LOGINNaya DiazNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may mahigpit na nakapulupot sa kamay ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at tinapunan iyon ng tingin—hindi lamang ang mga kamay ko kundi pati na rin ang mga paa ko.Ngunit bago ko pa man tanggalin ang mga lubid na itinali sa akin ay natigilan ako nang mapukol ang tingin ko sa lalaking nagmamaneho ng kotseng pinagsakyan sa akin.Sa puntong iyon ay wala siyang imik at abala lamang na nakatuon ang kanyang atensyon sa daang tinatahak namin. Hanggang sa hindi nagtagal ay natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita."Wag mo nang ipilit na kumawala. It's no use," sinsero niyang sambit. "Isa pa, magawa mo mang tanggalin 'yang mga itinali ko sa 'yo, wala pa ring silbi. Nakalayo na tayo sa siyudad at wala ka nang ibang matatakbuhan pa.""Ruan?" kunot-noo kong anas habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Why did you do this? How did you…Paano ka nakapasok sa mansiyon ng mga Iglesias? At anong pumasok dyan sa kokote m
Xavier IglesiasHalos inabot na yata ako ng ilang minuto sa pagtitig sa mga larawang nasa tablet ni Vince, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko.Kunot-noo kong inilapag ang hawak kong tablet sa coffee table at hindi kalaunan ay pumikit ako kasabay ng pagpisil ko sa nose bridge ko.Ngunit hindi rin naman nagtagal ay muli kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang paglapit at pagtawag sa akin ni Ares."Lumabas na ho ang DNA result," anas niya at iniabot sa akin ang hawak niyang papel. "It seems like, hindi nagkamali si Mr. Avila sa pagtukoy kung sino ang bangkay na 'yon. It's positive. That's Corazon."Hindi ako umimik, bagkus ay nakatuon pa rin ang tingin ko sa hawak kong papel. Ilang saglit pa ay nag-angat ako ng tingin at mabilis pa sa alas kuwatrong nilukot ang papel na iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinapunan ng tingin si Mattias na nakatalikod sa amin habang nakatanaw sa labas ng bintana.Sa ngayon ay nandito kami sa motel malapit
Third Person's POV"Damiano Navarro was my husband. Because of our own differences, hindi nagtagal ang pagsasama namin. Dahil sa hindi namin pagkakaintindihan ay nasaktan niya ako nang minsang umuwi siya galing sa trabaho. Because of that, nilayasan ko siya. But I had no idea that I was pregnant with my daughter, Neri."Napapikit si Ruan habang inaalala niya ang mga impormasyong narinig niya mula kay Verena. Pinisil niya ang kanyang nose bridge habang inuulit-ulit niya ang mga katagang iyon sa kanyang isip."If Verena and Damiano were husband and wife, ibig sabihin lang niyon ay nananalaytay ang dugong Navarro kay Naya," anas niya sa kanyang loob-loob. "That only means that her relationship with Xavier would bring chaos. Numero unong kaaway ng pamilya Iglesias, lalong-lalo na ni Xavier, ang mga Navarro Group."Umiling siya at hindi kalaunan ay sumandal sa kanyang kinauupuan. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at humugot ng isang malalim na buntong-hininga."Impos
Third Person's POV(Four hours ago)Sa pag-angat ng tingin ni Ruan mula sa kanyang computer ay natigilan siya nang mapagtanto niya kung sino ang pumasok sa kanyang opisina. Hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinauupuan at prente lamang na nakatuon ang kanyang tingin at atensyon sa dalawang babaeng nasa kanyang harapan.Matagal na panahon na rin simula makaharap niya sila. At sa huli nilang pagkikita ay hindi naging maganda iyon.Nagdulot pa nga iyon ng sigalot sa pagitan ng kanilang mga pamilya."Ms. Verena," malamig ang bungad niyang wika. "Fancy meeting you here. Mukha yatang nagkamali kayo ng pinasukang lugar. You know, hindi naman masamang magtanong, mabuti nga 'yon para hindi kayo mawala at nang makarating kayo kaagad sa pupuntahan niyo."Naningkit ang mga mata ni Verena na tinapunan ng tingin si Ruan. Sa pag-upo nito sa couch ay isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito."I had no idea na naging mapagbiro ka na rin pala. Iyan ba ang ugaling nakuha mo kay Xavier par
Xavier IglesiasIlang minuto ang nagdaan matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng banyo. Sa puntong iyon ay agad kong tinapunan ng tingin si Naya na sa mga sandaling iyon ay mahimbing nang natutulog.Sa pag-upo ko sa kama ay isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Kulang na lang ay ayaw kong gumalaw dahil baka mabulabog ang kanyang pagtulog ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya lapitan.Bagama't hindi pa naman ganoon katagal ang pananatili ko sa ospital, pakiramdam ko ay inabot na iyon ng isang buwan o mahigit pa.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko habang marahan kong hinahaplos ang kanyang pisngi. Hindi kalaunan ay tila ba may sariling isip ang kamay ko at napadpad iyon sa kanyang tiyan."I can't wait to see you, my child," anas ko sa isip ko, kasabay ng pagseseryoso ko. "Hindi na kami makapaghintay ng mama mo na makita ka, mahawakan ka at mahagkan ka. But as much as we want to have you in our arms, you should stay there for a while
Mattias AvilaTinapunan ko ng tingin ang wrist watch ko.9 o'clock.Halos dalawang oras na akong nakikipagdiskusyunan rito kay Xyla pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapala. Hanggang sa mga oras na ito ay nandito pa rin kami sa playground—parehong naghihintayan kung kailan at kung sino ang bibitaw sa aming dalawa sa larong sinimulan ni Xyla.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko at kunot-noo ko siyang tinapunan ng tingin. Bakit ba kasi ayaw akong tantanan ng babaeng ito? Kung alam ko lang na ganito ang magiging resulta ng pagtulong ko sa kanya, sana hindi na ako nag-aksaya pa ng oras ko.Umupo ako sa swing habang panay ang sipsip ko sa binili niyang palamig. Sa kabilang banda naman ay abala niyang kinakausap sa chat ang kanyang kapatid."Ano ba kasing ginagawa mo rito?" walang gana kong tanong. "Paano ka nakarating dito? May kasama ka ba? Alam mo ba kung gaano kadelikado
Xavier Iglesias "Nandyan ba si Mr. Ares?" tanong ko sa receptionist pagpasok ko sa lobby ng NGCCE. "Yes, sir," sagot nito na hindi tumitingin sa kausap. "Ano hong kailangan nila? Meron ba kayong appointment? Is the CEO expecting you?" "No," mabilis kong sagot. "And I don't think I need an appo
Naya Diaz"Maybe...if we stay still and not say anything, they will go away," anas ni Xavier na bahagya kong ikinatawa at naging dahilan ng pagpalo ko sa balikat niya. "What? I'm just saying."Tumayo ako mula sa kandungan niya sabay hila sa kanya na ikinatayo rin niya. "Doon ka muna sa kwarto. Hah
Xavier IglesiasRight after we enter the lounge room, agad ko na ring ibinaba si Naya mula sa pagkakabuhat ko sa kanya. Matapos kong isara ang pinto niyon ay tinapunan ko siya ng tingin kung saan ay agad niyang tinungo ang kama at doon ay pabagsak na umupo.Napahalukipkip siya kasunod niyon ay ang
Naya Diaz"Xavier!" Sebastian exclaimed. "Anong-""Anong ginagawa ko rito?" malamig na tugon ni Xavier at naglakad patungo sa pwesto namin. "This is my office. Ano pa bang rason kung bakit ako nandito? How about you? What are you doing here when everyone else is outside?"Pagak na natawa si Sebasti







