공유

Kabanata 16

Hindi akalain ni Lera na tototohanin ni Lucas ang sinabi nitong sasama ito sa kanila ng anak sa pagbisita sa kan'yang inay at itay.

Nakayuko siyang bumaba ng magara nitong kotse habang hawak ang kamay ng anak. Binilisan niya ang paglalakad upang makaiwas sa usapan ng kan'yang mga kapitbahay.

Sigurado siyang anumang araw ay malalaman na din ng mga taga-Sta Ignacia na ang ama ng kan'yang anak ay ang bunso ng mga Valle. Kagaya ng panghuhusgang ginawa ni Ginang Juana sa kan'ya ay inaasahan niya nang ganito rin ang iisipin ng mga tao sa kan'ya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nais niya nang manirahan sa lungsod.

"Maayos ka lang ba doon anak?" tanong ng kan'yang ama habang tinutulungan niya itong magsiga ng apoy para sa pagluluto ng kanilang hapunan.

Iniwan niya ang kan'yang mag-ama sa inay niya at kapatid. Kanina pa niya nararamdaman ang ilangan sa kanilang bahay dahil sa presensya ni Lucas kung kaya't minabuti niyang samahan na lamang ang ama sa pagluluto.<

잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status