Home / Romance / Seducing Jensen Winchester / Chapter 3- LJ's POV

Share

Chapter 3- LJ's POV

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-28 15:50:16

2 months passed after I came back home.

Family dinner ng pamilya namin. Present ang lahat ng kasapi ng pamilya magmula sa head of the family, my grandma, Hermina Barcelona.

Naroon na rin sina mom and dad. Sa tabi ni grandma ay nakaupo ako habang naghihintay kay Leanne na magmumula pa sa sarili nitong tahanan kasama ang asawa niya.

"LJ, hija, two weeks from now ay ipapakilala kita sa magiging asawa mo. You should prepare, kailangan ay presentable ka at nasa kondisyon," simula ng matandang Barcelona.

"Magiging asawa? What do you mean, grandma? Ipapasok niyo po ako sa arranged marriage?" Ibinaba ko ang hawak na kubyertos na lumingon kay grandma.

"Yes, this plan was settled a long time ago. At napagkasunduan na oras na para magkakilala kayo."

Napangiwi ako, napakuyom ang aking isang kamay na nakapatong sa aking lap. "But grandma, this is unfair. Bakit kayo ang kailangang magdesisyon nito sa akin? Bakit ang kapatid ko hindi niyo nagawang pakialaman ang personal na buhay? Mas matanda siya sa akin, bakit hindi siya ang iniharap niyo doon?"

Na-drag ko na ang pangalan ng aking kapatid—well, naiinis ako, eh.

"LJ, ano ka ba? Puwede bang 'wag mo nang ipasok rito ang ate mo? Natural, kasal na siya kaya ikaw na ang papalit sa kaniya," paninitang wika ni mom.

"Papalit? What do you mean by that?" bulalas ko.

"Taklesa ka talagang babae ka," giit ni grandma kay mom. "Shut your mouth!"

"S-sorry po, mama. Pero mas makakabuti kung hindi niyo na itatago sa kaniya ito."

"And what do you mean by that, mom? Alam mo ang tungkol dito?" I couldn't help but ask, tungkol na ito sa buhay ko.

"Fine," simula ni grandma. She wiped her mouth with the white table napkin. "It was supposed to be Leanne, pero dahil ikinasal na siya ay kailangan nating magpalit ng ikakasal sa Sterling family."

"What?" bulalas ko pa, napabuga na lang ako ng hangin sa labis na pagkadismaya. "And you said Sterling, grandma?"

Tumango-tango ito. "It's an alliance with the Sterling family, one of the richest families in the entrepreneurial industry. So please, LJ, sumunod ka na lang, ha. It's for your own sake, too. Mapapaganda ang buhay mo kung isang Sterling ang mapapangasawa mo."

Napayuko na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ngayon. Pero dahil may paninindigan ako at hindi basta magpapatali sa kagustuhan ng pamilyang ito, "No, grandma. Hindi puwede. I will decide for my own po."

And in that commotion entered Leanne, with her hands intertwined with her husband, Jarred Winchester, one of the heirs of Winchester Corp. and also my ex-boyfriend.

What a scene. Parang gusto kong masuka.

Agad na bumati si Leanne rito, hindi ko na siya kayang tawaging ate ngayon. She seduced Jarred habang kami oa, and this good-for-nothing man ay tatanga-tanga rin, nagpa-uto sa manipulative kong kapatid.

"So nandito na pala ang dahilan kung bakit kailangan kong magpakasal sa kung sino lang? Oh my God! Garbages!" pilit kong pagpaparinig. Hindi lang naman 'yon para kay Leanne lang, para rin kay Jarred.

Six months ago nang malaman ko na he and my older sister were hanging out. Ang malala eh, habang kami pa. What a jerk, right? He even said na hindi niya raw ma-take ang pagiging conservative ko? What the hell? I just wanted to be pure for him before marriage.

Ang kaso, dahil jerk nga siya, ayon, hindi na ako umabot pa sa altar. I've surrendered myself to someone more trustworthy than him.

"Kararating lang namin LJ. Nga pala may pasalubong kami sa 'yo," ani Leanne, sabay beso kay grandma and to our parents.

"The h@ck," pagbulong ko.

"LJ, will you stop? Nasa harapan tayo ng pagkain," pagsaway sa akin ni dad.

Yeah, yeah. I know naman na siya ang kakampihan nila—favorite, eh. Ano pa bang say ko?

Hindi na ako sumagot, bagkus ay inirapan ko lang si Leanne sabay tayo. "If you'll excuse me, busog na ako. Then sumakit ang tiyan ko, eh. I don't know why."

I looked at grandma, too. "Sorry, grandma, I can't marry a Sterling. May nagugustuhan na akong iba," ani ko. Ngunit nang dumapo ang tingin ko kay Jarred ay mas lalong uminit ang ulo ko, but then I remembered someone with his eyes.

'Bakit hindi pa rin siya pumupunta sa Condo? Hindi kaya niya nakuha ang susi at notes ko? Or baka ayaw niya lang?'

"Jerk," I said without a voice, kumibot lang ang labi ko sa harapan ni Jarred.

As I thought na mapapanatag ako sa silid ko ay nagkamali pala ako. After at least twenty minutes ay bigla na lang pumasok si Leanne nang walang kahit na anong warning.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" sita ko sa kaniya. Tumayo ako mula sa kama't nagtungo sa pintuan at saka binuksan iyon para sa kaniya. "Get out."

"LJ, we should talk," anito, sabay upo sa dulo ng kama ko.

"Wala tayong dapat na pag-usapan pa, kaya puwede bang umalis ka na lang?"

"Oh, come on! Hindi ka pa rin ba nakaka-move on, ha? That Jarred married me instead of you?"

Wow, ha! So saan niya nakuha ang kakapalan ng pagmumukha niya ngayon?

"Ay, bida-bida lang? Ako, hindi pa nakaka-move on kay Jarred? Sa jerk, walang kwenta, at unloyal na lalaking 'yon? Oh my goodness! Masyado ka atang nawiwili sa panonood ng mga fiction, Leanne. Hindi ako kasing tanga at kasing d@monyo mo. Siguro nga iisang dugo lang nanalaytay sa ugat natin, pero mas may utak naman ako sa 'yo."

I crossed my arms. Sa aming dalawa, mas matalino ako at mas may alam sa mga bagay-bagay, unlike her na walang ibang ginawa kundi mag-party, mag-shopping, at maglustay ng pera ng mga Barcelona.

Ewan ko ba lang sa mga magulang ko kung bakit mas pabor sila kay Leanne, eh puro sakit ng ulo lang naman ang dala niya.

"Oh my God!" sabay halakhak ni Leanne. "Kahit ano pang sabihin mo, LJ, hindi mo naman mababago ang katotohanan na mas pabor ang lahat sa akin—even your three-year boyfriend chose me. Kaya 'wag kang magmagaling."

I smirked. Yeah, right. "So?" tipid kong tanong sa kaniya.

"So, meaning sumunod ka sa lahat ng utos sa 'yo. In that case, baka ma-gain mo ang sympathy nila mom and dad. Marry the Sterling, LJ. And don't mess up with my marriage!" Lumapit sa akin si Leanne, dinuro niya ako sa may chest ko. Her smile was so unnatural.

What does she mean by that?

"Leanne?"

Napatigil ako habang ito naman ay napatingin sa may pintuang nakaawang. Jarred was calling her from outside.

"Let me teach you a lesson, LJ," she smiled.

Sa isang kisapmata'y nakita ko na lang na nasa sahig na siya, nakasalampak habang nagsisimulang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.

"Bakit ba ang tigas ng puso mo, LJ?" simula nito na ikinakunot ng noo ko.

'Ano'ng drama 'to?'

"Leanne? What happened?" Jarred asked. Inalalayan nito ang asawa na makatayo, hinaplos ang mukha, at chineck kung mayroong galos o sugat ito.

"LJ, what have you done to your sister?" sigaw ni Jarred na ikinaatras ko.

It was the first time that he shouted at me. Does he really love my sister?

"Jarred, don't. Please, 'wag kang magalit sa kapatid ko. Baka may nagawa lang talaga akong mali kaya siya nagagalit sa akin." Parang gusto kong maduwal sa kaartehan nito. "I'm sorry, LJ. Wala naman akong magagawa kung ako ang ginusto ni Jarred na pakasalan, eh. I'm sorry." Ibinaon nito ang mukha sa dibdib nito, at ang magaling na lalaki naman ay panay ang haplos sa buhok ni Leanne.

"Bakit ba hindi mo kayang tumulad sa kapatid mo, LJ? She was too thoughtful na kahit siya na ang nasaktan ay mas iniisip ka pa rin niya!"

Ay siya, palakpakan. Isang malaking tanga ka, Jarred. All these years ako ang kasama mo, ilang buwan mo pa lang nakasama ang kapatid ko na 'yan, feeling mo ba isa siyang Santa?

Puwes, doon ka nagkakamali. Magsama kayo, parehas na traydor!

Tinaasan ko lang silang parehas ng kilay. "Baka puwede sa labas niyo na gawin 'yang kaartehan niyo, nakakadiri kayo," sabi ko. Kinuha ko ang alcohol spray sa aking drawer at iwinisik-wisik iyon sa paligid nila.

"LJ, will you stop being so immature, huh? Ano bang problema mo? Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Ibibigay ko pa rin sa 'yo ang dream job mo sa Winchesters, kaya 'wag mo nang pagdiskitahan ang ate mo. Hindi magbabago ang isip ko sa pagpapakasal sa kaniya."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya tungkol sa letcheng pagpapakasal niya, mas nag-focus ako doon sa dream job na nabanggit niya. Good thing ay hindi niya nakalimutan ang tungkol doon.

Isang design company ng mga jewelries ang THE HOUSE OF WINCHESTERS', and ever since ay gustong-gusto kong mag-train sa kumpanya nila. Ngunit noon 'yon noong kami pa. "No, thanks," sambit ko. "Kung makikita ko lang araw-araw ang mukha mo roon ay 'wag na lang."

"So, mind leaving my room, huh?" sabi ko sa kanila. Pipilitin ko na lang sa kumpanya natin kahit hindi naman sub-technology ang gusto ko.

"Wala kang kailangang problemahin doon. Pababa na ako sa posisyon bilang Director, at ang kapatid ko ang papalit bilang acting CEO ng kumpanya. You will not be dealing with me... basta, tantanan mo lang ang kapatid mo."

Napatda ako sa aking kinatatayuan. Tama ba ang narinig ko? Kapatid niya? Wala naman siyang ibang kapatid bukod sa kuya niyang si Jensen—ang lalaking inakit ko sa bar at nakasama ko ng two weeks sa isang resort.

"Si Jensen?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Y-yes, do you know him?"

Napalunok ako ng laway. Hindi niya puwedeng malaman na nagkakilala na kami. "No, just heard you say his name one time."

"Okay, so it's a deal, LJ. Leave your sister alone and get your dream job."

Chance ko na ito para makita siya ulit. I will explain everything to him. Aaminin ko na rin sa kaniya ang ginawa ko; baka sakaling maintindihan niya ako.

I was just hurt, at hindi ako nag-isip nang maayos on planning that 'seduction mission' of mine.

Two days after, I was now walking in THE HOUSE OF WINCHESTERS' reception area, with my ID on, baby blue intern coat uniform with white sleeves inside, and a baby blue, on-the-knee formal skirt.

I am assigned to the Management team, na ang sabi ko sa Design team dapat—nakakainis lang.

I waited for the elevator to open; sa 4th floor ako sabi ng guard. Itinawag ng receptionist sa itaas ang tungkol sa akin. At dahil VVIP ang application ko rito ay hindi na ako dadaanin sa ano pa mang proseso at dederetso na ako sa mismong trabaho.

Pero kasi, may nagtext sa akin kanina lang na kailangan kong dumaan sa HR, kaya 'yon na lang din ata ang susundin ko.

I was thumping my shoe on the tiled floor. Hindi ako ninenerbyos sa trabaho ngunit mas iniisip ko si Jensen. Excited ako na makita siya, hindi ko lang alam kung magugulat din siya kapag nakita ako rito.

Ting!

Good! Bumukas na rin sa wakas. Sumalubong sa akin ang apat na empleyadong palabas doon, at saka ako pumasok. I was thrilled for a moment, ako lang kasi pala ang aakyat paitaas.

I pressed number six, nang magtanong ako sa guard ang sabi ay doon ang HR, dadaan na ako ro'n para mas safe ang first day ko rito.

Ilang pulgada na lang ay magsasara na ang elevator, ngunit may humabol pa. Umisod ako nang bahagya sa likuran. I checked my face on the elevator's body, hindi naman salamin iyon ngunit maaaninag mo pa rin ang reflection mo kahit papaano.

I also checked my wrist, sinisigurado na suot ko ang bracelet na bigay ni Jensen.

But then, all of a sudden, I felt my system go down. Nanlamig ang aking katawan at nagsimulang manginig ang aking mga kamay.

Ang nakakalokong aura ni Jensen ang tumambad sa akin. Ibang-iba siya mula noong dalawang linggong nakalipas. Ang laging naka-topless na lalaking ito ngayon ay pormal na pormal ang hitsura sa kaniyang itim na suit—almost all ay itim ang kulay ng suot nito. His hairdo was so bossy and I love it.

"Excuse me, miss." Iyong kasama niya ang nagsalita, dahilan upang mag-give way ako sa buttons sa pagpili ng mga floors.

Tiningnan ko ang pipindutin nito—ten, ang executive floor.

"Sir, dadaan po muna ako sa accounting department. Susunod na lang ako sa office niyo," ani pa nito.

Napangiti ako. Masosolo ko siya then puwede ko siyang makausap. Ngunit nagkaroon nag pagtataka sa mukha ko—wala na ang lalaking kasama nitong pumasok sa loob and nagka-eye-to-eye kami kanina pero bakit parang hindi niya ako kilala?

Dahan-dahan akong humakbang paunahan upang magkatabi kami ni Jensen. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ang hirap pigilan. Unti-unti kong inabot ang laylayan ng suit ni Jensen at hinila iyon ng dalawang beses.

But to my surprise ay iwinaksi niya ang kamay ko na para bang ayaw niyang gawin ko iyon.

"What do you think you're doing?" sarkastikong tanong niya sa akin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Seducing Jensen Winchester   Chapter 29- LJ'S POV

    Nadala ko pa kinabukasan ang pagkadismaya ko sa naging pag-uusap namin ni Damian. He was very sure nang sabihin niyang pakakasalan niya ako.Na kahit na sinabi ko na sa kaniya na ayaw ko, wala siyang pakialam. Tinakot pa ako na wala naman daw akong magagawa tungkol doon.And I can say na mukhang nagsisimula na ang sinasabi niyang 'wala akong magagawa'.He was very early to wait outside our house, insisted to drive me on my way to work. At dahil sa pilit na pagpapasunod ni Grandma ay talagang wala akong nagawa, at heto ako ngayon pababa na sa kaniyang sasakyan.Kasunod ay ang pagtaray ko sa kaniya sabay pabalang na isinara ang pinto ng passenger's seat. Ay! Wala akong pakialam sa sasakyan niya.Hanggang sa ibaba niya ang windshield at sumilip mula roon upang kausapin pa ako. He was a smiling man right now, iba sa napakaseryosong aurang pinakita niya sa bahay kagabi.At ang hulmang panga ni Damian ay bumagay sa lakas ng dating ng kaniyang mga mata't makakapal na kilay. Para siyang isa s

  • Seducing Jensen Winchester   CHAPTER 28- LJ'S POV

    Panay ang tingin ko kay Damian habang papasok kami sa Mansiyon. Wala na siyang imik ngayon habang naglalakad kami, nakapamulsa ang loko at seryoso ang mukha. Kainis lang isipin na umiwas ako para lang sa wala? Tumakas pa ako para hindi makilala ang taong ito ngayon araw, ang ending ako pa pala ang naglapit ng sarili ko sa kaniya. Hay naku!Tumahimik na nga lang din ako, idiniretso kami ni grandma sa dining. Nang mag-alok kasi siya nang ipaghanda kami ng dinner ay hindi na um-oo si Damian. He insisted na kahit maiinom na lang ang i-serve sa kaniya."Naku, Damian...natutuwa ako na sa wakas ay nandito ka na. Pasensiya ka na sa ilang beses man delay ha? Masyadong busy kasi itong apo ko. Anyway, hindi ko na siya ipakikilala sa 'yo kasi nagkakilala naman na kayo, hindi ba?" NNapakalawak ng ngiti ni grandma sa kaniya, samantala nang dumako sa akin ay pandidilat lang ng mga mata ang nakuha ko."Yes, ma'am. Actually, ako na nga talaga ang nagpunta para lang matuloy ito. Good thing my plan w

  • Seducing Jensen Winchester   Chapter 27- LJ's POV

    Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Damian. Hangang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko sa tuwing magkakaharap kami ni Jensen, though, I told myself na wala na akong dapat na maging koneksiyon pa sa kaniya dahil kinuha na rin naman niya ang isang bagay na iniingatan ko galing sa kaniya, eh, mahirap pala...hindi gano'n kadali ang umiwas.Ang arte kasi, na para bang virgin siya. Hmp. nagpaliwang naman na ako tungkol sa nangyari sa amin noon pero hindi niya matanggap ang sorry ko. Nakakainis lang, gusto ko pa naman sana siyang mayakap. "Are you okay?"Nilingon ko si Damian, diretso lang ang kaniyang tingin sa daan habang nagmamaneho. Napansin niya ba ang pagkatulala ko? Paano nakatuon lang ang pansin ko mula sa labas ng sasakyan."Hmm. Yes, I'm okay." I smiled. Saka ko naalala na hindi pa nga pala ako magpapasalamat sa kaniya. Unang pagkikita at pagkakakilala namin kaniyang umaga pero may kabaliwan na agad akong nag

  • Seducing Jensen Winchester   Chapter 26-Jensen's POV

    Nang makaalis sina Louise Jane at ang Doktor ay nagpaalam din muna ako kay Jared. I told him na may kailangan akong asikasuhin outside. Ang hindi niya alam ay balak ko lang na habulin si Louise Jane, magtanong at mag-imbestiga.Agad ko silang hinanap pagkalabas ng elevator, tingin sa kanan, sa kaliwa, ngunit walang kahit na anong bakas ni Louise Jane."D@mn it, nasaan ka?" Bulong ko sa sarili. I hesitated to call or text her. Mas maigi kung magkakaharap kami mismo. At ang Doktor, ano ang meron sa kanila? I walked my way out of the Hospital, I've checked every hallway, sinubukan ko ring magbukas ng ilang pintuan ng pasyente ng wala kahit na katok man lang."Hey, have you seen someone, woman. 5'6, maganda, mahaba ang buhok at medyo mestisa?" Tanong ko sa nurse station.Tila naman nag-isip ang nurse on duty kung may nakita nga siyang tulad sa description ko. Ngunit umiling-iling lang ito sabay sabing sa dami nang taong nakakasalamuha niya araw-araw ay hindi niya na maalala ang mukha ng b

  • Seducing Jensen Winchester   Chapter 25- Jensen's POV

    I told her not to come, but here she is disguising herself as a nurse? Does she think I wouldn't recognize her? Mata pa lang niya, ay kabisado ko na.Sinundan ko ang bawat kilos ni Louise Jane habnag loob siya ang private room ni mom. Salamnin naman ang structure walling ng silid kaya malaya naming nakikita ang ginagawa ng Doctor.Nnagunot pa rin ang noo ko nang sumagi ang ideya na kung papaano siyang basta nakapasok rito. This Hospital is script and being operated by a billionaire family. Nang dumapo ang tingin ko sa lalaking Doctor ay nagkaroon ako ng doubt about him, naka-face mask na rin ito katulad ni LOuise Jane but there is something on him too, na hindi ko maipaliwanag."I f@cking hate this family. Ano ba kasing ginagawa nila rito." Naalimpungatan ang busy kong utak sa pagkilati sa Doktor nang lumapit sa tabi ko si Jared, hawak ang kaniyang panga."Who leaked the news about mom, that's the problem. Hindi pa nagtatagal ang nangyari pero paanong nakarating agad sila rito? Are

  • Seducing Jensen Winchester   Chapter 24- LJ's POV

    "Sigurado ka ba sa plano na 'to Damian?" tanong ko sa kaniya habang tinatahak namin ang papuntang VVIP suite."Hindi."Na-froze na lang ang bibig ko sa pagkakanganga SSA sinabi niyang iyon. Ano? Hindi siya sigurado? Eh, bakit pa kaming nandito ngayon?"Huh? Eh, Tara na bumalik na lang tayo." Paghila ko sa kaniya. Baliw pala 'to siya eh."I mean it. Hindi talaga ako sigurado sa idea na 'to, dahil kapag nalaman ng family ko na lumabag ako sa Privacy ng patient ay baka i-suspend pa ako sa trabaho. Pero dahil desidido ka na puntahan ang nasa VVIP, heto ako tutulong sa 'yo."Napalunok na lang ako sa sinabi niyang iyon, talaga ba? Gagawin niya 'yon kahit na hindi naman kami lubos na magkakilala?"Pero, hindi naman tayo close, kanina palang tayo nagkakilala. Wiling kang mapagalitan para lang tulungan ako?" Tinitigan ko sya habang naghihintay ng sagot niya. Kapapasok lang namin sa elevator, sakto walang ibang naroon kaya naman malaya kaming nakapag-usap ng ganitong topic.Nasa bulsa ng white

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status