Thank you so much po
DAHLIA Nagising ako na sobrang nauuhaw ako. Parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Pero sinubukan ko pa rin na tawagin si kuya. “K–Kuya,” tawag ko kay Kuya Gavin. “Dahlia, thank God you’re awake now.” sabi niya sa akin at mabilis niya akong dinaluhan. “Nauuhaw ako, kuya.” sabi ko sa kanya. Mabilis naman niya akong pinainom ng tubig. “Ang baby ko? Kumusta ang baby ko, Kuya?” tanong ko kanya. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa kin. Kaya bigla akong kinabahan dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Kuya,” tawag ko sa kanya. “Hindi nakaligtas ang baby mo,” sagot niya sa akin. Biglang naging manhid ang buo kong katawan sa narinig ko. Parang tinadtad ang puso ko. Sobrang sakit na hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang nasa loob ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang sumakit ang puso ko. “Iwan mo muna ako, kuya. I want to be alone,” mahina na sabi ko sa kanya. “Okay, nasa labas lang ako.” sagot niya sa akin. “Thank you, kuya.” sabi ko sa kanya. Pag
AXEL LUIS Napadpad ako dito sa Batangas. Hindi man ganun kalayo sa kanila ay alam ko na mas mabuti na dito na lang ako. Naghahanap ako ng bahay o silid na puwede kong rentahan. “1,500 ang upa kada buwan iho. May one month advance at one month deposit. 500 naman ang para sa kuryente at tubig,” saad sa akin ng landlady. “Sige po, ito po ang bayad ko.” saad ko sa kanya at inabot ko ang three thousand five hundred para sa hinihingi niya na bayad. “Salamat, iho. Maiwan na kita at ako’y marami pang ginagawa.” saad niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Nagpapasalamat naman ako dahil may maayos itong higaan. Maliit lang pero malinis naman ito. Kaya puwede ko ng pagtyagaan sa ngayon. “It’s okay, Axel. You can do this,” saad ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga ngayon at bukas na lang ako maghahanap ng trabaho. Habang nakahiga ako ay nakatitig lang ako sa lumang kisame. Mainit at wala akong electric fan. Tumayo ako at naghanap ng puwede kong gamitin na pamaypay. “Sino ba ako
DAHLIA Ang mga araw na wala siya ay sobrang hirap para sa akin. Pero pinipilit ko na maging okay dahil umaasa ako na mahahanap ko siya. Sobrang bilis ng mga araw at hindi ko namalayan na isang buwan na pala ang lumipas simula noong iwan niya ako. “Nasaan kana ba? Bakit ka ba umalis? Hindi mo ba ako mahal? Nakakainis ka!” para akong siraulo na kinakausap ang sarili ko dito sa office ko. Ang aga-aga pa pero siya na agad ang nasa isipan ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Kuya Gavin. “Wala pa rin akong balita. Pero alam ko na mahahanap natin siya. Pasaway talaga, pinapahirapan niya ako.” natatawa na sabi ni Kuya. “Hindi nga siguro niya ako mahal, kuya.” malungkot na sabi ko sa kanya. “Don’t say that. Kasi nahihiya lan ‘yun at dahil na rin sa pride niya. We need to understand na nasaktan siya. Dahil ang buong akala niya ay anak talaga siyang tunay. At may kasalanan rin ako. Sa ngayon ay ‘wag tayong mawalan ng pag-asa. Alam ko na mahahanap natin siya. At alam ko rin na oka
DAHLIA Hindi naman nagtagal ang halik niya sa akin. Bumitiw rin siya agad sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. Pero mas lalo naman akong umiyak at niyakap ko siya. “Don’t cry,” mahinahon na sabi niya sa akin. “Uwi na tayo, umuwi kana sa amin.” parang bata na sabi ko sa kanya. “No, I can’t.” malungkot na sagot niya sa akin. “Ang sabi mo mahal mo ako. Kung mahal mo ako, bakit mo ako iniwan? Kung mahal mo ako bakit ka umalis?” umiiyak na tanong ko sa kanya. “Alam ko na hindi mo ako maiintindihan. Mahal kita pero hindi ako ang para sa ‘yo.” sabi niya sa akin. “At sino ang para sa akin? 12 years kitang minahal at ayoko ng maghintay o magsayang na naman ng another year. Mahal kita, Axel at ikaw lang ang gusto ko.” wala akong pakialam ngayon dahil ang nais ko lang na malaman niya na mahal ko siya. “Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo.” sabi niya sa akin kaya nasaktan ako. “Ganun lang ba kadali sa ‘yo na ipamigay ako sa iba? Sa tingin mo ba madali lang na magmahal ng iba
WARNING: MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK! (R18+)DAHLIA“I need to go,” sabi niya sa akin.“Ayaw mo ba talaga akong makasama? Kahit ngayon lang. Kahit ngayon mo lang iparamdam sa akin na mahal mo ako. Tatanggapin ko na ayaw mo na sa akin. Pero sana kahit ngayong gabi lang ay hayaan mo ako na makasama ka.” Sabi ko sa kanya.“I can’t, magkapatid pa rin tayo at ang nangyari sa atin noon ay isa lang pagkakamali.” Nagmamatigas talaga siya. At ginagamit pa niya ang pagiging magkapatid namin sa batas.Hinahalikan niya ako pero takot siya na angkinin ako. Bumitiw ako sa kanya at hinubad ko ang basa kong damit. Nagsuot ako ng bathrobe palabas sa banyo. Naiinis ako sa kanya.Naghanap ako ng damit na puwede kong isuot. Ang office ko ay may sariling closet at bedroom. Minsan kasi ay dito na ako natutulog. Kaya may mga damit talaga ako dito at iba pang gamit.“Where are you going?” Tanong niya sa akin.“Maghahanap na lang ako ng lalaki na aangkin sa ak
DAHLIA“Kuya, mawawala ako ng ilang araw.” paalam ko kay Kuya Gavin.“Where are you going?” nagtataka na tanong niya sa akin.“Pupuntahan ko lang ang nililigawan ko.” Nakangisi na sagot ko sa kanya.“Nililigawan?” kunot noo na tanong niya sa akin.“I found him, nasa Batangas lang pal—”“What?!” gulat na gulat si Kuya ngayon.“Hard to get siya, kuya. Hahaha, kaya kukulitin ko muna. Bigyan mo nga ako ng tips kung paano ko siya mapapasagot. Pinagtatabuyan niya ako.” natatawa na sabi ko sa kuya ko.“Baliw kana, hahaha.” natatawa na sabi niya sa akin.“Oo, kuya. Ayaw niya kasing umuwi. Pero dinala ako sa langit–”“Bibig mo,” saway sa akin ni kuya.“Sorry, kuya.” nakangisi na saad ko sabay peace sign sa kanya.“Gusto mo ba takutin na natin? Daanin natin sa dahas. Ipa-kidnap natin.” natatawa na tanong niya sa akin.“Hahaha, ‘wag na, kuya. Liligawan ko na lang siya, he can’t resist my charm.” nakangiti pa nasabi ko kay Kuya.“Okay, ingat ka doon at alagaan mo ang sarili mo. Tumawag ka kapag ma
DAHLIAAlas sais pa lang ay gising na ako. Actually ay hindi naman ako nakatulog ng maayos. Lumabas ako dahil balak ko ng maligo.“Good morning po,” nakangiti na bati ko sa landlady namin.“Good morning, ganda. Maliligo kana ba?” tanong niya sa akin.“Opo, sana.” sagot ko naman sa kanya.“Naku, hintayin mo na lang ang kuya mo na mag-igib ng tubig para sa ‘yo. Nasira kasi ang tubo na naka-konekta sa banyo.” “Ako na lang po ang mag-iigib,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Sandali maghahanap lang ako ng magbubuhat.” saad niya at iniwan ako.“Huwag na p–”Pero hindi niya ako pinansin. Pagbalik niya ay may kasama na siyang matangkad na lalaki na siyang nagbubuhat ng dalawang balde na may lamang tubig.“Mabuti na lang at gising na itong pamangkin ko.” “Naku, nakakahiya naman po. Kaya ko naman po na magbuhat ng tubig.” saad ko sa kanya.“Okay lang, ganda. Ito pala ang pamangkin ko si Aikee. Nagtatrabaho siya sa bangko.” pakilala niya sa akin sa lalaking kasama niya.“Hi, Aikee. I’m Dahlia,”
DAHLIANagising ako na nandito na ako sa silid ko. Siguro ay nilipat niya ako kanina. Ganun yata niya ako kaayaw na humiga o matulog doon sa kwarto niya. Hindi ko alam pero biglang sumama ang pakiramdam ko. Nang tumingin ako sa orasan ay alas siyete na ng gabi. “Ganda!” rinig ko na tawag sa akin ni Nanay Chen.“Po?” sagot ko sa kanya at pinilit ko na bumangon. Pagbukas ko ng pinto ay nakangiti siyang bumungad sa akin.“Sabay kana sa amin kumain.” nakangiti na sabi niya sa akin.“Busog pa po ako, kakainin ko lang rin po kasi ng prutas na binili ko kanina. Pasensya na po kayo,” nahihiya na tanggi ko sa kanya dahil kailangan ko pang magsinungaling.“Okay, ganda.” nakangiti na sabi niya sa akin.Ni-lock ko ang pintuan at bumalik ako sa higaan ko. Humiga ulit ako, hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko ang cute na unan na binili ko kanina. Habang nakatingin ako sa kisame ay maraming pumapasok sa isipan ko. Never ko kasi naisip na darating ako sa puntong ito. K