Amora's POV
Akalain mo nga naman kung paano maglaro ang tadhana. Ang lalaking nakatalik ko sa bar na siyang nakakuha sa aking pagkababae at ang lalaking bagong misyon ko ay iisa lang pala. Naiinis ako sa lalaking iyon dahil hindi ko makalimutan ang ginawa niya pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasang mapahanga sa kaniya.
“Wala kang ibang pagpipilian, kung hindi ang tanggapin ang misyon, Amora,” ani ko.
Malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan saka nagpatuloy sa aking ginagawa. Pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Mr. Hemsworth at parang gustong kumawala ng kaluluwa ko sa katawan sa tuwing maaalala ko ang nangyari sa aming dalawa na hanggang ngayon ay nagpapainit pa rin sa aking katawan . Sobrang apektado ako at hindi dapat ako maapektuhan sa kaniya lalo na kapag sinimulan ko na ang aking misyon.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko na pag-aaral tungkol kay Mr. Hemsworth. Wala akong masyadong alam sa pribadong buhay niya dahil wala akong mahanap kahit isa na puwedeng mabasa tungkol sa kaniya. The things that I know about him, he was ruthless, heartless, man few of words and a man who didn't care about his workers. Marami na siyang napatalsik kaya napapailing na lang ako habang kinakausap ang sarili ko.
“Tignan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo kapag sinisimulan ko na ang misyon ko.”
Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil hindi na ako makapaghintay pa na simulan ang misyon ko. Pagkatapos ko pag-aralan si Mr. Hemsworth ay kaagad na akong naghanda.
Subalit napahinto ako nang maalalang buksan ang telepono. Pagkabukas ko pa lang ay tumambad kaagad sa akin ang maraming text messages na nagmula kay Mr. Hemsworth. Galit na galit siya dahil binabaan ko ng telepono kagabi at bahala siya sa buhay niya.
“Manigas ka, Mr. Hemsworth.”
Ibinalik ko ang telepono sa ibabaw ng mesa para simulan ang mga dapat kong gawin subalit bigla na lang itong tumunog. Kumakabog ang puso ko nang sobrang lakas dahil sa pagtawag ng amo ko.
Ano na naman kaya ang kailangan nito?
“Hello, madame,” bati ko sa kaniya.
“Bumaba ka, Amora dahil naghihintay ako sa 'yo. Kailangan ka ng pamangkin ko.”
Napalunok ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko akalain na naghihintay na pala ito sa baba.
“S-Sige, madame. Magbibihis lang po muna ako.”
Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya dahil kaagad ko na ibinaba ang telepono. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad na nagbihis saka lumabas sa tinutuluyan ko. Alam ko na naman ang kotse ni madame kaya sumakay na ako kaagad.
“Don't forget about your mission, Amora. Inaasahan ko na magtatagumpay ka sa misyon mo.”
Isang malakas at malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa umandar na ang kotse at umalis na kami. Wala akong alam kung kailan ako magsisimula pero hindi kaya si Mr. Hemsworth ang nag-utos na sunduin ako?
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na pumasok na pala ang kotse namin sa isang malaking subdivision at halos malaglag pa ang panga ko dahil sobrang ganda at laki ng mga bahay dito. Sino kaya ang nagmamay-ari ng mga ito?
“We are here, Amora. Act decently in front of my nephew and if you need to offer yourself to make your plan work, then go ahead. Basta ang gusto ko, magtagumpay ka.”
Tanging tango lang ulit ang naging tugon ko sa amo ko dahil wala ako sa mood magsalita ngayon. Dinala niya ako sa loob ng bahay at parang gusto ko kumaripas paalis nang makita ko si Mr. Hemsworth na prenteng nakaupo sa isang sofa habang ang kaniyang mga mata ay na sa amin. Napalunok pa ako nang magtama ang aming mga mata kaya dali-dali akong napalingon sa ibang direksyon.
“Hi, Aiden. I would like to introduce Amora, your new assistant.” Aiden's aunt started to introduce me to Mr. Hemsworth. She has no idea about what happened to us last time.
Ipinalabas ni Madame na ang trabaho ko kay Mr. Hemsworth ay personal assistant lang pero ang totoo, nandito ako para akitin siya.
“You can leave us now, tita. Don't worry, I can guide her to her room.” Aiden uttered.
Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay sa akin siya nakatingin kaya napalunok ako sa laway ko at tila ba pakiramdam ko may ibig sabihin ang kaniyang mga sinabi. Bumaba naman ang mga mata ko sa katawan niya at hindi maiwasan na mapatitig dito. Kahit na may suot siyang damit, bakas pa rin sa katawan niya ang kakisigan. Pero bakit hubo't-hubad siya sa mga mata ko?
Kung ano-ano na ang naglalaro sa isipan ko, hindi ko napansin na malapit na pala si Mr. Hemsworth sa akin.
“So, you're the new assistant that my aunt was referring to. You are the woman whom I had sex last night and the same woman who hung up the phone when I was still talking to the other line. What a coincidence, huh?”
Bawat pagbigkas niya sa mga salitang iyon ay nagdulot ng kaba sa puso ko. Halos magkadikit na ang aming mga katawan at pakiramdam ko may kung anong dumaloy sa aking kaibuturan. Gamit ang kaniyang mga daliri, hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa aking pisngi na ikinatayo ng aking mga balahibo.
“M-Mr. Hemsworth, what are you doing?”
Nanginginig na ang aking dalawang tuhod sa kaniyang ginawa subalit ngumisi lamang ito na para bang naaaliw sa aking naging reaksyon. Bigla niya naman akong hinalikan sa labi ko at hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
“Sino ba ang mag-aakala na ikaw pala ang magiging personal assistant ko. But don't worry, kung ano man ang nangyari noong nakaraan, kalimutan na natin iyon. Let's focus on significant things, especially your work with me.”
Ilang sigundo pa ang lumipas bago ako magising sa kaniyang ginawa. Hindi ko akalain na maglalakas ito na halikan ako.
“H-How dare you kissed me? Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin noong nakaraan, huh?”
Sa kabila ng aking pananalita, hindi man lang ito nainis at ngumisi lang habang nakatitig sa akin. Akmang sasampalin ko na siya nang lumayo ito sa akin.
“Keep your distance, honey. I am now your boss. You have no other choice but to obey everything that I want you to do. When I tell you to please me, wala kang magagawa kung hindi sumunod sa akin.”
Nagpanting naman ang tenga ko sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko gusto ang kaniyang mga sinabi at kung hindi lang talaga siya si Mr. Hemsworth, kanina pa basag ang mukha niya.
“Linawin ko lang sa iyo, Mr. Hemsworth na personal assistant mo ako at hindi laruan. Kung gusto mo, maghanap ka ng iba na puwede mong ikama, huwag ako.”
Tumaas na ang dugo ko dahil sa lalaking ito subalit nginisihan niya lang ako at sobrang nakakainis iyon. Bigla niyang inihakbang ang mga paa kaya naman ay nagsimula na akong umatras para lumayo sa kaniya subalit wala na akong maatrasan pa.
“Wala kang magagawa kung gusto kitang gawing laruan ko sa kama, Amora Salvatore. I am willing to double your salary and you can demand the amount, so tell me,” aniya sa akin.
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon sa akin. Itinulak ko siya palayo sa akin ng balakin niya akong hapitin sa bewang.
“Hindi ako basta-bastang ikama, Mr. Hemsworth at sana tandaan mo iyan. Nandito ako para magtrabaho bilang personal assistant mo. Tungkol naman sa nangyari sa atin, walang ibig sabihin iyon kasi lasing ako. Huwag kayong mag-isip na gusto ko maging laruan ninyo.”
Tumayo ito nang matuwid matapos ko sabihin ang mga salitang iyon. Sobrang lakas pa rin ang tibok ng puso ko, subalit pinanatili ko ang sarili na kalmado.
“You can go to your room. Don't worry about your clothes because my aunt asked someone to pack your stuff and bring it here.”
Napatitig ako sa mukha niya habang nakaawang ang aking bibig. Hindi ko lubos maisip na dito na rin pala ako titira kasama ang lalaking kumuha sa pagkababae ko. Kahit labag sa kalooban ko ay wala na akong magagawa sapagkat pumayag na ako sa boss ko.
Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ituloy ang plano kay Mr. Hemsworth, sa pang-aakit sa kaniya at nawa'y magtagumpay ako sa mga plano ko. Sana siya ang maakit ko at hindi ako.
“Dapat pa ba kitang pasalamatan sa ginawa mo, Mr. Hemsworth?”
Napalingon ito sa gawi ko nang itanong ko iyon. Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi at nagulat na lang ako nang bigla niyang hubarin sa harapan ko ang kaniyang damit pang-itaas. Napaawang ang bibig ko dahil doon habang ang mga mata ko naman ay napatingin sa kaniyang napakagandang katawan.
Halos malaglag naman ang panga ko nang magsimula itong maglakad sa gawi ko. Akala ko ay hahalikan niya ako dahil inilapit niya ang mukha sa akin subalit may inabot lang pala ito mula sa likuran ko.
“I know what are you thinking. Magpapalit lang ako ng damit at huwag kang mag-isip ng kahit na ano.”
Napahiya ako dahil sa nangyari at parang gusto kong mawala na parang bula sa kinatatayuan ko ngayon.
“Ang kapal ng mukha mo!” bulong ko sa sarili subalit ngumisi lang ito.
“You will start your work tomorrow as my sex slave, I mean, as my personal assistant. Huwag kang tatanga-tanga and do your job well.”
Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya at tuluyan nang tumakbo paalis dahil sa sobrang hiya. Sana bukas makayanan ko ang trabaho ko at sana magawa ko ang misyon kay Mr. Hemsworth.
Amora's POVMabilis lang lumipas ang panahon at halos dalawang buwan na pala ang nakalipas nang magkabalikan kami ni Aiden. Dinala niya ako pabalik sa mansyon niya. Nagsama na kami at isang buwan na lang ay ikakasal na rin kami. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon sa dami ng mga nangyari sa buhay namin.Sa mga oras na ito ay wala si Aiden sa bahay dahil may mahalaga siyang pinuntahan. Gusto ko pa sana sumama sa kaniya subalit nahilo ako kanina at ang sama ng pakiramdam ko. Narito rin sina Sheila at ang tita ko kaya hindi ko sila puwedeng maiwan.Kahit masama ang aking pakiramdam ay pinilit ko pa rin bumangon pero mali yata ang ginawa ko dahil nahilo na naman ako at kasabay no'n ay tumakbo ako sa loob ng banyo saka doon nagsuka. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kahapon ko pa napansin ito.“Ano ba ang nangyayari?”Hindi ko maiwasang itanong sa sarili iyon habang tinititigan ang repleksyon sa salamin. Isang malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan at nagdesisyon na l
Amora's POVTumakbo na ako para makarating nang mabilis sa munting kubo ng tiyahin ko para doon magtago. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Aiden ngayon at hindi dahil galit ako sa kaniya kung hindi dahil sa takot at kaba. I swear I tried to move on and start my new life without him but I couldn't make it. Hinahanap ko pa rin talaga ang mga halik niya at ang mga yakap niya. Alam ng diyos kung paano ko siya hanapin bawat araw at gabi sa loob ng isang buwan na wala siya sa tabi ko.Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina subalit mas nangibabaw sa akin ang takot at pag-aalangan na baka ayaw niya sa akin.“Mahal pa rin kita, Aiden subalit hindi ko alam kung paano kita haharapin ngayon.”Kaagad akong pumasok sa kuwarto ko saka nagbihis. Nagbago na rin kasi ang isip ko at sana maintindihan ni Sheila kung bakit hindi na ako tutuloy. Ipaliwanag ko na lang sa kaniya kinabukasan at nawa'y kausapin ako ng babaeng iyon. Kaagad naman akong nagbihis at nahiga sa kama ko habang nakatitig sa kis
Amora's POVHalos isang buwan na rin pala ang lumipas nang tuluyan na akong umalis sa puder ni Aiden Hemsworth. Inaamin ko na hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinahanap ng puso ko at wala na akong narinig pa tungkol sa kaniya. Hindi na ako nabalitaan ng mga malalapit niyang kaibigan at nag-aalala na ako sa kaniya.Nagising na lang ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may magsalita sa aking likuran.“Bakit ka pa narito, Amora? Dapat ka na kumilos at magbihis dahil mamaya ay darating na ang mga bisita ng mga Lorenzo.” Napalingon ako sa biglang pagsalita ni Sheila kaya napangiti ako. Halos makalimutan ko na may magaganap pala na malaking handaan mamaya sa mansyon at sobrang abala ang lahat sa paghahanda na ito.Ang tita ko naman ay kaninang umaga ko pa hindi nakakausap dahil sa sobrang abala nito sa paghahanda. Siya rin kasi ang naatasan sa mga ihahanda sa mansyon at kanina tinulungan ko siya subalit nagpaalam din ako sa kaniya na lumabas muna para magpahangin.Naalala ko kasi si
Amora's POVNakayakap si Aiden sa akin subalit hindi ako gumalaw. Hindi ko tinangkang yakapin siya pabalik dahil ayokong isipin niya na pinapatawad ko na siya at naramdaman naman niya ang hindi ko pagyakap pabalik sa kaniya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Akmang magsasalita pa sana si Aiden nang may biglang pumasok sa loob at ang tita niya ito na may hawak na baril upang tumayo si Aiden para harapin ito.“Hayop ka, Aiden! Bakit hindi ka namamatay!”Galit na boses ni Agatha ang bumungad sa amin ngayon. Nagdesisyon na rin ako na tumayo para harapin ang tita niya na ngayon ay nanginginig pa habang nakatutok ang baril sa aming dalawa.“Why are you doing this, Tita? Bakit kailangan pa natin umabot sa ganitong punto? I trusted you because you are my aunt. You are my father's sister, but why?”Ngumiti si Agatha sa tanong ni Aiden sa kaniya.“Tinatanong mo ako kung bakit ko ginagawa ito? Gusto kong makuha lahat ng kayamanan na meron ang kapatid ko. Ako dapat ang namamahala ng mga i
Amora's POVAng buong katawan ko ay punong-puno na ng mga pasa mula sa walang tigil nilang pagpapahirap sa akin. Tatlong araw na ang lumipas at malapit na bumigay ang katawan ko sa sobrang pagod. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila akong pakawalan dahil gusto nila akong patayin kasama si Aiden at habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong kinakabahan sa kung ano ang posibleng naghihintay sa akin. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Aiden.Hindi ko alam anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya at wala na akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin ngayon. Mas mainam kung patayin na nila ako dahil pagod na pagod na ang katawan ko.“I have good news, Amora.”Ito kaagad ang sinabi ni Cassandra pagkapasok pa lang nito sa kuwarto na kinaroroonan ko kaya napailing ako.“Gusto mo na ba akong patayin, Cassandra? Iyan ba ang dala mong balita sa akin?”Lumapit siya sa akin at nag-iwan ng ilang dangkal na layo sa pagitan naming dalawa saka ito ngumiti.“Ang
Amora's POVSobrang sakit sa pakiramdam na ang taong hahatak sa akin palabas ay walang iba kung hindi ang lalaking minamahal ko. Wala na nga itong pakialam kahit pa na masaktan ako mailabas lang ako sa bahay niya.“Mahal kita, Aiden kaya please . . . . maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto na saktan ka at kailangan mong malaman na 'yong tita mo ang may kagagawan. May masamang balak siya sa 'yo kaya mag-iingat ka, Aiden.”Umiiyak pa rin ako dahil sa kaniyang ginagawa sa akin ngayon. “You are out of your mind, Amora. Hindi ko alam kung bakit ka ganiyan magsalita tungkol sa tita ko pero ito lang ang tatandaan mo . . . . I don't need you in my life anymore, so please leave me alone and don't come back. Kakalimutan kong naging parte ka ng buhay ko. Sana ay tuluyan ka na mawala sa buhay ko, Amora.”Binitawan na ako ni Aiden at naglakad na pabalik sa loob habang ako ay nakadapa sa sahig dahil sa paghila niya sa akin kanina.“Mahal na mahal kita, Aiden at tandaan mo 'yan. Sana balang araw ay