Share

Chapter 2

Author: Mrsdane06
last update Last Updated: 2023-01-30 00:50:22

Kyoko POV

WALANG emosyon akong nakatingin sa salamin. Oo nga at maganda ang paglapat ng makeup sa aking mukha pero hindi nito natakpan ang kahungkagan na aking nadarama. Ngayong araw na ito ay opisyal na akong magiging Mrs. Rafael Cervantes. Kasal ko ngayong araw pero para akong namatayan. Naalala ko pa ang banta ni Rafael na magdurusa ako sa piling niya. Mapakla akong napangiti.

“Kaya mo ‘yan, Kyoko. Ikaw pa ba? Para matupad ang pangarap ni Tatay Felipe at masiguradong matutupad ni Hector ang pangarap niyang makapag-aral sa Ateneo de Davao,” kumbinse ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at paulit-ulit na pinakalma ang sarili. 

“Handa na ba ang bride namin?” Sumungaw mula sa pinto ng maliit kong kwarto si Nanay Celina at Lola Mercedes. Nakangiti silang lumapit sa akin.

“Oo naman ‘Nay,” kulang sa sigla kong sagot.

“O, huwag kang sumimangot, apo. Alam mo, mabait naman talaga si Senyorito Rafael. Kailangan n’yo lang kilalanin ang isa’t isa. Payo lang apo, bawasan mo minsan ang pagiging prangka mo para magkaintindihan kayo,” payo ni Lola.

Tumayo ako at niyakap ang dalawang babae na pinakamahalaga sa buhay ko. “Pagsisikapan ko pong pakisamahan ng maayos si Rafael para sa kapakanan ng Hacienda. Huwag ninyo akong alalahanin at kaya ko ang sarili ko.”

May narinig na kaming busina ng sasakyan bumaba na si Kyoko. Naroon ang ilan sa mga tauhan sa Hacienda na nakaabang sa paglabas ko. Suot ko ang isang simpleng damit pangkasal. A line dress na floor length at sabrina style iyon. Pawang french lace lang ang pinaka adorno ng gown pero sadyang elegante itong tingnan.

Sumakay na ako  sa bridal car at tatlong minuto lang naroon na kami sa pagdarausan ng kasal. Sa dulong bahagi ng taniman ng cacao ko ninais idaos ang kasal na bagaman simple lang ay halata na ginastusan na i set up. Elegante ngunit simple lang ang venue pero naroon ang lahat ng mga tauhan ng Hacienda Esmeralda na siyang tanging hiling ko.

Naroon na sa kanyang upuan si Rafael. Napailing ako nang makita na nakasimangot siya kahit nasa tabi lang niya si Ninong Augustus.

Kaagad na sinimulan ang seremonyas ng kasal. Wala halos akong maintindihan sa sinabi ng judge na siyang officiating officer. Nang sabihin ng hukom na kailangan ng singsing ay awtomatikong inabot iyon ni Ninong Augustus kay Rafael. Nang isuot niya sa aking palasingsingan ang wedding ring ay nakasimangot ito. Halatang pilit ang bawat katagang namumutawi sa kanyang mga labi na dinidikta sa kanya ng hukom. Ang malamig na dantay ng singsing sa aking daliri ay hudyat na tuluyan na akong natali sa lalaking ayaw sa akin.

Hinahamig ko ang sarili ko na huwag maiyak sa kalagitnaan ng kasal namin. Ang pangarap kong masayang pag-aasawa ay pangarap na lang. Hinahanda ko na ang sarili ko sa masamang trato ni Rafael sa akin.

Sa inis ko, buong sigla kong binigkas ang mga katagang dinidikta ng hukom. Gusto kong bumunghalit ng tawa sa mukha ni Rafael. Halos lumuwa ang kanyang mga mata habang amused akong nagsusuot sa kanyang mahahabang daliri sa wedding band niya. Kung mataba at mahaba ang kanyang daliri ay tiyak akong ganoon din ang kanyang karg*da. Pigil akong napakagat sa aking pang-ibabang labi para hindi tumakas ang isang hagikgik.

“By the power vested upon me, I now pronounce you husband and wife,” saad ng hukom. “You may kiss the bride.”

Tumunog ang mga baso na mahinang hinahampas ng mga kubyertos.

“Kiss! Kiss!” Dinig ko ang sigaw na iyon ni Terence. Katabi niya si Faustina at si Tiffany.

Sa kawalan ng ginawa ni Rafael, lumapit ako sa kanya sa inis ko. Inabot ko ang kanyang balikat at hinila siya pababa sabay bulong. “Umayos ka Paeng!” mahina kong banta.

Nang nagsalubong ang kanyang mga mata, walang babala kong tinawid ang pagitan ng aming magkalapit na mukha. Ako na ang nagpasimuno sa halik namin. Napasinghap siya sa unang dampi ng aming mga labi. Smack lang ang ginawa ko pero napapikit pa si Rafael. Infairness, ang lambot ng labi ng mister kong masungit! 

“Yan ang kaibigan ko hanep humalik!” sigaw ni Terence. 

Kaagad ko namang binitawan ang labi ni Rafael. Bumukas ang kanyang mga mata at namula. Nagtatawanan na lang ang mga naroon sa kanyang reaksyon. Ang kanyang mga kaibigan ay hindi maiwasan na matawa sa ginawa ko. Panay kantiyaw ng dalawang kaibigan ni Rafael sa saglit na pagkatulala niya sa aming unang halik.

Naging napakasaya ng reception. Komportable kaming gumalaw lalo at pawang mga tauhan ng Hacienda Esmeralda ang mga naroon. Hindi rin naman mga matapobre ang mga Fontanilla at ang mga kaibigan ni Ninong Augustus na mga karatig Hacienda.

Katulad ng karaniwang mga kasal, may mga tradisyonal na sayaw at pagbibigay ng mensahe sa bagong kasal. Halos napuno rin ng cash at tseke ang aming mga damit sa dami ng nagbigay ng pakimkim.

Matapos ang sayaw, si Nanay Celina at Mama Margarita ang nagtanggal ng mga pakimkim sa aming mga damit. Kaagad na umalis si Rafael at hindi ko na alam kung saan nagpunta.

Hapon na natapos ang reception. Inaayos ko ang aking gown at lumapit kay Mama Margarita para magpaalam. Kita ko sa aking peripheral vision ang palihim na pagpunta ni Rafael sa likuran ng venue. At dahil na-curious ako, sinundan ko siya. Napaawang ang aking labi nang makita ko kung paano sabik na naghalikan si Rafael at Ate Fiona. 

Akala ko na hindi ako naaapektuhan ng mga nakita ko. Pero, parang sinuntok ang aking dibdib sa aking nasaksihan. Parang may bumara sa aking lalamunan habang pinagmamasdan sila sa kanilang nakaw na sandali. Wala pang bente kwatro oras at heto si Rafael na pinamumukha sa akin ang kawalang halaga ng aming kasal.

“Rafael!” 

Napaigtad ako sa mala kulog na boses ni Ninong Augustus. Si Rafael at Ate Fiona ay kusang naghiwalay na kanina lang ay walang sawang naghahalikan. Lumapit si Ninong Augustus sa kanila at walang babala na sinampal si Rafael.

“Nasaan ang delicadeza mo? Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! At dito pa talaga sa feception ng kasal mo?!” ani Ninong. Namumula na siya at lumapit na ako sa kanilang tatlo.

“Ninong, hayaan nyo na sila. Kumalma kayo,” payo ko. Lingid sa kaalaman ng nakararami, may iniindang sakit si Ninong Augustus. 

“No! Hindi ako papayag na harap-harapan kang bastusin ng dalawang ito! This is not how we raised you, Rafael!” gigil na saad ni Ninong Augustus. Napailing ako lalo at ramdam ko ang masidhing emosyon niya.

Hindi nakaimik si Rafael lalo at nag-umpisa nang magbulungan ang mga tao sa paligid. Tumikhim si Ninong Augustus at kaagad naman na umalis ang mga tauhan.

“Ikaw babae, ang lakas naman ng loob mo na pumunta pa sa kasal ng dati mong kasintahan!” puna ni Ninong kay Ate Fiona.

“Sa inyo na rin nanggaling. Dati akong girlfriend. At sa pagkakaalam ko, hindi pa kami hiwalay ni Rafael at pinilit lang siya na pakasalan ang katawang bata na si Kyoko,” patuyang saad ni Ate Fiona. Bumalasik pa ang kanyang anyo nang masilayan ako sa likod ni Ninong Augustus.

“Hindi ka na welcome dito sa Hacienda Esmeralda. At sa iyo na nanggaling, ikinasal na ang boyfriend mo. So, that makes you a mistress if you still continue to have a relationship with a married man. My, what will be your manager and agent’s opinion that their model is a mistress?” ani Ninong. 

“Lolo, please nag-usap lang kami ni Fiona,” mahinahong saad ni Rafael.

“I already saw what I need to see Rafael! Now, Miss Ricaforte, off you go!” taboy ni Ninong Augustus.

Walang nagawa si Ate Fiona kundi ang tahimik na umalis. Nang lumingon ako, nakita ko si Lola Mercedes na nasa isang upuan na pinapaypayan ni Nanay Celina. Gusto ko man siyang lapitan pero nahihiya akong i-approach siya. Naturingang si Ate Fiona ang apo pero ni wala man lang siyang pagmamahal kay Lola Mercedes.

“Kyoko, hija naihanda ko na ang mga gamit mo. Pupunta kayo ni Rafael sa Palawan para sa inyong honeymoon. Ihahatid kayo ni Lito,” sabi ni Ninong sa akin. “Mag-ingat kayo doon at bigyan mo kaagad kami ng apo.”

Mapakla ang ngiti na gumuhit sa aking mga labi. Kitang kita ko rin ang pagtiim ng mga labi ni Rafael.

Nang lulan na kami ng sasakyan papunta sa airport, hindi man lang ako kinibo ng ‘asawa’ ko. Tumunog ang kanyang cellphone at kaagad niya itong sinagot.

“Yes. We are heading towards the airport. Magkita na lang tayo doon. Hihintayin kita.” Binaba na kaagad ni Rafael ang cellphone niya at hinarap ako. “Fiona is coming with us. And I don’t wanna know na magsusumbong ka kay Lolo Augustus.”  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Aloof Husband    chapter 50

    Kyoko POV Ilang araw na rin mula nang umalis si Rafael. Pang apat na araw ko na dito sa mga Fontanilla at kahit paano ay naaaliw ako sa mag-asawang Terence at Faustina. Kaibigan ko na sila dati pa lalo at madalas naman sila dumadalaw sa Hacienda Esmeralda kahit noon pa. Nasa veranda ako at nagpapahangin lalo at siesta ngayon. Wala naman masyadong ganap sa bahay nila lalo at busy din sa niyugan at sagingan si Terence. Shipment ng cavendish banana ang negosyo ng mga ito. Kabilang ang Hong Kong, Japan, at Russia sa mga bansa kung saan nagsu-supply sila ng mga nasabing uri ng saging at pawang chain of supermarket ang kanilang kliyente. “Nandito ka lang pala. Halika nga at bumaba ka na. Isasama kaya kita sa koprahan, Tamang tama at nagbibiyak ng mga niyog ang mga tauhan. Baka gusto mo umusyoso.” Ayoko naman lumabas na bastos kaya sumama na ako kay Faustina. Binabaybay namin ang daan patungo sa koprahan nang masilayan ang isang pigura. Natatandaan ko ang babaeng iy

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 49

    Rafael "You didn't listen to your wife's request?" Kumunot ang noo ni Lolo Augustus habang tumatayo mula sa kanyang swivel chair. Nasa library kami kasama ang kanyang personal therapist na si Romer. "Lolo, I have to make sure na hindi apektado si Kyoko sa nasagap niyang tsismis," maikli kong sagot. "Was it just a rumor, Rafael? Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang babaeng 'yon. Kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." May papel na binagsak si Lolo Augustus sa kanyang table. "Sign this and the lawyers will submit these to the court. It will be my assurance na hindi ka na lalapitan ng babaeng 'yon." Pinulot ko ang papel na iyon at nakita na plano magsampa ng reklamo ni Lolo Augustus under my name para pigilan si Fiona na lumapit at manggulo sa aming mag-asawa. "Nag-offer na ako ng pera sa kanya pero hindi niya kinagat. And now all I have to do is coax you to finally file a complaint. If you are serious about fixing your marriage, heed my ad

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 48

    Kyoko POV "Anong ginagawa mo dito, Rafael? Bakit ang hirap mong intindihin ang sinabi ng asawa mo?" Asik ni nanay habang binababa ang hawak na tray. Naamoy ko na ang dala niyang pagkain ay pihadong tinolang manok lalo at nakausli pa ang dahon ng sili sa gilid ng mangkok. "At saka ibaba mo nga asawa mo. Hindi naman siya pilay o lumpo bakit kinakarga mo 'yan?" Napakapit ako sa balikat ni Rafael. Though alam ko naman na magaan lang ako kahit pa malaki na ang tiyan ko dahil kambal nga ang pinagbubuntis ko. Hindi na nakatiis si nanay at inagaw na niya ako kay Rafael. "Nay, relax ka lang. Magaan lang naman ang misis ko. Okay naman na si Kyoko na mag-stay ako dito. Please hayaan mo na ako ang magpakain sa kanya sa dala niyo na pagkain," may halong pagtaboy na saad pa ng asawa ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo at desidido si nanay na bawiin ako sa mga bisig niya. Kaya napatingin si Nanay Celina sa akin. Tumango ako lalo at ayaw ko na humaba pa ang diskusyon. Padabo

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 47

    Rafael "Ayaw mo ba talagang tumigil, Fiona?" Nagtagis ang mga ngipin ko at ilang beses na pinindot ang busina. I want her to feel that I am not pleased with her presence. Kung hindi lang kasalanan na sumagasa ng tao at babae pa talaga ay ginawa ko na! "Susuyuin mo na naman ang maarte kong half sister? Kung ako ang pinili mo, Rafael hindi ka sana namamalimos ng atensyon sa pangit na 'yon!" sigaw pa ni Fiona habang ginugulo ang kanyang buhok. Sa inis ko, bumababa ako ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinaklit ang kanyang braso. "Don't you ever insult the mother of my kids, Fiona. You will not like it when you anger me this much." Pinisil ko pa lalo ang kanyang braso kaya mapaigik siya. Hindi ko akalain na darating ang araw na kinamumuhian ko ang babae na minsan ay halos mabaliw ako sa kanyang alindog. I repulse the idea that once I was so madly and obsessed by her bed prowess. Gone are the days when she had me at her command. "Hindi ka ba napapagod intindi

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 46

    Rafael Wala akong nagawa sa kagustuhan ni Misis. Pinilit ko na lang ang sarili ko na bumalik sa Hacienda Esmeralda. Nasa bukana na ako ng malaking gate papasok ng hacienda nang makita ko si Fiona na nasa gitna ng daan. Kaagad kong binusinahan ito. Hindi man lang siya natinag. Matay mang isipin, gusto ko siyang sagasaan sa pagdudulot niya ng problema naming mag-asawa. "Rafael, wait!" sigaw ni Fiona habang nag-wave siya ng kamay. "Rafael, ano ba? Please, stop!" Hinarang na talaga niya ang sarili at dinantay ang kanyang matambok na pwet sa hood ng aking sasakyan. "Not right now, Fiona. Please, pabayaan mo na kaming mag-asawa. Give us peace," pagsamo ko sa kanya. Ni hindi ko siya makuhang tingnan lalo at bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya at ng kanyang tiyuhin na si Delfin. "What happened to us, Rafael. Hayaan mo na lang si Kyoko kung ayaw niya sa iyo. Nandito naman ako na willing maging side chick mo. Please, I am begging you to take me back

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 45

    Kyoko POV Natawa na lang si Faustina sa sinabi ko. Nakayakap si Terence sa kanya. Nakikita ko sa kanilang mag-asawa ang naging journey namin ni Rafael bilang mag-asawa. Like them, arranged marriage ang nagbuklod sa kanila. Mas maganda pa nga ang naging history nila dahil family friend ng mga Cervantes ang mga Fontanilla. Samantanlang kami ni Rafael ay parang aso at pusa na munting kibot lang nagbabangayan na kami. Simula pa nga noong bata pa ako, gigil na gigil na siya sa akin. Only to find out na kalahi ko pa ang babaeng nanakit sa kanya noong college siya. “Oy, naiinggit na si bilas oh,” tukso ni Terence sa akin habang may panakaw na halik sa pisngi ng asawa. Napangiti ako lalo at lumilipad ang utak ko kung saan habang naghaharutan ang dalawa sa harapan ko. Natawa na lang ako sa biro niya. The usual Terence na inaalaska ako every time may pagkakataon siya. “Terence, isa!” Halata sa boses ni Faustina ang inis. “Alam mo naman na bawal ma-stress si Kyoko.” “Sor

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status