa publiko.”Tumahimik si Rafael.“At alam mo ba?” tumingin ito sa kanya nang diretso. “Walang lalaking pinapasok si Liana sa buhay niya for seven years. Madaming nagt

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status