Amora's POV
Naririnig ko ang malakas na kabog ng puso ko dahil kay Mr. Hemsworth. Hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at pakiramdam ko may kung anong kiliti akong nararamdaman sa katawan sa tuwing naiisip ko ang mga salitang iyon.
“Maghunos-dili ka, Amora. Remember, he was your mission. Hindi ka puwedeng magpadala sa tukso.”
Pinaalalahanan ko ang sarili at kasabay no'n ay malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang ang mga mata ay na sa kisame. Bigla namang lumitaw ang kaniyang imahe lalo na noong makita ko siya na hubo't-hubad kaya naman ay ipinikit ko ang mga mata at gano'n pa rin ang nangyayari. Ayaw na yata mawala sa isipan ko si Mr. Hemsworth pero kailangan ko na pigilan ang mga ito.
Hindi na tama ito pero ilang minuto lang ang lumipas ay nawala rin siya sa isipan ko lalo na nang dalawin ako ng antok.
Alas dose na pala ng ako ay magising at sobrang tanghali na. Tumayo ako sa higaan, nagbihis at lumabas. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa na manatili dito at wala akong ideya kung ano ang magiging trabaho ko bilang personal assistant ng lalaki na iyon pero kung ano man, kailangan kong maging handa.
Naglalakad ako sa pasilyo ng bahay na ito nang biglang may lumapit sa akin kaya huminto ako.
“Ma'am, Mr. Hemsworth wants you to his office now.”
Isang lalaki ang lumapit sa akin kaya bumuntonghininga ako at itinango ang ulo ko.
Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking iyon at kung meron man, bakit sa opisina pa talaga? Pero biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa may biglang pumasok sa isipan ko. Mali na iniisip ko iyon at gusto ko sampalin ang sarili dahil kung ano na lang pumasok sa utak ko.
“Sige, pupunta na ako. Turuan mo na lang ako kung saan mahahanap ang opisina niya.”
Tumango ang lalaki sa aking sinabi at kaagad na kaming naglakad papunta doon. Ilang minuto lang ay huminto kami sa harap ng isang kuwarto. Siguro ito na ang opisina ni Mr. Hemsworth kaya gano'n na lang ang pagkabog ng puso ko.
“Ito po ang kaniyang opisina, ma'am. Good luck po sa inyo.”
Nagtataka ko namang tinitigan ang lalaki dahil sa kaniyang sinabi. Magtatanong pa sana ako sa kaniya pero umalis na ito kaya malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok.
“Anong kailangan mo, Mr. Hemsworth?”
Hindi na ako nagdalawang isip at tinanong kaagad ito. Nadatnan ko na nakaupo ito sa loob ng kaniyang opisina at kaagad humarap sa akin. Tumayo naman siya at akmang lalapitan ako nang itaas ko ang dalawa kong kamay.
“Keep your distance from me, Mr. Hemsworth. Alam ko kung ano ang naglalaro sa isip mo ngayon and I am telling you, I wasn't in the mood.” Naglakad ako palayo sa kaniya.
“You are good at reading, Amora, but I just want to tell you about my rules and that's why I called you here.”
Nagtaas ako ng dalawang kilay dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong ipatawag sa loob ng opisina niya.
“Sabihin mo na sa akin kaagad, Mr. Hemsworth at huwag mo sayangin ang oras ko.”
Natawa naman ito dahil sa sinabi ko kaya inikot ko ang mga mata dahil sa inis.
“You'll begin your work as my personal assistant tomorrow and you are not allowed to talk to anyone, even my men and neither my friends. You should focus on me and not on other nonsense things.”
Napaawang ang mga labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahang marinig iyon mula sa kaniya. Is he out of his mind?
“Are you kidding me? Why am I not allowed to talk with other men? Why the fuck are you stopping me? You are just my boss and you should not stop me with whom I wanted to talk with.”
Hindi ko na mapigilang mainis sa kaniya dahil sino ba ang mag-aakala na isasama niya sa walang kwenta niyang rules na hindi ako puwedeng makipag-usap sa ibang lalaki. Sino ba siya?
He is not even my boyfriend. He's just my boss. Wala siyang karapatan na pigilan ako sa mga gusto kong gawin. I am willing to work as his personal assistant and that's it.
“I am the boss, Amora, and you have no right to disagree with me, or else I will replace you with somebody else.”
Napaawang ulit ang bibig ko dahil doon. Ayoko na makarating ang tungkol dito sa amo ko at malilintikan talaga ako.
“So stop arguing with me before it's too late or else you'll regret it.”
Napakuyom ang aking mga kamao dahil sa kaniyang sinabi. Tinitigan ko na rin ito nang sobrang sama.
Kung hindi lang talaga kita amo, baka tinadyakan na kita.
“Walang akong pakialam at hindi ako natatakot sa 'yo. Ano ba ang gusto mo mangyari, huh?”
Nagsimula na itong maglakad sa kinatatayuan ko kaya nanigas ang buong katawan ko dahil doon. Napapaatras naman ako habang siya ay lumalapit sa akin. Naririnig ko na rin ang malakas na pagkabog ng puso ko habang ang mga mata ko ay na kay Mr. Hemsworth. Bigla naman akong napatitig sa kaniyang mga mata at pakiramdam ko para niyang hinihigop ang lakas ko. Dapat ko siyang itulak pero tuluyan na siyang nakapalit sa akin pero bakit gano'n?
After the argument that I had towards him, why did my hatred go away? Is it because of our one-night stand? Is it because the man in front of me is handsome, hot and undeniably charismatic?
Akala ko ba siya ang aakitin ko pero bakit tila pakiramdam ko naaakit ako sa taglay niyang kaguwapohan?
Itinaas nito ang kamay ko at isinandal sa pader habang ang kaniyang katawan ay nakalapat na sa akin. Ang kaniyang mukha ay isang dangkal na lang ang layo sa pagitan ng mukha ko. Ramdan ko na ang mainit at mabango nitong hininga sa mukha ko.
“Do not challenge me, Amora because if you do that, I can give you an unforgettable moment that you can't forget in your life.”
Napapikit ako sa kaniyang mga sinabi habang dinadama ang init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking mukha.
The argument that we had earlier was so intense and now, what he was doing makes me tense. He even moved his face close to mine and I could feel my body so tense right now. Nagsisimula na uminit ang katawan ko.
“M-Mr. Hemsworth . . .”
Hindi ko alam pero bakit parang umuungol na ako habang nagsasalita ngayon kaya napangisi si Mr. Hemsworth. Mawawalan na yata ako ng hininga dahil bigla nitong kinagat ang ibabang labi.
“Don't provoke me, Amora, and God knows how much I control my desire to take that lips of yours right now. Hindi mo alam kung gaano ako nagtitimpi ngayon dahil gustong-gusto ko na sakupin iyang mga labi mo ngunit naghihintay lang ako sa pagpayag mo.”
I couldn't control myself to bite my upper lips as well. Aiden was tempting me and God knows how much I control myself right now. Ayokong madala sa kaniyang mga ginagawa ngayon.
Subalit nagkukusa na ang sarili ko at naramdaman ko na lang na tumatango na pala ang ulo ko bilang tugon sa kaniya. Mr. Hemsworth never hesitated to take my lips. I closed my eyes and allow him to kiss me. Nawawala na ako sa sarili dahil sa mapupusok na halik na kaniyang binibigay sa akin at ilang sandali na lang ay bibigay na ang sarili ko sa kaniya kaya habang alam ko pa ano ang ginagawa ko, itinulak ko siya.
“What have you done, Mr. Hemsworth?”
Nakahawak ako sa labi ko habang nakatitig sa kaniya at kitang-kita ko kung paano ito napangisi.
“In every intimate argument, there should be an intimate kissing scene, Amora, and I would love to do that to you. Kaya simula ngayon kapag gusto mo akong kalabanin, hindi ako magsasawang halikan ka.”
Tumingin ako sa ibang direksyon para itago ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ko rin maipaliwanag ang pagkabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay hindi ko na yata kaya pa na magtagal dito kaya naman ay tumalikod na ako para aalis na sana. Subalit nagsalita na naman ito kaya napatigil ako sa paglalakad.
“Good luck to your first day of being my assistant, Amora.”
Hindi na ako sumagot pa at tuluyang lumabas sa opisina nito. Bumalik ako sa kuwarto ko at agad na pumunta sa banyo. Tinitigan ko ang sarili sa salamin at nahihiwagaan na rin ako sa sarili ko. Parang may nagbago sa reaksyon ko at hindi ko pa maipaliwanag kung ano man iyon sa ngayon.
“Just calm down, Amora. May gagawin ka pa bukas at siguraduhin mo na makaganti ka sa Mr. Hemsworth na iyon.”
Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng banggitin ko ang mga salitang iyon habang tinititigan ang sarili sa salamin.
Hindi na ako makapaghintay pa na simulan ang misyon ko sa 'yo, Mr. Hemsworth.
Kailangan ko rin pag-isipan nang maigi ang mga bagay na dapat kong gawin bukas para simulan ang trabaho ko kay Mr. Hemsworth ngunit paano ako makakapag-isip kung ayaw ako tantanan ng lalaking iyon?
Siya pa rin ang naiisip ko at nagsisimula na akong mainis sa sarili dahil doon. Pero walang nagbago sa plano ko. Gagawin ko pa rin ang gustong ipagawa ng amo ko sa akin kay Mr. Hemsworth at hindi na ako makapaghintay pa.
Amora's POVMabilis lang lumipas ang panahon at halos dalawang buwan na pala ang nakalipas nang magkabalikan kami ni Aiden. Dinala niya ako pabalik sa mansyon niya. Nagsama na kami at isang buwan na lang ay ikakasal na rin kami. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon sa dami ng mga nangyari sa buhay namin.Sa mga oras na ito ay wala si Aiden sa bahay dahil may mahalaga siyang pinuntahan. Gusto ko pa sana sumama sa kaniya subalit nahilo ako kanina at ang sama ng pakiramdam ko. Narito rin sina Sheila at ang tita ko kaya hindi ko sila puwedeng maiwan.Kahit masama ang aking pakiramdam ay pinilit ko pa rin bumangon pero mali yata ang ginawa ko dahil nahilo na naman ako at kasabay no'n ay tumakbo ako sa loob ng banyo saka doon nagsuka. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kahapon ko pa napansin ito.“Ano ba ang nangyayari?”Hindi ko maiwasang itanong sa sarili iyon habang tinititigan ang repleksyon sa salamin. Isang malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan at nagdesisyon na l
Amora's POVTumakbo na ako para makarating nang mabilis sa munting kubo ng tiyahin ko para doon magtago. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Aiden ngayon at hindi dahil galit ako sa kaniya kung hindi dahil sa takot at kaba. I swear I tried to move on and start my new life without him but I couldn't make it. Hinahanap ko pa rin talaga ang mga halik niya at ang mga yakap niya. Alam ng diyos kung paano ko siya hanapin bawat araw at gabi sa loob ng isang buwan na wala siya sa tabi ko.Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina subalit mas nangibabaw sa akin ang takot at pag-aalangan na baka ayaw niya sa akin.“Mahal pa rin kita, Aiden subalit hindi ko alam kung paano kita haharapin ngayon.”Kaagad akong pumasok sa kuwarto ko saka nagbihis. Nagbago na rin kasi ang isip ko at sana maintindihan ni Sheila kung bakit hindi na ako tutuloy. Ipaliwanag ko na lang sa kaniya kinabukasan at nawa'y kausapin ako ng babaeng iyon. Kaagad naman akong nagbihis at nahiga sa kama ko habang nakatitig sa kis
Amora's POVHalos isang buwan na rin pala ang lumipas nang tuluyan na akong umalis sa puder ni Aiden Hemsworth. Inaamin ko na hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinahanap ng puso ko at wala na akong narinig pa tungkol sa kaniya. Hindi na ako nabalitaan ng mga malalapit niyang kaibigan at nag-aalala na ako sa kaniya.Nagising na lang ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may magsalita sa aking likuran.“Bakit ka pa narito, Amora? Dapat ka na kumilos at magbihis dahil mamaya ay darating na ang mga bisita ng mga Lorenzo.” Napalingon ako sa biglang pagsalita ni Sheila kaya napangiti ako. Halos makalimutan ko na may magaganap pala na malaking handaan mamaya sa mansyon at sobrang abala ang lahat sa paghahanda na ito.Ang tita ko naman ay kaninang umaga ko pa hindi nakakausap dahil sa sobrang abala nito sa paghahanda. Siya rin kasi ang naatasan sa mga ihahanda sa mansyon at kanina tinulungan ko siya subalit nagpaalam din ako sa kaniya na lumabas muna para magpahangin.Naalala ko kasi si
Amora's POVNakayakap si Aiden sa akin subalit hindi ako gumalaw. Hindi ko tinangkang yakapin siya pabalik dahil ayokong isipin niya na pinapatawad ko na siya at naramdaman naman niya ang hindi ko pagyakap pabalik sa kaniya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Akmang magsasalita pa sana si Aiden nang may biglang pumasok sa loob at ang tita niya ito na may hawak na baril upang tumayo si Aiden para harapin ito.“Hayop ka, Aiden! Bakit hindi ka namamatay!”Galit na boses ni Agatha ang bumungad sa amin ngayon. Nagdesisyon na rin ako na tumayo para harapin ang tita niya na ngayon ay nanginginig pa habang nakatutok ang baril sa aming dalawa.“Why are you doing this, Tita? Bakit kailangan pa natin umabot sa ganitong punto? I trusted you because you are my aunt. You are my father's sister, but why?”Ngumiti si Agatha sa tanong ni Aiden sa kaniya.“Tinatanong mo ako kung bakit ko ginagawa ito? Gusto kong makuha lahat ng kayamanan na meron ang kapatid ko. Ako dapat ang namamahala ng mga i
Amora's POVAng buong katawan ko ay punong-puno na ng mga pasa mula sa walang tigil nilang pagpapahirap sa akin. Tatlong araw na ang lumipas at malapit na bumigay ang katawan ko sa sobrang pagod. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila akong pakawalan dahil gusto nila akong patayin kasama si Aiden at habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong kinakabahan sa kung ano ang posibleng naghihintay sa akin. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Aiden.Hindi ko alam anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya at wala na akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin ngayon. Mas mainam kung patayin na nila ako dahil pagod na pagod na ang katawan ko.“I have good news, Amora.”Ito kaagad ang sinabi ni Cassandra pagkapasok pa lang nito sa kuwarto na kinaroroonan ko kaya napailing ako.“Gusto mo na ba akong patayin, Cassandra? Iyan ba ang dala mong balita sa akin?”Lumapit siya sa akin at nag-iwan ng ilang dangkal na layo sa pagitan naming dalawa saka ito ngumiti.“Ang
Amora's POVSobrang sakit sa pakiramdam na ang taong hahatak sa akin palabas ay walang iba kung hindi ang lalaking minamahal ko. Wala na nga itong pakialam kahit pa na masaktan ako mailabas lang ako sa bahay niya.“Mahal kita, Aiden kaya please . . . . maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto na saktan ka at kailangan mong malaman na 'yong tita mo ang may kagagawan. May masamang balak siya sa 'yo kaya mag-iingat ka, Aiden.”Umiiyak pa rin ako dahil sa kaniyang ginagawa sa akin ngayon. “You are out of your mind, Amora. Hindi ko alam kung bakit ka ganiyan magsalita tungkol sa tita ko pero ito lang ang tatandaan mo . . . . I don't need you in my life anymore, so please leave me alone and don't come back. Kakalimutan kong naging parte ka ng buhay ko. Sana ay tuluyan ka na mawala sa buhay ko, Amora.”Binitawan na ako ni Aiden at naglakad na pabalik sa loob habang ako ay nakadapa sa sahig dahil sa paghila niya sa akin kanina.“Mahal na mahal kita, Aiden at tandaan mo 'yan. Sana balang araw ay