Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 5 Monster in the House

Share

Kabanata 5 Monster in the House

last update Last Updated: 2025-11-07 12:15:22

Pagkaalis ni Liana sa study, nagsara nang marahan ang pinto. Ngunit bago pa siya makalayo, umalingawngaw ang tinig ni Stella mula sa loob, matinis, at halatang galit.

“You’re replacing Stacey with that girl! Paaalisin mo ang babaeng ’yan!”

Tumigil siya. Dumikit ang tainga sa malamig na kahoy. Sunod niyang narinig ang baritonong boses ni Rafael.

“Don’t start again, Stella. Hindi mo naiintindihan.”

“Iniisip ko lang ang reputasyon mo! Baka makasira sa ’yo ang inaanak mong ampon.”

“Malaki ang utang na loob ko kay Kuya Crisanto. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak niya.”

“Alam ng lahat na kapag gumaling na si Stacey ay magpapakasal kayo, hindi ba? Tiyak na hindi makakabuti kapag nalaman niyang may babae kang kasama sa iisang bubong. Baka hindi na siya tuluyang gumaling.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Liana. Gumaling? Ibig sabihin ay totoong may sakit si Stacey, ang babaeng nasa larawan?

Tahimik siyang umatras, nanginginig ang tuhod. Sa bawat hakbang, bumigat ang dibdib. Mainit ang dugo sa kanya ni Stella.

Malalim na ang gabi nang siya’y ma-idlip. Pero nagising siya sa marahang pagtunog ng piano. Bumangon siya, pinakinggan. Ang tugtugin ay galing sa pinakadulong silid, ang kuwartong laging naka-lock, kuwarto ni Ma’am Stacey.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Dahan-dahan siyang lumakad sa hallway. Ang bawat hakbang ay parang may kaunting lagitik. Sa ilalim ng ilaw, tila kumikislap ang makintab na sahig.

Paglapit niya sa pinto, tumigil ang tugtog.

“Hello?” mahinang tawag niya. “May tao po ba rito?”

Walang sagot, pero marahang gumalaw ang door knob, saka unti-unting bumukas ang pinto. Isang bugso ng malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Wala na ang tugtog ng piano. Wala ring tao. Ang tanging naiwan ay ang tunog ng orasan at amoy ng lumang pabango.

Napaatras siya, tumakbo pabalik sa silid, mabilis na isinara ang pinto.

Nagtatukbong siya ng kumot. Sa pagitan ng antok at takot, naramdaman niya ang paggapang ng hangin mula sa bintana. Doon nagsimulang maghalo ang panaginip at realidad. Sa kanyang panaginip, may boses na malambing ngunit malungkot na bumubulong.

“Huwag kang magtiwala kay Stella…”

Nagising siyang pawis na pawis. Madilim ang kuwarto, pero bukas ang pinto, hindi niya matandaan kung nakalimutan lang ba niyang isara. At sa dulo ng hallway, may liwanag. Bukas din ang ilaw ng silid ni Stacey.

Napalunok siya. May multo yata sa mansyon ng Ninong niya! Pero mas takot siya sa buhay kaysa sa mga kaluluwa! At mas takot siyang walang marating sa buhay kapag hindi nakapag-aral. Kaya kahit may halimaw sa mansyon na ito ay hindi siya aalis!

Maaga pa ring nagising si Liana kinabukasan. Sinubukan niyang iwaksi ang takot. Baka pagod lang siya, baka imagination lang. Excited siyang pumasok sa kolehiyo, unang araw niya bilang estudyanteng may bagong pag-asa.

Pagbaba niya, nadatnan niyang nakahanda na ang almusal, tinapay, itlog, tapa, at kape. Si Rafael ay naka-polo shirt, seryosong nagbabasa ng dyaryo. Ang titig nito nang sandaling mag-tagpo ang kanilang mga mata ay parang paalala ng mga salitang “Never fall in love with me.”

“Good morning po,” bati niya.

Tumango lang ito. “May driver na maghahatid sa ’yo sa university.”

“Salamat po,” sagot niya, pilit na nakangiti. “Makakabawi rin po ako sa lahat ng kabutihan mo, Ninong.”

Hindi ito sumagot. Pero nang akmang aalis na siya, nagsalita ito nang hindi tumitingin. “Huwag kang masyadong tiwala sa mga tao sa paligid, Liana. Hindi lahat ng ngumingiti, totoo.”

Hindi niya alam kung bakit tila may bigat sa tono nito, parang babala. Marahan siyang tumango.

Ang campus ay malawak, puno ng estudyanteng may kanya-kanyang mundo. Nakangiti siya habang nakatingala sa gusali. Unang beses niyang maramdaman ulit ang normal na buhay. Doon niya nakilala si Jasper, matangkad, maputi, at may ngiting nakakahawa.

“Hi, ikaw ‘yung bagong transferee sa section C, di ba? Liana ang pangalan mo?”

“Oo, ikaw anong pangalan mo?”

“Jasper. Classmate tayo at student assistant ako sa registrar. Sabay na tayo mag-enroll para hindi ka maligaw.”

Maaliwalas ang araw, at sa unang pagkakataon, natawa siyang totoo. Sa bawat kwentuhan nila, pakiramdam niya, unti-unting bumabalik ang pagiging normal ng buhay niya na matagal nang nawala mula ng maulila.

Paglabas niya ng gate kinahapunan, may nakaparadang itim na SUV. Hindi siya agad tumingin, hanggang sa marinig niya ang mahinang pag-busina. Nang lumingon siya, nakita niya si Rafael sa loob ng sasakyan, seryoso, parang sundalo.

Nagulat siya. Bakit siya susunduin ni Ninong Rafael? Ano siya, kinder?

“Good afternoon po,” bati niya, pilit na masigla. “Hindi ko po alam na susunduin po ninyo ako.”

“Sumakay ka na.” Mababang tinig. Walang emosyon.

Nilingon niya si Jasper na nakangiti at kumakaway. “Ingat ka. See you tomorrow!” sabi ng binata.

Ngunit bago pa siya makasagot, bumaba si Rafael at kinuha ang bag niya. Lahat ng estudyante sa paligid ay napatingin. Imposibleng hindi mapansin ang presensya nito, matikas, gwapo, pero nakakatakot.

Tumigil ito sa harap ni Jasper. “Sino ’yan?” anitong tila gustong sikmuraan ang bagong kaibigan.

“Ah, kaklase ko po, Ninong,” mabilis niyang sagot.

“Jasper, sir,” magalang na pakilala ng binata, sabay abot ng kamay. Pero hindi ito tinanggap ni Rafael. Sa halip, isang matalim na tingin lang ang ibinigay.

“Tara na, Liana.”

Sa loob ng kotse, tahimik. Ang aircon malamig pero siya ang pinagpapawisan.

“Bakit po kayo napasundo?” tanong niya, pilit na normal ang boses.

Hindi agad sumagot si Rafael. Sa halip, tinapik nito ang manibela nang marahan. “Sino ‘yung lalaki?”

“Kaklase ko po. Mabait siya, tinulungan lang ako na--”

“Tinulungan?” putol nito. “Hindi mo kailangan ng tulong mula sa kahit kaninong lalaki. Ayokong nakikipagligawan ka, kaya ka nandito para mag-aral, hindi para makipag-boyfriend.”

“Hindi po ‘yun ganun, Ninong. Kaibigan lang--”

“Enough!”

Bumigat ang hangin. Wala na siyang nasabi. Sa side mirror, nakita niyang nakakuyom ang kamay ni Rafael sa manibela, bahagyang gumalaw ang panga.

Pagdating sa mansyon, bumaba siya nang tahimik. Gusto niyang magpaliwanag, pero natatakot siya.

“Simula bukas,” anito, “ako na ang maghahatid at sundo sa’yo.”

“Pero, Ninong, busy po kayo sa hacienda--”

“Tapos na ang usapan.”

Tumalikod ito, iniwan siyang nakatayo sa gitna ng driveway, dala ang halo-halong hiya, tampo, at isang damdaming ayaw na niyang pangalanan.

Mula sa veranda, nakamasid si Stella. At nang magtagpo ang mga mata nila, bahagyang kumurba ang labi ng babae.

Nilamon siya ng kaba, nagmamadali siyang pumasok sa loob. Walang multo sa bahay ni Ninong pero halimaw meron.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
(21-11-2025/16:04)
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
thanks sa update..ilan chaptet ito?sana wag na mahaba.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa pagbabasa! Sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ni Liana at Rafael!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 101 When Silence Breaks

    Tumahimik ang paligid sa loob ng bahay ni Sir Zack.“Liana,” marahang sabi ni Sir Zack. “May relasyon ba kayo ni Rafael?”Hindi siya agad sumagot.May sandaling pumasok sa isip niya ang lahat, ang gulo, ang eskandalo, ang takot, ang posibilidad na mas lalong lumala ang lahat kapag umamin siya. Pwede niyang iwasan. Pwede niyang sabihin na wala. Pwede niyang iligtas ang sarili niya.Pero biglang pumasok ang mukha ni Rafael sa isip niya. Kung paano siya yakapin kapag natatakot siya. Kung paano siya ipagtanggol kahit wala pa siyang paliwanag. Kung paano siya piliin kahit magulo ang mundo.Huminga siya nang malalim.“Mahal ko po siya at mahal din niya ako,” mahina niyang sabi.Pag-amin sa relasyon nila.Hindi depensa o paliwanag.Isang katotohanan lang.Saglit na tumahimik si Sir Zack. Kita sa mata nito ang pagkabigla at pag-unawa.“Salamat sa katapatan,” sabi nito. “Alam kong hindi madali ‘yan lalo sa isang bata pang kagaya mo.”“Sir Zack, natatakot po ako, dahil sa ugnayan po namin ni Ra

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 100 Against the World

    Tumunog ang cellphone ni Stella. Isang ngiting malamig ang sumilay sa labi niya habang pinipindot ang pangalan sa screen.“Stella,” sabi ni Karl sa kabilang linya. “Ano na naman ‘to? Bakit bigla mong gustong mag-file? Seryoso ka ba?”Hindi nag-aksaya ng oras si Stella. “Isampa mo na ang kaso, iutos mo sa iba. Masyadong matigas si Rafael.”Tumahimik sandali si Karl. “Rape case ‘to. Alam mo ‘yan. Kapag sinimulan natin, wala nang atrasan. At--” huminga siya nang malalim, “--bakit mo ba ipinipilit na makasal sina Rafael at Stacey? Akala ko ba… may gusto ka kay Rafael?”Sumikip ang panga ni Stella. “Alam mo, huwag kang makialam. Mas madali siyang agawin kung kay Stacey mapupunta.”“Stella--”“Kapag nakasal na sila,” patuloy niya, mabagal at malinaw, “pwede kong ipadala ulit si Stacey sa mental institution. Isang pirma lang. Isang assessment. Tapos kami na ni Rafael ang magsasama.”Nabigla si Karl. “Stella, you’re sick.”Tumawa si Stella. “At ikaw? Anong tawag ko sa’yo? Traydor sa kaibigan?

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 99 Starting the Investigation

    Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”“Pagtulungan na natin para mabilis.”Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.Biglang dumulas ang sibuyas.“Aray!” napaungol siya.Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 98 Serious Threat

    “May gusto lang akong sabihin,” ani Stacey.Lumunok si Liana. Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon.“Hindi kita hinahabol para saktan,” dugtong ni Stacey, nangingilid ang luha sa mata. “Gusto ko lang malaman… kung ano ba talaga ang totoo.”Nag-alangan siya pero tumango. Umupo sila sa isang bench. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.“May relasyon ba kayo ni Rafael?”“Ma’am Stacey, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo. Mahalaga sa akin si Rafael at nagkakaunawaan po kami. Pero hindi po ako mapayapa kasi iniisip ko na nakasakit ako ng ibang tao. At kayo nga po ‘yun. Mabigat po sa kunsensya.”“Ikakasal kami kahit ano ang mangyari. Hindi papayag si Ate Stella na hindi matuloy ang kasal. Kaya humanda ka na. Baka matulad ka sa akin,” anitong tumatawa.Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi. Pero sumubok siyang magtanong.“Ma’am Stacey, ano po ang nangyari noong birthday mo?”“Hindi ko na alam,” biglang sabi ni Stacey, nanginginig ang boses. “Kung alin ang alaala ko… at alin

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 97 Good and Bad Times

    Nakahilig ang ulo ni Liana sa balikat ni Rafael, nakapikit, hinahayaan ang malamig na hangin na maging duyan ng isip niyang puno ng tanong.Walang paliwanag o pangakong madaling bitawan. Presensya lang.Matagal bago nagsalita si Rafael.“Kung lalayo ka man…” mababa ang boses nito, “…dahil sa gulong maaari mong harapin dahil sa akin, mauunawaan ko. Hindi ko gustong idamay ka kaso hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang eskandalong ito.”Inangat niya ang ulo, hinawakan ang mukha ni Rafael, at hinalikan niya ang binata. Hindi nagmamadali. Hindi mapusok. Isang halik na malinaw ang intensyon.“Bad times man o good times,” bulong niya sa pagitan ng kanilang hininga, “palagi ako sa tabi mo. Ganoon ang pag-ibig hindi ba?”“Kahit hindi malinaw ang kahapon,” dagdag ni Liana, magkadikit ang noo nila, “pipiliin kita ngayon. Palagi. At naniniwala akong masosolusyunan mo ang problemang kinakaharap mo.”Parang may bumigay sa loob ni Rafael. Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit, parang ayaw na

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 96 Believing Him

    Nauna pang pumasok si Stella sa condo unit ni Liana. Naglakad ito sa loob at nagmasid. Pagkatapos ay umupo ito sa sofa, tuwid ang likod, maingat ang bawat galaw. Ang mga mata nito ay matalim, mapanuri at parang sinusukat ang bawat sulok ng tinitirahan ni Liana.“Relax ka lang,” mahinahong sabi ni Stella, sabay ngiti na tila may malasakit. “Hindi ako nandito para manggulo. Gusto lang kitang kausapin.”Hindi sumagot si Liana. Hawak niya ang strap ng kanyang bag, pilit pinatatatag ang sarili. Ramdam niya ang tibok ng puso niya, mabilis, may halong kaba.“Concern lang talaga ako,” patuloy ni Stella. “Bilang babae. Alam mo naman… may mga bagay na mahirap tanggapin kapag mahal natin ang isang tao. Minsan nagiging bulag na din tayo. I get it. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Rafael Vergara. Pero hindi mo siya lubos na kilala.”“Concern?” tanong ni Liana, mahinahon pero may bakas ng paninindigan. “O nananakot lang kayo?”Bahagyang nagbago ang ngiti ni Stella, isang iglap lang, bum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status