Home / Romance / Secretly, Mrs. CEO / Volume 1 Kabanata 1

Share

Secretly, Mrs. CEO
Secretly, Mrs. CEO
Author: zeharilim

Volume 1 Kabanata 1

Author: zeharilim
last update publish date: 2025-07-27 10:15:44

Naya Diaz

Agad kong nabitawan ang hawak kong mga kubyertos nang marinig ko ang sinabi ni mama. Bagamat napupuno ng tawanan at ingay ang loob ng dinner room ay nanatili akong walang imik sa mga sandaling iyon.

"Ano hong sabi niyo?" kunot-noo kong tanong. "Ipapakasal niyo 'ko kay Ash Demetrio?"

"Kailangan pa bang ulitin, Naya? Malakas naman ang pagkakasabi ng mama mo, hindi ba?" anas ni tita Olga.

"Bakit-"

"Responsableng lalaki si Ash," pagsisimula niya. "Matino at higit sa lahat...may kaya sa buhay. Naku, kung alam mo lang kung gaano kayaman ang pamilya ng batang 'yon. Bukod pa doon ay nag-iisa siyang anak at ang ibig sabihin lang niyon ay siya rin ang tagapagmana nila."

Sumabat si tita Georgina. "Tama ang mama mo, Naya. Ano pa bang hahanapin mo kay Ash? Nasa kanya na ang lahat - kagwapuhan at siyempre, yaman."

Napabuga ako ng hangin sa narinig kong iyon mula sa kanilang dalawa.

Umiling ako kasunod niyon ay ang pagtayo ko mula sa kinauupuan ko.

"Hindi," anas ko na ikinatigil nilang tatlo. "Hindi ako papayag sa gusto niyo. Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko gusto at hindi ko mahal!"

Tumayo si mama sa kanyang kinauupuan.

"Mahal? Gusto?" Pagak siyang natawa. "Anong silbi ng pagmamahal kung nagugutom naman ang sikmura mo? Anong silbi ng pagmamahal kung wala kang mapapala at maghihirap ka lang buong buhay mo?"

Marahan akong tumango.

"Anong ibig mong sabihin? Pinakasalan mo lang si papa dahil sa pera niya? Dahil sa kayamanan niya at ng pamilya niya? Kaya ba nagpapakasasa ka-"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko na agad na nagpahinto sa akin.

Hawak ko ang pisngi ko ay binalingan ko ng tingin si mama na sa mga sandaling iyon ay gigil akong sinabunutan.

"Wala kang karapatang kwestyunin ang pagpapakasal ko sa ama mo!" Mas lalo pang humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Hindi ba't pinakikinabangan niyo rin naman ang kayamanang iyon? Meron ba kayong magandang buhay ngayon kung hindi dahil din sa apelyidong Diaz?"

Matapos niyon ay itinulak niya ako na naging dahilan ng kamuntikanan kong pagkasubsob sa sahig.

Tinapunan ko siyang muli ng tingin habang ramdam ko ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ko.

"Anak lang kita, Naya!" Muli niya akong sinampal. "Kaya kung anong gusto ko ay nararapat mong sundin. Wala kang karapatang umayaw! Iyon na nga lang ang maibibigay mong ambag sa pamilyang 'to, kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto namin!"

Sa narinig kong iyon ay mas lalong nagsikip ang dibdib ko ganoon din ang tuloy-tuloy na pagragasa ng mga luha ko.

Marahan akong umiling sabay atras mula kay mama.

Hindi ako nagsalita bagkus ay tumakbo ako patungo sa pinto.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahinto ako nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi niya.

"Sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan..." madiin niyang sambit. "Hinding-hindi ka na muling makakaapak sa pamamahay na 'to. At kapag lumabas ka riyan, wala ka na ring babalikang pamilya. You're not a Diaz anymore."

Nag-angat ako ng tingin kasunod niyon ay ang pagpunas ko ng mga luha ko.

Tiim-bagang kong inihakbang ang mga paa ko palabas ng pintong iyon at dali-daling tumakbo.

Humahagulgol kong ibinagsak pasara ang gate at hindi kalaunan ay napaluhod na lamang ako mula sa kinatatayuan ko.

Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang walang tigil na pag-iyak ko.

Hanggang sa hindi nagtagal ay nag-angat ako ng tingin nang isang lalaki ang lumapit sa akin. Katulad ko ay basang-basa na rin siya ng ulan. Sa puntong iyon ay salubong ang kanyang dalawang kilay habang matamang akong pinagmamasdan.

"Anong nangyari?" tiim-bagang niyang anas. "Bakit umiiyak ka na naman?"

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sabay yakap sa kanya.

"Ayoko na! Ayoko na, Xavier!" Hagulgol ko. "Ilayo mo na 'ko rito. Ipinagtabuyan na ako ng pamilya ko. Ayoko na! Sawang-sawa na 'ko. Pagod na pagod na 'ko. Buong buhay ko, ganito na lang palagi! Ayaw ko na."

Ginantihan din niya ako ng yakap.

Mahigpit iyon - yakap na sa puntong iyon ay kailangang-kailangan ko.

Hindi kalaunan ay kumalas siya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.

Bagamat pareho kaming naliligo sa ulan at nilalamig ay ramdam ko pa rin ang init ng bawat haplos niya.

Sa paglapit niya ng kanyang mukha sa akin ay pumikit ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko.

I kissed him back - hungrily and passionately.

Sa puntong iyon ay siya lamang ang natatanging taong nananatili at kahit kailan ay hindi umalis sa tabi ko.

Bago pa man ako makapagsalita ay natigil ako nang may ilabas siyang maliit na box mula sa kanyang bulsa.

Napalunok ako at agad siyang tinapunan ng tingin.

"Xavier..."

"Marry me, Naya," aniya at muli akong hinalikan sa labi. "I'll give you everything you need and everything you want. Sumama ka sa 'kin at ipaparanas ko sa 'yo ang buhay na hindi naibigay sa 'yo ng mga magulang mo."

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa narinig kong iyon mula sa kanya.

Hindi ako sumagot bagkus ay binuksan ko ang box na iyon at kinuha ang singsing doon.

Agad kong isinuot iyon sa ring finger ko at muli ay binalingan siya ng tingin.

"I do," anas ko.

Xavier didn't respond instead he kissed me one more time. Dali-dali niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at isinakay sa kotse niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nida Arga
Gandang bungad. Abangan ko to
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 210

    Naya Diaz"His grandfather trained him brutally," sambit ni Mom habang naglalakad kami pabalik sa living room. "At the age of fourteen, he started his first mission. Mag-isa niyang nilusob ang lugar kung saan nagtatago ang mga kalaban ng lolo niya."Namilog ang mga mata ko sa narinig kong iyon."What happened? Anong nangyari sa kanya?"Natawa siya sabay tapik sa balikat ko. "We had the same reaction, Naya. Pero wag kang mag-alala dahil nahuli niya ang mga kriminal na nandoon at napatay niya ang lahat ng mga kalaban."Tumango ako at muli ay nagpatuloy sa paglalakad."Kung tutuusin, wala siyang tiwala sa kanyang sarili nang mga panahong 'yon," sinsero niyang pahayag. "But his grandfather was confident enough that he would get to the bottom of that group. Magmula nang araw na 'yon ay kinatakutan na siya ng ilan pang mga grupo. Kumalat ang balitang 'yon at mismong ang mga Navarro ang nagpamalita sa lahat ng nangyaring 'y

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 209

    Xavier Iglesias"Verena?" halos pigil-hiningang anas ni Eleanor. "Anong ginagawa mo rito?"Pagak na natawa si Verena at umupo sa pinanggalingan kong upuan. "Ang kapal ng mukha mong tanungin ako kung anong ginagawa ko rito!" She said mockingly to her. "Bakit? Bawal bang bisitahin ang mga taong malapit sa 'kin? Bawal bang bisitahin ko ang asawa ng apo ko?"Ako ang nagsalita. "Or maybe, natatakot lang siya sa maaaring gawin niyo sa kanya, Ms. Verena. She's been through enough this morning. Siguro gusto lang muna niyang magpahinga at nang magkaroon pa siya ng lakas para harapin kayo mamaya."Humagalpak ng tawa si Ms. Verena na ikinatawa rin namin. "You are all monsters!" bulyaw ni Eleanor na ikinatigil naming lahat sa kanya. "Mga hayop kayo! May mga kapangyarihan kayo pero kanino niyo ginagamit? Sa mga tulad namin na walang ginagawang masama sa inyo! We are innocent—""At kailan ka pa naging inosente, E

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 208

    Xavier IglesiasNabanggit sa akin noon ni Mr. Marshall na kaibigan ng asawa niyang si Nerissa si Corazon. Magmula pa man noong nasa kolehiyo sila ay maganda na ang pagkakaibigan ng dalawa at walang bahid ng pagtataksil sa isa't isa. Ngunit dahil sa pagbabago sa kani-kanilang mga buhay ay naghiwalay ng landas ang magkaibigan. Naging asawa ni Nerissa si Mr. Marshall habang si Corazon naman ay mayroong nobyo na halos ilang taon din nitong nakasama sa iisang bubong. Years later, muling nagkita ang magkaibigan at ipinakilala ni Nerissa ang asawa niya kay Corazon. Magmula noon ay hindi na tinantanan pa ni Corazon si Mr. Marshall at wala na itong ibang inatupag kundi ang isiksik ang sarili nito sa asawa ng kaibigan. When Nerissa gave birth to Naya, ibinulgar ni Corazon na may nangyari sa kanila ni Mr. Marshall—when in fact, nothing had happened between them. Ginawa lang dahilan iyon ni Corazon upang lumayo at hiwalayan ni Nerissa ang asa

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 207

    Naya DiazHindi ko alam kung saan kami patungo sa mga sandaling iyon ngunit hindi na ako makapaghintay na masaksihan kung ano ang ipapakita ni Mom. I am excited, but at the same time, kinakabahan din ako. Wala akong ideya kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina tungkol kay Xavier. "Marami ka pa ngang hindi alam tungkol sa asawa mo. Although matagal na kayong nagsasama, there are still some things he chose not to expose to you. But don't worry, because he will do it eventually."*Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga narinig kong iyon mula kay Mom. I shouldn't be overthinking about it, but I couldn't help it. Ayaw kong isipin na bukod sa pagiging mafia leader ng asawa ko ay mayroon pa siyang ibang ginagampanang tungkulin. Ayaw kong isipin na kung anuman ang tungkol sa itinatago niya mula sa akin ay masama iyon at hindi kanais-nais. Ilang saglit pa ay tuluyan na rin kaming nakarati

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 206

    Xavier Iglesias"Sino kayo? Saan niyo ko dinala? Pagbabayaran niyo ang pagdukot niyo sa 'king 'to! Mga hayop kayo! Pakawalan niyo 'ko! I will not let you get away from this!" bulyaw ni Eleanor sa kalagitnaan ng katahimikang namamayani sa loob ng kwartong pinaglagakan sa kanya."How and where did you find her?" tanong ko kay Ares. Si Vince ang nagsalita. "Pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya ang bar kung saan kami naglalagi. Tuwing gabi, nagpupunta kami roon para uminom. But the night before we got her, isa sa mga katrabaho ko ay ipinaalam sa amin na merong nagaganap na ilegal sa bar na 'yon. At ang naghahawak ng mga illegal activities doon ay ang mga Navarro, si Corazon Diaz at si Eleanor."Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa narinig kong iyon mula kay Vince. "Dinampot namin si Eleanor habang naghahakot siya ng mga naiwang pera sa vault ng bar na 'yon." Pagak siyang natawa. "I guess, hindi lang ang anak niya ang nagawa niyang traydurin

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 205

    Naya DiazGustuhin ko mang sumama sa underground upang harapin si Eleanor, hindi ako pinayagan ni Xavier. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay iniwan niya ako sa living room at sumama na rin kay Ares.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko at hindi kalaunan ay humiga sa kinauupuan kong couch. Kung tutuusin, gusto kong sumama hindi para bumuntot sa asawa ko.Gusto kong makita ang taong naging dahilan ng pagkamatay ni Victor.I wanted to punch her, and if Xavier would let me, I would take his gun and put it to Eleanor's head. Simula nang ilibing namin si Victor, hindi na ako mapakali na marinig ang balita tungkol sa babaeng iyon.Wala siyang pinagkaiba kay Corazon.Pero hindi ako papayag na gawin din sa akin ng madrasta kong iyon ang ginawa ni Eleanor kay Victor. At mas lalong hindi ako papayag na masaktan niya ang magiging anak namin ng asawa ko.Gagawa ako ng paraan para hindi maranasan ng magiging a

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 71

    Xavier Iglesias"I heard that you like my cousin," nakangiting anas ni Ariel. "At ang mas nakakabigla pa roon ay noon ka pa pala interesado sa kanya. Pero bakit ngayon ka lang nagsabi?"Right before I could even answer him, sumabat sa usapan ang kanyang pinsan na si Noel."I

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 70

    Naya DiazSa katunayan ay kanina ko pa gustong harapin ng sarilinan si Xavier. Gusto ko siyang makausap at gusto kong malaman kung ano ba ang pumasok sa kokote niya ngayong araw.

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 69

    Xavier IglesiasIsang masayang 7th birthday ang naganap nang gabing iyon. Kitang-kita ko sa mukha ni Henry ang saya at pagkasabik sa kanyang ginaganap na kaarawan. Ngunit bukod sa kanya ay ganoon din ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang tiyahin na si Naya. Sa unang pagkakataon ay nakita

  • Secretly, Mrs. CEO   Kabanata 68

    Naya Diaz"Tita Naya!" sigaw ng pamangkin kong si Henry.Sa pagtayo ko mula sa pagkakaupo ko ay kasabay din iyon ng patakbong pagyakap sa akin ni Henry. Tuwang-tuwa itong sinalubong ako at ganoon din ako sa kanya."Happy 7th birthday, my dear pamangkin" anas ko matapos ang ya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status