Share

Chapter 11

Kinabukasan ay maaga kaming gumising lahat kasi sabi raw ni Lino, mag-eensayo raw kami sa labas. Excercise pala. LMAO! Kaya ayun, hindi pa sumisikat ang araw, nagtinapay at kape lang kami at nag-eexcercise na kaming lahat sa labas ng bahay. Ako, si Lino, si Berto, Maria at Josefa. Ang saya nga e kasi hindi naman sila pala-excercise. Napilitan lang.

"Kamusta?" tanong ni Lino sabay abot sa'kin ng tubig at katatapos lang naming mag-excercise. Inabutan niya rin ako ng panyo para makapagpunas ng pawis.

"Masarap sa pakiramdam. Feeling ko, ang sigla ko," tuwang-tuwang sabi ko. Namiss ko 'to. At mukhang kailangan din ito ni Liwanag e. "Buti naisip mo ito," dugtong ko sabay inom ng tubig. Busy naman magk'wentuhan sa hindi kalayuan sina Berto, Maria at Josefa. To be honest, napagod kami dun pero si Lino, mukhang chill lang.

"Naisip kong matagal ko na pala itong hindi nagagawa. Kailangan natin ito. Hindi magandang subsob tayo sa trabaho at hindi natin naaalagaan ang ating

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status