Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 99 Starting the Investigation

Share

Kabanata 99 Starting the Investigation

last update Last Updated: 2026-01-02 22:19:35

Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.

“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.

Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”

Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.

“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”

“Pagtulungan na natin para mabilis.”

Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.

Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.

Biglang dumulas ang sibuyas.

“Aray!” napaungol siya.

Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.

“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.

Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
sabcuevas
thanks sa update(05-01-2026/15:07)
goodnovel comment avatar
Brook Lee Deldoc Mante
hoping magka- update na ang The CEO's Cold Ex-Wife
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Soon po. Thanks so much po.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 107 The Choice

    Naputol ang linya.“Hello?” nanginginig na tawag ni Liana, pero wala nang sumagot.Napatingin siya sa paligid. Biglang naging masyadong maingay ang kalsada, mga busina, yabag, tawanan, lahat parang sabay-sabay sumalakay sa pandinig niya. Pilit niyang nilunok ang takot at nagmamadaling naglakad patungo sa sakayan ng dyip sa kanto.Biglang may humintong puting van sa harap niya.Mabilis. Walang busina. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan.Bumukas ang pinto. Hindi niya makita ang mukha sa loob, puro mga nakatakip ang mukha ng mga lalaki.Parang may pumutok sa dibdib niya. Hindi na siya nag-isip. Tumakbo siya.Humampas ang malamig na hangin sa mukha niya habang nilalampasan niya ang isang saradong tindahan, saka kumabig pakaliwa, papasok sa makitid na eskinita. Humingal siya, ramdam ang bigat sa tiyan, ang takot na parang kumakain sa bawat hakbang.Luminga siya at naghanap ng taong pwedeng tumulong. Mga kidnapper yata ang humahabol sa kanya. Baka totoo ang sinasabi tungkol sa itim na

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 106 A Letter

    Tahimik ang loob ng sasakyan ni Atty. Karl habang nakatitig siya sa windshield. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang ilaw ng city. Ilang beses niyang hinawakan ang manibela, saka muling binitiwan parang ganoon din ang isip niya, paulit-ulit na kumakawala sa kontrol.Tumunog ang phone niya.Tumatawag si Stella.Huminga siya nang malalim bago sinagot.“Anong oras na, Karl,” malamig na bungad ng babae. “May progress na ba?”“Stella,” mabigat ang boses ni Karl. “Hindi ako kriminal. Hindi ko kaya ’yang pinapagawa mo. Kidnapping ‘yun baka makulong ako.”Isang maikling mapanlibak na tawa ang narinig niya. “Bobo ka ba? Hindi natin papatayin. Tatakutin lang. Kidnapin mo, tapos ako na ang kakausap. Matagal na akong nabubwisit sa babaeng ’yan. Hindi siya ang hahadlang sa mga plano ko.”Napapikit si Karl. “Stella, baka mapahamak ka sa ginagawa mo. Pati kapatid mo, ginagamit mo sa kasamaan mo.”“Wow,” sarkastikong sagot niya. “Nangaral ang traydor na kaibigan.”Tahimik si Karl sandali, saka nagsalita

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 105 First Heartbeat

    “Misis, kailangan po ng ultrasound para makita ang heartbeat ng baby,” anang duktor na pumukaw sa malalim niyang iniisip.Tumango na lamang siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at humiga, nakataas nang bahagya ang damit. Nanginginig ang mga kamay niya kahit pinipilit niyang huminga nang maayos. Sa tabi niya si Sofia, mahigpit ang kapit sa palad niya.“Okay ka lang?” pabulong na tanong ni Sofia.Tumango si Liana, pero hindi sigurado kung totoo. Parang may bumabara sa lalamunan niya. Parang bawat segundo ay may dalang bigat.Pumasok ang sonologist.“Relax lang po,” sabi nito. “Makikinig lang tayo ng heartbeat ni baby.”Naramdaman niya ang malamig na gel sa tiyan. Napapikit siya sa unang dampi. Hindi niya alam kung handa siya. Hindi niya alam kung kaya niya.Huminga siya nang malalim.Sa monitor, una ay malabo. Mga aninong hindi niya maunawaan. Pinipigilan niya ang sarili na matakot at mag-isip.Tapos, may tunog.Mahina sa una. Parang malayong tibok. Parang alon na dumadampi sa baybayin,

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 104 Two Lines

    “Salamat po sa paalala,” mahinang sabi ni Liana. “Pero hindi ko po iwan ang taong mahal ko lalo sa ganitong pagkakataon.”“Pag-isipan mo nang mabuti,” sabi ni Atty. Miguel Roxas. “Hindi lahat ng laban, dapat ipinaglalaban.”“Miss Liana, hindi ito simpleng kaso. Hindi lang ito tungkol sa paratang. May reputasyon, pangalan, at kapangyarihang nakataya.”Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa papel na inabot sa kanya na parang mga kutsilyong bumabaon.“Gusto lang naming maiwasan na madamay ka,” dugtong ng abogado, bahagyang ngumiti. “May mga gulong hindi mo kailangang harapin. May mga digmaang hindi mo kailangang salihan. Bata ka pa at madami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo.”“Kagaya po ng sabi ko, hindi po ako aalis,” malinaw niyang sabi.“Mas ligtas ang lumayo para sa’yo,” sagot nito. “At sa totoo lang, kung ipipilit mo ang pananatili, handa si Miss Stella na gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Lahat.”May diin ang huling salita. Lahat. Parang babala, hindi payo.Huminga s

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 103 Promise to Keep

    Tinulungan si Liana ni Sir Zack na makadalaw. Tahimik ang pasilyo ng detention center. Amoy disinfectant at bakal. Mabagal ang bawat hakbang ni Liana, parang bawat tunog ng sapatos niya ay may kasamang kaba. Hawak niya ang maliit na paper bag, may lamang damit at paboritong pagkain ni Rafael, kahit alam niyang malamang hindi iyon ipapapasok.“Visiting hours are over at ayaw pong tumanggap ng bisita ni Mr. Vergara,” malamig na sabi ng guwardiya nang huminto siya sa harap ng salamin.“Please,” mahina niyang pakiusap. “Kahit saglit lang po. Kahit makita ko lang siya.”Tumingin ang guwardiya sa listahan, saka umiling. “Hindi po puwede.”Humigpit ang kapit ni Liana sa bag. “Kahit sa malayo lang po. Hindi ko siya kakausapin.”May sandaling katahimikan. Sa huli, bumuntong-hininga ang guwardiya at tumuro sa dulo ng pasilyo. “Sige, pero sandali lang.”Lumapit siya sa makapal na salamin. Sa kabilang panig, nakita niya si Rafael, nakaupo, diretso ang likod, nakapamewang ang mga kamay. May pasa s

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 102 Fight for Love

    Dumating ang isang guro, kasunod ang guard.“Guidance office. Ngayon din,” utos nito.Habang hinihila sila palayo, humihikbi si Liana, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit at panghihinayang.Hindi siya palaban.Pero sa araw na iyon, natutunan niyang ipagtanggol ang sarili niya.At ang lalaking kanyang mahal.Tahimik ang guidance office. Nakaupo si Liana sa harap ng mesa, magkapatong ang kamay sa tuhod, pilit pinapakalma ang panginginig.“Liana,” mahinahong sabi ng guidance counselor, pero may lamig sa boses, “naiintindihan naming stressed ka. Pero base sa nangyari kanina… may history ka ba ng emotional episodes?”Parang sinampal siya ng tanong.“Wala po,” mahinang sagot ni Liana. “Napuno lang po ako. May sinabi po siyang hindi maganda kaya ko po siya pinatulan. Noon pa po siya ganyan.”“Marami kasing sinasabi online. At kapag may ganitong exposure, minsan… nagiging overwhelming sa mga kabataang kagaya mo.”Bumukas ang pinto.“Excuse me po,” sabay-sabay na pumasok sina Sofia, Fait

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status