Share

Seducing My Aloof Husband
Seducing My Aloof Husband
Penulis: Mrsdane06

Chapter 1

Penulis: Mrsdane06
last update Terakhir Diperbarui: 2023-01-30 00:49:26

“Natutuwa ako sa inyong pagdalo sa kasal ng aming mga apo. Ang pagbubuklod ng pamilya Cervantes at Fontanilla ng tuluyan ay siyang lalo pang magpapatibay sa samahan ng dalawang pamilya.”

Pumalakpak ang mga bisita at ang dalawang pamilya.

“At sa Enero, ang panganay kong apo naman ang ikakasal. Rafael, hijo please come here,” magiliw na saad ng matanda.

Si Engr. Rafael Cervantes ay ang panganay na apo ni Don Augustus Cervantes. Sa edad na 28 ay isa itong tanyag na Engineer sa Davao at isa sa may-ari ng CdeC Engineering and Architectural Firm.

Napangiti si Rafael at naglakad palapit sa entablado. Simpatiko itong tingnan sa kanyang suit na pang abay dahil siya ang bestman ni Terence. Nagpaalam na niya sa kanyang pamilya ang nalalapit niyang pagpapakilala sa kanyang nobya.

“Kyoko, hija halika rito at samahan kami,” anang matanda.

Nagtataka man, sumunod si Kyoko sa nais ng kanyang Ninong Augustus. Suot niya ang gown na nagpakita ng kanyang pagiging cute. Para lang siyang isang high school student imbes na maid of honor ni Faustina. Nakapaskil ang kanyang pilit na ngiti at tumabi sa gilid ni Don Augustus.

“Friends, family, I would like to invite you to the upcoming wedding of my eldest grandson, Engr. Rafael Cervantes to my Farm Manager, Kyoko Ricaforte.

Kapwa napako sa kani-kanilang kinatatayuan si Rafael at Kyoko. Unang nakabawi si Kyoko pero nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha. Hinanap niya ang kanyang ina sa mga naroon ngunit hindi niya ito mahagilap.

Nagkiskisan ang mga bagang ni Rafael. Namula ang kanyang mukha at hindi rin umimik sa naging deklarasyon ng kanyang abuelo. Walang anumang salita ang namutawi sa kanyang mga labi dahil sa ayaw nitong mapahiya ang abuelo sa harap ng mga bisita.

 Itinaas ni Don Augustus Cervantes ang hawak na kopita sa kanyang kanang kamay, tanda na hinihingi ang basbas ng mga tauhan at mga kaibigan.

Natapos ang reception at nasa library sila ng mansion ng mga Cervantes. Naroon ang mga Ricaforte: si Celina na nanay ni Kyoko at si Mercedes, ang kinagisnang lola ni Kyoko. Nasa dulong bahagi sila ng malawak na library. 

Sa kabilang banda, naroon naman ang mga Cervantes: si Leon na ama ni Rafael at si Margarita ang stepmother ni Rafael.

“What was the ruckus all about, Lolo?” Hindi napigilan ni Rafael na tumayo at harapin ang abuelo na prenteng nakaupo sa swivel chair. Tumayo na rin ang matanda at tinitigan ang apo.

“I was serious about your upcoming wedding, Rafael. Hindi ba sinabi mo na interesado ka na bilhin sa akin ang Isla Esmeralda? I can give it to you, if you will marry Kyoko next month. Take it or leave it. The choice is yours.” Naglakad ang matanda palapit sa mga Ricaforte. “Ano ang masasabi mo Celina sa aking desisyon?” tanong nito.

“Ang anak ko lang po ang pwedeng sumagot sa gusto n’yong mangyari. Nagsabi na siya sa akin last week at nasa kanya na kung papayag siya sa kagustuhan ninyo,” ani Celina. Nakayuko ang ginang at tiningnan ang kanyang biyenan. Si Aling Mercedes ay hindi makasagot sa nais ni Don Augustus. 

Nang hindi sumagot si Celina at Aling Mercedes si Kyoko ang hinarap ng matanda.

“Ano ang masasabi mo Kyoko? Papayag ka ba sa gusto ko?” Napangiti si Don Augustus sa inaanak.

“Kung tutupad po kayo sa napag-usapan natin Ninong. Una, dapat bigyan ninyo ako ng garantiya na may scholarship si Hector sa isang prestigious na university dito sa Davao City. Pangalawa, dapat ako ang magiging Farm Manager dito sa Hacienda Esmeralda.” Seryoso si Kyoko sa bawat kondisyon na sinabi niya. Yaman din lang at hinihingi ang kanyang opinyon, hindi na siya nangimi pa na magsabi ng naisip. After all kasal sa taong hindi siya gusto ang kapalit ng kanyang pagpayag sa kagustuhan ng kanyang Ninong Augustus.

“And what made you think that I would agree to Lolo’s preposterous idea?! My ass! At ikaw pa talaga may ganang magbigay ng mga kondisyon. It’s not as if I will say yes sa gusto ni Lolo Augustus! Hindi ikaw ang babaeng pasok sa ideal type ko” Nanggagalaiti na saad ni Rafael habang nakapamewang. Kung pwede lang sana niyang lapitan si Kyoko at alugin para matauhan ay baka ginawa na niya.

“Aw, talaga lang! Hindi rin naman kita gusto ah! Ang tanong Paeng, kaya mo ba suwayin ang kagustuhan ni Don Augustus Cervantes?!” patawang tanong ni Kyoko. “Aminin mo na kasi! Takot ka sa Lolo Augustus mo. May mahihita ka rin naman kung magpapakasal tayo. Don’t accuse me na parang ako pa ang may gusto na pakasalan ang isang matapobreng katulad mo. Takot ka rin mawalan ng mana, iyon lang ‘yon!” gigil na giit ni Kyoko. 

Hindi naman siya papayag na insultuhin siya ni Rafael sa harap ng kanyang pamilya! Oo aminado siyang hindi maganda at hindi kaakit-akit pero ang ipamukha pa iyon sa kanya sa harapan ng pamilya nila ay nakakainsulto talaga!

Tiningnan ni Rafael ang pamilya pero nanatiling tahimik ang mga ito. Nahagip pa ng kanyang mga mata ang mga pigil na ngiti ng kanyang ama at ina, lalo na ang kanyang abuelo. Pinagkakaisahan pa yata ako ng pamilya ko! Are they sane? 

Imbes na mainis sa bangayan ng dalawa, ang mga naroon ay na-amuse kay Kyoko at Rafael. Hindi nila akalain na kaya makipag sagutan ni Kyoko na sadyang napakaliit na dalaga kumpara sa mala-higanteng si Rafael.

“What did you call me?” asik ni Rafael.

“Paeng!” sagot ni Kyoko.

“Hijo, tama naman si Kyoko. You can’t refuse my decision. Isipin mo na lang na ireregalo ko sa iyo ang Isla Esmeralda kung sa loob ng isang taon ay mabibigyan mo kami ng isang tagapagmana,” ani Don Augustus.

Napailing na lang si Rafael sa pagiging tuso ng abuelo. Nang nakaraang araw lang nito pinakita sa kanya ang naka-frame na larawan ng Isla Esmeralda. And yet, may naisip na itong kalokohan para lang matali siya sa paboritong inaanak nito!

Napangiwi si Kyoko. Wala sa usapan nila ng kanyang ninong na kailangan niya kaagad magkaroon ng anak para tuloy ang kanyang posisyon sa Hacienda Esmeralda.

“Hijo, pumayag ka na. Personally, gusto ko rin naman si Kyoko para sa iyo,” ani Margarita. Ang ginang na ang tumayong ina ni Rafael at tunay na anak ang turing nito sa anak ng kabiyak. Nilapitan nito si Rafael at hinaplos ang mukha.

“But Mama, I have a girlfriend. Si Fiona ang gusto kong pakasalan at hindi si Kyoko!” mariing tangi ni Rafael. 

Napasinghap ang mga Ricaforte. Hindi nila alam na may relasyon pala si Fiona at si Rafael.

“And you think tatanggapin ko si Fiona para maging asawa, Rafael? Think again!” Naglakad si Don Augustus at binuksan ang isang file cabinet at may kinuha doon na isang brown envelope. Binuksan niya ito at nilapag sa mahogany table ang isang makapal na bunton ng mga pictures. “I’m sorry Mercedes.”

Lumapit ang mga naroon at napaawang ang mga labi nang makita ang mga larawan na naroon. Kuha iyon ni Fiona na may iba’t ibang anggulo. May mga kuha itong solo, pero madalas ay may isang lalaki itong kasama na medyo may edad na. Pero ang kuha na nasa basement parking ang mga ito na may ginagawang kababalaghan. Kitang kita sa larawan na nakababa ang underwear ni Fiona at ang mga binti nito ay nakasaklang sa hubong baywang ng lalaki.

Namula ang mga mata ni Mercedes, ang lola ni Fiona. Si Celina naman ay napahawak sa biyenan sa pag-aalala na hindi nito matanggap ang nalaman. Samantalang tiim ang bagang ni Rafael sa ginawa ni Don Augustus. Alam niya sa sarili na hindi iyon magagawa ni Fiona sa kanya.

“You win, Lolo. Now, you can burn these pictures,” matigas na saad ni Rafael. “At least papirmahin mo ang paborito mong inaanak ng Waiver o ‘di kaya ay Quit claim para hindi niya makamkam ang Hacienda Esmeralda! Beware Lolo Augustus, maraming mapagsamantalang nilalang sa paligid. They are like wolves in sheep’s clothing!”

“Sure. Sino ang tinatakot mo! Kung gusto ko nga kamkamin ang Hacienda Esmeralda sana si Sebastian ang pinili ko hindi ikaw na matapobre!” asik ni Kyoko.

Natigilan si Rafael. Hindi siya aware na alam pala ni Kyoko na may gusto si Sebastian sa dalaga. Kahit siya ay napansin na may gusto nga ang kapatid sa dalaga pero hindi ito binigyan ng bigat ng abuelo sa pagreto sa kanila ni Kyoko. Kaya mayabang si Kyoko na kaya nitong diktahan ang kanyang Lolo Augustus.

“Okay. It’s settled then. Leonardo, pasabihan mo si Cita na maghanda sa Miyerkules ay mamamanhikan tayo sa mga Ricaforte.”

Dumating nga ang araw ng pamamanhikan. Kaagad na kumalat sa buong Hacienda ang nalalapit na kasal ni Kyoko at Rafael kaya ang mga tauhan ay naintriga sa magaganap na pamamanhikan. Pero, hiniling ni Kyoko sa mga tauhan na hayaan silang maidaos iyon ng pribado.

“Sa January 8 ang kasal ninyo, Hija. Wala ka ng dapat alalahanin dahil may inatasan na akong umasikaso ng mga papeles ninyo ni Rafael,” ani Don Augustus.

“Kyoko, hija saan mo ba gusto ikasal? Saang simbahan ba dito sa Davao gusto mong ikasal kayo ng aking anak?” ani Margarita.

“Dito na lang po tayo sa Hacienda Esmeralda, Senyora Margarita. Kung maaari ay sa huwes na lang kami ikasal. Total naman hindi ako gusto ni Rafael”

Tumikhim si Celina at Mercedes sa sinabing iyon ni Kyoko pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng dalaga

“Ay! Dapat Mama na ang tawag mo sa akin, isang linggo na lang at magiging ganap ka ng Cervantes,” ani Margarita. Napansin nitong medyo mabigat ang eksena kaya sumingit na siya.

Nakasimangot lang si Rafael at matalim ang kanyang tingin sa mga naroon. Napansin iyon ni Kyoko at gusto niyang kantiyawan ang binata.

Matapos maayos ang pamamanhikan, isang simpleng handaan ang kanilang pinagsaluhan. 

“Kung sa tingin mo ay magiging masaya ka sa piling ko, pwes nagkakamali ka!” asik ni Rafael.

“Para ko na ring sinabi na magiging puti ang kulay ng uwak kung mag-e-expect ako ng magandang treatment mula sa iyo, Paeng.” Tumirik na lang ang mata ni Kyoko at tumabingi ang kanyang ngiti sa mga sinabi ni Rafael sa kanya.

“Why are you calling me that silly nickname?” Namumula na si Rafael sa pagpipigil sa dalagang sadyang magaspang ang trato sa kanya.

“Because it suits you! Alam mo manalamin ka nga, Senyorito! Palagi kang nakasimangot kaya para kang constipated. Kaya hindi ko masisisi ang mga trabahador na bigyan ka ng kakaibang palayaw. Kamukha mo kasi iyong taga tabas ng damo sa dulo ng Hacienda, si Paeng simangot.”

Napapikit si Rafael sa sinabi ni Kyoko. Alam niyang naging malamig ang pagtrato niya sa mga trabahador ng Hacienda pero ang bigyan siya ng mabantot na palayaw ay hindi naman yata tama!

“You better watch out for your language, young lady. Ako ang puput*l sa sungay mo oras na ikasal tayo! I’ll make you realize that it was wrong that you agreed with Lolo Augustus!” banta ni Rafael.

“Subukan mo lang talaga! Akala mo, porke maliit ako, magpapatalo na ako sayo? Ano ako duwag? Tandaan mo Paeng, lahat gagawin ko para sa Hacienda. Itaga mo sa bato, ikaw ang mahihirapan at hindi ako!” 

“Ang tapang mo talagang bubwit ka! Makikita mo ang hinahanap mo. Tingnan ko lang kung makalakad ka pagkatapos ng honeymoon natin!” Kumislap ang pilyong ngiti ni Rafael nang makita ang sindak na gumuhit sa mata ni Kyoko. Pero, kaagad iyong napawi at muli itong bumanat.

“Ay talaga ba! Akala ko ay hindi mo maaatim ang tabihan ako sa pagtulog? Tapos ngayon honeymoon na ang binabanggit mo. Siguro may pagnanasa ka sa akin ano?” tudyo ni Kyoko kay Rafael.

Hindi nakaimik si Rafael sa assumption ni Kyoko. Napaawang ang kanyang labi sa kawalan ng maibabato sa dalaga na sumobra yata ang kumpiyansa sa sarili. Naningkit ang kanyang mata at hinila palapit sa kanya si Kyoko. Ni hindi man lang natakot ang dalaga na makipagtitigan kay Rafael. Nababanaag sa mata ni Kyoko ang tiwala sa sarili. 

Namangha si Rafael sa pagiging palaban ni Kyoko. Kung ang ibang babae nga na kumpiyansa sa sarili at kapag titigan ang mga ito ay na-intimidate. Ngunit si Kyoko ay tinaas pa ang kanyang baba na tanda na kaya nitong basta na lang siyang sagutin.

“Makikita mo. Magdurusa ka sa piling ko!” pangako ni Rafael.

Dumating ang araw ng kasal ni Kyoko at Rafael. Abala ang mga tauhan ng Hacienda Esmeralda na ihanda ang venue.

SI Rafael ay hindi man lang nakadama ng kasiyahan. Lalo pa at hindi pa alam ng nobya na ikakasal na [ala siya sa stepsister nito.

"Are you ready, Rafael?' pukaw ni Don Augustus sa apo.

Kung may natuwa man sa araw na iyon, si Don Augustus iyon. Kaagad na sila na nagtungo sa vaenue ng kasal.

Alas diyes pa ang umpisa ng kasal at alas nueve y medya na. Kaya, inutusan na ni Don Augustus na ipasundo sa bridal car ang inaanak.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Da Yang Jaguar
mag uumpisa pa lng ako.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Seducing My Aloof Husband    chapter 50

    Kyoko POV Ilang araw na rin mula nang umalis si Rafael. Pang apat na araw ko na dito sa mga Fontanilla at kahit paano ay naaaliw ako sa mag-asawang Terence at Faustina. Kaibigan ko na sila dati pa lalo at madalas naman sila dumadalaw sa Hacienda Esmeralda kahit noon pa. Nasa veranda ako at nagpapahangin lalo at siesta ngayon. Wala naman masyadong ganap sa bahay nila lalo at busy din sa niyugan at sagingan si Terence. Shipment ng cavendish banana ang negosyo ng mga ito. Kabilang ang Hong Kong, Japan, at Russia sa mga bansa kung saan nagsu-supply sila ng mga nasabing uri ng saging at pawang chain of supermarket ang kanilang kliyente. “Nandito ka lang pala. Halika nga at bumaba ka na. Isasama kaya kita sa koprahan, Tamang tama at nagbibiyak ng mga niyog ang mga tauhan. Baka gusto mo umusyoso.” Ayoko naman lumabas na bastos kaya sumama na ako kay Faustina. Binabaybay namin ang daan patungo sa koprahan nang masilayan ang isang pigura. Natatandaan ko ang babaeng iy

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 49

    Rafael "You didn't listen to your wife's request?" Kumunot ang noo ni Lolo Augustus habang tumatayo mula sa kanyang swivel chair. Nasa library kami kasama ang kanyang personal therapist na si Romer. "Lolo, I have to make sure na hindi apektado si Kyoko sa nasagap niyang tsismis," maikli kong sagot. "Was it just a rumor, Rafael? Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang babaeng 'yon. Kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." May papel na binagsak si Lolo Augustus sa kanyang table. "Sign this and the lawyers will submit these to the court. It will be my assurance na hindi ka na lalapitan ng babaeng 'yon." Pinulot ko ang papel na iyon at nakita na plano magsampa ng reklamo ni Lolo Augustus under my name para pigilan si Fiona na lumapit at manggulo sa aming mag-asawa. "Nag-offer na ako ng pera sa kanya pero hindi niya kinagat. And now all I have to do is coax you to finally file a complaint. If you are serious about fixing your marriage, heed my ad

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 48

    Kyoko POV "Anong ginagawa mo dito, Rafael? Bakit ang hirap mong intindihin ang sinabi ng asawa mo?" Asik ni nanay habang binababa ang hawak na tray. Naamoy ko na ang dala niyang pagkain ay pihadong tinolang manok lalo at nakausli pa ang dahon ng sili sa gilid ng mangkok. "At saka ibaba mo nga asawa mo. Hindi naman siya pilay o lumpo bakit kinakarga mo 'yan?" Napakapit ako sa balikat ni Rafael. Though alam ko naman na magaan lang ako kahit pa malaki na ang tiyan ko dahil kambal nga ang pinagbubuntis ko. Hindi na nakatiis si nanay at inagaw na niya ako kay Rafael. "Nay, relax ka lang. Magaan lang naman ang misis ko. Okay naman na si Kyoko na mag-stay ako dito. Please hayaan mo na ako ang magpakain sa kanya sa dala niyo na pagkain," may halong pagtaboy na saad pa ng asawa ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo at desidido si nanay na bawiin ako sa mga bisig niya. Kaya napatingin si Nanay Celina sa akin. Tumango ako lalo at ayaw ko na humaba pa ang diskusyon. Padabo

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 47

    Rafael "Ayaw mo ba talagang tumigil, Fiona?" Nagtagis ang mga ngipin ko at ilang beses na pinindot ang busina. I want her to feel that I am not pleased with her presence. Kung hindi lang kasalanan na sumagasa ng tao at babae pa talaga ay ginawa ko na! "Susuyuin mo na naman ang maarte kong half sister? Kung ako ang pinili mo, Rafael hindi ka sana namamalimos ng atensyon sa pangit na 'yon!" sigaw pa ni Fiona habang ginugulo ang kanyang buhok. Sa inis ko, bumababa ako ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinaklit ang kanyang braso. "Don't you ever insult the mother of my kids, Fiona. You will not like it when you anger me this much." Pinisil ko pa lalo ang kanyang braso kaya mapaigik siya. Hindi ko akalain na darating ang araw na kinamumuhian ko ang babae na minsan ay halos mabaliw ako sa kanyang alindog. I repulse the idea that once I was so madly and obsessed by her bed prowess. Gone are the days when she had me at her command. "Hindi ka ba napapagod intindi

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 46

    Rafael Wala akong nagawa sa kagustuhan ni Misis. Pinilit ko na lang ang sarili ko na bumalik sa Hacienda Esmeralda. Nasa bukana na ako ng malaking gate papasok ng hacienda nang makita ko si Fiona na nasa gitna ng daan. Kaagad kong binusinahan ito. Hindi man lang siya natinag. Matay mang isipin, gusto ko siyang sagasaan sa pagdudulot niya ng problema naming mag-asawa. "Rafael, wait!" sigaw ni Fiona habang nag-wave siya ng kamay. "Rafael, ano ba? Please, stop!" Hinarang na talaga niya ang sarili at dinantay ang kanyang matambok na pwet sa hood ng aking sasakyan. "Not right now, Fiona. Please, pabayaan mo na kaming mag-asawa. Give us peace," pagsamo ko sa kanya. Ni hindi ko siya makuhang tingnan lalo at bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya at ng kanyang tiyuhin na si Delfin. "What happened to us, Rafael. Hayaan mo na lang si Kyoko kung ayaw niya sa iyo. Nandito naman ako na willing maging side chick mo. Please, I am begging you to take me back

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 45

    Kyoko POV Natawa na lang si Faustina sa sinabi ko. Nakayakap si Terence sa kanya. Nakikita ko sa kanilang mag-asawa ang naging journey namin ni Rafael bilang mag-asawa. Like them, arranged marriage ang nagbuklod sa kanila. Mas maganda pa nga ang naging history nila dahil family friend ng mga Cervantes ang mga Fontanilla. Samantanlang kami ni Rafael ay parang aso at pusa na munting kibot lang nagbabangayan na kami. Simula pa nga noong bata pa ako, gigil na gigil na siya sa akin. Only to find out na kalahi ko pa ang babaeng nanakit sa kanya noong college siya. “Oy, naiinggit na si bilas oh,” tukso ni Terence sa akin habang may panakaw na halik sa pisngi ng asawa. Napangiti ako lalo at lumilipad ang utak ko kung saan habang naghaharutan ang dalawa sa harapan ko. Natawa na lang ako sa biro niya. The usual Terence na inaalaska ako every time may pagkakataon siya. “Terence, isa!” Halata sa boses ni Faustina ang inis. “Alam mo naman na bawal ma-stress si Kyoko.” “Sor

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status