Share

Chapter 1

DAHLIA

18th Birthday!

Suot ang isang magarbong gown ay nakaupo ako dito sa silid ko. Habang hinihintay ko na magsimula ang party. Ngayon ang 18th birthday ko. Hindi ko nais ng isang magarang party pero hindi pumayag ang mga kuya ko. Ang sabi kasi ni Kuya Gavin ay isang beses lang raw ang debut. At gusto niya na maranasan ko rin ito. Mayaman ang pamilya namin pero ayoko sana na gumastos pa sila para sa akin.

“Happy birthday, Dahlia.” malambing na sabi sa akin ni Kuya Gavin na kaka-pasok lang dito sa silid ko.

“Thank you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.

“Dalaga kana talaga. Pero kahit na dalaga ka ay huwag ka munang magboyfriend. Mag-enjoy ka muna bago ka pumasok sa isang relasyon. At tuparin mo muna ang pangarap mo.” saad sa akin ni Kuya.

“Opo, crush lang po muna sa ngayon.” natatawa na sabi ko kay Kuya.

“Anong crush?”

Napalingon kami ni Kuya Gavin sa may pintuan dahil narinig namin ang boses ni Kuya Axel. Nakasimangot na naman ito at parang galit na naman. Pagdating talaga sa akin ay hindi siya ngumingiti. Palagi na lang siyang galit na para bang may malaki akong kasalanan na ginawa sa kanya.

“Hahaha, naku Dahlia. Bawal pala kahit crush. Lalo na dumating na ang tatay mo este kuya mo.” Pabiro na sabi ni Kuya Gavin.

“I’m serious, kuya. Hindi siya puwedeng magka-crush dahil d'yan nagsisimula ang lahat. Baka bigla na lang siyang magka-boyfriend ng hindi natin alam.” seryoso ang gwapong mukha ni Kuya Axel habang nagsasalita.

“Bahala na kayong dalawa. Lalabas muna ako para puntahan si Alec.” paalam sa amin ni Kuya Gavin.

Pagkalabas niya ay pareho kaming tahimik ni Kuya Axel. Parang ayaw niyang magsalita. At ganun rin ako. Kakauwi lang niya galing sa Switzerland. Doon kasi siya nag-aaral. At ngayon na naka-graduate na siya ay dito na ulit siya sa Pilipinas. Siya na kasi ang hahawak ng company ni daddy. Ayaw kasi ni Kuya Gavin dahil mas focus ito sa sarili niyang business.

Ako naman ay walang balak na pumasok sa ganitong mundo. Gusto kong tuparin ang pangarap ko na maging isang fashion designer. Pero sa ngayon ay ang nais ni mommy ang kinuha kong course.

5 years ago pa ang huli naming pagkikita ni Kuya Axel. Kaya mas lalong naging makisig at gwapo ang kuya ko. Sigurado ako na marami na namang babae ang umiyak sa kanya. Noon pa man ay habulin na siya ng mga kababaihan.

“Are you done checking me?” tanong niya sa akin kaya napayuko ako bigla.

“Sorry, kuya. Nanibago lang ako, by the way. Welcome home, kuya.” sabi ko sa kanya.

“Thanks,” suplado na sagot niya sa akin.

“Galit ka ba sa akin?” malungkot na tanong ko sa kanya.

“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin.

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Baka uminit pa ang ulo niya kapag naging maingay o makulit ako. Mas okay na siguro na hindi na lang kami mag-usap. Walang pasabi siyang lumabas sa silid ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil hindi man lang niya ako binati.

“Okay lang, Dahlia. Baka mamaya ka pa niya babatiin.” kausap ko sa sarili ko.

Tuwing birthday ko ay hindi ko maiwasan na maging malungkot. Palagi kasing nakakalimutan ni mommy. Wala rin siyang balak na batiin ako. Naiintindihan ko naman. Kahit na ganun ay mahal ko pa rin si mommy. Kahit na hindi ko ramdam ang pagmamahal niya sa akin.

“Dahlia, pigilan mo ang mga luha mo. Hindi ka puwedeng umiyak. Masisira ang make-up mo. Sanay ka naman na hindi binabati ng mommy mo. Kaya bakit ka iiyak ngayon?” saway ko sa sarili ko.

Kahit na ganun ay masakit pa rin kasi talaga sa akin. Hindi ko nga alam kung makakarating si mommy ngayon. Dito sa Manila gaganapin ang birthday ko. Sa Hotel na pagmamay-ari ng pamilya namin.

“Senyorita, magsisimula na po ang party niyo.” sabi sa akin ng isa sa mga staff namin.

“Sige po, baba na po ako.” sagot ko sa kanya.

Tumingin ako sa vanity mirror ko para i-check ang mukha ko. So far ay maayos pa rin ang make up ko. Tumayo na ako para lumabas na. Kinakabahan ako pero it’s my big day kaya bumaba na ako.

Habang pababa ako ay nakatingin sila sa akin. Karamihan sa mga narito ay mga kaklase ko noong high school ako. At kasama na rin ang kasalukuyan kong mga kaklase. Nagsimula na ang party at 18th roses na.

Ang buong akala ko ay si Kuya Gavin ang huling kasayaw ko. Pero hindi pala siya dahil ang kuya Axel ko pala. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kanya pero siya seryoso pa rin. Hindi siya talaga kayang itago ang emosyon niya. Pinapakita niya na parang naiinis siya sa akin.

“Happy birthday,” napangiti ako dahil parang ang lambing ng boses niya kahit na seryoso ang facial expressions niya.

“Thank you, Kuya.” saad ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Napaintad ako dahil para akong nakuryente sa hawak niya sa akin. Kaya binawi ko kaagad ang kamay ko.

"Are you okay?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.

"Y—Yeah, I'm fine." Kabado na sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam pero bigla na lang lumakas at bumilis ang t*bok ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili.

"Gusto mo pa bang sumayaw o ayaw mo na?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko, kuya." Sagot ko sa kanya.

Dahil sa naging sagot ko ay hinawakan niya ang baywang ko. Para akong hindi makahinga. Pero pilit kung pinapakalma ang sarili ko. Nagsimula na kaming sumayaw.

"Are you sure na okay ka lang?" Tanong niya ulit sa akin.

"I'm okay, kuya."

"Ahmm, kuya. I missed you," hindi ko alam kung bakit ko ba 'yun nasabi sa kanya.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata na napalunok siya.

"You miss me?" Balik seryoso na ulit siya.

"Oo naman, matagal kang hindi naka-uwi. Kaya nami-miss kita. Hindi mo ba ako miss?" Kinakabahan na sagot ko sa kanya.

"I missed you too," sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

Pero kaagad rin kaming tumigil sa pagsasayaw. Bumalik na ako sa upuan ko. At para akong nawala sa sarili. Pasimple kong hinaplos ang kanang pisngi ko. Para saan ba ang halik na 'yun?

"Tumigil ka Dahlia. Bakit ka ba nag-iisip kung para saan ang halik? Baka nakalimutan mo na kuya mo 'yun." Saway sa akin ng isang bahagi ng utak ko.

Hindi ko na rin nakita si Kuya Axel. Hinanap siya ng mata ko pero hindi ko na siya nakita. Hinayaan ko na lang dahil baka umalis na siya.

Masaya ang mga kaibigan ko. At pinilit ko rin na maging masaya sa araw ng birthday ko.

"Dahlia, mauna na ako sa room namin. Inaantok na ang baby Alec ko." Paalam sa akin ni Kuya Gavin.

"Sige po, good night baby pogi."

Ang pogi ng pamangkin ko. Manang-mana kay Kuya. Naki-join ako sa mga kaklase ko. Gusto ko mag-enjoy ngayon lalo na birthday ko.

"Dahlia, ipakilala mo naman kami sa Kuya mo." Sabi sa akin ng isa kong kaklase.

"Sinong kuya? Si kuya Gavin ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi siya, 'yong isa mong kuya. 'Yung kararating lang." Sabi niya sa akin.

"Ahh, si Kuya Axel."

"Oo siya nga, ang gwapo niya kasi. Gwapo rin naman si Kuya Gavin pero iba si fafa Axel. Kapag naging jowa ko 'yun bubukaka agad ako. Ang yummy kasi niya." Parang kinikilig pa na sabi niya sa akin.

"Huwag na baka magsisi ka. Babaero ang kuya ko."

"I like playboy," sagot niya sa akin na may pakindat pa.

Ngumiti na lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Bahala siya kung gusto niyang maging isa sa mga babae ni kuya.

Nagpaalam na ang iba kong kaklase na pupunta na sila sa magiging silid nila. Dito na rin kasi sa hotel matutulog ang mga bisita ko dahil gabing-gabi na.

"Good night, friend." Paalam ko kay Jane. Dahil inaantok na ako.

"Good night, happy birthday ulit. I love you my super pretty na friend Dahlia." Makulit na sabi niya sa akin kaya napangiti na lang ako.

Hindi pa ako nakabihis kaya medyo nahihirapan ako sa gown ko. May kabigatan rin kasi ito kaya dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko. Pero habang paakyat ako pabalik sa room ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Kuya Axel is kissing a girl. Hindi lang basta halik. Dahil kulang na lang mags*x na sila dito sa hallway. Napatigil ako sa paglalakad at wala sa sariling nakatingin sa kanila. May k*rot akong nararamdaman sa puso ko. Pero kaagad ko rin itong sinupil.

"D—Dahlia—"

Mabilis akong tumakbo papasok sa room ko dahil ayaw ko na isturbuhin sila. At baka bulyawan lang niya ako.

"Kailan ka kaya magbabago kuya?" Wala sa sariling tanong ko sa kawalan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status