Share

Kabanata 8

Ang magandang sikat ng araw ay hindi nakatulong para mabigyan ng sigla ang bahay ng mga Santillan. Ang dating masayang pagsasalo-salo sa hapag ay nauwi sa tahimik na tensyon sa pagitan ni Lera at kan'yang mga magulang.

Ilang araw niya nang tinitiis ang hindi pagpansin ng ama at ina sa kan'ya. Naiintindihan niya dahil kasalanan niya.

"Hindi na po ako papasok sa eskwela." Hinintay niyang makaalis ang kapatid upang masabi iyon.

Imbes na sumagot ay tumayo ang ama at walang pasabing iniwanan siya. Napatingin siya sa ina.

"Nasasaktan kami sa ginawa mo'ng ito anak. Pero nand'yan na iyan, wala na tayong magagawa."

Alam niyang hindi siya matitiis ng ina. Tinanggap nito ang kan'yang sitwasyon at sinamahan siya na magpatingin sa pampublikong doktor.

Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan niya. Tunay nga'ng mayroong batang mabubuo sa loob niya.

"Nora! Buntis ka?" tanong ng kapitbahay nila nang maabutan sila sa health center at kagaya nito ay kumuk

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gen Valera
wala po b ito sa discover sa library lng tlaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status