Tinulungan na siyang magluto ni Ismael, at ito na ang naghugas ng mga ginamit niya at ng gulay na iluluto niya.“Ano ka ba, kaya ko naman ito.“ Sabi ni Julliane sa lalaki na naghuhugas na ng kawali na ginamit niya.Pero hindi ito nakinig sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa nito.Makalipas ang kalahating oras, inilagay na ni Julliane ang lahat ng pagkain sa mesa para sa kanya.May ginisang sayote na may carrots, ang sahog nito ay hipon at piniritong daing na bangus na galing pa ito sa kanyang byenan."Hindi na kita sasamahan, kailangan ko nang maligo at para mag-ready sa pag-alis.“ Sabi niya dito napatingin sa kanya.“Aalis ka talaga? At iiwan mo ang asawa mo na mag-isang kumain?“ Tanong nito na tila ba binibigyan pa siya ng alalahanin.“Ismael, kumain ka na at hindi pa naman ako gutom.“ Sabi niya rito pero napatiim lang ito.“Ihahatid kita sa bar o kung saan man kayo magkikita ng mga kaibigan mo.“ Sabi nito na tils pinalidad na ang sinabi nito.Nakita ni Ismael na tinanggal niya ang ka
“By the way, maiba na tayo ng usapan. About sa meeting kanina.“ Si Alora na ang nag-alis ng awkwardness sa kanila at binangit ang totoong pakay nila sa gabing ito. “Oo nga pala, narito rin ako para makibalita.“ Sabi naman ni Evelyn na napatingin sa akin at ngumiti sa kanya. “Like what i said before, hindi na si Mr. Garcia ang major stockholder ng publishing house. May mga pagbabago na rin mula sa editorial, design and production.“ Simula ni Gary kaya napatango lang sila ni Evelyn. “Ang representative ng kung sino man na tao ang nakabili ng share ng pubhouse ay siyang dumating kanina.“ Sabi naman ni Alora. Kung sino man ang taong ito ay may mga ginawa itong pagbabago na mas makakatulong pa sa mga empleyado ng kumpanya. Nakahinga ng maluwag si Julliane, dahil maraming nabago sa rules and regulation kumpara nong unang araw na nagtrabaho siya rito. Halos walang pahinga ang ilan sa mga production at editiorial department, kumpara sa iba na pa-easy-easy lang sa trabaho. “Well atlist
Pagka-alis ni Ismael sa harap nila ay muling bumaba si Crissia, hindi maganda ang kutob nito.“Saan ka pupunta? Diba pinapaakyat na tayo ni Ismael?“ Tanong ni Allen na kinakabahan.Alam nito na isang tao lang ang susundan ni Ismael, at si Crissia ay determinado na sundan rin ito.Bago pa mahanap ni Julliane ang banyo, bigla siyang hinawakan mula sa likuran ng kung sino."Saan ka pupunta?"Sinalo siya ni Ismael sa corridor, at saka idiniin siya sa pader sa tabi niya, at nagtanong."Ang lamig!" Walang kamalay-malay na nagsalita si Julliane.Naramdaman kasi nito ang malamig na pader sa kanyang likod.Naninikip ang puso ni Ismael, ngunit sa isang iglap ay muli niyang idiniin ito, ibinaba ang kanyang mga mata at tiningnan nang mabuti ang kanyang pinahirapang itsura, at bumulong. "Saan ang malamig? Dito?"Umabot ang kamay nito sa shirt niya.Pero tumingin si Julliane sa kanya, at hindi makapaniwala.Siya ay wala sa loob na tumingin sa paligid muli, at kabado na baka may ibang tao sa lugar,
"Ano?" Si Crissia ay hindi agad nakuha ang tanong ni Allen, kaya nagtanong ito.“Sa tingin mo ba nakakatuwang maliitin si Gilan, at pilitin si Ismael na balikan ka?" Inulit ni Allen ang tanong niya sa isip, pero ngayon nasabi na niya kay Crissia.Muling natahimik si Crissia. "Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin, nagsasabi lang ako ng katotohanan." Taranta nitong sabi sa kanya.Napahalukipkip si Allen at napasandal sa sofa.“Mas alam mo ang mga katotohanan kaysa sinuman sa atin, Crissia. Lumaki tayong magkasama at may kaunting pagkakaunawaan sa ugali ng isa't isa. Ngayon dapat ang una at tanging pagkakataon na ipaalala ko sa iyo na huwag masyadong matigas ang ulo!" Seryoso na sabi ni Allen sa kanya, kita ang madilim na titig sa kanya ng lalaki.Sa pagkakatanda ni Crissia ay mas nakakatakot itong magalit kaysa kay Ismael, palabiro lang ito at carefree na tao pero may ksang ugali ito na kahit ang mga iba nilang kaibigan ay ayaw itong makita dito.“Allen, hindi sa ganon totoo ang
Gustong mapamura ni Julliane sa mga sandaling ito, pero hindi niya magawa kahit sa isip lang niya.Masyado talaga siyang takot na baka madagdagan lang nito ang kasalanan niya, problema ng pagiging masyado niyang mabait.Sinundan siya ng asawa, at nakaupo na ito ngayon sa tabi niya.“Mr. Sandoval, bakit hindi ka umakyat sa pribadong kwarto kasama ng mga kaibigan mo?“ Lakas loob na tanong ni Gary dito, kaya napatingin dito si Julliane.Sumangayon siya sa sinabi ng boss niya, pero napangisi lang si Ismael."Hinihintay kong umuwi ang asawa ko pagkatapos makipag-usap kasama ang mga kaibigan niya."Paliwanag ulit ni Ismael, habang nakangiti na ito ng malawak.Napatanga na lang dito si Gary, Alora at Evelyn na hindi makapaniwala."Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Sinong asawa mo?"Hindi na napigilan ni Julliane na lumingon at tumitig sa kanya para paalalahanan siya."Yong babaeng muntik nang kumagat sa leeg ko kanina."Sabi ni Ismael at sadyang hinawakan ang lugar kung saan siya kinagat.
Pero gusto niyang gawin sa kanya ang ginawa ng ibang mag-asawa sa bar, kaya nagpatuloy siya.Ito ang naiisip ni Ismael, ang lambingin pa ang asawa niya.Pero si Julliane ay iba ang nas isip, gusto na lang nito na umuwi sila.Hinawakan ni Julliane ang kanyang kamiseta pero walang epekto, kaya sinimulan niyang hawakan ang kanyang pulso. Pero pinipigilan ito sa abot ng makakaya ni Julliane.Ang kanyang mga kamay ay tumatakbo sa paligid, ginugulo ang kanyang damit.“Wag kang masyadong lumaban! Magpakabait ka!" Huminga si Ismael sa kanyang tainga, at pagkatapos magsalita, sinipsip niya ang kanyang pulang tainga.Walang kamalay-malay na umungol si Julliane, at sa sumunod na segundo ay napagtanto niyang sarili niyang boses iyon, at agad na hinarangan ang kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang kamay.Amoy wine ang bibig nito, at hinalikan niya ito mula tenga hanggang leeg. Hindi ito kasing bangis noong kinagat niya siya sa utility room, ngunit isang mabagal na paghalik.Hindi napigilan ni
Dahil sa sinabi ni Ismael na hindi ito papayag na maghiwalay sila, hindi niya rin napigilan na sumagot dito. "Hindi ako sang-ayon!" Tumingin siya sa kanya na may matalim na tingin sa kanyang mga mata, mahina ngunit matatag. Ang kapatiran at kawalang-interes ng lalaki ay nakasira sa kanyang pagnanasa sa pag-ibig noong siya ay bata pa. "Kung gayon, sabay tayong mahulog sa impiyerno!" Bulong ni Ismael sa kanya na parang inaarok pa siya. Biglang naalala ni Julliane na hindi siya maaaring maging panginoon niya. Biglang pumasok sa isip niya ang proposal ni Alora, o dapat kaya muna siyang umalis sandali. Oo nga pala, may sinabi ito sa kanya na makakatulong sa kanya para mas mahasa pa ang galing niya sa pagsusulat. Mag-aaral siyang muli, pero sa ibang bansa ulit iyon. “Don't think too much, Julliane.“ Seryoso na turan ni Ismael sa kanya pagkatapos nito ay kinabig siya nitong muli at agad siya nitong hinalikan, dinamdam nito ang mga bibig niya maging sa pagitan ng kanyang mga labi at
Nang makapasok sa loob ng bahay niya si Julliane ay agad niyang nilapag sa sofa ang kanyang bag, naghubad ng coat at napaupo sa sofa.Napahawak siya sa labi niya na malamang namamaga dahil sa paghalik dito ng lalaking iyon.Alam niya na kung pumayag siya sa alok ng lalaki ay baka naibigay na niya rito ang kanyang sarili.Kung tutuusin ay walang masama sa bagay na ito, mag-asawa sila pero tanging sa papel lamang iyon.Mag-hihiwalay na rin sila, at ang tanging bagay na kung hindi siya pumayag ay ang kanyang dangal.Ito na lang ang natitira kay Julliane, oo nga at minsan na rin niyang pinangarap na makulong sa mga bisig nito.Pero nong maramdaman na niya iyon ay naisip niya na ganon lang pala iyon.Pinilit niyang tumayo para makaakyat sa kwarto niya, at tahimik na naglakad sa madilim na pasilyo papunta sa kanyang silid.—Kinabukasan ay pumunta si Ismael sa bahay ni Julliane, tahimik pa ang umaga dahil alas-singko pa lang.Naghanda siya ng almusal para dito at napatingin sa taas.Alam ni
Habang nasa byahe si Gary at Alora ay hindi mapigilan na paluin nito ang braso ng pinsan."Aww! What's the matter?" Nagulat na tanong ni Gary."Hindi ka dapat nagtanong ng ganon kay Mr. Sandoval." Sabi ni Alora kay Gary kaya napatawa na lang ito.Alam na alam ni Gary na gaano man kalaki ang problema sa pagitan nina Julliane at Ismael, kahit na nag-away sila hanggang sa puntong magkagulo, hindi mapapalitan ang posisyon ni Ismael sa puso ni Julliane.Kahit na kaya niyang sabihin ang mga mapagpasyang salita."Gusto mo pa rin ba siya?" Mayamaya na tanong ni Alora sa lalaki.Si Gary ay napaisip, at saka napangiti. Hindi mahirap magustuhan si Julliane, napakabaig nitong babae at wala pa siyang nakikilalang kasingbait nito.Kahit naman na binalaan siya noon ni Ismael, alam niya na hindi pa nawala ang paghanga niya sa babae."Magsisinungaling ako kung hindi na, pero may asawa na siya. At ayokong dagdagan pa ang problema ni Julliane kung sakali man." Sabi na lang niya kay Alora na napangiti at
Kinabukasan ay ang magpinsan naman na Alora at Gary ang inimbitahan niya.Pero ngayon nandito si Ismael, ayaw pa nitong umalis.Nauna na si Evelyn na umuwi at humingi ito ng dispensa sa kanya na agad naman niya na tinangap.Naabutan pa nito si Allen na tulog pa sa sofa sa sala niya at napailing na lang ito.Wala itong sinabi pero nangako ito na magkukwento kapag natapos na ang holiday.Si Allen ay nagising ng alas syete at nagising ito sa ingay ng telebisyon na sadyang nilakasan ni Ismael, kahit na sinaway niya ito.Nagluto siya ng mushroom soup para kapag nagising si Allen ay makahigop ito ng mainit na sabaw, at magkakasabay silang nag-agahan.Umalis na rin si Allen dahil uuwi pa raw ito sa kanila sa Zambales.Naiwan naman sila ni Ismael na wala pang balak na umuwi, kaya hinayaan na lang ni Julliane ang lalaki.Alas singko nh hapon ay dumating ang magpinsan, at nagulat si Alora dahil nandito si Ismael na agad naman na binati nito.Awkward pero okay naman ang lahat, gayon nga lang ay
Agad na lumapit si Ismael at hinawakan ang kanyang braso."Bakit ano ba ang problema?" Tanong ni Ismael sa kanya.Si Julliane ay tila umikot sa kanyang kamay, ang kalahati ng kanyang katawan ay dumikit sa kanyang malakas na braso."Bakit hindi mo tanungin yang kaibigan mo!" Inis niya sa sabi dito kaya napatingin ito kay Ibinaba niya ang kanyang mga mata upang tingnan ang kamay na kanyang pinipindot, at sa sandaling iyon, ang kanyang mga mata ay muling tumingin kay Ismael.Si Mirko ay tumingin sa kanya na may pagkalito, at pagkatapos ay sumulyap kay Allen na nakatitig pa rin kay Evelyn."Mas mabuting huwag ka na lang magtanong." Biglang sabi ni Allen na napakamot na lang ng batok."Ano ba ang nangyayari dito at bakit naglasing yang kaibigan mo?" Tanong sa kanya ni Ismael na nakatingin sa kanya."Wala, bakit pala kayo nandito?" Pag-iiba niya ng usapan pero napakunot lalo ng noo si Ismael."I want to see you, and this two wants to greet and give you thier gifts." Sabi nito sa kanya kaya
Tumawag si Ismael ngayong araw para kumustahin ang banquet hall na inaasikaso niya.Naka-videl call ito para makita kung ano na ang nagawa, kaya tinapat niya ang camera sa harap."Inihanda na nila ang birthday banquet..." Sabi niya dito, abala ang mga tauhan nila at may kanya-kanyang ginagawa.Ang mga upuan ay maayos na rin na nakakalat sa hall area."Napakaganda ng night view dito!" Si Julliane ay nakangiti habang pinapakita ang labas sa kanya, ngunit biglang nagambala si Ismael.May sinasabi kasi ang sekretaryo nito kaya tumapat sa mukha nito ang camera.Natigilan si Julliane ay napalunok, napakagwapo nito. Pero tila wala itong maayos na tulog.Sa pagkakaalam niya ay lagi itong nasa labas ng bansa, upang umatend ng mga meeting.Ito ang dahilan kung bakit wala ito ngayon dito, ilang araw na."Oo!" Sabi nito sa lalaki at napatingin ito sa kanya."Pasensya ka na abala ako ngayong araw." Paghingi nito ng paumanhin.Saglit na natigilan si Julliane, at nag-aalangan na sumang-ayon."Sasam
Si Julliane ay lumapit kay Analou na nakangiti pa rin.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ang sustento at bills ni Crissia ay tinangal na rin pala ni Ismael dito."Hindi dapat manggaling sa akin ang salitang ito, pero matagal nang tinangal ni Ismael ang sustento niya sa babaeng iyon hija." Sabi ni Analou na nakatitig sa kanya.Si Julliane ay hindi na nagsalita pa at napatango na lang dito.Talaga nga na wala nang pakialam si Ismael kay Crissia, dahil sa nalaman niya ngayon.Bandang alas-diyes, lumabas sina Anlou at Julliane. Sumakay si Analou sa kotse ng pamilya at hinintay siya na makapasok."Mama, mauna ka na po. Makikipagkita pa ako sa kaibigan ko." Sabi ni Julliane dito."Ganon ba anak? Sige pero umuwi ka sa bahay para sa hapunan okay." Sabi nito sa kanya kaya napangiti si Julliane at agad na tumango.Alas tres pa lang naman ng hapon, may dalawang oras pa siya at nag-text kasi sina Mayi na mag-milktea sila kaya agad naman siyang pumayag dito.Pero kailangan muna niyang umuwi
Napatitig si Julliane kay Ismael at saka napailing."O gusto mo ng ibang klase ng bulaklak? O chocolate kaya? Ano ba ang gusto mo? Teddy bear?" Magkakasunod nitong tanong na hindi alam kung tama ba ang sinasabi nito o ano.Nag-iinit ang mga mata ni Julliane, ibinaba niya ang kanyang ulo at nag-isip sandali, pagkatapos ay sumagot. "Hindi ko gusto ang alinman sa kanila!""Then what do you like? I'll give it to you? You can continue to sue me." Niyakap siya nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane, at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng bahagyang basa sa kanyang leeg.Siya...umiiyak? Hindi makapaniwala si Julliane sa kanyang natuklasan.Natakot si Julliane sa sarili niyang iniisip, lumingon siya at tumingin dito, ngunit wala siyang nakita, at pagkatapos ay hindi siya nangahas na kumilos.Sa sumunod na mga minuto, ang buong bahay ay tahimik, ang tanging naririnig lang ni Julliane ay ang mahinang tunong ng aircon dito sa kanyang sala.
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya