Share

Kabanata 4

Author: MeteorComets
last update publish date: 2026-02-24 14:10:21

Bigla niya akong hinila pabalik sa kaniya at pagkatapos ay isinandal sa pader at itinaas ang dalawang kamay. Expose na expose sa kaniya ang dalawang dibdib ko.

“What are you doing?”

Nagsalubong ang kilay ko.

“Kung papakasalan mo siya then why the fvck you encouraged me to release my sperm inside you? What if you’ll get pregnant?”

Hindi ko naman siya hiniheld accountable sa nangyari samin. Although big deal sakin yun dahil virginity ko yun, pero hindi naman ako magdi-demand na panagutan niya ko.

Isa pa, I know my body… my period.

“Don’t worry, hindi ako mabubuntis dahil safe day ko yun. At kung sakali mang mabuntis ako, hindi ako maghahabol sayo.”

Nalukot ang mukha niya at napaawang ang labi.

Tinulak ko siya at seryosong tinignan. Pero dahil nabitawan ko ang tshirt ko kanina, tinakpan ko nalang ang dalawang dibdib ko gamit ang kamay.

He already saw my naked body anyway.

“Mag-usap tayo,” sabi ko sa kaniya.

“About?”

“Last night.”

Huminga muna ako ng malalim. Sino ba naman kasing mag-aakala na magtatagpo ulit ang landas namin?

“Aminado akong ako ang nag-aya kagabi pero dahil lang yun sa bugso ng damdamin ko dahil nalaman kong nagchi-cheat sakin ang fiancé ko. At isa pa, hindi ako gaya ng iniisip mo. Hindi ako maghahabol sayo.”

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi ko mawari ano ang iniisip.

“Hindi kita sinundan o ano pa man…”

“Wala akong sinabi na sinusundan mo ko.”

“Inunahan ko lang. Mahirap na.”

He chuckled at pinagkrus ang kamay sa dibdib niya.

“This Ivory Stallion is owned by my family. That’s why I’m here.”

“Ah. Kaya pala nandito si Raizen kasama ng kabit niya… I mean ng kapatid mo.”

Nagtaas siya ng kilay. “She’s not my sister.”

Huh? Pero narinig ko kanina na tinawag siya nitong kuya.

Hindi ba sila magkaano-ano?

“So if that guy is your fiancé then bakit hindi man lang siya kinabahan kanina nang makita ka niya? He even denied you.”

“Because he’s a jerk.” Naiinis na sabi ko. “Kung hindi lang ako pini-pressure ng tito ko na makipagbalikan sa kaniya, wala sana ako dito in the first place.”

Nakakagigil talaga ang nangyari kanina. Tumingin ulit ako sa kaniya, only to find out na amuse na amuse ang mukha niya habang nakatingin sakin.

What is he thinking?

“By the way, hindi mo pa ako nakikilala hindi ba?” inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. “My name is Klare Pagtalunan.”

Wala man lang siya kareact-reaction.

“And you are Peres, right?”

Nalukot ng bahagya ang mukha niya na para bang nagtataka siya bakit alam ko ang pangalan niya.

Kaya bago pa siya mag-isip ng kung ano, inunahan ko na.

“Ah, yung relo mo kasi na naiwan mo sa kama at may Peres Christians na nakalagay doon.”

Doon lang siya napatango. Siguro iniisip niya na stalker niya ko.

“About the money, kinuha ko yun pero di ko ginamit. Ibabalik ko yun sayo. Hindi naman ako bayarang babae.” Kalmadong sabi ko.

Medyo nainis ako nang makita ang pera kanina umaga pero hindi ko naman siya masisisi kung naisip niyang pokp0k ako kasi ako nga ang nag-aya sa kaniya.

“Did I offend you about the money?”

Tumango ako. “Kinda.”

We’ve met sa isang resto bar. Nakainom ako pero hindi naman ako sobrang lasing. I jokingly asked him if he wanted to sleep with me and he agreed.

“Sorry,” he said.

Tumango ako. I’m still thankful to him. He helped me earlier so I guess, quits na kami.

“Anyway, I have to change.” Sabi ko.

Hinagod niya ako nang tingin mulo ulo hanggang paa bagay na ikinalunok ko.

Bakit kailangan pa niya ako tignan ng ganyan?

“Okay… make it faster.” Aniya bago lumabas ng changing room.

Nagbihis na rin ako agad at pagkatapos, lumabas ng cabin para hanapin siya.

Nasa stable siya, hinahaplos ang kabayong puti na dala niya kanina.

Dahan-dahan akong lumapit pero nakita ko yung kabit ni Raizen na tumatakbo papalapit sa kaniya.

Napahinto tuloy ako para panoorin sila.

“Kuya, turuan mo ko mangabayo please…”

Gaya kanina, ipinulupot niya rin ang kamay niya sa siko ni Peres na tinanggal lang ng binata.

“Get out of my way,” malamig na sagot ni Peres dito at lumingon sakin.

Lumapit siya at kinuha ang kamay ko at dinala palapit sa kabayo.

Walang pasabi na bigla niya kong binuhat at isinakay doon.

Napatingin ako sa babaeng kabit ni Raizen, she’s glaring at me.

“Cyrille!” Then I saw Raizen running towards us. But when our eyes locked, his gaze instantly changed.

Na para bang hindi siya makapaniwala na may kasama akong iba.

“Look straight,” Peres coldly said kaya napatingin ako sa harapan.

Kilala ba ni Raizen si Peres? At saka kaano-ano ni Peres yung Cyrille?

Ahhh… Sumasakit ang ulo ko. Kaya imbes na stressin ang sarili, nag-enjoy nalang ako sa horseback riding na ginagawa namin.

Nang pasapit na ang gabi, dinala ako ni Peres pabalik sa cabin niya.

“I’m gonna take shower first. Sabay na tayong magdinner.” Aniya. Tumango lang ako at naupo sa sofa niya.

But while he’s in the shower, nagtext si Raizen.

[Are you not going home? Let’s talk.]

Naikuyom ko ang kamao ko. Tanda ko pa kanina ang pamamahiya niya sakin pero tama siya, kailangan rin namin mag-usap.

Kaya umalis ako na hindi nagpapaalam kay Peres.

Kinuha ko muna ang backpack ko sa cabin ko bago lumabas ng Ivory Stallion Ranch.

Nakita ko si Raizen na naghihintay habang sakay ng sasakyan niya.

“Get inside.”

Pumasok ako ng walang isang salita. Agad niyang minaneho ang kotse paalis.

Probably after 20 minutes nang magsalita siya.

“Paano mo nakilala si Peres?” he asked.

“Naging kaibigan siya ng mga kasamahan ko sa trabaho,” pagsisinungaling ko.

“Do you think maniniwala ako sa kasinungalingan mo?”

“Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala.”

“KLARE!”

“What? Galit ka dahil magkasama kami? Ikaw nga nakipaghaIikan doon sa babaeng yun. May narinig ka ba?”

He is pissed. Namumula ang mukha sa pagsagot sagot ko sa kaniya.

“Fine. Gusto mo gaguhan? Then pwes, let me tell you something. I don’t love you, Klare. You’re no fun. When I’m with you, pakiramdam ko lola ko ang kasama ko. Masiyado kang pabida where in fact, you and your family are leeches na gusto lang s******p sa pamilya ko.”

Napanganga ako… Ako lola? Pabida? Leech?

“Akala mo naman gwapo ka!” Hindi ko na napigilan. “Para lang din malaman mo, hindi ako patay na patay sayo. Wala rin akong pakialam sa yaman niyo. Gaya mo, napilitan lang din ako sa pesteng arrange marriage na to. Ang yabang mo Rai sa totoo lang. Without your family, you’re nothing. Atleast ako, itakwil man ako ni tito at tita, may napatunayan na ako.”

I feel hurt dahil kahit papaano e may pinagsamahan din naman kami. But I cannot stand na tapak-tapakan pa niya ako.

Bigla niyang hininto ang sasakyan.

“Labas!”

Dahil sa pride ko, kahit madilim ang daan at nakakatakot, lumabas pa rin ako.

Agad niyang pinaharurot ang sasakyan, iniwan ako sa madilim na lugar na ito.

Takot ako sa dilim. Wala ring masiyadong taxi ang dumadaan dahil nga malayo sa city ang stable resort.

Naiiyak na tuloy ako mabuti nalang e may nakita akong isang sasakyan na agad kong pinara.

Huminto ito at nagpapasalamat ako na isang babae ang nagmamaneho.

“Pwede po bang makisakay hanggang sa terminal lang po ng bus?”

Ngumiti ang babae at sinabing, “sure miss at yun rin naman ang utos ni sir.”

“Po?” sabi ko kasi parang may sinasabi siya na di ko narinig nang malinaw.

“I said, just get inside at malamig sa labas.”

Tumango ako at nagmamadaling pumasok ng sasakyan niya. Ang weird lang kasi alam kong may narinig akong salitang sir.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 113

    Klare's POVNagmamadali akong lumabas ng coffee shop para lang maabutan si Peres pero nabigo ako. Wala na siya.Kagat kagat ko ang labi ko at nagmamadaling tinawagan siya sa phone niya. First ring, hindi niya sinagot ang tawag ko. Sa ikalawang tawag ay ganoon pa rin. Kung anu-ano na ang pumapasok s

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 112

    Arlo’s POVSome says I’m foolish because I chose love over money—my inheritance. May mga taong naging sarado rin ang utak dahil sa naging kasarian ko. I didn’t choose to be like this, it happened that my heart beat because of someone.I fell in love to a man at wala akong nakikitang problema doon. I

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 111

    “Ikaw yun?” hindi makapaniwalang tanong ko.Ngumiti siya at tumango. He even showed me his phone at totoo nga kasi ang nasa wallpaper niya ay mukha nilang dalawa ni Raizen.“I’m so speechless,” ang nasabi ko nalang at napainom sa caramel macchiato ko ng wala sa oras.Mahina siyang natawa ngunit ramd

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 110

    Ngumiti ako kay Arlo. Ayoko mag-assume na ako ang sadya niya. Baka nagkataon lang nagkita kami dito sa parking area at baka may pasyente pala siyang binibisita ngayon sa hospital.“Hi”“Nagbreakfast ka na ba?”Automatic na nawala ang ngiti sa labi ko. That’s a weird thing to say sa isang stranger.“

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 109

    “PERES?” Hindi makapaniwalang sabi ko. How did he… how did he end up here? Kailan pa?“Bakit nandito ka?”Nalukot ang noo niya. Heto na naman yung expression niya na para bang sinasabi sakin na kahit kailan ang b0b0 ng mga tanungan ko.“I slept here.”“Slept? Pero paano? Kailan? Hindi ba tulog ka na

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 108

    “Natatandaan mo pa ba ako?” tanong ni Arlo. Tumango ako. Ayoko sana magtagal na kausap siya kasi kahit wala si Peres sa tabi ko at hindi niya to nakikita, pakiramdam ko e nagkakasala pa rin ako.“What are you doing here?”“Coffee,” sabi ko at tinuro ang st/rbucks.“I see. You’re with someone?”Umili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status