LOGINayan, they're back together! The past is cracking open. Trust no one. The next chapter will burn—are you ready to face the fire?
Ang gabi sa yacht ay parang isang hiningang matagal naming hinintay. Tahimik. Malalim. Hindi yung katahimikang puno ng kaba...kundi yung uri ng katahimikan na nagsasabing ligtas ka na. Ang alon ay banayad na humahaplos sa katawan ng barko, paulit-ulit, parang tibok ng pusong hindi nagmamadali. Sa itaas, ang mga bituin ay nagkalat sa kalangitan...parang mga mata ng langit na tahimik na nagmamasid sa amin, parang mga saksi sa lahat ng pinagdaanan namin.Huminga ako nang malalim.Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko...hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng kahulugan ng sandaling ito. Ang bawat paghinga ko ay parang musika na may sariling ritmo, mabagal pero sigurado. At sa harap ko, nakatayo si Gabriel.Hindi siya naka-armor.Hindi siya ang lalaking kinatatakutan ng mundo.Hindi siya ang hari ng digmaan o ng imperyo.Isa lang siyang lalaki ngayong gabi...matatag, tahimik, napakaseksi sa paraan na hindi niya kailangang subukan, at… sobrang minahal ko.Ang ilaw ng mga bituin ay humahalik
Tahimik ang lungsod sa labas—nakakatakot na tahimik, parang ang buong mundo ay humihinga nang sabay-sabay, naghihintay ng isang pagsabog na matagal nang itinago sa ilalim ng lupa.Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling glass ng Buenavista Tower, tanaw ang ilaw ng siyudad na parang libo-libong mata na nakamasid sa amin. Sa gabing ito, alam kong hindi lang reputasyon ang nakataya—kundi ang mismong kaluluwa ng lahat ng itinayo namin ni Gabriel.Huminga ako nang malalim, pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.Hindi ito takot lang.Ito ang bigat ng katotohanang matagal naming hinabol.Ito ang gabi kung saan babagsak ang anino ng imperyo.“China…”Narinig ko ang boses ni Gabriel sa likod ko—mababa, kontrolado, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat pantig. Lumapit siya, at bago pa man ako makalingon, naramdaman ko na ang init ng kanyang presensya, ang bigat ng kanyang kamay na dahan-dahang humawak sa bewang ko.Parang paalala.Hindi ako nag-iisa.“Are
Ang araw na iyon… iba ang bigat. Iba ang lamig. Para bang may humihinga sa batok ko — hindi hangin, hindi paranoia — kundi isang presensya na nagbabadya ng unos.At nararamdaman ko iyon hanggang sa buto ko.Gabriel walked beside me habang naglalakad kami sa corridor ng Buenavista Tower, pero ramdam ko na hindi siya basta naglalakad. He was scanning — every corner, every shadow, every reflective glass panel. Ang kamay niya ay nakahawak sa braso ko, hindi mahigpit… pero sapat para ipaalam sa mundo na:Mine.My wife.My life.Touch her and you die.His ruthless billionaire stance.Hindi niya kailangang magsalita para maramdaman ang gano’n.Pero nagsalita siya.“China… we need to be alert,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi, parang sanay na sanay sa tahimik na command. His tone was low, deep, protective.Tumango ako, kahit kumakabog ang puso ko. “Alam ko,” sagot ko. “Pero hindi ako takot. Hindi habang kasama ko kayong dalawa.”Napatingin siya sa akin — mismong tingin na nagpapal
Ramdam ko ang kabuuan ng kapangyarihan namin ni Gabriel—hindi lang sa negosyo, kundi sa puso, sa pamilya, sa bawat aspeto ng buhay. Parang bawat hakbang namin sa elevator ay may bigat ng responsibilidad, pero kasabay nito, may kilig na hindi ko maipaliwanag. Ang bawat kisap-mata niya ay parang may lihim na pangako, at ramdam ko iyon sa buong katawan ko.“China, ready ka na ba?” bulong niya sa akin, hawak ang kamay ko. Hindi lang basta hawak—parang pinapadala niya ang buong lakas at tiwala niya sa isang simpleng pagkakahawak. Ang titig niya ay may halo ng pride, halong pang-aasar na nakakakilig.“Always, Gabriel,” sagot ko, napangiti, ramdam ang init ng kanyang hawak na naglalakbay sa dugo ko. Sa bawat segundo, parang sinasabi niya sa akin, we’ve come so far, and we’re not turning back.Pumasok kami sa boardroom, at ramdam ko ang bigat ng mga mata sa amin. Ngunit sa halip na takot, may halong respeto at anticipation sa paligid. Ang dating tense na atmosphere—yung parang bawat tao ay na
Huminga ako nang malalim, ramdam ko pa rin ang init ng adrenaline sa dibdib. Nakaupo ako sa armchair sa sala, nakatingin sa tulog na tulog si China sa kama, ang buhok niya nakalugay sa unan, napakaganda ng mukha niya sa liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana.Hindi niya alam… hindi niya alam kung gaano ako kinakatakutan sa loob. Sa bawat segundo na lumilipas, iniisip ko kung anong gagawin ni Eleanor kung makakalapit siya. Kung makakakita siya sa asawa ko nang walang proteksyon. Kung may mangyari sa kanya kahit saglit lang…“Hindi ko siya papayagang masaktan,” bulong ko sa sarili ko, halos may panginginig. “Hindi.…”Hinawakan ko ang kamay niya, malambing at matindi. Kahit tulog pa siya, ramdam ko ang init niya sa aking palad. Parang nagpapaalala sa akin: ito ang buhay ko. Ang pamilya ko. Ang babaeng hindi ko kayang mawala.Hindi sapat ang sarili ko lang. Alam ko. Kailangan ko ng strategy, precision, at lakas. Tumayo ako, dahan-dahan, hindi ginising si China, at kumuha ng phone.“Rocc
Humigpit ang hawak ko sa manibela habang minamaneho ko pabalik ang kotse papuntang Buenavista Tower. Hindi ko na ramdam ang pagod, ni ang lamig ng gabi — puro adrenaline, galit, at takot para kay China ang umiikot sa buong sistema ko. “Damn it…” bulong ko, mariin, halos paos. “Kung may nangyari sa’yo habang wala ako…” Hindi ko na tinapos ang sentence. Hindi ko kaya. Hindi ko gustong i-imagine kahit isang segundo. Tumawag ako agad kay Rocco. “Status,” utos ko. “Sir, China is inside. Safe. Nakalock ang lahat ng access points. Nasa panic room ang bata,” mabilis na sagot niya. Pero hindi ako mapalagay. Hindi kahit isang porsyento. “Anong ginagawa niya ngayon?” Tahimik si Rocco ng ilang segundo. Para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya. “Sir… she keeps asking if you’re okay. Paulit-ulit.” Napapikit ako ng mariin. Tangina. China. “Copy,” mahina kong sagot bago ibinaba ang tawag. Kasabay noon, tumunog ang phone ko. China. Napabilis ang tibok ng puso



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



