Nanatili rin ang mga mata ni Terrence kay Tajana na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ang pagkatigil niya ay dahil sa pagiging pamilyar ng mukha nito sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba siya pero bakit magkasing-ganda sila ng babaeng nakilala niya?
Kahit na iba ang ayos ni Tajana ay nakikita pa rin ni Terrence sa kanya ang babaeng nakilala niya sa syudad. Ang babaeng hindi agad makakalimutan ng lahat kapag nakilala nila.
Tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi sila nakagalaw sa pamilyar na tinginan na iyon gaya ng una silang nagkakilala.
Ang mga tao sa paligid nila ngayon ay pareho silang tinitingnan dahil hindi na nila maialis ang tingin nila sa isa't isa. Puno ng tanong ang kanilang isipan pero hindi mahanap ang sagot sa nangyayari.
"Napakaguwapo no'n oh." Agad na binitawan ni Tajana ang kamay ni Terrence ng marinig ang pag-uusap ng ilang mga babaeng napadaan. Tila hindi agad makaalis ang mga ito dahil sa paghanga sa binata. "Tatawagin ko na si Catalina." tumalikod si Tajana matapos sabihin 'yon. Pero ang mga mata ni Terrence ay nanatili sa kanya. "Hindi na kailangan." Bumalik ang tingin ni Tajana kay Terrence. Naglakad na ito palapit sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi. "Puro tanim lang naman ang makikita dito. Gusto mo bang dalawin ang pastulan namin? Meron din kaming mga alagang kabayo. Balita ko ay magaling ka sa pagsakay do'n." "Hindi ako interesadong dumalaw sa pastulan niyo." Napatawa ang binata sa masungit na sagot nito. "Bakit ang sungit mo sa'kin? May naga
Tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo ni Calvin habang si Tajana naman ay pinipigilan ang pag ngiti sa mga oras na 'to.Hindi ako makapaniwala na ihahatid niya ako."Calvin.""Ano 'yon?""Ah. Mas gusto mo ba sa syudad o sa probinsya?""Mahirap na tanong 'yan... Madaming oportunidad sa syudad. Pero mas tahimik sa probinsya. Kaya pareho kong gusto."Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko mas gusto niya sa probinsya."Ikaw? Mas gusto mo ba dito o sa syudad?"balik tanong niya sa'kin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong ni Terrence kay Tajana ng makapasok sila sa kotse. Nakahulukipkip lang ito at nakatingin sa labas. Para bang wala siyang narinig sa tanong ni Terrence."Maglilibot lang tayo. Kaya 'wag kang mag-alala."nakangiting sabi ni Terrence. Kabaligtaran ang makikita sa mukha nito kumpara sa kasama niya.Lumapit si Terrence kay Tajana kaya naman nakuha niya ang atensyon nito. Dahil sa humarap si Tajana ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Ngumisi si Terrence ng hindi na mabasag ang tinginan nila."Ano bang ginagawa mo?"inis na tanong ni Tajana."Ikakabit ko lang 'yong seatbelt mo po. Makasigaw?"natatawang sabi
Hindi mapakali si Tajana at panay din ang tingin niya sa labas ng kwarto ng kanyang tiyahin. Medyo tanaw niya ito mula sa kwarto niya kapag sumilip siya. Hindi niya sigurado kung nasa loob ang kanyang tiya. Hindi niya kasi naabutan kanina. Kinakabahan siya, para na lang siyang biglang mahihimatay sa oras na makita siya nito. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang gusto ko ba o ang kailangan kong gawin? Nagdadalawang-isip siya habang tinitingnan ang cellphone niyang nakapatay ngayon. Telepono lang kasi ang ginagamit nila sa probinsya. Hindi din gusto ni Don Ismael na gumagamit sila ng cellphone dahil mapapahamak lang daw sila doon sa pakikipag-usap sa mga taong hindi naman nila madalas makasalamuha. Madaming itinatago si Tajana sa kanyang lolo. Hindi niya rin ito gustong gawin. Pero marami rin kasi siyang mga bagay na gustong gawin sa kanyang buhay. Hindi niya magawa
Nakahanda na ang pamilya ng Campoverde para sa pagsakay sa barko. Ngayon ay idinadala na rin papasok sa kani-kanilang mga kwarto ang kanilang mga gamit."Ismael."masayang bati ng isang matandang mukhang kasing edad lang din ni Don Ismael. Yumakap ito sa kanya kaya naman ganoon rin ang ginawa ng matanda."Fred. Masaya akong nagkita mulit tayo."masayang sabi ni Don Ismael bago sila magbitaw sa pagbating yakap."Mabuti nga at hindi ka nakatuon gaano sa negosyo mo. Noong araw ay talagang hindi kita maimbitahan dahil sa abot ang bantay mo sa negosyo."tatawa-tawang sabi ni Fred."Nakaraan na 'yon. Ang mahalaga ay nandito na ako ngayon."Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Don Ismael."Kasama mo pala ang iyong pamilya."puna ni Fred ng lumipat ang tingin niya sa kasama n
Binabalot ng inis si Tajana dahil sa nakita niyang ginawa ni Terrence. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa isip nito.Kahit kailan talaga ay hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lalaking 'yon.Simula ng araw na 'yon ay pinili na lang ni Tajana na manahimik at layuan si Terrence. Hindi niya gustong intindihin ang gano'ng klaseng tao."Catalina makinig ka na lang sa'kin. Gusto mo ba talaga ang lalaking 'yon? Nakita mo ba 'yong ginawa niya no'ng gabing 'yon? Muntik ka na niyang masaktan pero hindi man lang siya nakonsensya."naiinis na sabi ni Tajana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ng kahit anong bagay ang inis na naramdaman niya kaya Terrence."Baka marami lang siyang iniisip. Lahat naman tayo hindi perpekto.""Hindi 'yon gawain ng matinong tao.""Naiintindihan ko siya."
Sumunod na lang si Tajana sa gusto ni Sofia para walang gulo. Pero hindi siya sigurado kung hindi nga magkakagulo. Alam niyang kakaiba ang ugali ni Sofia. Pero kailangan niyang kumalma at pagpasensyahan na lang ito.Nang makapasok sila sa karaoke room ay dumiretso agad si Sofia sa karaoke para buksan ito.Sinubukan niyang pindutin ang power button para dito pero walang nangyari."Bakit hindi 'to gumagana?" sambit ni Sofia habang patuloy pa rin sa pagkalikot."Baka naman sira.""No." sagot nito sabay tingin kay Terrence na umimik. Nagkibit balikat lang ang binata sa reaksyon ni Sofia.Bumalik muli ang atensyon nito sa karaoke. Samantalang si Terrence naman ay hindi naiwasan na mapatingin kay Tajana na halatang hindi komportable. Nakahawak lang ang kamay nito sa kanyang braso habang nagmamasid sa paligid."Hayyst! Nakakainis! Sinabi kong ihanda nila itong karaoke room eh.""Sa iba na lang tayo. Sira naman--""Hindi. I want
Hindi na alam ni Tajana ang mga sumunod pang nangyari ng makatulog siya. Sobrang himbing ng kanyang tulog kaya naman hindi na talaga siya nagising ng gabing iyon. Paggising niya ay nagulat na lang siya ng mapagtanto niyang nasa kwarto na siya sa barko.Paano ako nakabalik sa kwarto ko?Nagtataka pa rin siya hanggang sa mag-umagahan na sila. Hindi niya maiwasang mapaisip kung paano siya nakabalik."Bakit? May problema ba?"tanong ni Tajana sa kanyang pinsan ng maramdaman niyang abot ang sulyap nito sa kanya. Ngumiti lang si Catalina at saka umiling.Nawala na rin sa isip ni Tajana na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil sa akupado ang isip niya sa mga tanong kung anong nangyari."Hindi kita nakita sa party kagabi. Saan ka nagpunta?"tanong ni Calvin ng makita niya si Tajana."Sa karaoke room.