Share

Chapter 47: Uninvited

last update Last Updated: 2025-09-16 18:14:15

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mabaril si Ludwick. Ni minsan, hindi sinubukang tanungin ni Sadie kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa braso niya. Ayaw niyang makipagdiskusyon at mas mabuting palagpasin na lamang ang nangyari. Ganoon pa man, nakatatak sa isipan ni Sadie ang pagsisinungaling nito.

"Good morning, Miss Elsher."

"Magandang umaga po."

Napangiti na lamang si Sadie sa mga estudyanteng maagang pumasok sa Marasa Restaurant. Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya kapag nakikita niya kung gaano ka seryoso ang mga ito sa work immersion nila. Naaalala niya kasi ang sarili niya sa kanila. Ang kaibahan lang, may pagkakataon ang mga estudyanteng iyon pumasok araw-araw, siya, hindi.

Mabilis na naglakbay ang oras nang hindi namamalayan ni Sadie. Napasinghal na lang siya nang mapagtantong hindi pa pala siya nakapaghanda ng ibibigay na pagkain para kay Ludwick.

Nagkausap sila kanina sa pamamagitan ng tawag at sinabi ni Ludwick na sa municipal office siya kaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
thegreatestjan
Hello! Tatapusin ko po ito hehe. Nagpo-focus lang po muna ako sa story ni Samantha at Walter, pero ito po ay tatapusin ko. Actually, tapos na po ito—may inaayos at dinaragdag lang po ako sa story hehe.
goodnovel comment avatar
Nhvenz Mhae
update po author sana tpusin mu tong kwento mu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 69: Voice Of The Youth

    "How can we fight disinformation? Ang daming kasinungalingan ang kumakalat sa social media. May mga poster na idinidikit sa kung saan-saan at hindi lang iyon patutsada sa akin, pati kay Sadie rin!" sigaw ni Ludwick kay Calisto. Hindi niya pa rin kasi matanggap ang umabot sa kaniya na may mga poster at paninira tungkol sa kaniya at kay Sadie ang idinikit nitong umaga sa pader na nakapalibot sa munisipyo. Napatingin si Calisto kay Sadie. Pagkakuwan ay lumapit ito kay Ludwick at bumulong. "Mayor, kung makareklamo ka naman, parang hindi natin 'to ginawa. Naaalala mo pa ba ang ginawa natin sa vice mayor?" Ito ang sinasabi ni Ludwick sa sarili niya na baka karma na ito sa ginawa niya. Ngayon ay natikman na niya ang pait ng plano niya para lang makasira ng iba at manatili sa puwesto. Ang malala, pati si Sadie ay damay na. Kung nakinig lang sana siya kay Sadie at hindi na nakisabay pa sa paninira sa social media, baka hindi hahantong sa ganitong gulo ang lahat. Hindi nga ba? "Oh, ano nam

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 68: A Non-Voter

    Hindi maialis ng isang dalagita ang kaniyang mukha sa mga poster na nakadikit sa pader na nakapalibot sa city hall. Papunta pa lang ang batang babae sa paaralan, halata naman sa uniporme nitong suot. Lumapit siya sa mga poster dahil nagtataka siya kung ano ang mga iyon. Nagtataka rin siya kung bakit hindi iyon pinapatanggal ng mga taong dumaraan. Sa halip, tinatawanan lang ang nakasulat doon. "Mayor, kunsintidor." "Oust Mayor Ludwick!" "Biased!" "Sadie, sulsulera!" "Walang aasahan sa iyo!" "Gallejo naman!" Kinuha ng dalagita ang isa sa mga papel na may nakasulat na "Walang aasahan sa 'yo!". Napatitig siya rito hanggang sa napalingon siya sa mga taong dumaraan na pasimpleng tumatawa. Lumapit siya sa isa pang papel at kinuha iyon. Hindi niya tinupi ang mga iyon. Napakagat ang batang babae sa kaniyang labi at doon ay sinimulan niyang isa-isang kunin ang mga poster. "Hoy!" Hindi natinag ang dalagita sa malakulog na boses na sumaway sa kaniya. Ipinagpatuloy niya lang pagtanggal h

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 67: People's Rage

    "Ipasara, Marasa! Ipasara, Marasa!" Iyon ang paulit-ulit na sigaw ng mga tao habang itinataas-baba ang kanilang placards. Biglang kinabig ni Ludwick si Sadie papunta sa likuran niya. "Ako na ang kakausap." "Marasa Restaurant ay may lason sa masa! Ipasara!" Ludwick cleared his throat and smiled. He walked closer to the group of people and waved hello. "Ah, magandang araw sa ating lahat. Maaari ko po bang malaman kung bakit kayo nagwewelga?" Parang bubuyog na nagsipag-unahan sa pagsagot ang mga tao. Lahat sila may rason, lahat sila may sagot. Pare-pareho lang ang punto, iba-iba lang ang haba at simple ng mga salita. "Mayor, limang taga-San Catalia ang nalason ng restaurant na ito. Hihintayin pa ba nating lahat tayo ay lasunin?" pasigaw na sabi ng isang lalaki at napalingon sa mga tao sa likuran. Nagsigawan naman ang mga kasamahan nito na para bang sang-ayon ito. Huminga nang malalim si Ludwick saka malumanay na nagsalita. "Mawalang galang na po, 'no? Nilinaw na po at may ebidens

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 66: The Don, The People

    Tatlong araw na ang nakalipas simula nang may nalason sa Marasa Restaurant. Sa tatlong nakalipas na oras, may iilang bagay na nalaman si Ludwick. Una, walang kapabayaang nangyari ang establisyemento. Pangalawa, magkakakilala naman pala talaga ang mga nalason at umaming binayaran lang sila. Pangatlo, kahit sinabi na nila sa madla ang tunay na nangyari, walang masiyadong naniniwala dahil may nagsilabasan pang issue tungkol kay Sadie. Inungkat ang naging kaso ng tatay nila at dinagdagan pa iyon ng mga kuwentong puro kasinungalingan. Sinabihan pa ang ama nitong isang kriminal at nakapatay umano ito, bagay na ikinaalma ni Sadie. Ang ina naman niya ay in-edit-an ng picture at binasagang "p****k ng taon" dahil kabit kuno ito ng kung sino-sino. Kaagad namang pinabulaanan ni Sadie ang mga nababasa niya sa social media. Ngunit, sa halip na simpatiya ang mababasa, pangba-bash ang natanggap niya. Sirang-sira naman na siya sa pamilya niya dahil siya pa ang sinisisi ng mga ito kung bakit kumaka

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 65: He's Live

    "Okay na?" tanong ni Ludwick at napadungaw sa taong nasa likod ng camera."Yes, Mayor. We're going live in five seconds."Naisipan ni Ludwick na mag-live sa social media dahil sigurado siyang kumalat na naman ngayon ang nangyari sa Marasa Restaurant kanina. Katatapos lang din nilang makausap ang mga nagtratrabaho sa Marasa Restaurant at nakapagtatakang wala sa kanila ang nagsabing galing sila sa banyo bago naghandang pagkain. Ayon naman sa taga-luto, well-cooked ang mga pagkaing inihanda nila. The CCTV footage confirmed the claims of the staff. Hindi lang dahil sa pangangampanya ngunit malakas talaga ang kutob ni Ludwick na maaaring may kinalaman na naman dito ang kampo nina Yadiel. Pinagbantaan siya nito na tungkol sa paghihiganti na gagawin niya. Idagdag pa si Farahmina na umaarteng biktima sa harap ng telebisyon at pinunto si Sadie sa isang isyung may kinalakam sa tito nito. Kaya naman, inutusan niya rin ang dalawang pulis kanina na busisiin ang mga biktima umano ng food poisoning

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 64: Food Poisoning

    Kaagad na isinugod sa ospital ang limang hinihinalang nalason. Ang ibang customers naman ay hindi na tinapos pa ang pagkain sa restawrant at pagkakuwan ay umalis na rin.Bagamat wala pang pormal na imbestigasyon kung nalason nga ba ang lilimang customers, ipinangako ni Sadie na sasagutin niya ang lahat ng gastusin sa hospital. Inatasan din niya ang isa sa pinagkakatiwalaan niya sa restawrant na isara na muna iyon, kahit hindi na mabawi ang nagastos para sa mga rekados ng pagkain. Samantala, ibinigay na rin niya ang lista ng mga pangalan ng mga tagaluto dahil kung sakaling mapatunayan na dahil sa mga pagkaing niluto ang lason, malaki ang posibikidad na naroon sa loob ang salarin. Though Sadie was sure that none of her staff has the nerve to harm others, she was left with no choice but to give them an ounce of doubt.Truth be told, nanghihinayang talaga si Sadie ngunit mas nananaig sa kaniya ang takot. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod at nanlalamig ang kaniyang mga kamay. Magkatabi si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status