Share

Chapter 3

Kyoko POV

“As if I care!” depensa ko. Masakit man talaga marinig na mas gugustuhin pang makasama ng asawa ko ang kanyang kab*t. Pero, hindi ko binigyan si Rafael ng kasiyahan kung malaman niya na apektado ako sa gagawin niyang pakikipagkita kay Ate Fiona.

“That’s good! At least we are clear about things between us. I can’t imagine myself making love with someone who isn't half as attractive as Fiona!” tila hilakbot na saad ni Rafael.

“And I never imagine myself being choked by an oversize pen*s! Remember that you have to provide them with an heir within a year of being married. So, you better familiarize yourself with making love to an unattractive wife!” giit ko.

“Can you please shut up! Sumosobra ka na! Kung gaano ka kaliit, ang laki naman ng bunganga mo at hindi mo itinitikom!” Pikon na si Rafael sa akin.

“Don’t insult me! Huwag mo akong pinipintasan and yet you expect me to just swallow every insult your are sprouting! Sinuswerte ka yata, Paeng!”

Rafael snapped at me. Muntikan na niya akong suntukin pero  hindi tumama ang kanyang kamao sa mukha ko nang biglang nagpreno ang sasakyan.

“Senyorito, pinapaalala ko lang sa inyo na may camera sa loob ng sasakyan. Ano man ang sasabihin mo ay makikita at maririnig ni Don Augustus,” malamig na saad ni Kuya Lito. Namumula na rin siya na nakatingin sa amin. “Huwag naman kayong ganyan sa asawa ninyo. Babae pa rin si Kyoko at kabawasan sa pagkalalaki ang pananakit ng mga babae.”

Hindi nakaimik si Rafael sa sinabi ni Kuya Lito. Namula siya at kumunot ang kanyang noo.

“At ano ang pakialam mo kung paano ko tratuhin ang asawa ko! Driver ka lang naman!” asik ni Rafael.

Doon na naputol ang aking pagtitimpi. Umigkas ang aking kamay at sapol si Rafael ng suntok sa kanyang baba.

“Huwag kang bastos sa mga tauhan ng Lolo Augustus mo, Paeng! Sa susunod na insultuhin mo ang sinuman na nagtatrabaho sa Hacienda ay hindi lang iyan ang matitikman mo sa akin.”

Napahawak lang si Rafael sa kanyang baba na tinamaan ng suntok ko. Bakas sa kanyang mga mata ang galit pero sa takot nito sa sinabi ni Kuya Lito ay hindi natuloy ang pananakit niya sa akin.

Hindi na kami nag-imikan ni Rafael hanggang makarating sa airport. Umismid ako nang makita na mas nauna pa pala ang kabit ng asawa ko sa amin. At ang step sister ko ay parang girl scout na may dalang bagahe. Napailing na lang ako sa kakapalan ng mukha ni Ate Fiona.

“Love, I’m excited!” ani Ate Fiona. Sinalubong niya si Rafael habang ako ay diretso na umakyat na sa isang maliit na eroplano. Nakasunod lang ako kay Kuya Lito na siyang matiyagang nag-assist sa akin. Sinalubong kami ng isang flight attendant.

Nagpaalam na kaagad si Kuya Lito sa akin. Nagsabi na siya na siya rin ang susundo sa amin pagkalipas ng apat na araw. Apat na araw pa talaga akong magtitiis sa piling ng aking salawahang asawa!

Umakyat na sina Rafael at Ate Fiona. Pero, sa malas ay hindi pumayag ang flight attendant na pati si Ate Fiona ay sumakay.

“Why are you stopping me, huh?” dinig kong asik ni Ate Fiona.

“Ma’am, ang nakalagay po sa passenger list ay Mr and Mrs Cervantes. We are just following our client’s instructions. May binigay na mga picture kung sino lang ang allowed na sasakay,” sagot ng flight attendant.

“Just let her come with us,” utos ni Rafael. Bakas sa boses niya ang pagkabagot sa ginawa ng flight attendant.

Matagal na discussion ang nangyari sa kanila pero sa huli ay tumayo na ang pilot at pinababa si Ate Fiona.

Prente lang akong nakaupo sa aking upuan at nakikinig sa kanilang usapan. Wala akong pakialam kung ako lang mag-isa ang pupunta ng Palawan o sasama ba ang dalawa.

“Sorry Sir, trabaho lang walang personalan. Strict kami when it comes to client’s request,” pinal na saad ng pilot kay Rafael.

Hindi pa rin natitinag si Rafael at Ate Fiona kaya ang pilot na ang nagpaliwanag.  Walang nagawa si Rafael kundi umupo na sa tabi ko. Sinuot ko ang aking noise cancelling headphones at naidlip na.

Ang mahinang tapik sa aking balikat ang siyang gumising sa akin. Nginitian ko ang flight attendant at tinanggal na aking seatbelt. Kinuha ko na ang aking maleta at bumaba na. Naroon na sa isang van si Rafael na nakasimangot na naghihintay.

“Ang bagal mo naman kumilos, para kang uod!” Pansin niya sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Hindi ko na siya pinatulan at sumakay na lang sa van. Palubog na ang araw at malamig ang simoy ng hangin mula sa dagat na pumasok sa bukas na bintana ng van.  Pinagkasya ko na lang ang sarili na pagmasdan ang magandang tanawin kaysa ang patulan ang paghihimutok ni Rafael.

Trenta minutos lang at naroon na kami sa tapat ng isang magandang two storey brick house. Sinalubong kami ng isang matandang babae na nagpakilala na si Aling Salome. Hawak ang aking bagahe, nakangiti akong sumunod sa kanya habang binibigay ang mga instruction sa akin.

“Hija, kasya na ang mga pagkain dito ng dalawang araw. Bukas ng umaga, may ihahatid naman kaming mga preskong mga isda para sa inyong mag-asawa. O siya, aalis na ako at medyo malayo pa ang aming kubo mula rito,” paalam niya.

Umalis na kaagad si Aling Salome. Umakyat muna ako sa nag-iisang silid doon. Magbihis ako at naghilamos saglit dahil nanlalagkit ako sa makeup.

Nagluto na ako ng ulam. May nakita akong native na manok at kompleto naman ang sangkap kaya tinola ang niluto ko. Nagsaing na rin ako ng maraming kanin.

Naghain na ako pagkatapos ay tinawag ko na si Rafael.

“Bumaba ka na dyan Paeng at mag-dinner  na tayo,” anyaya ko sa kanya.

“Masarap ba ang luto mo at walang gayuma?” usisa niya. Nakasimangot siya at humaba pa ang nguso. Tuloy gusto kong bumunghalit ng tawa.

“Choosy ka pa? Bakit may restaurant ba sa malapit para doon ka na lang kumain,” aniko. “Ang mga kagaya mo ay hindi ginagayuma. Hindi ka bilyonaryo oy!” Pabagsak kong nilagay ang plato niya at umupo na sa katapat niya. Pagkatapos kong umusal ng maikling panalangin nag-umpisa na akong kumain.

Sarap na sarap ako sa aking kinakain pero nakatingin lang siya sa akin. Wala akong pakialam sa opinyon niya, basta ang mahalaga ay busog  ako at para matulog na ng maaga. 

“Can  you eat slowly? Para ka namang mauubusan ng pagkain eh!” Bakas sa mukha ni Rafael ang inis sa akin.

“Huwag mo nga ako pakialaman! Kumain ka na lang at nang maisabay ko na ligpitin ang mga pinagkainan mo sa akin, Senyorito!” patuya kong saad. Kahit na hindi pa ako gaanong busog ay tumigil na akong kumain. Konti na lang talaga ay may masasapak akong antipatiko na lalaki!

Hinugasan ko na ang aking pinagkainan at umakyat na. Inayos ko ang aking mga gamit sa closet na naroon. May nakita akong isang pinto palabas ng veranda kaya binuksan ko iyon. Saglit kong nakalimutan ang sitwasyong kinasadlakan ko sa magandang tanawin. Payapa ang dagat habang napakaliwanag ng tanglaw ng buwan. Full moon pa yata kami ikinasal ng nakakabanas kong asawa.

“Nandito ka lang pala. Akala ko kung pumunta ka ng dalampasigan,” ani Rafael

“Saan naman ako dadaan?” pilosopo kong sagot.

“You know Kyoko, we can still act civil towards each other,” panimula ni Rafael. “Pwede naman siguro na magkunwari tayong okay sa harap ng pamilya ko. We will live in my condo after our honeymoon.”

Hindi ako umimik. Wala ako sa mood makipag-usap lalo at pagod at antok na ako. “Bukas na lang tayo mag-usap.” Tumalikod na kaagad ako at pumasok na ng silid namin. Pero natigilan ako sa pagpasok nang hinila niya ako palapit sa kanya. Yumuko pa siya at akmang hahalikan ako pero buong tapang kung nilapit ang mukha ko sa kanya. Bakas sa kanyang mga mata ang inis at galit sa ginawa ko. 

“Tapos ka na na inisin ako? Dahil kung tapos na, ay pwede na ba akong pumasok?” Pabigla kong binawi ang braso ko at naglakad na. 

Pumasok na ako sa silid. Sa malas at iisa lang ang kama na naroon. Naligo na kaagad ako at nagpalit na ng pantulog. The usual na suot ko lang naman. Tank top na itim at pajama.

“Are you serious about wearing that cartoon character pajama on our honeymoon?” asik ni Rafael. 

Tiningnan ko ang aking suot. Si Psyduck iyon at wala naman akong nakitang masama sa suot ko!

“Sabi mo nga di ba? Hindi mo kaya na sipingan ako! So, bakit pa ako mag-effort na magsuot ng kaakit-akit na pantulog?” Tumirik ang mata ko sa inis. Pabagsak akong umupo sa kama at nagtalukbong na ng kumot. 

Dinig ko pa ang pagdadabog ni Rafael pero hinila na kaagad ako ng antok.

Hindi pa man tumutunog ang alarm ng cellphone ko, nagising na ako. Gustuhin ko man bumangon pero may tila bakal sa tigas na mga braso na nakapulupot sa katawan ko. Ngayon lang nag- sink in sa akin na may asawa na pala ako. Tiningnan ko ang mukha ng tulog na si Rafael. Napakaamo at gwapo niya kapag tulog. Lalaking lalaki kung tutuusin pero hindi ako na-attract sa kanya kahit kailan.

Maingat kong tinanggal ang kanyang mga braso at bumangon na. Nagsepilyo lang ako at bumaba na kaagad ng kusina. Napailing na lang ako lalo at nakita ko ang pinagkainan niya kagabi at hindi man lang hinugasan!

Maaga pa naman. Hindi pa sumisikat ang haring araw. Umakyat ako sa silid namin at nagpalit ng swimsuit at nagdala ng beach towel. Lumabas na kaagad ako sa bahay at patakbong tumungo sa payapang dagat. Iniwan ko ang beach towel sa umpukan ng mga bato.

Para akong isang bata na minsan lang nakapunta ng dagat. At dahil nag-iisa lang naman ako ay ginawa ko ang lahat ng naisipan ko hanggang sa pagod na ako sa paglangoy at pagsisid. 

Sumisikat na ang araw nang maisipan kong bumalik sa bahay pero tumikwas ang kilay ko nang makita kung sino ang naroon. Si Ate Fiona!

At paano kaya nito natunton ang kinaroroonan namin? Nagmamadali akong naglakad at pumasok na bahay ng hindi pinapansin ang bagong dating.

“Hoy, sakang! Tawagin mo nga ang boyfriend ko!” utos ni Ate Fiona sa akin.

“Gusto mong tawagin ko ang boyfriend mo na asawa ko na?” pang-aasar ko sa kanya. Kitang kita ko pa kung paano namula ang kanyang buong mukha at bumalasik ang kanyang mga mata. 

“Stop it, Kyoko! Wala kang karapatan na bastusin si Fiona dahil siya ang mahal ko!” awat ni Rafael.  

“Bastusin! Kayo pa talaga ang binastos ko! Kayo nga itong walang paggalang sa kasal natin! Huwag ninyong iakusa sa akin ang mga bagay na kayo ang may kagagawan, pwede ba?”

Tinalikuran ko na silang dalawa. Sa inis ko, hindi ako nagluto ng para kay Rafael. Pero, in-enjoy ko ang bakasyon ko sa Palawan. Bahala na silang dalawa sa gagawin nila!

Apat na araw kong pinagtiisan ang dalawa na tila sila ang mga bagong kasal. Masakit sa pride ko na nakikita si Rafael at Ate Fiona na sweet sa isa’t isa. Pero, dahil tuso ako palihim akong kumuha ng mga pictures nila.

Lintik lang ang walang ganti. Kapag nagka bulilyaso kami kay Ninong Augustus ay safe ako!

At sa wakas natapos na rin ang apat na araw na parusang honeymoon. Ang pampalubagloob ko lang ay hindi muling pinayagan ng stewardess na sumakay si Ate Fiona sa eroplano na chartered pa. Mukhang alam ni Ninong Augustus ang ginawa ng kanyang apo. Kaya, kampante akong naupo at natulog na lang sa kabuuan ng biyahe.

Pagdating namin sa Davao Int’l Airport, naroon na si Kuya Lito at nakangiting sumalubong sa akin. Hindi man lang niya kinuha ang bagahe ni Rafael kaya nakasimangot ang huli.

Trenta minutos lang at narating namin Hacienda Esmeralda. Mainit ang pagtanggap ni Ninong Augustus sa akin pero kapansin-pansin ang malamig niyang trato kay Rafael. Inutusan niya kaming pumunta sa library.

“I am glad you enjoyed your stay in Palawan, Hija,” anio Ninong. “Bumagay sa iyo ang iyong kaunting pamumula,” tukso niya sa akin. Bumaling siya kay Rafael at nagsalita.

“And I think you need to explain this, Rafael.” Pabagsak na nilapag ni Ninong Augustus ang isang bunton ng larawan. Napasinghap ako lalo at mga kuha iyon ni Rafael at Fiona. May mga kuha pa sila na kapwa hubad at nasa dalampasigan na nakapatong si Ate Fiona dito.

“Lolo, I can explain…--”

Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Rafael nang marinig kong lumagapak ang palad ni Ninong Augustus sa mukha nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status