LOGINMattias AvilaAng kaninang mansiyon na halos walang makikitang kahit na anong dumi ay napuno na ng nagkalat na dugo. Bukod pa roon, nagkalat din doon ang mga tauhan ng Callisto Group at Navarro Group na sa mga sandaling iyon ay wala nang buhay.Habol-hininga kong tinapunan ng tingin si Xyla na sa mga sandaling iyon ay katatapos pa lamang niyang patumbahin ang isang lalaking mas malaki at mas matangkad pa sa kanya.Hindi lamang niya pinatumba iyon kundi ginilitan din niya ang leeg niyon.Matapos ang mga sandaling iyon ay isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi at kalaunan ay naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin, agad ko siyang sinalubong."Mafia Princess," bulalas ko habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Ngayon alam ko na kung bakit binansagan kang mafia princess. Hindi maikakaila na…magaling kang makipaglaban at kayang-kaya mong patumbahin ang mga kalaban mo."Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga
Xavier IglesiasSa kasagsagan ng tahimik na daang tinatahak namin patungo sa safehouse, hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maalis ang pagkakatitig ko sa picture ni Naya sa cellphone ko.Ikinuyom ko ang mga kamao ko at napapikit.Hindi ko akalain na magagawa ni Ruan na kalabanin ako. Of all people, isa siya sa mga taong nakakaalam kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin pagdating sa mga taong mahalaga sa akin.But instead of thinking about that, hindi naging hadlang iyon sa kanya at isinawalang-bahala niya ang consequences na naghihintay sa kanya.I turned off my phone and opened my laptop.Muli kong binalikan ang CCTV footage kung saan ay napanood ko kung paano nakapasok si Ruan sa loob ng mansiyon. Mula roon ay kitang-kita ko kung paano niya dukutin na parang magnanakaw ang asawa ko at ni isa man lang sa mga kasamahan namin doon ay hindi nila nagawang mapansin ang pagpasok niya."What a bunch of insolent people!" I mumbled as I put force on closing the lid of my lap
Mattias Avila"Senyorita Xyla, nandito na ho ang mga tauhang inutusan ninyong pumunta rito," anas ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng blue polo shirt. "Ipinaalam ko na rin ho kay Don Gustavo ang tungkol sa pagpunta namin dito. Wala naman hong naging problema, kung tutuusin ay sinabihan pa nga niya kami na mag-iingat kami."Tumango lamang si Xyla sa sinabing iyon ng lalaki. Ilang saglit pa ay sumabat ang isa sa mga kasamahan nito na nakasuot naman ng black polo shirt."Nakapuwesto na ho ang mga tauhan natin, Senyorita Xyla," sinsero nitong bungad. "Everything's under control at halos lahat sa kanila ay kabisado na ang trabahong gagampanan nila ngayong gabi."Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Xyla. Mabilis pa sa alas kuwatro siyang humarap sa akin kasunod niyon ay mahigpit niyang niyakap ang braso ko."See? I told you, help would come!" anas niya habang hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi. "There's no way na hahayaan kong makipaglaban mag-isa ang magigi
Mattias AvilaMatapos ang trenta minuto ay tuluyan na ring nilisan ni Xavier at ng kanyang mga tauhan ang mansiyon. Isinama na rin niya ang lahat ng miyembro ng pamilya namin, kung saan ay pilit akong kinukumbinsi na sumama sa kanila.Ngunit kahit ganoon pa man ay nagpumilit din ako na ako na ang bahala sa kung anumang mangyayari ngayong gabi rito sa mansiyon. Ako na ang haharap kay Verena at sa anak niya. Ako na ang makikipagsapalaran para lamang matigil na ang kasakiman nilang mag-ina.Bago pa man ako kumagat sa sandwich na ginawa ko ay natigil ako nang mapukol ang tingin ko kay Xyla na kabababa pa lamang ng hagdan."Takte! Nakalimutan kong isinama ko pala siya rito!" Napasapo ako sa noo ko at kalaunan ay nagsimula na rin akong kumain. "Paano ko sasabihin sa babaeng 'to na may importante akong kailangang asikasuhin? Paano pala kung sa kasagsagan ng pakikipaglaban ko ay bigla na lang siyang lumabas? Eh kung ikulong k
Naya DiazNaudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang paglapag ng mug sa coffee table sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin kay Iris na sa mga sandaling iyon ay nakangiti kasabay ng pagtapik niya sa balikat ko."Ipinagtimpla nga pala kita ng chamomile tea," wika niya at umupo sa tabi ko. "Siyangapala, naglagay ako ng ilang makakapal na kumot sa kwarto mo. Tuwing gabi kasi, lalo na kapag madaling araw, ay malamig ang buong bahay. Malapit ba naman sa bundok."Tumango ako at humigop ng tsaa."Other than that, inilagay ko na rin sa kabinet sa kuwarto mo 'yong mga damit na sa tingin ko ay kaysa sa 'yo," pagpapatuloy niya. "Pagpasensyahan mo na si Ruan. Biglaan lang din kasi ang desisyon niyang 'to na itakas ka. Sana nga lang ay…safe tayo rito."Natigil ako sa sinabi niyang iyon. Ilang saglit pa ay ibinaba ko na rin ang hawak kong mug at kalaunan ay hinarap ko siya.I cleared my throat. "As long as wala silang
Xavier IglesiasMatapos kong mag-impake ng mga gamit ko ay agad na rin akong lumabas ng kwarto namin ni Naya. Natigil ako sa pagbaba nang matanaw ko mula sa living room si Mattias na abalang nakikipag-usap kina Ares at Vince.Nang tuluyan na akong makarating sa ibaba ay agad akong sinalubong ni Dante at kinuha ang maletang hawak ko. Hindi nagtagal ay napukol ang tingin ko sa vault room kung saan ay nandoon si Lola Erlita at ang ilang sa mga tauhan namin.She's handling them some important things that I need to take with me for my departure."You are really doing this, aren't you?" Maya-maya'y tanong sa akin ni Mom nang lumapit siya sa akin. "Sigurado ka na ba sa plano mong 'to? Hindi naman sa wala akong tiwala sa gagawin mo, I always trust you and your plan. Pero kailangan ba talagang umalis ka? There are still things that you need to fix in here. How about Naya?"Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko sa sinabi niyang iyon. Kasabay ng pagngiti ko sa kanya ay inakbayan ko s
Naya Diaz Mag-aalas-siete na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Kung tutuusin ay sanay naman na ako sa mga sunod-sunod na gawain pero sa mga sandaling ito ay parang pagod na pagod ako. Sa ngayon ay wala akong gustong gawin kundi ang dumiretso kaagad sa kwarto at nang makapagpahinga na. O di kaya
Xavier Iglesias "I can't believe that this looks harder than I thought," anas ko sa sarili ko nang muli akong pumwesto sa desk ko. "Kung bakit ba kasi kailangan pa naming itago ang relasyon namin?"Napahilamos ako sa mukha ko nang mga sandaling iyon. Kung tutuusin, dapat ay masanay na ako dahil s
Naya Diaz 'Come on, it's just one date, Naya. Wala naman sigurong masama kung kikilalanin natin ang isa't-isa, hindi ba? Besides, you're single and I'm single. Pwera nga lang kung may nobyo ka na magagalit. Of course, talagang hindi na kita pipilitan pa.'Isang oras na ang nagdaan pero hanggang ng
Xavier Iglesias Agad na nabasag ang maingay na kapaligiran sa loob ng cafeteria pagpasok namin. Everyone stopped talking and laid their eyes on us including my wife with her friend, Jasmine. Bagamat halos lahat ng mga babaeng nandoon ay inamin na may gusto sa akin at nagbigay pa ng motibo ay tang







