FAZER LOGIN"Sabihin mo na sa'kin kung sino," muling ulit ni Rowan at nauubos na ang pasensya niya.Napalunok si Kaori at nanatiling nakatitig kay Crisanto.Tinitimbang niya kung ilalaglag niya ba ito o hindi. Kapag nagsabi siya ng totoo, ligtas siya kay Rowan pero matatapos ang koneksyon niya kay Crisanto.Wala namang reaksyon si Crisanto at malamig lang din na tumitig. Tinatanya kung kaya bang magsinungaling para sa kanya ni Kaori. After all, sinunod lang naman niya ang gusto nito.Bumaling si Rowan sa ama niya lalo't dito nakatitig si Kaori."Is it you Dad?" simpleng tanong niya pero kumukuyom na ang kamao niya.Humalukipkip naman si Crisanto at parang walang pakialam."Of course not. Tanungin mo ulit ang Mama mo," tukoy nito kay Kaori."She's not my mother," agad na kontra ni Rowan."Fine. Ask your stepmother again, Rowan," madiing utos ni Crisanto.Tumikhim naman si Kaori at pinunasan ng palad niya ang basang mukha."H-indi ko alam. Wala akong alam. Kasama ko si Crisanto magdamag. Isa pa, h-
Hinintay naman ni Rowan na mag-react si Vivienne sa sinabi niya pero nananahimik lang ito.Hindi niya tuloy alam kung may puwang ba siya sa puso nito o wala.Parang wala yata."Narinig mo ba ang sinabi ko?" hindi na niya mapigilang tanong sa asawa.Napakurap ito muli at imbis na sagutin siya, kumuha ito ng first aid kit."Gagamutin ko na lang 'yang sugat mo para hindi ka magdeliryo sa sakit," imbis ay bigkas nito.Napatiim bagang tuloy si Rowan. Hinayaan na lang niya na hilahin siya nito pabalik sa kama.Giniya siya nito paupo. Umupo ito sa harapan niya at mas inasikaso pa ang paglalagay ng betadine sa bulak.Marahan nitong dinampihan ang sugat niya.Pinagmasdan itong mabuti ni Rowan. "Rowan," hindi mapigilang tawag ni Vivienne."Hm?"Sinulyapan niya muna ang asawa, "Tingin mo totoong asawa na ng Daddy mo si Kaori?"Bahagyang kumibot ang kilay ni Rowan bago sumagot."I don't care, Wifey—ouch!" d*ing nito matapos niyang diinan ang bulak sa sugat nito."What was that for?" nakangiwing
"S-abi mo magpapahinga ako.... Pagod ako di ba? Hindi mo dapat ako lalong pagurin," kandautal na tanggi ni Vivienne.Mahina namang natawa si Rowan tapos ay malalim na huminga."After what happened, natakot akong mawala ka sa tabi ko. F*ck, this is not me. What did you do to me, Wifey?" medyo frustrated na ang boses nito sa dulo at mukhang hindi makapaniwalang nasabi nito ang mga 'yon.Napatitig lang si Vivienne dito.Hindi rin siya makapaniwala na lalabas ang mga ganoong salita kay Rowan.Totoo ba ang narinig niya? Kita naman niya sa kilos nito pero.... parang hindi naman ito ang tipong mahuhulog sa isang babae."Nevermind," bawi nito at binuksan na ang master's bedroom.Marahan siya nitong binaba sa kama at akmang lalayo na ngunit humawak siya sa batok nito.Marahan niyang hin*god iyon kaya't napaungol ito."Wifey, stop. Kailangan mong magpahinga," paalala nito at nilayo ang kamay niya.Binalik niya lang iyon sa batok nito at pati buhok nito ay marahan na niyang hin*god.Muli itong s
"May bagong nanay ka na, Boss?" hindi mapigilang tanong ni Gambo.Kumibit balikat si Rowan, "Parang? Kung kailan tumanda, doon pa lumandi."Agad na napatawa si Barako, "Ayos, Boss. May asim pa ang Daddy mo."Napailing na lang si Rowan, "Idiretso niyo na sa mansyon.""Noted, Boss!" sabay na sagot ng dalawa.Napaisip naman si Vivienne. Sino namang babae ang papatol kay Crisanto?Sabagay, mayaman ito at may itsura din. Demonyo nga lang.Bigla niya tuloy naalala ang utos nitong dapat ay mabuntis siya ni Rowan.Sa ilang beses na may nangyari sa kanila ni Rowan sa Hacienda at walang proteksyon, kinakabahan na siyang baka may nabuo.Sh*t!Si Matet talaga ang hahanapin niya pagbalik sa mansyon!Kailangan niya ang pills niya kahit hindi siya sigurado kung may nabuo na ba o wala.-----------------Noong makarating sila sa mansyon, mabilis pa sa alas kwatro na bumaba siya ng sasakyan.Handa na nga siyang tumakbo papasok ng mansyon kung hindi lang umikot ang braso ni Rowan sa bewang niya at pinir
"D*mn it! Fine. Huwag kayong lilingon dito sa likod," habilin ni Rowan kaya dumiretso ng upo ang dalawa at tinaas pa ang rear view mirror."Boss, di ba pwedeng ikalma mo muna si Manoy mo? Hassle eh," singit na tanong ni Barako.Sasagot pa sana si Rowan pero pinigilan na ni Vivienne. Siya kasi 'tong nahihiya sa sagutan ng tatlo.Isa pa, baka isipin ng dalawang tauhan na hayok sila sa s*x na mag-asawa."Calm down, Rowan. Gusto ko lang matulog ngayon. Please," bulong ni Vivienne sa asawa."Alright. Sleep tight, Wifey," imbis ay bulong na nito kaya't gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Vivienne at agad na pumikit.Hindi naman mapigil ni Barako at Gambo ang mapangiti sa nakikitang kalmadong awra ng Boss nila."Kayong dalawa, sa daan kayo tumingin kung ayaw niyong mawalan ng trabaho," madiing banta ni Rowan sa dalawa matapos makitang nakatitig ang mga ito sa kanila.Mabilis pa sa alas kwatro na dumiretso muli ng upo ang dalawa."Ito talagang si Boss, killjoy. Kami ang number one fans niyo, Bos
"Bakit mo tinatanong?" balik na tanong ni Rowan sa ama."She's my daughter in-law, malamang itatanong ko. Hindi ba?" madiing sagot ni Crisanto."She's none of your business, Old man," malamig na sagot ni Rowan sa ama.Hindi agad nakasagot si Crisanto kaya balak na sanang tapusin ni Rowan ang tawag kung hindi lang ito nagsalita muli."Fine. Ako na lang ang pupunta riyan. May ipapakilala ako sa'yo—""Tss. Whatever," agad niyang sagot at pinatay na ang tawag.Bumaling siya agad kay Vivienne at sinipat na naman ang leeg nitong may oinment na."Uuwi na tayo sa mansyon. Pupunta raw si Daddy doon. Does it hurt?" dagdag niyang tanong sa dulo at bumaling sa asawa.Nasalubong agad ni Vivienne ang nag-aalalang mga mata ni Rowan. Tumikhim siya at umiwas ng tingin."Okay na ako. Mas okay ngang umuwi. Baka balikan pa tayo rito," pagsang-ayon niya.Agad na tumango si Rowan at nagbigay ng utos sa mga tauhan niya. Pinadala na niya sa ospital ang mga sugatan at nag-iwan rin ng magbabantay sa Hacienda.







