What? Sandali, hindi niya ba ako nakilala?Nanatili ang mga mata ko kay Jensen, ibang-iba talaga siya sa Jensen na nakasama ko sa resort two months ago. Matured ang Jensen na ito, dark ang aura niya't kung makatitig ay parang mahahati ang katawan ko sa dalawang bahagi."Ahm," kunot-noong simula ko, "It's me Louisee Jane, remember?" Napakalawak ng ngiti na ibinigay ko sa kaniya, naghihintay nang magiging responce nito."Sorry, but do I know you?" Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin, inayos niya ang dulo ng kaniyang sleeves.Hindi ko maintindihan, sigurado akong siya si Jensen WInchester, ang nakatatandang kapatid ng Ex kong si Jarred. Kilalang-kilala ko siya, sa tagal ng panahon na binuntutan ko siya'y nakabisado ko na ang ilang detalye patungkol sa kaniya, eh."You're an intern?" Naroon pa rin nag baritong tono ng boses nito, impossible naman na basta niya akong makalimutan. Wala rin akong nabalitaan na nagkaroon siya ng amnesia o ano pa man."Which department?" Diretso na ang mga
Last Updated : 2026-08-31 Read more