LOGINMattias AvilaDalawang oras na ang nakakaraan simula nang makausap ko si Naya ngunit hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin ang mga sinabi niya sa akin."Pwede bang humingi ng pabor?""Pwede naman. Depende lang kung kakayanin ko 'yan."Natawa siya ngunit agad din namang nagseryoso. "Can you take care of Xavier? Alam kong kayang gawin 'yon ni Yven. Alam ko rin na hindi siya hahayaan ni Ares at nang iba pa niyang mga tauhan. Pero sa dinami-rami ng mga kalaban niya na nakapaligid sa kanya, gusto ko, sobra pa sa sobra ang mga taong magbabantay sa kanya at sisiguraduhin ang kaligtasan niya."Kung tutuusin, hindi na kailangan ng proteksiyon ni Xavier. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya sa kahit na sinumang mangahas na magbalak ng masama sa kanya.Pero tama rin naman si Naya.May limitasyon at hangganan din ang lahat ng bagay. Lalo na sa nangyari ngayon sa kanya, paniguradong hindi magdadalawang-isip na magbalak ng masama sa kanya ang mga kalaban niya. Ngunit bukod doon, nasisi
Naya DiazPilitin ko mang matulog at ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay nananatiling gising ang diwa ko sa kadahilanang gusto kong manatili sa tabi ni Xavier.Kung hindi lang ako pinilit nina Yven at Mom Celine, hinding-hindi ako uuwi. Ayaw kong iwan ang asawa ko dahil baka mapano siya. Baka balikan siya ng mga taong naging dahilan ng nangyari sa kanya.I can't stand to lose him.Bagama't kinakailangan kong magpalakas, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa anak namin na ipinagbubuntis ko, para bang wala akong lakas na gawin iyon.I must do it no matter what, but why is it so hard?Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kanina, lalo na ang naging kalagayan niya nang ilabas siya mula sa building ng kanilang kumpanya.Punit ang kanyang damit dahil sa nangyaring p
Third Person's POVNang tuluyan nang makarating sa kanilang bahay ay agad na lumabas si Dario mula sa kanyang kotse. Iritable niyang isinara ang pinto niyon at paulit-ulit na sinipa ang gulong niyon. Kulang na lang ay pulutin niya ang bato na nasa kanyang harapan at itapon iyon sa kanyang kotse. He wants to break something. Bagay na hindi niya nagawa habang kaharap niya si Mattias."The fuck with that guy!" nangangalit niyang anas at muli ay sinipa ang gulong ng kotse. "Matagal na siyang nawala, bakit hindi na lang niya itinuloy-tuloy? Bakit pa niya kailangang bumalik? Everything was so damn good!"Sa kabilang banda naman ay ramdam ni Eric ang inis ni Dario sa mga sandaling iyon. Noon pa man ay tanging si Mattias lamang ang siyang nakapagbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang boss. That guy was not someone Dario should mess with.Kapag ang lalaking iyon ang kumilos at nagsalita, walang magawa ang kanyang boss. Katulad kasi ni Xavier, marami
Mattias Avila(Four hours ago)Kunot-noo kong tinapunan ng tingin ang braso ko na nadaplisan ng bala. Matapos niyon ay nag-angat ako ng tingin sa tauhan ni Dario na nakangisi habang hawak ang baril. Sa puntong iyon ay naghagalpakang muli ang kanyang mga tauhan—kabilang na roon si Dario.Sa kabilang banda naman, bagama't ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa nadaplisan kong braso ay prente pa rin akong nakatayo mula sa kinatatayuan ko.Ilang saglit pa ay tinanggal ko ang bag ko at inilapag ko iyon sa semento. Inilislis ko ang long-sleeved shirt ko at hindi kalaunan ay naglakad patungo sa kinalulugaran ng lalaking bumaril sa akin.Binalingan ko ng tingin si Dario na sa mga sandaling iyon ay naningkit ang mga matang nakatuon ang atensyon sa akin. Hindi nagtagal ay umangat ang dulo ng labi ko lalo na nang muli kong harapin ang kanyang tauhan.Agad kong sinipa ang hawak niyang baril, kung kaya't nabitawan niya iyon.
Mattias Avila(Four hours ago)Matapos kong bumaba ng bus ay agad akong naglakad patungo sa front door ng gusali ng kumpanya. Ngunit sa kasagsagan ng mga sandaling iyon ay natigil ako nang isang kotse ang agad na humarang sa daraanan ko.Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko habang inaabangang lumabas kung sinuman ang nasa loob ng sasakyan na iyon.Ilang saglit pa ay isang lalaki ang lumabas doon. Mas matangkad siya sa akin. Nakasuot siya ng maong pants at corduroy shirt. Sa leeg niya ay nakasuot din ang silver na kwintas na may pendant na leon. Bukod pa roon ay mayroon ding nakasubong sigarilyo na kulang na lang ay malapit nang maubos.Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi nang tuluyan kaming nagharap. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay pareho kaming natigil at napukol ang tingin sa ilan pang mga sasakyan na huminto sa likuran ko.Mula roon ay lumabas ang ilan sa kanyang mga tauhan. Armado ang
Naya Diaz"Kumain ka muna, Ate Naya. Binilhan kita ng makakain," rinig kong sambit ni Yven mula sa likuran ko. Umiling ako. "Mamaya na lang. Wala pa 'kong gana.""Hindi pwedeng hindi ka kumain," aniya na may tono ng pag-aalala. "Lumipas na ang tanghalian. It's already two o'clock. Anong balak mong gawin sa inyong dalawa ng anak mo? Kapag gising si Kuya Xavier, hindi siya papayag na gawin mo 'yan."Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Maya-maya ay tinapunan ko ng tingin ang orasan kung saan ay alas-dos na nga ng tanghali. Napahilamos ako sa mukha. Dahil sa pag-aalala ko sa kalagayan ni Xavier ay hindi ko namamalayan na halos apat na oras na pala ang dumaan. I've been staring at him from outside the ICU, hoping that he would wake up as soon as possible. I turned to him. "Gusto ko lang na…nandito ako kapag gumising siya.""Naiintindihan ko." Tango niya sabay haplos sa likod ko. "Pero hindi rin naman pwedeng gutumin mo ang sarili mo kababantay sa kanya. Maski nga siya ay kumakain gamit
Naya Diaz"Xavier!" Sebastian exclaimed. "Anong-""Anong ginagawa ko rito?" malamig na tugon ni Xavier at naglakad patungo sa pwesto namin. "This is my office. Ano pa bang rason kung bakit ako nandito? How about you? What are you doing here when everyone else is outside?"Pagak na natawa si Sebasti
Naya DiazLabinlimang minuto na ang nakalipas simula nang huli kaming mag-usap ni Xavier. Matapos niya akong iwanan at talikuran sa kanyang opisina, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Nakailang text at tawag na ako sa kanya ngunit hindi niya sinasagot ang mga iyon.Nilibot ko na ri
Naya DiazIlang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari nang gabing iyon. I was still a college student back then. Tahimik lamang ako sa apat na sulok ng opisina ng CEO habang inaasikaso ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan bukas.Tuwang-tuwa
Naya DiazDali-dali kaming natigil ni Kirsten sa pag-uusap nang makita namin ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Xavier. Agad kaming nagbaling ng tingin sa kanya kung saan ay kita namin ang hindi maipaliwanag na reaksiyon sa kanyang mukha.Nagkatinginan kami sa mga sandaling iyon.







