Share

Kabanata 242

Author: zeharilim
last update publish date: 2026-06-21 11:33:23

Mattias Avila

"Magiging maayos kaya ang kalagayan ni Xavier?" nag-aalalang tanong ni Naya. "I can't lose him, Yven. Kung kailang nagagawa ko pa lamang siyang kilalanin ng husto ay saka naman humantong sa ganito."

Hinaplos ni Yven ang likod nito. "Wag kang mag-alala, Ate Naya. Magiging maayos ang lahat. Sigurado rin ako na hindi ka basta-basta iiwan ni Kuya Xavier. Siya pa ba? Pagdating sa 'yo…lahat ay gagawin niya. Just relax. Everything's going t

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 285

    Xavier Iglesias"What?" kunot-noong tanong ni Yven. "The Falcon? Seryoso ba sila sa business partnership na 'yan?""It's not just about business partnership, Yven," saad ko. "Gusto niyang makipag-alyansa sa atin laban sa Callisto at Navarro Group."Hindi lamang si Yven kundi maging sina Lola Erlita at ang mga tauhan namin ay nabigla sa nalaman nilang iyon. Pansin ko ang agad nilang pagtitinginan ganoon din ang nakaguhit na pagtataka sa kanilang mga mukha.Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang kanilang naging reaksiyon. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga narinig ko kanina mula kay Don Gustavo. Pero nakasisiguro ako na hindi biro ang lahat ng mga binitawan niyang salita, lalong-lalo na ang kanyang desisyon.Kapag sinabi niya, paniguradong gagawin niya kung anuman iyon."Why does he want to…" Natigil si Lola Erlita sa kanyang sasabihin. Saglit siyang napaisip at muli ay nagsalita. "Our families are enemies. Whether he was doing this for some reason or not, hindi pa rin maaalis

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 284

    Naya DiazMatapos naming mag-almusal ay agad na rin kaming umalis ng safehouse. Tulad ng sinabi ni Ruan, wala kaming binitbit ni isang gamit kundi ang mga cellphone lamang namin.Hanggang sa mga sandaling iyon ay takang-taka pa rin ako sa mga inaasta nilang mag-asawa. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko at lalo pang nadagdagan iyon nang palitan ni Ruan ang sim card ng mga cellphone namin.Mayroon din siyang ilang mga tinanggal sa loob ng sasakyan na hindi ko sigurado kung para saan.Gustuhin ko mang magtanong, ngunit hindi ko alam kong paano ko sisimulan. I've tried to ask Iris a while ago, but she told me that I need to shut my mouth for a while. Sasagutin daw niya ang mga tanong ko kapag nakalayo na kami ng ilang kilometro mula sa safehouse.Maya-maya ay nabasag ang katahimikang iyon nang marinig namin ang pagtunog ng cellphone ni Ruan. Agad niyang pinindot ang answer button at mula roon ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na boses ng isang lalaki."Nakaalis na ba kayo ng safeh

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 283

    Third Person's POVGigil na ibinalibag ni Neri ang kanyang cellphone. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao at kalaunan ay kinalampag ang lamesa.Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa rin niya makontak ang kanyang inang si Verena. Hindi rin nito sinasagot ang kanyang mga text o tawag.Mahigit dalawang oras na ang nagdaan simula nang umalis ito upang pumunta sa mansiyon ng mga Iglesias. Upang alamin kung totoo nga ba ang ibinalita ng kanilang spy na patay na si Xavier.They both wanted to make sure that he's dead.Hindi lamang para sa kanilang mga plano kundi para na rin tuluyan nilang makuha ang kanyang anak. Simula nang bumalik siya ay wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang mayakap at makasama si Naya. Kung tutuusin, wala naman siyang reklamo kung sinuman ang pipiliin at mahalin ng kanyang anak.But Xavier is not a good choice."Why hasn't she called yet?" saad niya at ibinalibag ang li

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 282

    Xavier Iglesias"Mga walanghiya kayo!" mangiyak-ngiyak na wika ni Eleanor habang yakap-yakap niya ang malamig na bangkay ni Corazon. "Bakit ninyo pinatay ang kapatid ko? Dapat ako na lang! Ako na lang dapat ang pinatay ninyo! Bakit pati siya ay dinamay ninyo? Ako ang may atraso sa inyo! Mga walanghiya kayo!"Hindi ako umimik bagkus ay tahimik ko lamang na pinagmamasdan si Eleanor.Sa mga sandaling iyon ay tuluyan na rin kaming nakarating sa safehouse. Matagal-tagal na rin simula nang magpunta kami rito—magmula nang sugurin ni Eleanor si Victor at patayin mismo sa loob ng pamamahay namin.Bagama't may galit ako tungo kay Victor dahil sa ginawa niyang pagtatraydor sa akin, hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na minsan kaming naging malapit na magkaibigan. I want to hate him and forget everything about our friendship, but I couldn't.Wala akong pakialam kung kadugo siya ni Eleanor. Kailangan ko siyang maipaghiganti. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.Nag-angat siy

  • Secretly, Mrs. CEO   Volume 4 Kabanata 281

    Mattias Avila"Papa!" bulalas ni Xyla at masayang sinalubong si Don Gustavo. "Ang akala ko ba busy kayo ngayon? Bakit kayo nandito? Anong ginagawa mo rito? Ikaw lang ba o kasama mo si Kuya?"Natawa si Don Gustavo sa mga katanungang ibinungad sa kanya ni Xyla. Ngunit bago pa man niya sagutin ang anak ay hinarap niya ang kanyang mga tauhan at agad na ipinadampot ang sugatang sina Verena at Dario."I came here because I need to make sure that my daughter is safe," nakangiti nitong anas. "And to answer your question, kasama ko ang kuya mo. Nandoon siya sa labas. Inaasikaso niya ang ilang tauhan natin."Tumango lamang si Xyla sa pahayag na iyon ng kanyang ama.Ilang saglit pa ay muli niya akong hinarap, kasunod niyon ay ang pagyakap niya sa braso ko."Papa, ito nga po pala si Mattias," pagpapakilala niya sa akin kay Don Gustavo. "Siya 'yong sinasabi ko sa inyo na nakilala ko sa province. He's also a part of the Iglesias family. Isa siya sa mga pinsan ni Mr. CEO."Hindi kaagad sumagot si Don

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 280

    Naya DiazIsang maulang umaga ang sumalubong sa akin nang araw ding iyon. Bumaba ako mula sa kama at nagtungo malapit sa bintana. Mula roon ay tanaw ko ang malakas na buhos ng ulan sa labas.Ilang saglit pa ay isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.Kapag ganitong mga panahon ay walang ibang alam na gawin si Xavier kundi ang manatili lamang sa kama. Kahit kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil mayroon pa siyang meeting na pupuntahan, tila ba ayaw niyang kumilos.Bukod pa roon, dinadamay pa niya ako sa katamaran niya. Di bale nang huwag kaming kumain, basta mayakap niya lang ako habang nakahilata kaming dalawa sa kama.Mahina akong natawa at kalaunan ay napailing nang bumalik sa alaala ko ang mga sandaling maayos pa ang lahat sa paligid namin.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko."Please be okay, Xavier. Please stay alive for me. I don't want to lose you," anas ko sa sarili

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 8

    Xavier IglesiasAgad akong bumalik sa ulirat ko nang maramdaman kong may tumapik sa braso ko. Doon ko lamang napagtanto na nasa loob pala ako ng conference room at nasa kalagitnaan ng nagaganap na meeting. Kaya naman sa puntong iyon ay agad akong umayos ng upo at muling ipinukol ang atensyon sa kun

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 7

    (Four years ago) Naya Diaz Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang oras mula sa cellphone ko. Kaya naman dali-dali akong napabalikwas ng bangon at agad na tinungo ang cabinet ko upang maghanap ng damit. Matapos niyon ay dumiretso ako sa banyo upang maligo na. Nalintikan na! Baka magkataon ni

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 6

    (Four years ago)Xavier IglesiasHindi ko magawang hindi isipin ang mga ibinunyag na impormasyon sa akin ni Naya tungkol sa isyu niya sa kanyang pamilya. Wala akong ideya kung bakit ganoon ang pamilya nito pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang tratuhin nila siya na parang laruan. Kung ako

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 5

    (Four years ago)Naya DiazNapalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Mr. Iglesias ganoon din nang mapadpad ang tingin ko sa kanyang mga labi. Tama ang mga ka-trabaho ko. Ang ganda ng mga labi niya at mukhang ang sarap papakin ng mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa ideyang iyon. Kaya naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status