Share

Chapter 5

DAHLIA

Maaga pa akong pumasok sa office. Pero mas maaga pa sa akin ang bagong secretary ni Kuya Axel. 

“Good morning, Miss Dahlia.” mahinhin na bati sa akin ni Flor.

"Good morning." Nakangiti rin na bati ko sa kanya.

Si kuya mismo ang pumili sa kanya bilang bagong secretary. At isang linggo na lang ako dito sa company. Wala namang problema sa akin kung dumito ako. Kung puwede nga na ako na lang ang maging secretary niya ay gagawin ko. 

Pero ganun talaga may mga bagay na kahit na gustuhin ko ay hindi puwede. Wala naman akong masabi kay Flor dahil magaling siya sa trabaho. Maganda siya at sexy. 

"You know what I like, Flor. Sa tingin ko ay maayos naman siya bilang secretary ko." Sabi sa akin ni Kuya Axel habang nasa biyahe kami pauwi sa condo ko.

"Yeah, you're right. Mabilis lang siyang turuan at wala akong naging problema sa kanya." Sagot ko rin sa kanya.

“I like her also as my—”

“Stop it, kuya! You’re so gross,” naiinis na sabi ko sa kanya.

“Single naman ako,” nakangisi na sabi niya sa akin.

“Alam ko, pero sana magseryoso kana. Hindi kana bumabata."

“Parang hindi mo pa rin ako kilala. Kapag mahal na ako ng babaeng gusto ko ay magseseryoso na ako.” sagot niya sa akin.

“May babae ka na bang mahal? Sino, kuya?” curious na tanong ko sa kanya.

“Secret,” nakangiti na sagot niya sa akin.

“Ang daya mo naman gusto ko siyang makilala,” saad ko sa kanya.

“Ipapakilala ko rin siya sa ‘yo.” sabi niya sa akin.

“Si Ate Mireya ba ‘yan?” biglang tanong ko sa kanya.

“Secret,” sagot niya pa rin sa akin.

“Okay,” I ended our conversation.

Naging tahimik na rin siya na para bang may malalim na iniisip. Nang makarating na kami sa condo ko ay nagluto ako kaagad ng dinner namin. Si kuya naman ay nanunuod ng basketball sa may living room.

Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. Posible kayang mahal niya si Ate Mireya? Hindi ko pa nakikilala si ate pero alam ko na mabait siya. Kaya panahon na siguro para magmove on na ako. Pero ang tanong na lang ngayon ay paano? Paano ko ba kakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya? Kung palagi ko siyang nakikita at nakakasama.

“Kuya, the dinner is ready!” tawag ko sa kanya.

“Amoy pa lang alam ko na masarap.” masaya na sabi niya sa akin.

"Masarap talaga 'yan, kuya. Kapag nag-asawa na ako ay palagi kong i-pagluluto ang asawa ko." Nakangiti na sabi ko sa kanya.

Pero mali yata ang sinabi ko dahil biglang naging seryoso na ang mukha niya. Parang ayaw niya sa sinabi ko.

"Kuya, hindi pa naman ngayon. Mga after 10 years siguro." Pabiro na sabi ko sa kanya.

"Huwag ka munang mag-aasawa. Hindi pa ako ready na ibigay ka sa ibang lalaki." Sabi niya sa akin.

"Kailan ka magiging ready, kuya? Kapag ba nagsenior citizen na ako?" Dinaan ko na lang sa biro ang lahat. 

Masarap pakinggan na pinagdadamot niya ako. Pero bilang isang kapatid nga lang. 

"Oo, kung puwede na 'wag ka ng mag-asawa." Sabi niya sa akin.

"Grabe ka naman, kuya." Natatawa na sabi ko sa kanya.

"Kayo puwedeng mag-asawa pero ako hindi puwed—"

"Sinabi ko ba na mag-aasawa ako? Puwede naman tayong hindi mag-asawa." Sabi niya sa akin.

"Alam mo kuya, masyado kana talaga. Kahit na ganito ako ay gusto ko rin naman maranasan na magkaroon ng isang pamilya. Ayaw kong mamatay na v*rgin pa ako." Natatawa na sabi ko sa kanya.

"Pamilya naman tayo." Parang bata na sabi niya sa akin.

"Oo pamilya tayo. Pero gusto ko rin na may magmahal sa akin."

"Mahal naman kita." 

"Alam ko naman na mahal mo ako. Ako kaya ang bunso mo na kapatid. I understand naman kung bakit sobrang higpit mo sa akin. But, Kuya. Someday, I want to have my own family. Ang magkaroon ng asawa't anak." Malungkot na sabi ko sa kanya.

Kung alam mo lang na gusto ko na ikaw ang kasama ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi 'yun mangyayari. Dahil bali-baliktarin ko man ang buong mundo ay magkapatid pa rin tayo. Gusto ko sanang idagdag sa sinabi ko sa kanya. 

"Yeah, you're right. Pero hayaan mo muna ako sa ngayon. Hindi pa ako ready na i-let go ka." Sabi niya sa akin.

"Pero, kuya. Subukan ko kaya na makipag-one night stand." Natatawa na sabi ko sa kanya.

"Bakit ba ginagawa mo na biro ang lahat?" Kunot noo na tanong niya sa akin.

"Nagbibiro lang naman ako. Kain na nga tayo. Huwag ka ng sumimangot dahil tumatanda ka lalo. Sasabihan na lang kita kapag nabuntis na ako." Pabiro pa nasabi ko.

"Dahlia," may pagbabanta na sambit niya sa pangalan ko.

"Ang hirap talaga ng may possessive na kuya. Mas gusto ko ng possessive boyfriend kaysa kuya." Natatawa na sabi ko.

"Tsk!" Asik niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at kumain na lang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na siya sa akin na uuwi na sa unit niya. Natatawa na lang ako dahil ang seryoso pa rin ng mukha niya. Hindi ko na inasar dahil baka lalong ma-badtrip sa akin. 

How I wish na possessive siya sa akin dahil girlfriend niya ako. Pero alam ko naman sa sarili ko na malabo. May mga nalaman ako na magpinsan na nag-aasawa at grabeng kahihiyan na ang natatanggap nila mula sa ibang tao at sa pamilya nila. Kaya mas nakakahiya at kasalanan sa Diyos kapag naging kami ni Kuya dahil magkapatid kami.

****

Kinabukasan ay late na ako pumasok sa office. At pagdating ko ay binati ako agad ng head sa marketing department.

"Good morning, Miss Dahlia. Ang ganda na naman ng araw ko dahil nakita kita." Pabiro na sabi niya sa akin.

"Ikaw talaga, kuya ako na naman ang nakita mo."

"Oo naman, kung ikaw lang naman ang makikita ko araw-araw ay hindi talaga ako liliban sa trabaho."

"Hahaha, ang gwapo mo ngayon kuya." Pabiro rin na sabi ko sa kanya.

"Mami-miss ki—"

"Kung gusto mo pa na may trabaho ka ay gawin mo ang trabaho mo ngayon." 

Bigla na lang dumating si kuya. At galit na naman siya. Nagkatinginan na lang kami ni Flor dahil mukhang galit na naman ang kuya ko sa mundo. Nauna siyang pumasok sa loob ng opisina niya.

"Galit yata si Sir." Saad sa akin ni Flor.

"Sanay na ako. Ganyan talaga si Kuya. Alam ko na masasanay ka rin sa kanya." Nakangiti na sabi ko sa kanya.

Sa bawat araw na dumadaan ay napapansin ko ang unti-unting paglayo sa akin ni kuya. Mas gusto pa niyang kasama si Flor kaysa sa akin. At medyo nagseselos ako. Friday na ngayon at ito na ang huling araw ko dito sa company.

Sobrang nalulungkot ako. Pero kailangan ko na talagang umalis para bumalik sa hacienda. Hindi na rin ako nagpaalam kay kuya bago ako umuwi sa condo ko. Siguro ay sa hacienda na lang kami magkikita. Ako lang ang uuwi bukas dahil wala si Kuya Gavin. 

May mahalaga itong ginagawa at hindi siya puwede. Paglabas ko sa unit ko ay nasa labas rin si kuya Axel na ikinagulat ko.

"Ihahatid na kita," sabi niya sa akin.

"Okay," tipid na sagot ko sa kanya.

Ang buong akala ko ay kami lang dalawa pero kasama niya pala si Flor. I can't understand kung bakit kailangan pa niya itong isama sa hacienda namin. Pero naging tahimik na lang ako. At kaysa makinig sa kanilang dalawa ay natulog na lang ako buong biyahe.

Pagdating namin sa hacienda ay mas mainit pa ang pagtanggap ni mommy kay Flor kaysa sa akin. Hindi rin naman ako nag-effort dahil useless lang. Dumiretso na lang ako sa room ko.

"Okay lang, Dahlia. Sanay kana diba?" Kausap ko sa sarili ko. 

CALLIEYAH

Hello po, thank you po sa pag-add sa inyong library... Pwede niyo po na basahin ang Mireya, The Miracle Heiress. Connected silang dalawa. thank you po at ingat kayo palagi ❤️

| 3
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Trina Benitez
your welcome
goodnovel comment avatar
Ligaya Aguilar
Nice story
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status