تسجيل الدخولMattias Avila
Tinapunan ko ng tingin ang wrist watch ko.
9 o'clock.
Halos dalawang oras na akong nakikipagdiskusyunan rito kay Xyla pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapala. Hanggang sa mga oras na ito ay nandito pa rin kami sa playground—parehong naghihintayan kung kailan at kung sino ang bibitaw sa aming dalawa sa larong sinimulan ni Xyla.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko at kunot-noo ko siyang ti
Naya Diaz"Gusto kang dukutin nina Neri at Verena. They want to take you away from Xavier. Gusto nilang ilayo ka sa lahat ng hindi parte ng pamilya ninyo. Gusto nilang magsimula kayong muli bilang pamilya na hindi na kasama ang mga taong nasa paligid ninyo ngayon."Napahilamos ako sa mukha ko nang marinig ko ang pahayag na iyon ni Iris. Sa katunayan, dumaan na ang isang oras pagkatapos ang pag-uusap naming iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga narinig ko mula sa kanya.Bukod pa roon ay ganoon din ang naging reaksiyon ko sa ilan pang mga impormasyong ibinigay ni Ruan tungkol sa kanila."Pagkatapos ka nilang makuha, balak nilang tugisin ang grupo ng mga Iglesias. Meron silang inatasang tao sa loob ng mansiyon at 'yon ang nagtitiktik sa kanila tungkol sa mga ikinikilos ni Xavier at ng buong pamilya niya. There's going to be a war between Iglesias and your family—and it's not going to be good."Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko habang nakatu
Third Person's POVHindi lamang ang kanyang mga tauhan kundi pati na rin ang halos lahat ng miyembro ng pamilya Iglesias na nandoon sa loob ng mansiyon ay hindi makaimik sa mga sandaling iyon.Prente lamang silang nakatayo sa kanilang puwesto habang pinagmamasdan si Xavier sa pagwawala nito. Ang iba sa kanila ay napapapikit at napapaatras na lamang habang panay ang paghagis niya ng mga babasaging bagay.Nagkalat ang mga basag na gamit at nagkalat din ang mga lamesang nagtumbahan. Ngunit sa puntong iyon ay wala silang ibang nakikita at pinagtutuunan ng pansin kundi si Xavier at ang reaksiyon nito tungo sa pagdukot sa asawa nito.Ngayon ay napatunayan na ni Mattias na talaga ngang hindi nagbibiro si Yven. Ang buong akala niya ay lubos na ang pagmamahal nito kay Ellisa, ngunit mas masahol pa pala ang nararamdaman nito kay Naya."Where is my wife?" Napapuno ng poot ang kanyang boses na umalingawngaw sa kabuuan ng mansiyon. "Bakit wala man lang sa inyo ang nakakita kung sino ang tumangay s
Naya DiazNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may mahigpit na nakapulupot sa kamay ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at tinapunan iyon ng tingin—hindi lamang ang mga kamay ko kundi pati na rin ang mga paa ko.Ngunit bago ko pa man tanggalin ang mga lubid na itinali sa akin ay natigilan ako nang mapukol ang tingin ko sa lalaking nagmamaneho ng kotseng pinagsakyan sa akin.Sa puntong iyon ay wala siyang imik at abala lamang na nakatuon ang kanyang atensyon sa daang tinatahak namin. Hanggang sa hindi nagtagal ay natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita."Wag mo nang ipilit na kumawala. It's no use," sinsero niyang sambit. "Isa pa, magawa mo mang tanggalin 'yang mga itinali ko sa 'yo, wala pa ring silbi. Nakalayo na tayo sa siyudad at wala ka nang ibang matatakbuhan pa.""Ruan?" kunot-noo kong anas habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Why did you do this? How did you…Paano ka nakapasok sa mansiyon ng mga Iglesias? At anong pumasok dyan sa kokote m
Xavier IglesiasHalos inabot na yata ako ng ilang minuto sa pagtitig sa mga larawang nasa tablet ni Vince, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko.Kunot-noo kong inilapag ang hawak kong tablet sa coffee table at hindi kalaunan ay pumikit ako kasabay ng pagpisil ko sa nose bridge ko.Ngunit hindi rin naman nagtagal ay muli kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang paglapit at pagtawag sa akin ni Ares."Lumabas na ho ang DNA result," anas niya at iniabot sa akin ang hawak niyang papel. "It seems like, hindi nagkamali si Mr. Avila sa pagtukoy kung sino ang bangkay na 'yon. It's positive. That's Corazon."Hindi ako umimik, bagkus ay nakatuon pa rin ang tingin ko sa hawak kong papel. Ilang saglit pa ay nag-angat ako ng tingin at mabilis pa sa alas kuwatrong nilukot ang papel na iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinapunan ng tingin si Mattias na nakatalikod sa amin habang nakatanaw sa labas ng bintana.Sa ngayon ay nandito kami sa motel malapit
Third Person's POV"Damiano Navarro was my husband. Because of our own differences, hindi nagtagal ang pagsasama namin. Dahil sa hindi namin pagkakaintindihan ay nasaktan niya ako nang minsang umuwi siya galing sa trabaho. Because of that, nilayasan ko siya. But I had no idea that I was pregnant with my daughter, Neri."Napapikit si Ruan habang inaalala niya ang mga impormasyong narinig niya mula kay Verena. Pinisil niya ang kanyang nose bridge habang inuulit-ulit niya ang mga katagang iyon sa kanyang isip."If Verena and Damiano were husband and wife, ibig sabihin lang niyon ay nananalaytay ang dugong Navarro kay Naya," anas niya sa kanyang loob-loob. "That only means that her relationship with Xavier would bring chaos. Numero unong kaaway ng pamilya Iglesias, lalong-lalo na ni Xavier, ang mga Navarro Group."Umiling siya at hindi kalaunan ay sumandal sa kanyang kinauupuan. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at humugot ng isang malalim na buntong-hininga."Impos
Third Person's POV(Four hours ago)Sa pag-angat ng tingin ni Ruan mula sa kanyang computer ay natigilan siya nang mapagtanto niya kung sino ang pumasok sa kanyang opisina. Hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinauupuan at prente lamang na nakatuon ang kanyang tingin at atensyon sa dalawang babaeng nasa kanyang harapan.Matagal na panahon na rin simula makaharap niya sila. At sa huli nilang pagkikita ay hindi naging maganda iyon.Nagdulot pa nga iyon ng sigalot sa pagitan ng kanilang mga pamilya."Ms. Verena," malamig ang bungad niyang wika. "Fancy meeting you here. Mukha yatang nagkamali kayo ng pinasukang lugar. You know, hindi naman masamang magtanong, mabuti nga 'yon para hindi kayo mawala at nang makarating kayo kaagad sa pupuntahan niyo."Naningkit ang mga mata ni Verena na tinapunan ng tingin si Ruan. Sa pag-upo nito sa couch ay isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito."I had no idea na naging mapagbiro ka na rin pala. Iyan ba ang ugaling nakuha mo kay Xavier par
Xavier Iglesias"Sa tingin mo. Anong type ni Ms. Naya sa isang lalaki?" anas ni Ruan na ikinabaling ko ng tingin sa kanya. "I know, I'm a good-looking man. Pero ayaw ko namang mag-assume na magugustuhan niya kaagad ako dahil lang sa kagwapuhan ko."Mabuti na lamang at hindi ako umiinom o kumakain s
Naya Diaz"Bakit gusto mo 'kong makausap?" tanong ko kay Victor habang naglalakad-lakad kami sa may garden. "Gusto mo bang marinig ang sagot ko sa tanong mo sa 'kin kanina? Are you waiting for my answer if I'm willing to go on a date with you?"Nahinto siya sa kanyang paglalakad.Bahagya siyang nat
Xavier IglesiasMatapos ang ilang minutong pagkukwentuhan namin ng mga kasamahan ko ay napagpasyahan nilang lisanin ang table.Tapos na ang kainan at sa puntong iyon ay oras na para sa pinakasinasabikan nilang sandali – ang sumayaw sa dance floor. Lihim na lamang akong napapailing sa tinuran nila k
Naya Diaz"Is there any chance that I've seen you before?" tanong ni Ruan na ikinahinto ko sa pagkain ko. "Para kasing nakita na kita dati, hindi ko lang alam kung saan o kung kailan."Pinunasan ko muna ang labi ko ng table napkin bago siya sagutin."I don't think so, Mr. Ruan. Baka ho ibang tao an







