LOGINXavier Iglesias
"Emilio Mendoza," anas ko na agad niyang ikinangiti. "It's been…"
"Almost fifteen years," aniya at inilahad ang kanyang kamay. "High school to college years, I think. Hindi ko alam na muli tayong magkikita, dito rin mismo sa teritoryo ko."
Tumango ako at nakipagkamay sa kanya. "This is one of your restaurants, if I'm not mistaken."
Natawa siya at hindi kalaunan ay tinapunan ng tingin ang kanyang mga empleyado. Napangi
Naya DiazMatapos naming mag-almusal ay agad na rin kaming umalis ng safehouse. Tulad ng sinabi ni Ruan, wala kaming binitbit ni isang gamit kundi ang mga cellphone lamang namin.Hanggang sa mga sandaling iyon ay takang-taka pa rin ako sa mga inaasta nilang mag-asawa. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko at lalo pang nadagdagan iyon nang palitan ni Ruan ang sim card ng mga cellphone namin.Mayroon din siyang ilang mga tinanggal sa loob ng sasakyan na hindi ko sigurado kung para saan.Gustuhin ko mang magtanong, ngunit hindi ko alam kong paano ko sisimulan. I've tried to ask Iris a while ago, but she told me that I need to shut my mouth for a while. Sasagutin daw niya ang mga tanong ko kapag nakalayo na kami ng ilang kilometro mula sa safehouse.Maya-maya ay nabasag ang katahimikang iyon nang marinig namin ang pagtunog ng cellphone ni Ruan. Agad niyang pinindot ang answer button at mula roon ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na boses ng isang lalaki."Nakaalis na ba kayo ng safeh
Third Person's POVGigil na ibinalibag ni Neri ang kanyang cellphone. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao at kalaunan ay kinalampag ang lamesa.Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa rin niya makontak ang kanyang inang si Verena. Hindi rin nito sinasagot ang kanyang mga text o tawag.Mahigit dalawang oras na ang nagdaan simula nang umalis ito upang pumunta sa mansiyon ng mga Iglesias. Upang alamin kung totoo nga ba ang ibinalita ng kanilang spy na patay na si Xavier.They both wanted to make sure that he's dead.Hindi lamang para sa kanilang mga plano kundi para na rin tuluyan nilang makuha ang kanyang anak. Simula nang bumalik siya ay wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang mayakap at makasama si Naya. Kung tutuusin, wala naman siyang reklamo kung sinuman ang pipiliin at mahalin ng kanyang anak.But Xavier is not a good choice."Why hasn't she called yet?" saad niya at ibinalibag ang li
Xavier Iglesias"Mga walanghiya kayo!" mangiyak-ngiyak na wika ni Eleanor habang yakap-yakap niya ang malamig na bangkay ni Corazon. "Bakit ninyo pinatay ang kapatid ko? Dapat ako na lang! Ako na lang dapat ang pinatay ninyo! Bakit pati siya ay dinamay ninyo? Ako ang may atraso sa inyo! Mga walanghiya kayo!"Hindi ako umimik bagkus ay tahimik ko lamang na pinagmamasdan si Eleanor.Sa mga sandaling iyon ay tuluyan na rin kaming nakarating sa safehouse. Matagal-tagal na rin simula nang magpunta kami rito—magmula nang sugurin ni Eleanor si Victor at patayin mismo sa loob ng pamamahay namin.Bagama't may galit ako tungo kay Victor dahil sa ginawa niyang pagtatraydor sa akin, hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na minsan kaming naging malapit na magkaibigan. I want to hate him and forget everything about our friendship, but I couldn't.Wala akong pakialam kung kadugo siya ni Eleanor. Kailangan ko siyang maipaghiganti. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.Nag-angat siy
Mattias Avila"Papa!" bulalas ni Xyla at masayang sinalubong si Don Gustavo. "Ang akala ko ba busy kayo ngayon? Bakit kayo nandito? Anong ginagawa mo rito? Ikaw lang ba o kasama mo si Kuya?"Natawa si Don Gustavo sa mga katanungang ibinungad sa kanya ni Xyla. Ngunit bago pa man niya sagutin ang anak ay hinarap niya ang kanyang mga tauhan at agad na ipinadampot ang sugatang sina Verena at Dario."I came here because I need to make sure that my daughter is safe," nakangiti nitong anas. "And to answer your question, kasama ko ang kuya mo. Nandoon siya sa labas. Inaasikaso niya ang ilang tauhan natin."Tumango lamang si Xyla sa pahayag na iyon ng kanyang ama.Ilang saglit pa ay muli niya akong hinarap, kasunod niyon ay ang pagyakap niya sa braso ko."Papa, ito nga po pala si Mattias," pagpapakilala niya sa akin kay Don Gustavo. "Siya 'yong sinasabi ko sa inyo na nakilala ko sa province. He's also a part of the Iglesias family. Isa siya sa mga pinsan ni Mr. CEO."Hindi kaagad sumagot si Don
Naya DiazIsang maulang umaga ang sumalubong sa akin nang araw ding iyon. Bumaba ako mula sa kama at nagtungo malapit sa bintana. Mula roon ay tanaw ko ang malakas na buhos ng ulan sa labas.Ilang saglit pa ay isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.Kapag ganitong mga panahon ay walang ibang alam na gawin si Xavier kundi ang manatili lamang sa kama. Kahit kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil mayroon pa siyang meeting na pupuntahan, tila ba ayaw niyang kumilos.Bukod pa roon, dinadamay pa niya ako sa katamaran niya. Di bale nang huwag kaming kumain, basta mayakap niya lang ako habang nakahilata kaming dalawa sa kama.Mahina akong natawa at kalaunan ay napailing nang bumalik sa alaala ko ang mga sandaling maayos pa ang lahat sa paligid namin.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko."Please be okay, Xavier. Please stay alive for me. I don't want to lose you," anas ko sa sarili
Third Person's POVNaudlot ang pagmumuni-muni ni Ruan nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kuwarto. Iniluwa niyon si Iris na tila ba tulala sa mga sandaling iyon.Hindi siya nagsalita at hindi rin niya binasag ang pananahimik na iyon sa pagitan nilang dalawa. Bagkus ay nakatuon lamang ang kanyang tingin kay Iris na tila ba nakatitig sa kawalan. Agad na nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay at kalaunan ay tumayo sa kanyang kinauupuan.Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit sa asawa ay natigil siya nang mag-angat ito ng tingin."Hanggang kailan natin siya itatago rito?" Umupo ito sa gilid ng kama. "Paano kung bigla tayong sugurin ng mga Iglesias? Kilala mo ang mga 'yon. Kahit anong gawin nating pagtatago ay mahahanap at mahahanap pa rin nila tayo."Napatiim-bagang si Ruan. "Do you think I don't know that?"Bumalik siya sa puwesto niya kanina at kasunod niyon ay isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya."Konting tiis pa, Iris. Konting tiis pa," saad niya at tinapu
Naya DiazIlang oras na ang nagdaan simula nang mag-usap kami ni Xavier pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pumapayag siyang makipagkasal ako kay Ruan. Kung tutuusin ay inaasahan kong magagalit siya o di kaya ay sasabihin
Naya DiazIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko kasabay ng paghiga ko sa kama. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko at mararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Kung minsan ay iniisip ko nalang na baka may nagawa akong kamalian noong bata ako at ngayon ay sinisingil nila ako nang dahi
Xavier IglesiasHindi mapatid ang ngiti sa mga labi ko habang iginagarahe ko ang kotse ko sa parking area. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang naganap na mainit na sandali sa pagitan namin ni Naya. Oo at galit ako sa kanya dahil nagawa niyang hayaan lamang ang lintik na Ruan na iyon
Yey! 600 views na ang book na ito (next goal 1000 views)Maraming-maraming salamat po sa mga nagbabasa at magbabasa pa ng story nina Naya at Xavier. Pakatutukan pa ang kanilang kwento.Siyangapala, kung nabasa niyo na ang isang story ko na 'His Dangerous Desire' pinsan ni Theo si Xavier sa father's







