Share

Things Change

"Bakit hindi ka sasama?"

Kinukulit ako ni Gonzalo tungkol sa field trip na gaganapin bukas.

"May family something kasi kami saka isa pa, birthday ni Uncle Hermes. Medyo may handaan kaya pass muna ako. Kwentuhan mo na lang ako pagbalik ninyo."

Halatang hindi naman siya natuwa sa isinagot ko pero wala naman siyang magagawa kaya hinawakan na lang niya ang mga kamay ko at hinagkan ako sa gilid ng sentido ko. I smiled at him. Nasa bleachers kaming dalawa. Nanonood ako ng practice nila. Break lang noon kaya nakatabi siya sa akin pero sinesenyasan na rin naman siya ng coach niya.

"Babalik na ako doon." Ngumisi siya tapos nagnakaw na naman ng halik sa labi ko. "Pampaswerte."

"Mora! Baka naman maubos ang labi ng girlfriend mo!" Namula ang mukha ko nang sumigaw ang coach niya.

"Humabol lang ng pampaswerte coach! Mahal ko ito eh."

"Oh my god!" Iyon lang ang tanging nasambit ko. Loko talaga ito. Sinundan ko siya nang tingin. Hinati sila ng coach sa dalawang team. Siyempre, si Gonzalo ang captain
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status